"Vinnea, where are you going this early?" My Mom asked me while looking at the clothes I'm wearing. Nahinto tuloy ako sa paghakbang palabas ng pintuan ng kwarto ko dahil sa pagpuna ni Mommy sa akin.
Lagot!
Nahuli niya ako.
Ayaw ko namang magsinungaling sa kaniya kaya sinabi ko ang totoo kung saan ang lakad ko.
"Ahmn…sa kumbento lang po, Mommy." I answered while fixing the collar of my clothes. Pakiramdam ko kasi ay bigla akong naalinsanganan dahil nahuli ako ni Mommy na paalis. Wala akong plano na magpaalam sa kanila basta hindi nila ako nahuli na umalis. Hindi naman nila ako hahanapin dahil ang alam nila ay maghapon akong magkukulong sa kwarto ko. Matutulog tapos kakain lang kapag ginutom.
Madalas ko itong gawin kapag wala akong trabaho kaya nakasanayan na nila na ganito ang routine ko kapag wala akong pasok sa trabaho.
Pero ngayong umaga ay iba, nahuli ako na paalis kaya wala akong choice kundi sabihin kung saan ang lakad ko.
"What would you do there, baby? Maiistorbo mo lang ang Ninang Agatha mo at Ninang Sophie sa pagtuturo nila sa kanilang mga estudyante," wika ni Mommy na nakatikwas pa ang isang kilay at tila hindi magandang ideya ang sinabi ko.
"Hindi naman po ako manggugulo sa trabaho nila Mommy. Doon lang po ako malapit sa altar, mananalangin at tatambay," sabi ko na half truth. Ayaw kong magsinungaling sa totoo lang dahil nagkakasala na ako sa Diyos sa ginagawa ko. Subalit hindi niya maaaring malaman ang ginagawa ko sa kumbento. Patitigilin nila ako ni Daddy sa pagpunta ko roon oras na malaman nilang plano ko na pumasok bilang madre.
Tataas ang presyon ni Daddy malamang at aawayin niya ang Mommy ko. Tatlo lang kaming magkakapatid, mag-isa kong babae at bunso pa. Hindi sila papayag na mabulok ako sa kumbento lalo na at inaasahan nila ako na makapangasawa ng mayaman para makatulong sa negosyo ng pamilya.
Ang pag-aasawa ay hindi para sa akin. Ilang beses na akong nasawi sa pag-ibig at hindi ko na gustong maranasan ang masaktan muli. Tama ng tatlong beses na akong niloko at nasawi, ayaw ko ng isugal ang pag-ibig ko. Iaalay ko na lang ito sa Panginoon dahil alam kong sa kaniya ay hindi kailanman ako makakaranas ng kabiguan.
"Kahit na, Vinnea. Maiistorbo mo pa rin sila dahil alam kong alam mo na hindi ka nila matitiis na hindi lapitan. Tsaka, bakit ganiyan ang suot mo? Ang init-init ng panahon ngunit kung makapagdamit ka ay balot na balot ang katawan mo?" ani ni Mommy na puno ng disgusto ang kaniyang boses.
Napatingin tuloy ako sa aking suot. I wore a white long sleeve top at black leggings na hindi naman masyadong hapit sa katawan ko. I paired it with flat shoes na sakto lang sa porma ko na simple. My hair was raised in a bun na bahagyang may nakalaylay na konting buhok sa gilid ng mukha.
What's wrong with my clothes? Balot na balot man ngunit kumportable naman ako dahil manipis naman ang tela at presko pa. Ano ba ang gustong isuot ko ni Mommy? Mag-dress ako ng maikli habang pinagpipiyestahan ang hita ko?
Iyon kasi ang mga damit ko na pinamili niya nang nakaraan. Nagtataka nga ako dahil dati naman ay iwas na iwas siyang bilhan ako ng maiiksing damit dahil nga sa pagiging konserbatibo ko na namana ko sa kaniya.
Pero dahil ayaw niyang sumunod ako sa yapak niya at baka maisipan kong magmadre pagdating ng araw. Iniiwas niya ako sa mga bagay na magpapaalala sa kaniya sa kumbento. Lalo na at kinakitaan na niya ako ng pagkahilig ko sa pagdalaw ko roon. Tapos madalas pa akong nakikinig sa salita ng Diyos na tinuturo ng kaniyang mga kaibigan.
"Hindi po, Mommy. Pangako po, hindi ko sila maiistorbo."
Nakita kong umikot ang mga mata ni Mommy. Lalo na nang tumingin siya sa suot kong damit na halatang ayaw niya.
"Kumportable po ako sa suot ko. Ayaw ko naman pong magsuot ng maiksi lalo na at simbahan ang pupuntahan ko at hindi naman party."
Nakita kong bumuntong-hininga si Mommy.
"Hindi ko alam kung matutuwa ako sa pagpunta-punta mo roon. Alam kong ginagawa mo lang iyan para makalimot sa kasawian mo kay Godofredo. Pero kinakabahan ako kapag pumupunta ka sa kumbento at nakakausap mo ang mga Ninang mo. Pakiramdam ko kasi ay inaakay ka nilang pumasok sa pagmamadre," wika ni Mommy na labis kong ikinagulat.
Malakas talaga ang radar ni Mommy kahit kailan. Alam niya ang tumatakbo sa utak ng dalawa niyang kaibigan.
Huli na si Mommy. Naakay na ako ng mga kaibigan niya. Desidido na rin ako na pumasok lalo na at marami na akong natutunan sa loob ng tatlong buwan kong pagpusli-puslit na pagpunta roon para matuto at malaman ang pasikot-sikot ng mga patakaran sa kumbento
Simula nang magpunta ako sa kumbento ng araw na iyon ay nakasanayan ko ng tumambay doon kapag wala akong trabaho. Palihim din akong nagpupunta sa kumbento kapag day off ko o kaya ay Sabado at Linggo kapag wala akong pasok. Inaaral ko ang salita ng Diyos sa pagtuturo nina Sister Agatha at Sister Sophie. Lingid sa kaalaman ng mga magulang ko ay ito ang pinupuntahan ko kapag wala ako sa bahay.
Hanggang sa magpasya akong iwan na ang aking trabaho at tutukan na lang ang pagtuturo ng mga madre roon, isang araw.
Walang alam sina Daddy at Mommy na matagal na akong nag-resign sa trabaho at sa kumbento na ako pumapasok araw-araw para matutunan ang mga salita ng Diyos.
Buo na ang loob ko na magsilbi ako sa kumbento. Ngunit marami pa akong pagdaraanan na pagsubok para tuluyan akong makapasok, wika ng dalawa kong ninang na madre ngunit buo na ang loob ko na sumabak kahit ano man ito.
Isa pa, panatag ang loob ko kapag nasa loob ako ng kumbento. Wala akong naiisip kundi ang maglingkod sa Diyos at yakapin ang mga tinuturong salita nila sa loob ng tahanan nito.
Naging ganito ang routine ko sa araw-araw hanggang sa umabot na ako ng tatlong buwan. Akala nila Mommy ay nagtatrabaho ako at tutok sa mga trabaho ko sa opisina. Ang hindi nila alam ay sa kumbento ako naglalagi.
Akala ko ay habang-buhay ko itong maitatago kina Daddy at Mommy. Subalit isang araw ay nabuko ako at agad nila akong kinompronta at pareho silang galit na galit.
"Kaya pala tinatawagan ako ng Uncle Devin mo noong isang araw. Nag-resign ka pala sa kumpanya niya at hindi ka man lang nagsasabi sa akin!" galit na tungayaw sa akin ni Daddy habang nakaturo ang hintuturo niya sa akin. Samantalang si Mommy ay tahimik lang na nakikinig sa panenermon ng aking ama sa akin ngunit kita ko ang masasamang titig na binabato niya sa gawi ko.
"I'm sorry, Daddy. Magsasabi naman po ako sa inyo, hindi lang po ako—"
"Handa na magsabi ka sa amin? Iyan ba ang idudugtong mo, Vinnea?" galit na sabi ni Daddy sa akin na halos parang gusto na niya akong saktan sa kaniyang mga palad.
"Hindi ka namin pinag-aral at pinalaki ng maayos para lang ialay ang buhay mo sa kumbento! Pinag-aral kita para makapag-asawa ng mayaman isang araw at matulungan mo ako sa pagpapalawak ng ating negosyo! Tapos heto lang pala ang malalaman ko? Nag-resign ka sa trabaho dahil gusto mong pumasok bilang madre! Bullshit! Nabigo ka lang sa pag-ibig ng tatlong beses Vinnea ngunit hindi sapat na dahilan iyan para buruhin mo ang sarili mo sa loob ng kumbento!" galit na sabi ni Daddy na halos lumabas na ang mga litid niya sa kaniyang leeg. Mabuti na lang wala sa bahay sina Kuya Atlantis at Apollo, kung hindi baka pati sila ay sermunan din ako.
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa haba ng sinabi ni Daddy sa akin. Naiyak na lang ako habang iniisip ko kung paano ko ipagtatanggol ang sarili ko, ang gusto ko para sa buhay ko.
Kapag sumagot kasi ako ay alam kong mas lalo siyang mag-iinit sa galit. Kaya naman wala akong nagawa kundi yumuko, umiyak at tanggapin ang lahat ng masasakit na salita na sasabihin sa akin ng aking ama.
"Love," narinig kong tawag ni Daddy kay Mommy pagkatapos niya akong sermunan ng pagkahaba-haba. Wala naman akong magawa kundi sundin ang pasya ni Daddy at iwan ang kumbento na napamahal na sa akin.
"Yes, Love?" tanong naman ni Mommy na lumapit kay Daddy. Kita ko ang tensyon sa kaniyang mukha. Parang kinakabahan din siya na madamay sa init ng ulo ng aking ama.
"Kausapin mo sina Agatha at Sophie bukas. Pumunta ka roon at sabihin mong hindi ko pinapayagan ang anak mo na pumasok sa kumbento. Hindi pa naman nanunumpa ang anak mo, may oras pa para talikuran niya ang pagpasok doon," may pinalidad na sabi ni Daddy na alam kong hindi mababali kahit maglupasay pa ako ng iyak sa sahig.
"M-masusunod, Love. Pupunta ako bukas na bukas ng umaga sa kumbento," sang-ayon naman ni Mommy na hindi makatingin sa direksyon ko.
Wala akong nagawa kundi iyakan ang kabiguan ko na makapasok sa lugar na iyon. Mukhang pati ang pagsisilbi ko sa Diyos ay hindi yata para sa akin. Tatanda na lang siguro akong dalaga at magkakandakuba sa pagtatrabaho para mapagbigyan ko ang aking ama.
"And for you, young lady. Luluwas tayo ng Manila bukas para roon ka magtrabaho sa kumpanya ng Ninong Zeke mo," ani ni Daddy na sobrang gumulat sa akin.
"B-but, Daddy..." protesta ko dahil ayaw ko. Susundin ko ang gusto niya na huwag pumasok sa pagmamadre ngunit hindi ko iiwan ang La Union na siyang kinalakhan ko para lang magtrabaho sa Manila.
"You have no say on this, Vinnea. My decision is final and you don't have to say no to me. Ako ang magdedesisyon para sa buhay mo kaya wala kang ibang gagawin kundi ang sundin ang gusto ko."
"Y-Yes, Daddy..." wala akong nagawa kundi sumang-ayon. Gaya ng sabi ni Daddy, wala akong karapatan na tumanggi sa gusto niya. Hindi ko ito pwedeng baliin kaya wala akong nagawa kinabukasan nang maaga kaming lumuwas para magtungo ng Manila.
Sunud-sunuran ako maging sa mga pagpili ng mga gamit at damit na dadalhin ko para isuot sa trabaho.
Sa kumpanya ni Ninong Zeke sa may Taguig City kami pumunta ni Daddy. Matagal ko na itong naririnig kapag nag-uusap sila Daddy at Mommy tungkol sa negosyo. Hindi ko alam na na-extend na pala sa Manila ang negosyo na pinagsososyohan nila ng Daddy ko.
Akala ko hanggang Cebu, Palawan, Tagaytay, at sa kalapit na lugar lang umaabot ang mga negosyo nila. Mukhang pati ang mga lugar sa Manila ay balak na rin nilang pagtayuan ng kani-kanilang mga negosyo.
"Sina Fire at Ice ang magiging boss mo rito, Vinnea. Be good to them dahil istrikto silang dalawa pagdating sa trabaho." Muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan ko dahil sinabi ni Daddy. Lalo na nang tumapat na kami sa may pintuan ng office ng aking magiging boss, na akala ko ay ang aking Ninong. Iyon pala ay ang kambal niyang mga anak na pinakaiiwasan ko noon pa man.
Binasa ko ang pangalan na nasa labas ng pintuan ng kanilang opisina. Baka nagkamali lang si Daddy. Pero hindi siya nagkamali dahil nabasa ko ang pangalan ng kambal sa labas ng pintuan ng opisina nila.
Fireon Israellie...
Icy Davidson...
Ito pala ang tunay nilang mga pangalan. I thought, Fire Israel at Ice David lang, may karugtong pala at nakakatuwa naman na bigkasin ang mga pangalan nila. Mukhang pinag-isipan nina Ninong Zeke at Ninang Nayeli. Pero naalala ko, mas maganda ang pangalan ng panganay nilang anak, ang gwapo pa. Sayang at may asawa na ito at anak.
"Daddy, ayoko po rito. Pwedeng sa kumpanya na lang ni Ninong Blue ako magtrabaho?" Ungot ko kahit huli na para magreklamo ako.
"No, hija. Mas mabuti ng dito ka sa Manila para hindi madali sa iyo ang pumunta sa kumbento. Ayaw ko na manatili ka sa La Union dahil baka mamaya ay iba ang inaatupag mo."
Nanlumo ako sa aking narinig. Lalo na nang kumatok na si Daddy at biglang bumukas ang pintuan ng opisina ng malibog na kambal.
Lagot! Mukhang hindi na ako makakaiwas sa kanila this time lalo na nang makita ko ang kakaibang ngisi ng kambal nang sumungaw ako papasok ng kanilang opisina.
"Diyos ko, patnubayan niyo po ako!"