“Ice…kailan kaya tayo makakaulit kay Vinnea, ano? Ang tagal na rin kasi,” tanong ni Fireon sa akin habang lulan kami ng private elevator at paakyat na sa office namin. Napansin ko na ang tamlay niya. Kanina lang ay masigla pa siya habang nakikipag-usap kami kay Vinnea. Nauna na si Vinnea sa taas kanina pa. Nahuli kami dahil may dinaanan pa kaming urgent meeting kasama ang board of directors sa conference room. Heto nga at pareho kaming inip na nakatingala sa mga numerong unti-unting umaakyat. Parang gusto na naming makarating kung saan siya naroroon. Pareho kaming sabik na makita siya na akala mo ay hindi kami magkakasama kanina. “What do you mean, Ice? Anong makakaulit iyan?” I asked clueless. Si Vinnea kasi ang laman ng isipan ko kaya hindi ko maisip kung ano ang tinutukoy niya. “Tsk