Kabanata 2. Hindi ko alam kung nagkakataon lang ang lahat.

2067 Words
Iniwasan ko ang magkapatid pagkatapos ng insidenteng iyon. Kapag may party sa bahay nila at imbitado kami ng mga magulang ko ay gumagawa ako lagi ng palusot huwag lang akong makapunta sa bahay nila. Lagi naman akong lumulusot kaya naman naiwasan ko na huwag magkrus ang mga landas namin. Nagtataka na nga sina Mommy at Daddy kung bakit lagi raw nagkakataon na may sakit ako kapag iniimbitahan kami nina Ninong Zeke at Ninang Nayeli sa bahay nila. Ang hindi nila alam, gawa-gawa ko lang iyon para makaiwas sa kambal na anak ng Ninong ko. Hiyang-hiya ako sa nangyari dahil sa lahat ng mahahawakan ni Kuya Fire ay doon pa talaga sa private part ko. At si Kuya Ice naman ay parang naiinggit na tila gusto ring mahawakan din ako roon. Naka-move on ako kay Lax kasabay ng pag-move on ko sa kahihiyan na naranasan ko sa kambal. Hindi ako nag-entertain ng manliligaw hanggang sa tumapak ako ng second year college. Marami ang nagtangka na ligawan ako ngunit ni isa man sa kanila ay hindi pinalad. Walang makalampas ng tinakda kong standard dahil ang gusto ko lampasan nila si Lax. Na mas higit pa ang katangian nila kaysa kay Lax. Speaking of Lax, ilang beses siyang nagtangka na balikan ako noon. But I never give him another chance. Sabi ko sa kaniya, once a cheater...always a cheater. "Vinnea, give me one more chance. Promise, I will be faithful this time." Natatandaan ko pang pangako ni Lax nang tangkain niyang humingi ng second chance sa akin. Paano sawa na siya kay Ella—pinsan ko. Kaya siguro nagbabakasakali siya na magoyo ako. Akala naman niya baliw na baliw ako sa kaniya para magpagoyo muli. "No, Lax. You missed your chance. Hanap ka na lang ng iba , tutal ay diyan ka naman magaling." I said a matter-of-factly. "Vinnea, please. I swear. Magbabago na ako," pakiusap niya na may matching paiyak-iyak pa. "No!" sabi ko naman na hindi na papaloko sa kaniya at papauto. Akala ko magtatapos na kay Lax ang kabiguan ko sa pag-ibig. Subalit naulit muli ito kay Flynn na naging boyfriend ko nang mag-college ako. Sinubukan ko lang naman magmahal muli. Nalampasan kasi niya si Lax dahil bukod sa galing sa mayamang pamilya, mabubuti ring tao ang kaniyang angkan. May gobernador siyang Tito, may congressman siyang Lolo, tapos konsehal naman ang kaniyang ama. Puro kabutihan ang ginagawa sa bayan ng kaniyang mga angkan kaya naman hindi ako nagduda na hindi ako lolokohin ni Flynn. Ngunit kagaya ni Lax, nagawa rin akong lokohin ni Flynn. Hindi niya ako pinagpalit sa pinsan ko ngunit pinagpalit niya naman ako sa kapwa niya lalaki. Bading si Flynn at pinagtatakpan niya ito using me. Iyak ako nang iyak nang mahuli ko siya. Lalo na nang aminin niya mismo sa harapan ko na ginamit lang niya ako para pagtakpan ang tunay niyang kasiraan. Para akong pinagsakluban muli ng langit at lupa ng mga panahong iyon. Mas masakit pa iyon sa break up namin ng first love kong si Lax. Sa lalaki ako pinagpalit at sobrang nakakainsulto iyon sa p********e ko. Mabilis akong nakapag-move on sa kaniya dahil halos tatlong buwan pa lang naman ang relasyon namin. Ngunit gumanti muna ako sa panloloko niya sa akin. Nilantad ko ang pagkatao niya sa mga kamag-anak niyang tumitingala sa kaniya. Pahiya siya at humingi pa ng tawad sa akin ang mga magulang niya sa panloloko niya sa akin. Akala ko hanggang kay Lax at Flynn na lang ang kamalasan ko sa lalaki. Kaya naman noong magtapos ako ng college. Nangarap na ako ng seryoso at matured na relasyon. Akala ko noong magkaroon na ako ng trabaho at matured na ang naging third boyfriend ko, akala ko hindi na ako maloloko at masasawi sa pag-ibig. Subalit naulit muli ang kasawian ko sa pag-ibig dahil niloko naman ako ni Godofredo na akala ko ay siya na ang forever ko. He is a perfect boyfriend for me. Halos umabot kami ng six months, iyon pala ay kagaya rin siya ni Lax na makati at hindi makapaghintay na maikama ako. Naghanap siya ng iba dahil hindi niya ako makuha at ang masakit, ang bestfriend ko pang si Della ang nadali niya. Hindi lang iyon, matagal na pala nila akong niloloko at ngayon ko lang sila nahuli. Iyak na naman ako nang iyak sa ikatlong pagkakataon. Malas nga yata ako sa pag-ibig dahil lahat ng lalaking nagustuhan ko ay puro salawahan at hindi mapagkakatiwalaan. For the third time, brokenhearted na naman ako. Ang pinagtataka ko lang kapag bigo ako sa pag-ibig ay biglang sumusulpot ang kambal na sina Kuya Fire at Kuya Ice. Hindi ko alam kung nagkataon lang ang lahat at pinaglalaruan ako ng tadhana ko. Ngunit talagang nasa paligid ko sila kapag ako ay sawi sa pag-ibig at nalulungkot. Kagaya ngayon, hindi ko alam na magkukrus ang mga landas namin ng kambal dito sa bar na pinanggalingan ko. Pasuray akong naglalakad palabas ng bar dahil naglasing talaga ako sa loob. Iyak ako nang iyak habang naglalakad ako patungo sa kotse ko kung saan naghihintay ang mga bodyguard ko. Habang pasuray akong naglalakad ay minumura ko sina Lax, Flynn, at Godofredo. "Mga putangina kayo! Huwag sana kayong tigasan! Mabaog sana kayo mga ulol!" Hiyaw ko pa habang hawak ko ang bote ng alak at tumutungga rito. Basang-basa na nga ang damit ko sa alak dahil hindi maayos ang pagtungga ko, paano nga ay tinamaan na ako. Alam ko bakat na ang dibdib ko at pwede na itong pagpiyestahan ng mga taong nakakasalubong ko lalo na at manipis lang ang suot kong dress . Luwa pa ang dibdib ko dahil mababa ang neckline ng suot ko. Ngunit wala akong pakialam dahil ang gusto ko lang naman ay uminom at ilabas ang sama ng loob ko. "Vinnea?" panabay na bulalas ng dalawang lalaki na bigla na lang sumulpot sa harapan ko. Hindi ko naman sila pinansin at parang hangin na dinaanan ko lang sila at nagpatuloy sa paglalakad. Ngunit nasa lahi na talaga ng mga ito ang pagiging makulit. Kaagad na lumapit sa gilid ko si Kuya Fire at kinuha ang alak na hawak ko. "G-give it to me!" nauutal pa na sabi ko habang pilit kong inaagaw sa kaniya ang bote subalit tinaas lang niya ang braso niya para hindi ko maabot ang alak. "No. Hindi maganda sa babae ang umiinom ng alak. Alam ba ito nina Tita at Tito? Ina-allow ka nilang pumunta ng bar na wala kang kasama?" angil ni Kuya Fire habang pilit na nilalayo sa akin ang bote. "A-ano bang paki mo? Ikaw ba ang mga magulang ko para pakialaman ako sa mga gusto kong gawin? Sino ka para pakialaman ako? Kinakapatid mo lang ako pero hindi tayo magkaano-ano!" naiinis kong sabi sabay tampal sa kaniyang dibdib. Medyo napangiwi pa nga ako dahil imbes na siya ang nasaktan, ako itong nasaktan ang palad. "Ang tigas naman, parang kaya akong ipaglaban sa kahit ano'ng digmaan," wika ko sa aking isip habang dinadama ang nakausling muscle ni Kuya Fire roon. Natawa ako sa aking naisip. Hindi ko alam kung napalakas ang tawa ko o ano. Nakita ko kasi na kumunot ang noo ni Kuya Fire sa ginawa ko lalo na at nakahawak pa rin ako sa dibdib niya at dinadama ang tigas nito. Agad kong tinanggal ang palad ko sa dibdib niya nang mapansin kong iba na ang tingin niya sa akin. Para akong napapasong lumayo sa kaniya habang kagat ko ang ibaba kong labi. Baka isipin niya na tsinatsansingan ko na siya. Baka isipin din niya na pinagpapantasyahan ko ang mga muscles niya. "Umuwi ka na, Vinnea. Tama na ang pag-inom mo ng alak." Wika naman ni Kuya Ice na nilagyan ako ng jacket sa aking katawan at tinakpan ang dibdib kong expose na sa kanilang paningin. Nakalimutan ko na kasama pala namin siya. Mukhang nagmamasid siya sa amin at umawat na para hindi kami magkainitan ni Kuya Fire. "Pauwi na talaga ako. Haharang-harang lang kayo sa dadaanan ko," wika ko na agad silang nilampasan at tinungo ang sasakyan na naghihintay sa akin. Ngunit bago pa ako makarating sa kinaroroonan ng sasakyan ko ay bigla akong nakadama ng hilo. Napahawak ako sa ulo ko at pasuray na naglakad. Kainis! Tinamaan ako. Umikot ang paningin ko at bago ko pa malaman ang susunod na mangyayari ay nagdilim na ang paningin ko. Naghahanda na ako sa sakit na mararanasan ng katawan ko kapag bumagsak ako sa sementadong kalsada. Ngunit bago pa man ako bumagsak sa kalsada may mga bisig ng mabilis na sumalo sa akin at mga boses na panabay na nagmura. "Vinnea! Putangina!" malutong na bulalas ng kambal. "Jusko! Iligtas niyo ako sa kamay ng dalawang manyakis na ito! Huwag naman po sana silang mag-take advantage habang wala akong malay!" piping dalangin ko bago ako nilamon ng karimlan. Sana naman huwag silang mag-take advantage sa akin habang wala akong malay. Kinabukasan, nagising ako sa sarili kong kama. Maayos ang damit at wala naman akong sakit na nadama sa aking gitna. Mabuti naman. I thought inuwi ako nina Kuya Fire at Kuya Ice sa bahay nila. Salamat naman at hindi, akala ko kasi ay umiral na naman ang pagiging manyak nilang magkapatid. Kaya lang ilang sandali lang ay naalala ko ang kabiguan ko sa pag-ibig. Naiinis na umatungal ako ng iyak habang sinusumpa ko si Godofredo sa panloloko sa akin. Humahangos na pumasok sa kwarto ko si Mommy. Inalo ako ni Mommy sa kasawian ko sa pag-ibig at sinabi niyang may nakatakda sa akin na tamang lalaki at wala iyon kina Lax, Flynn, at Godofredo. Pinilit kong maging okay ako saglit ngunit umatungal ako ng iyak nang umalis na sina Daddy at Mommy patungo sa isang pagtitipon na hindi ko alam kung ano. Sinasama nila ako ngunit dahil masama ang loob ko, mas pinili ko na magmukmok na lang dito sa bahay namin. Ngunit ilang minuto lang ay naisipan kong pumunta ng kumbento. Dadalawin ko sina Sister Agatha at Sister Sophie. Gumagaan ang loob ko kapag naroon ako sa kumbento at kausap ko sila. Na parang nakakalimutan ko ang mga problema ko kapag naroon ako sa tahanan ng Diyos. Isang oras ang biyahe bago ako makarating sa kumbento. Ngunit dahil hindi traffic ay mas maaga akong nakarating doon. Agad kong nakita sina Sister Agatha at Sister Sophie na tila naramdaman na darating ako at magmumukmok dito sa kanila. "Ano'ng masamang hangin ang nagdala sa iyo rito, Vinnea Heidi?" magiliw na tanong ni Sister Agatha nang magmano ako sa kaniya. Hindi ako sumagot sa tanong ni Sister Agatha dahil nagmano muna ako kay Sister Sophie na agad yumakap sa baywang ko na tila miss na miss ako. "Sawi na naman po ako sa pag-ibig, sister." walang ligoy na saad ko habang naiiyak na naman. "May bago pa ba?" tudyo ni Sister Sophie na agad akong inabutan ng panyo para punasan ang mga luha ko. Naiyak naman ako sa pang-aasar ng madre. "Sabi ko sa iyo ay pumasok ka na lang dito sa kumbento. Araw-araw kang magiging masaya dahil pantay-pantay ang pagmamahal na mararamdaman mo rito sa tahanan ng Diyos," wika naman ni Sister Agatha na niyakap ako at inalo ako. Mga kaibigan sila ni Mommy at mga ninang ko sa binyag. Sister ang tawag ko at hindi ninang dahil mas gusto ko silang tawagin na ganito. Kung hindi nakilala ni Mommy si Daddy, dapat wala ako ngayon dahil magmamadre sana siya. Kaya may pagkakonserbatibo si Mommy dahil lumaki siya sa kumbento kasama ang kaniyang mga kaibigan. Pangarap din niya magmadre ngunit mas nanaig ang pagmamahal niya kay Daddy kaya nabuo ako. Magmadre na lang kaya ako? Mukhang hindi para sa akin ang pag-ibig. Ilang beses na akong niloko at nasawi. Baka paglilingkod sa Diyos ang misyon ko rito sa mundo kaya ako ipinanganak. Baka ako ang tutupad sa pangarap ni Mommy na magmadre. Pero alam kong tututol si Daddy lalo na at nag-iisang anak ako na babae. "Pwede po kaya ako rito, Sister?" tanong ko na naging curious. Nagliwanag ang mukha ng dalawa kong ninang na madre. "Siyempre naman. Basta desidido ka at buo ang loob mo na pumasok dito at ialay ang buhay mo sa Panginoon." Nakakaengganyo ang paanyaya nila. Parang gusto ko ngunit kailangan ko munang isangguni kina Daddy at Mommy ang gusto kong mangyari. "Sige po, pag-iisipan ko po." "Bukas ang kumbento para sa iyo Vinnea, kahit anong oras ka pumunta ay welcome ka rito." "Salamat po, sister."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD