Kabanata 11. Nagpapaligsahan ang kambal.

1502 Words
Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong maliit lang ang eyebags ko na nakita ko sa salamin. Thank God! Maliit lang ang eyebags ko. Pwede ko na itong itago using concealer. Kahit nga siguro foundation na lang ay matatakpan naman since skin tone naman ang ginagamit ko. Nang magising ako ay itong mukha ko agad ang sinuri ko sa salamin dahil baka nangingitim ang palibot ng mga mata ko. Ayaw kong magmukhang panda kaya naman dali-dali akong bumangon nang tumunog ang alarm ko at agad na tinungo ang banyo. Halos dalawang oras lang kasi yata ang tulog ko. Hindi ako makatulog dahil binantayan ko talaga ang pinto ko kung bubukas ito at gagapangin ako ng kambal. Si Kuya Fire kasi, kasalanan niya kung bakit mas lalo akong napuyat. Namamahay na nga ako, dinagdagan pa niya ang dahilan para magpuyat ako. Kinabahan ako ng husto sa hiling niya sa akin na halik. Akala ko ay ipipilit niya ang gusto niya. Sobra na akong kinakabahan at naghahanda na akong abutin ang lampshade para ibato sa kaniya nang bigla siyang lumayo sa akin at tumatawa na nag-peace sign sabay sabi ng... "Sorry... biro lang, baby. Maiwan na kita, sleep tight." Bintiwan ko ang lampshade. Akala ko totoo na, binibiro lang pala niya ako na labis kong ikinayamot ng husto! Gusto ko siyang murahin at batuhin ngunit ang nasabi ko na lang ay... "Out! Get out!" gigil kong sigaw na halos lumabas na ang mga litid ko sa aking leeg. Wala na akong pakialam kung sabihin niyang nasa pamamahay nila ako. Umayos siya dahil kahit nasa pamamahay nila ako, hindi ako mangingiming magbasag ng gamit dito para lang bato sa kaniya. Hindi magandang biro iyon na parang tinatakot niya ako. Konting-konti na lang talaga, magsusumbong na ako kay Daddy! Bakit ba ang hilig nilang magbiro ng ganoon? Hindi magandang biro iyon lalo na at puro kamanyakan na lang ang lumalabas sa bibig nilang magkapatid. Mas maganda kung maging seryoso naman sila sa pakikipag-usap sa akin kapag kaharap nila ako. Sa iba na lang sila magbiro ng ganoon at baka sakaling matuwa pa ang mga babaeng nagkakagusto sa kanila. Naiilang ako sa totoo lang. Kung sanay sila na ganoon magsalita noong wala pa ako sa poder, sanayin nila ang sarili nila ngayon na maging matino kausap at huwag na lang puro kabastusan ang lumalabas sa kanilang bibig. Kung hindi pa rin nila babaguhin ang ganitong pakikitungo nila sa akin. Maybe it's time for me to look for a condo to rent on. Tapos sa trabaho, iiwasan ko silang makausap ng ganito. Dapat pure work lang ang magiging usapan namin. Kapag hinaluan nila ng kung ano ay saka ako magpapasya na kausapin na lang sina Daddy at Mommy na sa iba na lang ako magtrabaho. And if they asked me why, I will tell them that I don't like to work with the twins, I will tell them the truth of course. Hindi ako magpapaligoy-ligoy pa dahil nanganganib ako sa mga kamay nila lalo na at marupok ako. Ayaw kong maging laruan ng kambal kaya ako na ang gagawa ng paraan para makaiwas. "Hey...binibiro lang naman kita. Sorry na, hindi na mauulit..." sabi ni Kuya Fire na biglang sumeryoso at tila nag-panic sa galit sa boses ko. "Hindi na talaga mauulit dahil aalis na ako rito! Tatawagan ko si Daddy ora mismo! Babalik na ako ng La Union!" Umalis ako sa ibabaw ng kama at padabog na hinanap ang bag ko habang masama ang tingi ko kay Kuya Fire. Nakita kong namutla naman si Kuya Fire. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin lalo na nang tumayo ako at hinanap ang cellphone ko. Ida-dial ko na sana ng numero ni Daddy nang mabilis siyang lumapit sa akin at hinablot ang cellphone ko. "Sorry na...pangako...hindi na kita bibiruin ng ganoon, Vinnea... Huwag mo ng tawagan ang Daddy mo, pagod din iyon sa biyahe at baka tumaas pa ang presyon ng dugo niya kapag sinabi mo ang ginawa ko," natatarantang sabi ni Kuya Fire. "Madali lang naman akong kausap, Kuya Fire. Pero sana naman huwag ganoong biro...huwag mo naman akong ihanay sa mga babaeng nagkakandarapan sa harapan ninyo ni Kuya Ice na gustong-gusto kapag minamanyak ninnyo at para lang mahalikan ninyo. Hindi ako katulad nila. Igalang mo naman ang p********e ko," sabi ko sa tonong inis na inis. Alam nilang lumaki ako sa mga pangaral ng mga ninang kong madre at sa makalumang estilo ni Mommy ko na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin. Kahit biro iyon sa kaniya tingin ko ay balak niyang totohanin. Kaya naman binantayan ko ang pinto ko para makasiguro ako na safe nga ako subalit hinila naman ako ng antok kaya hindi ko na namalayan kung pinasok ba ako o hindi. Maybe not, mararamdaman ko naman kung may ginawa sila sa akin. Sinuri ko ang buong parte ng katawan ko nang maligo ako. No marks, ibig sabihin hindi nila ako pinasok. Nakahinga ako ng maluwag. "Sorry...yes, I will. Hindi na ito mauulit...sasabihan ko rin si Ice..." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Natuwa ako dahil nakita ko ang kaseryosohan sa boses niya. Ngunit nawala ang katuwaan sa puso ko nang marinig ko ang dinugtong niya bago niya binitiwan ang palad ko at tumalikod para umalis. "Pero kapag nahulog ka sa amin...kapag gusto mo ng halik...I am willing to give it to you, baby..." Duhhh! No way! "Hindi ko kayo papatulan , Kuya. Kaya pakiusap lang, huwag ka ng mangarap." "We will see..." "Talaga!" Pagbaba ko ay nadatnan ko na ang kambal na nasa harapan ng hapag-kainan. Hindi pa sila nagsimula sa pagkain at mukhang hinihintay nila ako. Nagbabasa ng diyaryo si Kuya Ice samantalang si Kuya Fire naman ay may ka-text yata sa cellphone niya. "G-good morning," bati ko para ipaalam ang presensiya ko. Mukhang nauna pa talagang nagising ang mga boss ko sa akin. Paano na ito? Dapat nakaalis na ako rito para sa trabaho ko sa opisina habang naghihintay sa pagdating nila. Di bale, isisingit ko na lang mamaya sa kanila ang humingi ng paumanhin tutal, maiintindihan naman siguro nila kung palpak ang first day ko. Hindi ko naman siguro kasalanan kung nawala sa isip ko na magtanong sa kanila kahapon lalo na at medyo cloudy ang isip ko dahil sa biglang pagpapatapon ni Daddy dito sa akin kahapon. "Good morning too, Vinnea." Si Kuya Ice na mabilis na tinupi ang diyaryong kaniyang binabasa. "Good morning too, " bati rin ni Kuya Fire sa akin na binitiwan agad naman ang kaniyang cellphone at ngumiti ng matamis sa akin. Inignora ko naman ang pagpapa-cute nila at agad na pumwesto na ako sa upuan na inupuan ko kagabi. Ngunit bago pa ako makalapit sa upuan ay sabay na tumayo ang magkapatid at sabay na humawak sa likuran ng upuan at hinila ito. Umawang ang labi ko sa labis na gulat. Heto na naman sila sa pagpapaligsahan para sa aking atensyon. Feeling ko tuloy ang haba ng buhok ko. Parang balewala naman ito sa kambal dahil agad na silang naupo nang makaupo ako. Akala ko plato na nila ang aasikasuhin nila nang magulat ako nang lagyan ng kanin ni Kuya Ice ang plato ko. "Here, dapat rice ang kainin mo sa umaga para may lakas ka na kumilos mamaya," wika niya. "Hotdog for you, Vi. Masarap iyan, jumbo na juicy pa," wika naman ni Kuya Fire na ayaw naman patalo sa kaniyang kambal. Kinindatan pa niya ako bago nilagyan ng ketsup ang ibabaw ng hotdog. "Eggs din, Vinnea para kumpleto na ang breakfast mo," ani naman ni Kuya Ice na nilagyan ng dalawang hard boiled egg ang plato ko. Ayaw naman paawat ni Kuya Fire at nilagyan naman niya ng longganisa ang plato ko. "Longganisa for you kung ayaw mo ng hotdog, masarap iyan kahit maliit." Narinig kong tumawa si Kuya Ice. Nilingon ko siya ngunit agad siyang umayos at tutusok na sana ng bacon nang pigilan ko siya. "Hanggang sa pagkain ba naman? Pwede ba? Pagkain na nga ninyo ang asikasuhin ninyo," sabi ko na napuno na sa kanila. Pakiramdam ko talaga ay nagpapaligsahan sila sa atensyon ko. Tsaka hindi ko mauubos ang nilagay nila sa plato ko. Konti lang akong kumain sa umaga. Nahihirapan akong kumilos kapag mabigat ang tiyan ko. "Okay, baby. Kakain na kami. Kumain ka na riyan para sabay-sabay na tayong aalis patungo sa opisina," wika ni Kuya Fire na nagsimula ng kumain. Hindi naman nagkomento si Kuya Ice. Nakita ko siyang kumakain na rin habang pasimpleng sumusulyap sa akin. Nilingon ko ang plato ko at napangiwi. Parang iba ang tingin ko sa jumbo hotdog na napagitnaan ng dalawang hard boiled egg! Bwisit talaga ang dalawang ito! Pati ba naman sa pagkain? Puro talaga sila kalokohan! Hindi ko kinain ang hotdog at itlog, kinikilabutan ako kapag nai-imagine ko ang isang senaryo na dapat ay hindj naglalaro sa aking utak. Nagiging greeny na rin ako. Kasi naman! Kung bakit naman kasi rito pa ako sa dalawang bugok na ito tumira! Parang pakiramdam ko, marami akong matutunan na kalibugan sa dalawang ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD