Kabanata 6. Mag-iingat sa kambal na boss

2012 Words
"Ayaw nila ng na-li-late sa trabaho kaya dapat before seven-thirty ay narito ka na at nakapaglinis. Nakapagtimpla na ng kape nila kapag ikaw ay dumating," wika ni Mrs. Ferry habang seryoso siya sa kaniyang sinasabi. Mabait si Mrs. Ferry at matiyaga niyang sinasagot ang mga tanong ko. Akala ko ay masungit siya dahil wala siyang kangiti-ngiti kanina sa mga labi niya nang dumating na siya para i-briefing ako. Nagkamali ako dahil mabait siya at mukhang madaling pakisamahan kung hindi lang siya magre-resign sa trabaho niya rito. "Opo, tatandaan ko po ang lahat ng iyan, Ma'am. Early riser din po ako kaya wala po silang magiging problema sa akin kapag oras ng pagpasok," magalang ko namang sagot habang sige ako sa paglilista sa aking maliit na notebook. Ayaw na ayaw din ng Ninong Devin ko na-li-late sa trabaho ang kaniyang mga empleyado. Kaya talagang alas-singko pa lang ng umaga ay gising na ako para siguradong natapos ko ang mga ritwal ko sa katawan bago ako pumasok. "Very good, Miss Vinnea. Early riser kasi sila at ayaw na ayaw nila ang nali-late sa trabaho kaya plus points ka kapag nauuna ka sa kanilang pumasok," pumapalakpak na sabi ni Mrs. Ferry na tila tuwang-tuwa sa sinasabi ko. "Nakasanayan ko na po kasi iyan sa dati kong trabaho sa La Union, Ma'am. Ayaw na ayaw din po ng boss ko na na-l-late sa trabaho ang mga empleyado niya kaya naman talagang maaga ako kung pumasok. Kasi kapag na-late ka ng pasok ay automatic na hindi na papapasukin ng guard sa pintuan kahit ano'ng pakiusap mo," pagkukwento ko. Nakita kong nakahinga ng maluwag si Mrs. Ferry sa sinabi ko. "Salamat naman kung ganoon, hija. Ang hirap pa naman maghanap ngayon ng maaasahan na assistant na hindi pasaway. Kaya sana hindi ka magbago habang tumatagal ka rito. May masipag lang kasi sa simula tapos kalaunan ay tamad na at magaling ng sumagot sa boss." Tama siya sa puntong ito. Magsisipag lang para magpa-impress siyempre. Kapag umabot na ng dalawang taon ay lumalabas na ang tunay na ugali at sumasagot na sa boss. Lalo na kapag alam nila na mabait ang boss at hindi basta-basta nagpapatalasik ng empleyado. "Kung hindi lang sana nagkasakit ang Mama ko, hindi naman ako magre-resign sa trabaho lalo na at napamahal na sa akin ang opisinang ito," malungkot na saad ng matanda na kitang-kita ko sa kaniyang mukha ang panghihinayang. Ito ang pinakamahirap na parte bilang empleyado. Ako, nanghihinayang ako sa trabaho na iniwan ko kay Uncle Devin. Sa benefits lang ay tiba-tiba na ako. Pero ang tanga ko kasi dahil nagpadala ako sa aking damdamin. Sa kagustuhan kong maka-move on kay Godofredo, binaling ko sa pagpasok ko sa kumbento ang aking kabiguan. Alam ko na mali ang ginawa ko. Parang ginawa kong panakip-butas ang pagpasok ko roon para makalimot. Heto tuloy at kinakarma ako. Parang gusto ko na namang umiyak nang maalala ko ang sitwasyon ko. Wala sana ako ngayon sa Manila kung hindi dahil sa padalos-dalos kong desisyon. "Trabaho po ang ipinunta ko rito, Ma'am. At masasabi kong maaasahan nila ako sa trabahong ito dahil maganda naman ang naging performance ko sa dati kong trabaho. Sisipagan ko po at iiwasan na magkamali sa aking trabaho para hindi magalit sa akin ang mga boss." "Good luck sa iyo, hija. Mabait na boss si Sir Zeke sa totoo lang. Kaya lang nagpapagaling muna siya sa bahay nila dahil sa kaniyang operasyon. Sa dalawang magkapatid naman wala namang problema basta marunong ka lang silang pakisamahan. Mababait naman sila at galante pa lalo na sa meryenda at kung may okasyon man dito. Mag-iingat ka lang sa kanila lalo na at dalaga ka." "Huh? Bakit po?" Kunwari ay gulat na sabi ko. Alam ko na kung saan patungo ang sinasabi niya. Hanggang dito siguro sa opisinang ito ni Ninong Zeke ay nagkakalat ng kababalaghan ang kambal na manyakis. "May pagkababaero ang kambal. May bali-balita na salitan nilang ginagamit ang mga babaeng natitipuhan nila," mahinang sabi ng matandang babae sa akin sabay lapit sa pinto at nakiramdam. Tila takot na takot itong mahuli na nakikipagtsimisan sa akin. "Hala!" Sabi ko sabay tutop sa aking bibig. May naririnig na akong kwento dati na ganito. Pero hindi naman siguro nila iyon gagawin kung ayaw ng babae. Gaya nga ng sabi ko, mahirap tikisin ang pagiging Adonis ng kambal. Ako nga na-a-attract kahit ayaw ko sana. Double ba naman ang kagwapuhan at ka-macho-han nila. "Totoo iyan, hija. Napakaganda mo pa naman at napaka-sexy. Mukhang may bago na naman silang tatargetin kaya mag-ingat ka," payo ng matanda. "Bakit? May nabiktima na po sila rito?" "Marami…kaya ikaw, mag-iingat ka na huwag mahulog sa karisma nila. Mamaya isa ka na sa naghahabol sa kanila at pabalik-balik dito para makausap at makita lang sila." Nakaramdam ako ng awa sa kwento ng matanda. Ilang babae kaya ang pinaiyak at pinaasa nila? Sa tingin ko ay hindi na mabilang. "Hindi po mangyayari iyan, Ma'am. Trabaho po ang ipinunta ko rito." "Sana nga, hija. Sayang ka kung paglalaruan ka lang nila. You deserve better, iyan ang itatak mo sa isipan mo." Ngumiti lang ako sa sinabi ng matanda. Alam ko naman. Tsaka alam ko ang kara ng kambal na iyon kahit hindi niya ako paalalahan. Pero mabuti na rin na nagkwento siya, at least mas lalo kong ilalayo ang sarili ko sa kanila. Dapat hindi ako papaakit, dapat hindi ako bumigay sa lahat ng mga estratehiya nila para bolahin ako. Teka lang…Mukhang nalihis na kami sa pagbibigay niya ng briefing sa akin. Napunta na kami sa pagtsitsimisan na makakatulong naman sa akin kahit papaano. "Napakwento na ako sa iyo, Miss Vinnea. Baka mamaya ay isipinmong puro tsismis na lang tayo rito," tawa ng matanda na mukhang napuna niya ang kaniyang pagiging madaldal. "Ayos lang po. At least po may ideya na ako sa ugali ng mga boss ko." "Iyan din ang purpose ko kung bakit ako nagkwento sa iyo. Sabagay, nasa sa iyo pa rin naman iyan kung papaloko ka sa kanila. I know you're smart, Miss Vinnea. Huwag kang gagaya sa mga babaeng araw-araw na nagpupunta rito umaasa lang na babalikan at papansinin pa sila ng mga amo natin." "Salamat po sa information, tatandaan ko rin po iyan." "Alright, balik na tayo sa mga dapat mong matutunan…" Nagsimula na muli si Mrs. Ferry sa kaniyang mga habilin sa akin. Nakikinig naman ako ng mabuti sa sinasabi ni Mrs. Ferry habang nagsusulat ako sa aking maliit na notebook. Tinatandaan ko ang lahat ng kaniyang sinasabi at ginagawa ko namang back up ang maliit kong notebook para maging kodigo kung sakaling makalimutan ko ang ilang sinasabi niya. "Tapos si Sir Fire ay gusto sa kape niya ay black coffee, pure walang asukal. Kabaliktaran naman siya ng kakambal niya dahil gusto naman niya ng matamis." "Okay po, I will keep that in mind, Ma'am." Marunong akong magtimpla ng kape basta naituro sa akin ang sukat ng kape at asukal. "Ituturo ko sa iyo ang gusto nila na timpla." "Sige po." Marami pang sinabi sa akin si Mrs. Ferry na tinandaan ko talaga. Inabot na nga kami ng kalahating oras na hindi namin namamalayan. Hanggang sa magpaalam na siya aa akin at sinabi niyang hintayin ko na lang ang mga boss ko dahil pabalik na sila. Naiwan akong mag-isa habang kinakalikot ko ang aking cellphone. Nakalimutan ko pa lang tanungin kay Daddy kung saan ako tutuloy mamayang pag-uwi ko. Kung sa bahay ba ng Ninong Zeke ko o sa condo na binili ni Daddy last year. Hindi naman niya iniwan sa akin ang card kaya paanong doon ako sa condo na binili niya tutuloy? Pwera na lang kung allow akong kumuha ng extra card sa condong iyon. Mabuti na lang at kumasya sa isang malaking maleta ang mga gamit na dala ko. Hindi ako mahihirapan na magbitbit dahil iisa lang ito plus ang shoulder bag na pinaglalagyan ng mga abubot ko at iba pang importanteng mga gamit tulad ng mga alahas, cash at kung ano-ano pa. Ilang minuto rin siguro akong naghintay sa pagbalik ng kambal bago bumukas ang pinto at iniluwa sila. Nagtatawanan ang magkapatid nang sumungaw sila sa pinto ng opisina nila. Natigil lang sila sa pagtatawanan nang mapatingin sila sa gawi ko na abala sa pagtitipa sa cellphone ko. "Kumusta, Vinnea? Marami ka bang natandaan sa mga tinuro ni Mrs. Ferry sa iyo?" tanong ni Kuya Ice na unang humakbang palapit sa kinaroroonan ko. "Opo, Kuya---I mean Sir." "Good. Pwede ka na siguro magsimula bukas?" Tumango ako. "Doon ang magiging lamesa mo, sinabi ba ni Mrs. Ferry?" turo ni Kuya Ice sa table na malapit sa working table nilang magkapatid. Umiling ako. Ang alam ko sa separate room ako magtatrabaho. Kasi iyon ang natatandaan kong narinig ko kay Mrs. Ferry. May sarili siyang tanggapan, tatawagin lang siya rito sa opisina ng CEO kapag may need na dokumento o kung ano. "Oh, she didn't mention to you?" "Yes, Sir. Ang alam ko po kasi ay doon ako sa dati niyang tanggapan." "No, baby---I mean Vinnea." nabulol na sabi ni Kuya Fire na biglang sumingit sa pag-uusap namin ni Kuya Ice. "Dito ka magtatrabaho para lagi ka naming nakiki---I mean para madali ka naming utusan." Natawa si Kuya Ice sa ilang beses na pagkabulol na pagsasalita ni Kuya Fire. Habang ako naman ay napapatikwas ang kilay dahil mukhang may niluluto talaga ang magkapatid na ito. Hindi sila magtatagumpay sa gusto nilang mangyari. Kung madali sa kanila para paglaruan ang ibang babae, huwag ako dahil pinatibay na ako ng tatlong kasawian ko sa pag-ibig. Lalo na at galing pa lang ako sa break up namin ni Godofredong manloloko. Aist! Parang gusto ko na namang magdabog. Kainis talaga ang lalaking iyon! Bestfriend ko pa talaga ang kaniyang pinatulan! "Okay, Sir. Kayo ang masusunod." "Good, mas mabuti na ang nagkakaintindihan tayo." "Madali lang naman akong kausap." "Mas mabuti kung ganoon," sang-ayon ni Kuya Ice na nakita kong pasimple niyang siniko ang kaniyang kapatid na ewanko kung para saan. Malamang dahil sigurp pabor sa kanila ang sinabi ko. Hay naku...galawan ng dalawang ito, oo! "Kung wala ka ng tanong. Let's go home, then..." yakag ni Kuya Fire na agad ng dinampot ang aking maleta at nauna ng lumabas ng pintuan. "Huh? Hindi ako sasama sa inyo pauwi, Kuya---I mean Sir." ''Why?" tanong ni Kuya Fire na natigil sa paglalakad. "Hindi ba sinabi sa iyo ng Daddy mo na sa bahay ka namin titira?" "Ha?" nanlalaki ang mga matang bulalas ko na hindi makapaniwala. Bakit hindi naman sinabi sa akin ni Daddy ito, di sana ay nagreklamo ako kanina para binigay niya sa akin ang susi ng condo. "No way! Ayaw kong tumira sa iisang bahay na kasama kayo Kuya." "Why? Good boy kaya kami." "Kapag tulog siguro, oo." "Iyon na nga ang ibig kong sabihin," sabi ni Kuya Fire na tumawa ng malakas. "Hindi ako nakikipagbiruan sa inyo. Sabi ko na sa inyo, magsusumbong ako kay Ninong." "Heto naman, hindi na mabiro." Inirapan ko si Kuya Fire habang si Kuya Ice ay nakikinig lang sa pag-uusap ng kaniyang kapatid. "Huwag mo kasing takutin, Fire. Mamaya isumbong talaga tayo kay Daddy," wika ni Kuya Ice na kinuha sa braso ko ang aking bag. "Tara na, Vinnea. Gumagabi na at mukhang uulan pa sa labas. Ang hirap pa naman dumaan sa ibang kalsada kapag umuulan kaya tara na bago pa tayo abutan ng ulan." "P-Pero, Kuya...hindi pa naman ako pumapayag na sumama sa inyo sa bahay niyo." "You have no choice, Vinnea. Binilin ka namin ng ama mo sa amin kaya dapat lang na sumama ka sa amin. Don't worry, hindi na kami magbibiro sa iyo ng ganoon ni Fire. Para hindi ka matakot sa amin at pag-isipan mo kami ng masama." "Kayo naman kasi, puro kamanyakan na lang ang ipinapakita ninyo sa akin..Hindi man lang kayo matinong kausap." "Sorry...nakasanayan lang talaga namin. Don't worry, magiging maingat na kami sa mga sinasabi namin simula ngayon," seryosong sabi ni Kuya Ice. "Di ba, Fire?" "Yes, we will." Ngumiti ng matamis sa akin si Kuya Fire. Ako naman ay napaiwas ng tingin dahil ang gwapo lang niyang ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD