"Nakahalik ka ba, Fireon?" tanong agad sa akin ni Ice the moment na lumabas ako sa kwarto ni Vinnea. Nakita ko siyang naghihintay sa labas ng kwarto ni Vinnea at mukhang inaabangan niya talaga ang paglabas ko.
Nakasandal siya sa dingding at nasa loob ng kanyang bulsa ang kaniyang mga kamay. Halatang kanina pa yata siya nag-aantay dito dahil kita sa kaniyang mukha ang matinding pagkainip.
"Hindi, Ice. Hindi ako nagpumilit na maka-first base dahil alam kong magseselos ka," sagot ko habang humahakbang palapit sa kaniya.
"Mabuti naman at alam mo. Hindi ka pwedeng makapag-first base sa kaniya na wala ako," wika ni Ice sa masayang tono. Kanina ay ang tamlay niya nang makita niya akong lumabas ng kwarto ni Vinnea. Akala yata niya ay tinatraydor ko na siya. Na sinosolo ko si Vinnea at hindi ipinapaalam sa kaniya ang mga nasa isip ko.
Kahit gustuhin ko man na lamangan siya, nakokonsensiya naman ako dahil ayaw ko namang isipin niya na traydor ako. Na palihim akong dumidiskarte para lang mapalapit ang loob ko kay Vinnea.
Kambal kami at alam kong ramdam niya kapag may ginagawa ako na gusto kong ilihim sa kaniya. Kaya naman hindi ako nagtangka kahit kailan na sumubok dahil alam kong hindi ko rin siya matitiis. Magkarugtong ang pusod namin kahit ano ang mangyari at kahit kailan ay hindi ko siya nais na lamangan sa puso ni Vinnea. Dapat pantay lang kami palagi. Dapat lagi kong isipin ang mararamdaman ng kakambal ko.
Hindi ako nakahalik kay Vinnea kahit sa pisngi lang. Hindi na ako nagpumilit pa dahil baka matakot siya sa akin at maisipan pa niyang lumipat ng tirahan. Baka mamaya ay mahirapan na kaming ibalik siya rito ni Ice.
Nagsisimula pa lang kaming suyuin siya at sana naman matupad ang nais namin ng aking kakambal.
"Kanina ka pa nakamasid sa amin ano? Bakit hindi ka lumapit?"
"Yeah…but I want to test you, Fireon. Tinitingnan ko kung magtatraydor ka ba sa akin o hindi."
Napalatak ako sabay mahinang napabulalas. "I knew it! Sabi ko na nga ba kaya hindi ako makadiskarte ng maayos kay Vinnea dahil nakamasid ka. Alam mo naman pala na hindi ako nakahalik, tapos kung makasita ka sa akin ay parang nakahalik ako sa kaniya," nakasimangot na saad ko.
Sabi ko na nga ba! Nakasunod siya sa akin kanina pang paglabas ko ng kwarto ko. Ramdam ko na gising siya at nakikiramdam lang kung may gagawin akong kabalbalan kay Vinnea if ever. Kaya pala gusto niyang makitulog sa kwarto ko. Gusto niyang bantayan ang mga kilos ko!
"Umalis na ako bago pa ako makita ni Vinnea. Matatakot siya sa atin kapag nakita niya ako. Tsaka ikaw, hinay-hinay ka nga sa mga galaw mo. Tinatakot mo siya eh, mamaya magpumilit siyang umalis dito. Paano na? Paano natin ilalapit sa kaniya ang loob natin kung ganiyan na kumikilos ka na hindi nagsasabi sa akin..." sermon ni Ice sa akin na halatang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko kanina. Nagseselos lang ito alam ko. 'Di bale, hindi na mauulit. Hindi na talaga dahil ayaw kong ito ang maging dahilan ng aming hidwaan.
"Sorry, my twin. Hindi naman ako nagpumilit. Tsaka naalala kita, Ice. Nakonsensiya ako. Kaya kung hahalik man ako sa kaniya ay dapat naroon ka rin para sabay tayong hahalik sa kaniya," wika ko bilang pagpapalubag loob sa nararamdaman niya. Mukhang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.
Hindi ko naman siya tatraydurin ngunit kanina ay muntik na akong ma-tempt na pwersahin na makahalik kay Vinnea. Hindi ko mapigilan lalo na at ang tagal naming hinintay ang pagkakataon na makalapit sa kaniya.
Hindi naman talaga ako baba kanina ngunit bigla akong kinabahan na baka may madulas sa mga katulong eh mabunyag pa ang isang lihim na hindi niya dapat pang malaman sa ngayon. At ayon na nga, muntik nang madulas si Manang Rowena. Mabuti at nakaabot pa ako kung hindi, naku! Papalpak ang mga plano namin ng mga magulang namin.
"Mabuti na ang nagkakalinawan tayo, Fireon. Huwag mo siyang sosolohin dahil hati tayo sa kaniya."
"I know, my twin brother. Patawarin mo ako kung masyado akong nagiging mapusok. Alam mo naman na gigil na gigil na ako sa kaniya noon pa man."
"Pigilan mo. We should we wait until she is ready. Masisira lahat ng plano natin kapag gumawa ka ng hakbang na hindi muna sinasangguni sa akin. Tsaka dapat sabay tayong kumilos, hindi iyong sinosolo mo ang diskarte. Parang gusto mo pa akong lamangan. Ikaw na nga ang vi-virgin sa kaniya, pati first kiss ay mukhang gusto mong ikaw pa ang mauna. Pwede, hinay-hinay lang? Nasa poder na natin siya, huwag ka namang maging atat!"
Tumango-tango ako sa sinabi ni Ice. Somehow nakadama ako ng hiya sa sinabi niya.
Napagkasunduan namin na ako ang bibirhen kay Vinnea. Ayaw niyang saktan ito kaya ako ang unang gagalaw sa kaniya. Sa first kiss, sa kaniya na nga iyon kahit gigil ako na makahalik sa labi ni Vinnea. Lamang na ako kung tutuusin dahil ako ang gusto niyang gumalaw sa birhen na katawan ni Vinnea.
Dapat noon pa namin ito ginawa sa totoo lang. Edad ang unang rason kung bakit iniwasan naming lumapit kay Vinnea noon pa man. Sabi ng Daddy niya ay hintayin namin siyang magdalaga at mag-mature. Gustong-gusto naming dumiskarte sa kaniya noon pa man para mapalapit sa kaniya habang nagdadalaga siya pero dahil bata pa siya noon ay iniwasan namin siya. Ang layo ng agwat namin sa edad sa totoo lang kaya kahit gusto namin siyang hawakan ni Ice at ikulong sa mga palad namin noon, hindi naman namin magawa dahil iniisip namin na magpupumiglas siya at baka mas lalong hindi matupad ang gusto ng mga magulang namin.
Kaya naman hanggang tanaw lang kami sa malayo ni Ice. Wala rin kaming nagawa nang magkagusto siya sa iba. Gumawa kami ng paraan para malayo siya sa mga lalaking iyon. Nagawa namin ngunit kami ang nasasaktan kapag nakikita namin siyang malungkot at umiiyak.
Isa pa, sabi ni Daddy at Daddy niya ay maghintay kami ng tamang pagkakataon.
Heto na iyon kaya hindi na namin siya pakakawalan.
Kasabwat namin ang mga magulang namin sa totoo lang. Hindi ito dapat malaman ni Vinnea dahil baka mas lalo siyang mamuhi sa kaniyang ama lalo na at nilayo siya sa kumbento kung saan ay gusto niyang ialay ang kaniyang buhay.
Nag-panic kami ni Ice nang malaman namin ito kay Daddy Nathan na ama ni Vinnea. Imbes na hahayaan pa namin siyang maging malaya at mag-explore pa sa buhay dahil kontrolado naman namin ang lahat. Nagbago na ang isip namin, hidi na dahil baka mawala siya sa amin nang tuluyan kapag pumasok siya sa kumbento.
Nakabantay kami sa bawat galaw niya kahit narito kami sa Manila at hindi nagkukrus ang landas naming tatlo. Pero matinding kalaban ang Diyos kaya naman sinabi namin kay Daddy Nathan na dalhin na siya sa Manila, rito sa amin sa Taguig si Vinnea para malayo sa tukso sa pagpasok niya sa kumbento.
Nakakainis lang ang rason niya kung bakit niya gustong pumasok doon. She is broken-hearted with that f*****g useless guy! Hindi naman gwapo ang animal pero mukhang minahal siya ng totoo ni Vinnea at ito ang ilang araw na namin na pinagdidiskusyunan ni Ice. Dapat daw hindi na namin pinaabot ng tatlong buwan ang relasyon ni Vinnea sa lalaking iyon. Dapat unang buwan pa lang ay gumawa na kami ng paraan para siraan ang lalaking iyon sa kaniya
Pinalabas namin na magtatrabaho siya rito sa amin pero ang totoo, ito na iyong way na hinihintay namin para matupad ang gusto naming magkapatid.
Kaya lang sira ang imahe namin sa kaniya. Ang daming maling tsismis na umaabot sa kaalaman niya. Hindi totoo ang mga iyon at never kaming gumawa ng ganoong klase ng kabulastugan dahil kahit kailan ay hindi namin siya magagawang ipagpalit sa iba.
Oo tumitikim kami ng babae. Normal lang iyon sa edad namin ng mga panahong iyon dahil gusto naming mag-explore. Pero puro one-night stand lang iyon. Wala naman kaming sineryosong babae dahil siya ang hinihintay namin siya ang gusto naming pag-alayan ng pag-ibig namin.
Alam ko hindi normal itong relasyon na gusto namin ng kapatid kong si Ice. Pero iisang babae ang tinitibok ng puso namin simula pa noon.
Malaking usap-usapan ito kung sakali gaya ng sabi ni Mommy Nayeli. Baka itakwil kami ng mga kamag-anak namin. Nakiusap siya sa amin noon na isa lang ang dapat makatuluyan ni Vinnea sa amin. Ngunit walang gustong magparaya sa aming dalawa.
Tsaka hindi pa ba sanay sa eskandalo si Mommy? Naging mali rin naman ang relasyon nila ni Daddy noon. Ilang taon din silang nagkahiwalay bago naayos ang gulo sa pamilyang kinabibilangan namin.
Ito ang nais naming ipaintindi sa kaniya. Alam naming mali at immoral ito ngunit sana maintindihan niya kami dahil pinagdaanan din nila ni Daddy ang ganito.
"Okay, I will always keep that in mind, my twin."
"Tss! Halika na nga, matulog na tayo bago pa tayo marinig ni Vinnea na nagdidiskusyunan dito."
"Mabuti pa nga, tara na."
Humakbang ako papasok sa kwarto ko ngunit nagtaka ako nag makita ko si Ice na pumasok din sa kwarto.
"Dito ako matutulog. Period."