Kabanata 5. Hindi tayo crush ng crush natin.

1718 Words
"H-hindi ako nakikipagbiruan sa inyong dalawa. Kaya kung wala kayong matinong sasabihin sa akin ay tatawagan ko na lang si Daddy. Pababalikin ko siya rito para kunin ako at iuwi na lang ng La Union," walang kangiti-ngiting sabi ko habang nakatingin ako ng masama sa magkapatid na ilang dipa lang ang layo sa akin. Nakita ko ang pagkunot ng noo nila sa sinabi ko. Nagkatinginan silang magkapatid at tila nag-usap saglit sa pamamagitan ng kanilang mga mata. Naging alerto naman ako kung may gagawin silang masama sa akin. Umatras ako ng dahan-dahan patungo sa pintuan at naging alerto ako sa kilos nila. Aalis na lang ako kung ganitong tila may binabalak silang masama sa akin. Tatawagan ko talaga si Daddy, sasabihin ko sa kaniya na hindi ako safe sa magkapatid na malibog na ito. Bahala na kung magalit siya sa akin. Huwag lang akong maiwan dito kasama ang dalawang malibog na 'to. "Binibiro ka lang namin, Vinnea. Sorry kung na-offend ka namin," mababa ang tonong sabi ni Kuya Fire. Pinanlakihan ko naman siya ng aking mga mata. "Joke lang iyon? Sure ka, Kuya Fire?" Hindi makapaniwalang sabi ko. "Lantaran niyo na akong minamanyak na magkapatid kanina, ah! Tapos sasabihin mo, biro lang?" sabi ko na masama pa rin ang aking timpla. Joke lang pala iyon sa kanila? Pwes! Hindi nakakatuwa at hindi nakakatawa ang joke nila. Binabastos na nila ako ng harapan. May paungol effect pa nga si Kuya Ice kanina nang magsalita siya tapos sasabihin nila sa akin na joke lang. Oh, c' mon! Sino ang niloko nila? Hindi ako bata para paikutin nila ang utak ko at paglaruan sa palad nila! Alam kong hindi biro iyon. Sinusubukan nila ako kung kakagat ako. Pwes! No way! "Sorry, Vi…" si Kuya Ice na tila hiyang-hiya sa sinabi ko. Habang ang kambal naman niya ay nakatanga lang sa akin at namamangha sa katabilan ng aking bibig. Alam naman nila kung gaano ako kaprangka na magsalita. Talagang babarahin ko sila oras na hindi ko nagustuhan ang lumabas na salita sa kanilang bibig. Mahinhin akong kumilos ngunit walang preno ang aking bibig lalo na sa tingin ko ay inaagrabiyado ako. "Pasensiya na kung hindi namin naisantabi ang kapilyuhan namin ni Fireon sa iyo. Dapat nag-ingat kami sa mga salita namin. Nakasanayan na kasi namin ang ganito rito lalo na at narito tayo sa city. Mas grabe pa nga iyong mga colleague namin kung magsalita sa totoo lang. Pero dapat talaga hindi kami ganoon nakipag-usap sa iyo kahit biro lang naman sa amin iyon." "Hindi magandang biro iyon, Kuya Ice. Ano ngayon kung ganoon ang nakasanayan ninyo dito? Hindi ibig sabihin ay ganiyan na kayo makipag-usap sa akin. Isusumbong ko kayo kay Ninong kapag ginawan ninyo ako nh kabalbalan! Babae ako at kinakapatid niyo pa! Tsaka sigurado kayo na biro lang iyon? Para kasing may binabalak kayong masama sa akin kung makatingin kayo kanina," hindi na nagpaligoy-ligoy na sabi ko. Paprangkahin ko sila kahit mapahiya pa sila sa mga sinasabi ko. Mas maganda na iyong magkalinawan kami. Hindi iyong pinagloloko nila ako dahil hindi sila makakaisa sa akin. Hindi ako pumunta rito para magsilbi nilang laruan sa mga pantasya nila. Narito ako para magtrabaho gaya ng gustong mangyari ni Daddy. Nakita kong namutla ang magkapatid sa banta ko. Hindi nila alam kung paano nila ako kakausapin lalo na at kita nila sa mukha ko sa kaseryosohan ng sinabi ko. Sabi ko nga, maling galaw lang ng palad niya ay lagot sila sa Daddy at Ninong ko. Huwag nila akong igaya sa mga babaeng dumaan sa palad nila. Magsusumbong talaga ako oras na maisipan nilang paglaruan ako! "Biro lang iyon, Vinnea. Ikaw naman, masyado kang seryoso sa buhay. Huwag mo na lang masyadong seryosohin ang sinabi namin. Masasanay ka rin sa amin—I mean…come on, be seated. Relax ka lang, maupo ka na muna riyan at tatawagin namin si Mrs. Ferry para i-guide ka sa mga gagawin mo rito sa opisina namin," tarantang sabi ni Kuya Fire na halatang kabado sa mga sinabi ko. Dapat lang na kabahan sila. Alam naman ng kanilang ama ang ugali ng kaniyang kambal. Laganap nga sa lugar namin ang tsismis sa kanila noon lalo na at hindi lang limang babae ang naghahabol sa kanila na kesyo nabuntis raw nila at pinangakuan ng kung ano-ano. So far, matinik ang kambal na ito. Hindi sila masilo kaya siguro hanggang ngayon ay binata pa rin sila at puro laro pa rin ang nasa isip. Sinunod ko naman ang sinabi ni Kuya Fire at naupo sa sofang malayo sa kanilang dalawa. Nasa pinakadulo ako habang sila ay nakatayo ilang dipa ang layo sa akin. Mahirap na, nag-iingat lang ako. Baka gamitan nila ako ng charm nila eh bumigay ako sa kanilang dalawa. Nakita ko si Kuya Fire na sinensyasan ang kaniyang kakambal. Kaagad namang tumalima si Kuya Ice at mabilis na nag-dial sa telepono. Maya-maya lang ay may kausap na si Kuya Ice sa telepono. Malamang ito iyong sinasabi niyang mag-guide sa akin para alam ko ang aking gagawin. Madali lang naman akong matuto. I'm sure puro paper works lang naman ito. Maglilista ako ng mga appointment nila at ie-schedule ito sa libreng oras nila. Sasama rin ako I'm sure sa mga conference meeting nila para mag-take down notes. Ito ang karaniwan sa trabaho ng isang assistant s***h secretary na rin. Gamay ko na ang ganitong trabaho kaya alam kong makakapag-adjust din naman ako mg mabilis. Business Management talaga ang kursong kukunin ko dapat. Ito ang gusto ni Daddy dahil gusto niya na isa ako sa mamahala sa mga negosyo niya na maiiwan niya balang-araw sa amin ng mga Kuya ko. Pero ayaw ko, isa pa. Magiging walang kwenta din ang pinag-aralan ko kapag nakahanap siya ng lalaking ipapakasal sa akin. Kaya naman pinagpili niya ako ng kursong gusto kong kunin. Ganiyan ka-advance si Daddy mag-isip. Pinapangunahan na niya ang buhay ko. Pasalamat siya at nahuli nila ako ni Mommy bago pa ako pumasok sa kumbento, kung hindi, hindi matutupad ang pangarap niya na makapangasawa ako ng mayaman para mapalawak ang sakop ng aming ari-arian. "Okay, we will wait for you here." Narinig kong sabi ni Kuya Ice sa kabilang linya bago niya ibinaba ang telepono. Pagkatapos ay naramdaman kong tumingin siya sa gawi ko kaya naman napatingin ako sa gawi niya at tinaasan siya ng isang kilay. "Papunta na rito ang assistant s***h secretary namin na papalitan mo. I-b-briefing ka lang niya today at bukas ka niya ite-train sa mga maging trabaho mo bukas dito," wika ni Kuya Ice kahit hindi naman ako nagtatanong. "Okay, S-Sir…" sagot ko. Dapat i-address ko sila ng ganito kapag narito kami sa loob ng opisina nila. Pansamantala ko silang magiging boss kaya dapat lang na maging magalang ako sa kanila. Tsaka mukhang naiilang sila sa pagtawag ko sa kanila ng kuya at paggamit ko ng po bilang paggalang. Mas maigi na siguro ang Sir dahil hindi naman nag-react ang magkapatid ng sabihin ko ito. "Good. She will be here any minute. For now, magbasa ka muna ng mga magazines diyan dahil may pupuntahan lang kaming meeting." Napatingin ako kay Kuya Fire na inaayos ang kaniyang kurbata. Habang ang kambal naman niya na si Kuya Ice ay sinusuot na ang kanyang coat. Hindi ko tuloy napigilan na mahigit ang aking paghinga nang makita silang nag-aayos ng kanilang mga sarili. Napaka-macho lang at napakagwapo ng dalawang ito sa kanilang suot. Typical na itsura ng isang bilyonaryo na galing sa loob ng libro at hinugot sa isang mala-fairytale na kwento. Hays…ang sarap sana nilang pangarapin ngunit nakakadismaya lang ang pagiging bulgar ng kanilang bibig. Ayaw ko sa mga lalaking sobrang landi at kung sino na ang nakalantari. Gusto ko birhen din katulad ko. Birhen mula ulo hanggang paa. Ngunit alam kong imposible ang hinahanap ko sa panahon ngayon. Ako nga, baka ako na lang ang nag-iisang birhen dito sa Manila lalo na at liberated na ang halos tao rito, mapabata man o mapamatanda. "Laway mo, Vi. Pakipunas at baka tumulo." Natatawang tudyo ni Kuya Fire sa akin na hindi ko namalayan na napatagal na ang titig ko sa kanila. Agad naman akong napakurap-kurap at pekeng tumikhim habang namumula ang pisngi na umiwas ako ng tingin sa kanila. Nakakahiya! Kung ano-ano ang binibintang ko sa kanila kanina pero ako naman itong lantaran na naglalaway sa kanila. Kung bakit naman kasi napakaswerte ng dalawang nilalang na 'to, mayaman na gwapo pa! "Ang gwapo namin ano? Sino ang crush mo sa aming dalawa?" tanong ni Kuya Fire na hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa aking inuupuan. Nakapamulsa siya sa harapan ko habang simpatikong nakangiti. "Hulaan ko, dalawa kami dahil kambal kami," sabi niya. Ang feeling talaga ng lalaking ito. Sabagay, totoo naman. Kaya lang siyempre, hindi ako aamin na crush ko sila. "Wala akong crush sa inyong dalawa. Kaya pwede ba, huwag kayong umasa na magkakagusto ako sa inyo," sabi ko sa kunwari ay bored na tinig para bumawi sa aking pagkapahiya kanina. "Awwwww!" Reklamo ni Kuya Ice sabay sapo kunwari sa kaniyang nasaktan na damdamin. "Lahat ng babae ay nagkaka-crush sa amin, tapos ikaw hindi? Nagsisinungaling ka, Vinnea. I saw how you admired us." Napalunok ako sa sinabi ni Kuya Ice ide-deny ko na sana ang sinabi niya nang madaramang sumabat naman si Kuya Firee. "Aray! ang sakit naman," reklamo naman ni Kuya Fire na ginaya ang ginawa ng kaniyang kapatid. "Basted na tayo agad, Ice." Pinaikot ko na lang ang mga mata ko sa taas. Ang O-OA ng dalawang ito. "Ayos lang kung hindi tayo crush ng crush natin, Fire. At least, tayo crush natin siya," wika ni Kuya Ice na nagpalaki ng mga mata ko sa gulat. Ako? Crush nila? Ngumisi lang siya sa naging reaksyon ko sabay kindat sa akin pagkatapos. Sumimangot ako. Dapat hindi ko ipakita na affected ako. "Right," nag-thumbs up naman si Kuya Fire sa sinabi ng kapatid sabay ngisi ng makahulugan sa akin. Ako naman ay nanghaba ang nguso habang iniirapan silang magkapatid. Alam kong pinagtitripan lang nila ako. Kapag sinakyan ko sila I'm sure gagawin nila itong daan para mapaikot ako. "See you later, crush..." wika ni Kuya Fire. "Pakihintay na lang si Mrs. Ferry, on the way na siya," wika ni Kuya Ice bago siya tuluyang makalabas ng opisina nila. Nakahinga ako ng maluwag nang maiwan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD