Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kambal na magkapatid. Habang nasa sasakyan kami at matulin na umaandar ang sasakyan sa pag-iwas sa malakas na ulan. Lumalakas din ang tahip sa aking dibdib habang palapit kami sa bahay na sinasabi nilang tutuluyan ko na ayon sa kanila ay bilin ng aking ama.
Wala akong nagawa kundi sumunod sa agos. Hindi ko rin alam kung saan ako tutuloy lalo na at gabi na. Bubuhos ang malakas na ulan at baka mapahamak pa ako sa daan lalo na at hindi ko naman kabisado rito sa siyudad.
Tingin ko, hindi naman siguro nila ako gagawan ng masama lalo na at nangako naman sila kanina na aayos na sila sa mga salita nila at hindi na ako bibiruin ng ganoon.
Maniwala ako?
Ano ako bale?
Baka lagnatin pa sila kung talagang mag-b-behave nga sila.
Well, let's see…
Habang nasa daan kami, tahimik lang ang kambal at hindi ko maarok ang iniisip nila. Si Kuya Fire ay nasa harapan at katabi ang driver s***h bodyguard na rin nila. Tapos si Kuya Ice naman ay kasama ko rito sa likuran at abala sa pagtingin sa labas ng bintana. Kanina pa siya ganito simula nang umandar ang sasakyan paalis ng building nila.
Mabuti naman at hindi nila ako naisip kausapin. Baka kasi mamaya ay puro na naman kalibugan ang lumabas sa kanilang bibig ay mas lalo kong ipagpipilitan na huwag tumuloy sa bahay nila.
Iyong batalyon ng bodyguard nila na nakita ko kaninang sumusunod sa amin pababa ng building ay parang mga goons sa laki ng katawan at nakakatakot na mukha. Ni hindi ko nga magawang tingnan sila dahil baka himatayin ako sa takot.
Tsaka bakit kailangan pa nila ng ganoon karaming bodyguard? Tingin ko naman kayang-kaya nilang baliin ang mga leeg at braso ng mga magtatangkang saktan sila. Sa laki ng katawan ng kambal na mukhang alaga sa gym, baka basag ang kamao ng mga mananakit sa kanila dahil sa mga pumuputok na muscles sa kanilang katawan na nakita kong bumabakat sa suot nilang Amerikana. Na kahit medyo maluwag ang tabas ng suot nila ay bumabakat talaga ang laki ng katawan nila. Especially sa bandang dibdib, braso, at binti.
Napaka-yummy nila sa totoo lang kaya naman hindi ko masisi iyong mga babaeng naghahabol at umaasa na mapapansin sila.
Bumuntong-hininga ako ng palihim. Bakit ba ang katangian ng kambal ang madalas kong isipin?
Ilang beses ko na silang pinuri sa aking isipan at hindi na ako natutuwa sa tinatakbo ng utak ko. Kapag ganito nang ganito, malamang mahulog ako sa kanila ng hindi ko namamalayan. Ang bilis ko pa naman ma-fall, sana lang hindi ako tablan ng karisma nila. Lagot ako kapag nahulog ako sa patibong na gawa nila.
Huminga ako ng malalim nang makita kong papasok na kami sa tahanan ng kambal. Pagkatapos bumusina ng driver ay agad na bumukas ang gate at pumasok kami sa napakaluwag na lawn na nadidisenyuhan ng napakagandang landscape. Tapos natuwa ako sa fountain na may iba't ibang kulay ng ilaw sa tubig. Para akong bata na sobrang namamangha dahil napakaganda nito sa paningin.
"Welcome to our home…" narinig kong wika ni Kuya Ice sa malamyos na tono.
"Yes, welcome to our home, Vinnea." Si Kuya Fire naman na ayaw naman patalo sa kaniyang kapatid na tumingin pa sa likuran at simpatikong ngumiti sa akin.
Hinabaan ko kang siya ng nguso. Pansin ko na parang nagpapaligsahan sila sa atensyon ko madalas. Ayaw kong maging assuming pero ito ang napapansin ko sa kanilang dalawa simula pa kanina. Na parang ayaw ng isa na hindi napapansin. Gusto nila ay pareho ko silang balingan ng atensyon ko. Hindi ako nag-f-feeling lang. Pero ito ang napapansin ko sa kanila.
"Welcome to our home?"
Teka…parang may mali sa sinabi nila. Binalikan ko sa isip ko ang sinabi ng magkapatid. Parang may laman ang sinabi nila? Parang pakiramdam ko ay kasama ako sa 'our' na iyon.
Pinagkibit ko na lang ng balikat ito. Our, kasi rito ako titira kasama nila. Iyon marahil ang ibig nilang sabihin.
Well, pansamantala lang naman. Kapag nakausap ko si Daddy at pumayag siya na ibigay sa akin ang card ng condo na binili niya rito sa Taguig, doon na ako pipisan dahil ayaw ko na makasama sa iisang bahay ang malibog na kambal.
Hindi ako safe…kahit hindi naman ako sigurado sa iniisip ko sa kanila. The way they looked and talked to me, sino naman ang hindi mag-iisip ng kung ano-ano lalo na at mahilig sila sa babae.
Sino ang hindi kakabahan. Mag-isa ko lang rito sa kanila. Kahit sumigaw ako ng tulong ay alam kong walang tutulong sa akin.
I know I am not an exception kahit pa tinatakot ko sila na magsusumbong ako sa Daddy ko at Daddy nila oras na gawan ako nila ako ng kasamaan.
Alam ko naman noon pa man na isa ako sa gusto nilang masilo, isa ako sa pinupuntirya nila. Pero dahil bata pa ako noon ay hindi nila magawa ang nais nila.
Binuksan ni Kuya Ice ang pinto sa tapat ko. Agad namang bumukas ang tapat na pintuan ni Kuya Fire at mabilis na lumapit sa kaniyang kapatid kung saan ako palabas. Humawak din si Kuya Fire sa pintuan ng kotse na ikinakunot ko lang ng noo.
Ayaw talagang patalo ng isang ito. Magbubukas lang ng pintuan ay ayaw palamang.
Jusko!
Tila malolokang lumabas ako ng sasakyan at nagmamadali na lumayo sa kanila. Naalibadbaran ako. Ang sarap sana sa feeling kapag pinag-aagawan ang atensyon mo. Nakakakilig, nakakataas ng confidence, at nakakatuwa. Pero kung sa kanila lang, huwag na…I know what they are up to. Iyon ang dapat kong iwasan.
Kaagad na binati kami ng mga katulong na nakahilera sa loob ng bahay nang pumasok kami. Nagtataka man kung bakit ganito sila ka-effort na batiin at abangan ang pag-uwi ng mga amo nila. Hindi na ako nagtaka dahil baka ganito ang patakaran ng kambal. Mga piling hari ang mga walanghiya. Hindi man lang nila tinapunan ng tingin at binati pabalik ang mga katulong na nakayuko ang ulo habang dumadaan ang mga don.
Ako itong matiyaga na bumati at kumaway sa mga katulong. Parang artista lang ang aking peg dahil may pangiti-ngiti pa ako sa kanila.
Nahuli pa nga ako ni Kuya Ice sa ginagawa ko na tinawanan lang niya.
Pakialam ba niya?
Friendly lang talaga ako kahit kanino. Sobrang bait kaya siguro ako palaging naloloko.
Ay…parang gusto ko ng sakalin sa isip ko at patayin si Godofredo. Lagi na lang sumasagi sa akin ang kabalbalan nilang dalawa ng bestfriend kong haliparot na mang-aagaw.
Magsama sila! Sana hindi na mabunot kapag bumaon si Godofredo sa haliparot na babaeng iyon!
Napa-sign of the cross ako sa kasamaan na nasa isipan ko. Huling-huli naman ako ni Kuya Ice na bahagyang natawa habang weird na tinitingnan ako.
"Grabe ka naman kung makapagdasal diyan, Vinnea. Tingin mo mga demonyo kami na nakapaligid sa iyo?" tawa niya habang naglalakad kami papasok ng kanilang kabahayan.
"Oo, demonyong nag-anyong tao," sabi ko kahit hindi naman ito ang dahilan kung bakit ako napa-sign of the cross. Pero mabuti na rin malaman niya na ito ang tingin ko sa kanilang magkapatid.
"Sumusobra ka naman, Vi. Ang gwapo namin, hot, at masarap sa—" kaagad na tinakpan ni Kuya Ice ang bibig ng kaniyang kapatid at pinanlakihan niya ito ng mga mata. Narinig ko pa na sinabihan niya ito ng mag-behave na tinawanan lang naman ng huli.
"Alam niyo mga Kuya, kinakabahan nga ako rito sa laki ng bahay niyo," komento ko habang ginagala ko ang paningin sa loob ng bahay nila. Nakakapagod sa totoo lang ang lakarin, kailan ba kami makakarating sa sala? Gusto ko ng maupo at ipahinga ang paa kong ngawit na sa suot kong sapatos. Pakiramdam ko namamalatos na ang mga daliri ko sa paa.
"Bakit naman? Ang ganda kaya ng bahay namin, ang laki at ang lawak. Kasya sa isang masayang pamilya na gustong magkaroon ng maraming anak," nakangiting saad ni Kuya Fire na kumindat sa akin.
Parang may meaning ang sinabi ni Kuya Fire na hindi ko na-gets kaya heto at makangisi siya sa akin ay parang naisahan nila ako.
Ako naman ay parang masasamid nang ngumiti naman sa akin si Kuya Ice na ewan ko kung bakit. Wala naman siyang sinabi ngunit parang may gustong iparating sa akin ang mga ngiti niyang iyon.
Tss!
Masama talaga ang kuton ko sa dalawang ito!
Bukas na bukas ay tatawagan ko si Daddy. Hihiling ako na huwag ako rito tumuloy. Pakiramdam ko, gabi-gabi akong gagapangin ng magkapatid ng palihim kapag hindi pa ako umalis.
"Kasi, kahit magsisigaw ako rito at takasan kayo, tingin ko hindi agad ako makakalabas ng bahay ninyo kapag naisipan ninyo akong gawan ng masama. Dito pa lang sa lawak ng nilalakaran natin ay pagod na ako. Kailan ba tayo makakarating sa paroroonan natin?"
Humagalpak sa tawa ang magkapatid. Natigil tuloy ako sa paghakbang at weird na tiningnan sila.
"Grabe naman ang imahinasyon mo, Vinnea..." komento ni Kuya Ice
"But come to think of it, Ice...what if, tuparin natin ang gustong mangyari ni Vinnea?" turan ni Kuya Fire na tila nakangisi na tila demonyo sa akin.
Napaatras naman ako sa aking narinig at tiningnan ang gawi ng pinto kung nasaan ito.
Putek!
Nasaan ang pinto?