Kabanata 26. Who will you choose?

1738 Words

“Vinnea…" Abala ako sa pag-aayos ng mga gamit sa ibabaw ng lamesa ko nang marinig ko ang pagtawag ng isa sa kambal sa akin. Hindi ko na sana lilingunin ito dahil may gagawin na sana ako sa computer ko. Ngunit amoy ko na ang pabango niya, alam kong nakatayo na sa harapan ko ang isa sa kambal na nagagawang pabilisin ang t***k ng aking puso. Nilingon ko si Kuya Ice na siyang tumawag sa akin. Kaagad na sumalubong naman sa akin ang pumpon ng mga bulaklak na hawak niya na halos tumakip na sa kaniyang mukha sa dami. Literal na nalaglag ang mga panga ko dahil sa gulat. Kahit araw-araw nila akong binibigyan ni Kuya Fire ng iba't ibang klase nfg bulaklak gaya nito, hindi pa rin ako masanay-sanay dahil sa tuwina ay lagi akong nasusurpresa. “Good morning...for you, baby…” nakangiting saad niya haba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD