"I'm going, Vinnea. Be a good girl here, okay?" My dad told me before he left the room.
Gusto ko siyang pigilan at makiusap sa kaniya na ibalik na ako ng La Union ngunit iba ang lumabas sa aking bibig dahil natatakot naman akong sabihin ang nasa aking utak. Bagkus ay malungkot akong nagsalita habang hindi ako makatingin ng diretso sa direksyon niya.
"T-take care, Daddy. Pakisabi po kay Mommy, I will miss her so much. I love her so much and tell her that I'm so sorry for what I have done," wika ko sa naiiyak na tono. Hindi ko alam kung napansin niya ngunit mukhang hindi dahil hindi naman niya pinansin ang aking tono.
"I will tell her. Makakarating ang sinabi mo, Vinnea. Sige, aalis na ako. Magpakabait ka rito para hindi ka napapagalitan. Makinig ka sa mga inuutos sa iyo ng mga kainakapatid mo. Do your best, Vinnea . Huwag mo akong ipahiya sa Ninong Zeke mo," mahigpit na bilin ni Daddy sa pabulong na tono sabay tingin sa kambal na magkapatid na nakatingin sa gawi namin.
"I-I will, Daddy." Maliit ang boses na sabi ko dahil paiyak na talaga ako.
"Good, I'm going now. I love you." Tumango lang ako sa sinabi ng aking ama. Hindi ako makapagsalita dahil aatungal na talaga ako ng iyak kapag hindi ko na napigilan ang sarili ko. Binalingan ulit ni Daddy ang kambal at nagpaalam na sa mga ito bago niya tuluyang tinungo ang pinto at umalis.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga para pigilan ang aking pagtangis.
Masamang-masama ang loob ko na naiwan habang nakatingin sa nilabasan na pintuan ni Daddy. Tumulo ang mga luha ko at parang gusto kong pagsisihan kung bakit hindi ko ipinaglaban ang gusto. Ngunit alam kong wala akong magagawa in the end. Isa pa, kasalanan ko kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon.
Tinago ko sa kanila ni Mommy ang gusto kong mangyari para sa buhay ko. Dapat talaga kinunsulta ko muna sila bago ako naging padalos-dalos sa pagdedesisyon.
Heto tuloy ang napala ko.
Pinarusahan ako ni Daddy at hindi ko alam kung kailan nila ako papayagan ni Mommy na bumalik ng La Union.
Mas sanay ako sa buhay ko roon. Doon na ako nagkaisip at lumaki. Gusto kong doon lang ako kung saan malapit ang pamilya ko. Pero dahil sa tangka kong pagpasok sa kumbento ng hindi nila alam. Nawalan sila ng tiwala sa akin at mas ginusto nilang lumayo ako para hindi matuloy ang gusto kong mangyari.
Buhay ko naman ito. Desisyon ko. Wala ba akong karapatan magdesisyon para sa sarili ko? I'm twenty-two years old. I'm old enough to decide what I want. I know what's wrong from right. Bakit ba kasi hanggang ngayon ay pinapakialaman pa nina Daddy at Mommy ang buhay ko?
Pakiramdam ko tuloy, hindi ako malaya. Pakiramdam ko nakakulong ako sa isang invisible na hawla na sila ang may gawa.
Tapos ang masama pa, si Daddy ang naglapit sa akin sa kambal na anak ni Ninong Zeke na puro na lang kalibugan ang alam sa buhay. Iniiwasan ko ang kambal na anak ng Ninong Zeke ko dahil naalibadbaran ako kapag nasa paligid ko lang sila. Pakiramdam ko isa ako sa mga babaeng pinagnanasaan nila. Masyado kasi silang obvious kung tumitig lalo na at hinaharap ko ang palaging nila-landingan ng kanilang paningin kapag nakakasalubong ko sila o di kaya naman ay hindi sadyang nagkita kami sa isang pagtitipon. Hindi ako assuming ngunit ilang beses ko na silang nahuhuli na nakatingin sa dibdib ko. Hindi lang iyon, nahuli ko pa si Kuya Fire noon na nakatingin sa pagitan ng hita ko. Marahil, naalala niya bigla ang hindi sadyang pagkakahawak niya sa hiwa ko.
I hope nagbago naman sila kahit papaano. Halos ilang taon din kaming 'di nagkita. Hindi magkrus ang mga landas namin dahil narito pala sila sa Manila. Sana nag-mature na sila at hindi na nila ginagawang laruan ang mga babaeng natitipuhan nila.
Sana hindi nila ako ihanay sa mga babaeng dumaan sa palad nila lalo na at lagi kaming magkikita at magkakasama araw-araw.
Sana isipin nila na inaanak ako ng Daddy nila, kinakapatid nila ako. Siguro naman they will spare me. Magagalit si Daddy sa kanila lalo na si Ninong kapag ginawan nila ako ng kabalbalan. Magsusumbong talaga ako oras na may dumapong palad nila saan mang bahagi ng aking katawan.
Tapos naisip ko, hindi na sila bumabata para maglaro pa ng apoy. They are in their late thirties, thirty-six I guess. Ideal age for marriage. Kaya lang mukhang walang balak mag-asawa ang magkapatid na 'to. May narinig akong balita recently lang, ewan ko kung kanino ko narinig ang tsismis na ito. Wala naman akong pakialam sa totoo lang pero na-curious ako dahil until now ay wala pa raw silang sineseryosong relasyon. Naglalaro pa rin sila at nagpapakasawa sa kandungan ng iba't ibang babae.
Hay naku...kinakabahan tuloy akonsa pananatili ko rito. I am not safe...
"A-hem."
Muntik pa akong mapapitlag sa gulat nang marinig ko ang pekeng tikhim na ito. Pinunasan ko agad ang mga luha ko na hindi ko napansin na dumaloy na pala sa aking pisngi. I don't know kung sino sa kanila ang pekeng tumikhim. Pero tingin ko si Kuya Fire iyon, siya ang makapal ang mukha sa kanilang dalawa ng kaniyang kakambal.
"You're like a baby, Vi…iyakin ka pa rin hanggang ngayon?" tudyo niya.
Vi?
Kailan pa ako nagkaroon ng palayaw sa kanila?
Hindi ko pinansin ang panunudyo ni Kuya Fire.
Pakialam ba niya kung umiiyak ako? Hindi nila alam ang pinagdadaanan ko.
"Don't cry Vinnea. Para ka namang bata kung umiyak ka riyan. Hindi kami nangangagat ni Fire, promise. You are safe here with us. We will take care of you gaya ng pangako namin sa Daddy mo," wika naman ni Kuya Ice na tila concern talaga siya sa akin.
Tse! Tse, silang dalawa.
Kunwari lang iyon, I know. Pero bantay-salakay pala sila in the end.
The way they looked at me a while ago, kita ko iyong kakaibang ngisi sa mga labi nila na alam kong napakadelikado. Kaya bakit ako magtitiwala sa kanila. May kakaiba sa ngisi ng magkapatid at alam ko na kung ano iyon. Paglalaruan nila ako, tapos kapag hulog na ako ay saka nila ako didispatsahin na parang basura.
"Come on, Vi. Don't cry..." narinig kong sabi ni Kuya Fire.
"If you need a shoulder to cry, we are free to lend it to you, baby..." sabi naman ni Kuya Ice na halatang ayaw patalo sa kaniyang kapatid.
Hay! Bahala sila!
Huminga ako ng malalim at inayos ang aking sarili.
Hindi ko naman alam kung paano ako kikilos sa harapan ng kambal nang maiwan ako ni Daddy. Gusto ko mang pigilan si Daddy kanina sa pag-alis nito at makiusap na lang na ibalik ako sa La Union. Wala naman akong lakas ng loob na magsabi lalo na at kita ko sa mukha niya ang determinasyon na ilayo ako sa lugar na maglalayo sa kaniya sa pangarap niya. Kaya naman wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang kapalaran ko rito sa Manila. Magsisilbi ako sa kumpanya ng Ninong Zeke ko at magiging amo ko pansamantala ang dalawa kong kinakapatid.
Si Ninong Zeke talaga ang amo ko. Nagpapagaling lang siya sa operasyon niya kaya ang kambal niyang anak ang humalili sa pwesto niya. Bale limang buwan ko silang magiging amo ayon sa naririnig kong kwentuhan nila kanina ng aking ama. Ito kasi ang haba ng pamamahinga ni Ninong Zeke sa operasyon na natamo niya sa kaniyang atay. Maselan kaya need niya talagang magpahinga lang sa bahay at bawal siyang ma-stress.
Limang buwan ko silang pagtitiisan na makasama araw-araw sa opisinang ito. Sana naman hindi na sila katulad ng dati, jusko! Hindi ako makakatagal kapag puro kamanyakan na lang ang ipapakita nila sa akin sa araw-araw. Huwag din nila susubukan na akitin ako at paibigin. Mabilis bumigay ang puso ko lalo na kung ganito kagwapo at ka-macho ang mag-aagawan sa atensyon ko.
Ang yummy ng magkapatid kaya hindi ko masisi iyong mga babae na magpaloko at umasam na ibigin sila ng magkapatid.
Kainis pa naman! Wala kang itulak at kabigin sa kanilang dalawa dahil identical twins sila. Kung ano ang katangian ng isa, ganoon din ang isa.
Parang naririnig ko tuloy sa isip ko ang sikat na kanta na pinasikat ng Boys Like Girls at ni Taylor Swift. Ano na nga ulit ang title ng kantang iyon?
Two is better than one...
Tama! Ito nga iyon, parang bagay sa kanilang dalawa ang kantang ito. Two is better than, wala ka kasing itulak-kabigin sa kanilang dalawa.
"Hey...hindi ka namamansin? Kinain na ba ng pusa ang dila mo?" malambing na tanong ni Kuya Ice mula sa aking likuran na hindi ko namalayan na nakalapit na pala.
Asiwang umatras ako palayo sa kaniya habang pilit kong pinapakalma ang puso ko.
Ang gwapo niya sa malapitan.
Paano ako makakatrabaho nito?
Mukhang ako yata ang attracted sa kanilang dalawa?
Masama ito!
Ang rupok talaga ng puso ko!
"A-ahmn...pasensiya na po Kuya Ice. Hindi lang po kasi ako sanay na mawalay sa mga magulang ko---"
"Kuya Ice, Po? Damn! You're old, Icy Davidson!" tudyo ni Kuya Fire sa kaniyang kapatid sabay hagalpak ng tawa.
Ako naman ay napamaang habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanila.
What's wrong with my words?
Paggalang ko iyon sa kanila dahil mas nakakatanda sila sa akin.
"Anong masama sa sinabi niya Fire? Ang cute kaya...Kuya huwag po..ahhhh...uhhhh..."
Kinilabutan ako sa sinabi ni Kuya Ice. Lalo na nang tumingin siya sa akin sabay kindat.
OMG!
''Tama ka, Ice. Parang ang sarap pakinggan kapag nasa kama---"
"Hep! Tama na! Parang wala naman ako rito kung mag-usap kayo ng ganiyan! Gusto ko lang ipaalala sa inyo na kinakapatid ninyo ako! Ninong ko ang Daddy ninyo!" naiinis kong sabi.
"So?" Panabay na wika nila.
OMG! Ayoko na rito! I'm dead!