“What is our next plan, bro? We should plan it now before she think of getting away from us,” natatarantang sabi ko kay Fireon habang sunod-sunod ang buga ko ng usok ng sigarilyo. Pasimple akong nakatanaw kay Vinnea na abala sa kaniyang ginagawa sa kaniyang computer. Dapat na talaga naming planuhin ni Fireon ang next move namin bago pa man mangyari ito. Ramdam ko kasi na balak kaming layasan ni Vinnea one of this days. Baka hindi na namin siya makita at matupad ang gusto namin ng aming mga magulang kapag hinayaan namin iyong mangyari.‘Di bale, hindi namin hahayaan na mangyari iyon ni Fireon. Hahanapin namin siya saan mang sulok siya ng mundo magtago. Kung kailangan naming humingi ng tulong kay Tito Sky, gagawin namin mahanap lang siya. Tama na ang haba ng panahon na tiniis namin. Hindi n