Kabanata 8. Sino kaya ang babaeng mahal nila?

2243 Words
Tamilmil ako sa pagkain habang ang kambal na kaharap ko ay parang mauubusan ng pagkain kung sumubo sila sa laki ng mga subo nila. Sunod-sunod ang subo nila. Lamon kung lamon talaga sila. Nakailang sandok na sila ng kanin samantalang ako ay hirap na hirap ubusin ang kakapiranggot ko na nilagay ko sa aking plato. Kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit ganito kalaki ang katawan nila. Sabagay, malalaki silang tao. Halos magkakasingtangkad lang sila nina Ninong Zeke, I guess 6'1" or 6'3" ang height nila. Pang-basketball player ang kanilang mga taas ngunit mukhang sa baskteball lang sila sa gabi expert. Pinamulahan ako nang mukha nang ma-imagine ko na nakaka-three points sila kahit madilim. Na kahit hindi nila makita ang butas ay pasok pa rin ito, shoot agad. "Ano ka ba, Vinnea? Umayos ka nga! Kung ano-ano ang tumatakbo sa isipan mo! Nasa harapan ka ng pagkain, remember? Umayos ka naman!" kastigo ko sa aking sarili. Inalis ko ang tingin ko sa kambal at naging abala sa aking plato. Ngunit hindi talaga ako ganahan sa pagkain kahit ganado naman ang dalawa kong kasabay. Tila pumapait ang pagkain na nasa loob ng bibig ko kapag naaalala kung bakit ako narito sa Taguig. Gusto ko ng umuwi ng La Union. Miss ko na agad ang mga magulang ko, ang mga kuya ko at siyempre ang kumbento kung saan ay marami akong natutunan ng ilang buwan dahil sa matiyagang pagtuturo ng aking mga ninang. Pero mukhang hanggang sa pangarap na lang ang gusto ko. Hanggang pangarap na lang sa hangin ang pumasok ako bilang madre at kalimutan ang buhay ko sa labas ng kumbento. Marahil nagtataka na ang dalawa kong ninang na madre kung bakit hindi ako nagpunta sa kumbento sa araw na ito. Kaya lang, wala naman akong natanggap na text mula sa kanila. Naisip ko ay baka nagpunta na roon sina Daddy at Mommy para sabihan ang dalawang madre. Nakakahiya kung sinugod sila nina Daddy at Mommy doon. Sarili ko naman iyong kagustuhan at hindi naman nila ako pinilit o ano. Oo, inaaya nila akong pumasok sa pagmamadre pero hindi naman nila ako pinilit. Desisyon ko iyon dahil gusto kong makalimot at ialay sa Diyos ang buhay ko sa pamamagitan ng pagsisilbi sa kaniyang tahanan. Masama ang hangarin ko sa totoo lang ngunit naisip kong makakalimot ako ng mabilis kung nasa lugar ako na payapa at hindi nakakakita ng ibang tao. "Vinnea…natulala ka na riyan? Look at your plate ni hindi mo man lang ginagalaw ang pagkain mo," boses na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Pinilig ko ang ulo ko at tarantang umayos ng upo. "Ah, eh…may iniisip lang po ako, Kuya Ice." Baling ko sa pinanggalingan ng tinig. Halos mabulol pa ako at buti na lang ay tila hindi naman nila napansin ito. Mukhang napatagal yata ang pagmumuni-muni ko kaya napansin na ako ng kambal. "Hindi ba masarap ang pagkain?" tanong naman ni Kuya Fire na nakatingin sa plato ko. Nakita ko pa ang pag-iling niya na tila hindi kaaya-aya sa kaniyang paningin ang view ng plato ko. Napatingin ako sa aking plato, nakita kong konti pa lang ang nabawas ko sa aking ulam at kanin. Mukhang hindi na rin nakakaganang kumain dahil malamig na ito. "M-masarap naman. Kaya lang po ay wala akong gana, Kuya." Pag-amin ko at binitiwan ang hawak kong kubyertos. Uminom ako ng tubig at malungkot na tumingin sa kawalan. Miss na miss ko na sila...gusto ko ng umuwi talaga sa amin. "Why? Naiilang ka ba na kaharap kami sa pagkain? Iniisip mo ba hanggang ngayon na may gagawin kaming masama sa iyo?" Sunod-sunod na tanong ni Kuya Ice habang ngpupunas ng kanyang bibig gamit ang napkin. "Yes," gusto kong isagot ngunit hindi naman ito ang dahilan kung bakit matamlay ako sa pagkain. Nakakagana nga sana silang kasabay dahil masarap sila kumain ngunit talagang nalulungkot lang ako ngayon dahil malayo ako sa aking pamilya at sa lugar na aking nakasanayan. "N-no, Kuya.N-Nami-miss ko lang po sa amin. Hindi po ako sanay na mawalay sa mga magulang ko at sa lugar na nakasanayan ko," parang maiiyak na sabi ko. Nag-init ang sulokng aking mga mata nang maalala ko si Mommy. Kapag ganitong oras ay nasa tapat na siya ng kwarto ko at kinakatok na ako para kami ay kumain. Napatanga ang dalawang magkapatid sa sinabi ko. Hindi nila alam kung paano sila magre-react sa sinabi ko. Akala ko nga tatawanan nila ako. Na para akong nag-aastang bata na hindi sanay mawalay sa saya ng kaniyang ina. "Masasanay ka rin," ani ni Kuya Ice na inabutan ako ng tissue. Hindi ko namalayan na dumadaloy na pala ang mga luha ko. "Ganiyan talaga sa umpisa, Vinnea. Ganiyan din kami ni Fire noon, hindi kami mawalay sa saya ng Mommy namin at talagang umuuwi kami araw-araw sa La Union just to be with our parents noong nag-aaral kami dito sa Manila. Pero naisip namin ni Fire, we should stand on our own feet. Hindi dapat kaming masyadong ma-attach sa mga magulang namin. We should go out and explore life. Magtayo ng mga sariling pagkakakitaan at huwag umasa palagi sa tulong at pera nila," wika ni Kuya Ice sa seryosong tono. Natigil ako sa tahimik kong pag-iyak dahil sa sinabi ni Kuya Ice at awang ang mga labing binalingan siya. May matino naman pa lang lalabas sa bibig nilang magkapatid. Akala ko ay puro pukengkeng na lang ang laman ng utak nila at puro position sa s*x. May ibubuga rin pala sila sa pagbibigay ng payo. "Isa pa, dapat maging independent ka na sa kanila simula ngayon. You're twenty -two right? Dapat hindi ka na maging cry baby, Vinnea. Dapat ipakita mo na kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa without their help…" dugtong naman ni Kuya Fire na biglang sumeryoso rin. Mas lalo tuloy gumwapo sa paningin ko ang kambal. Wala sa labi nila ang nakakainis na ngisi at ang tingin nila na para akong hinuhubaran sa kanilang isipan. Mas hot at ang gwapo nila kapag ganitong seryoso sila. Gusto kong salungatin ang sinabi nila sa totoo lang dahil hindi naman kami pare-pareho ng tibay ng loob ngunit sinarili ko na lamang ito. Madali para sa kanila na magsabi ng ganoon dahil lalaki sila. Mas malakas ang loob ng mga lalaki kaysa sa babae. Bihira sa babae ang malakas ang loob lalo na at bahay-ekswela lang ako noong nag-aaral pa lang ako, tapos noong makapagtrabaho na ako ay bahay-opisina lang din. Tapos madalas si Mommy pa ang mag-asikaso ng mga gamit ko kapag papasok ako sa trabaho kaya ang hirap kalimutan ang mga nakasanayan ko na. Pero wala akong magagawa kundi ang sanayin ang aking sarili gaya ng sabi ng magkapatid. I should stand on my own feet and spread my wings to explore new things. "S-susubukan kong sanayin ang sarili ko mula ngayon na malayo sa kanila. I don't have any choice, tinapon ako ni Daddy dito kaya wala akong magagawa kundi sumunod sa gusto nila," wika ko na masamang-masama ang loob. "Huwag kang magalit sa Daddy mo Vinnea. She just wants what's best for you." Mariin akong umiling sa sinabi ni Kuya Ice. "Best ba itong nilayo ako sa lugar na kinasanayan ko na at sa piling nila?" himutok ko na parang gusto kong magdabog. "Gusto ka lang niyang mamuhay sa ibang lugar at matuto sa buhay. Hindi iyong kinukulong mo ang sarili mo sa mga nakasanayan mo. Spread your wings, show them what you got. Sinasabi ko sa iyo, soon they will be proud of you. Kasi hindi ka na umaasa sa kanila. You will make your own money na hindi umaasa sa pera nila. Ito ang gusto naming matutunan mo, madali lang naman mag-adjust basta focus ka lang sa trabaho mo." Natameme ako sa haba ng sinabi ni Kuya Fire. Napakaseryoso pa niya habang nagsasalita siya na tila bawat sabihin niya ay pinag-iisipan niya. No wonder kung bakit sila ang pinagkatiwalaan ng kanilang ama habang nagpapagaling ito sa operasyon nila. May sense ang bawat silang sinasabi nila, in short matalino ang kambal na ito at ismarte pa. Ang galing pa nilang magpayo, somehow parang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi nila. "On Saturday, ipapasyal ka namin para mawili ka naman. Mag-shopping ka at magpunta sa salon. Subukan mo rin mag-night life para kahit papaano ay malibang ka rin," pag-iiba naman ng usapan ni Kuya Ice. Na-excite tuloy ako sa aking narinig at natigil sa aking pag-iyak. Ang tagal na noong huling shopping ko at tungo sa salon. Kainis kasi ang Godofredong iyon! Lagi akong nakadikit sa kaniya na pati ang sarili ko ay hindi ko na maayos, 'yon pala niloloko lang pala ako ng animal para makuha ang V-card ko. Ginogoyo-goyo niya lang ako at ng hindi niya makuha pinatulan niya ang bestfriend ko. Ang tagal na pala nila nakakainis lang dahil naging tanga na naman ako for the third time! "Shopping na lang at salon, Kuya. Hindi pwede sa akin ang night life. Sasakalin ako nina Daddy at Mommy once they knew about it," sabi ko nang maalala ang isa pa nilang suhestiyon sa akin para maglibang ako. Nang maglasing ako noon ay nahuli nila ako, todo sermon si Daddy at Mommy at muntik pa akong masaktan ni Daddy. Kaya naman hindi ko na inulit pa at iniwasan talagang magpunta roon kapag masama ang loon ko. Hindi ko pa nasubukan pinasok sa mga ganoon kahit ang dami namang bar sa La Union. Takot akong sumubok dahil baka malasing ako at sumama sa 'di ko kilala. Tapos paggising ko ay nawala na pala ang virginity ko. "They will never know. Tsaka kami ang bahala sa iyo, kami ang magpapaalam sa iyo kay Daddy este kay Tito pala,". nakatawang saad ni Kuya Fire na ewan kung bakit laging nagkakamali sa kaniyang sinasabi. Daddy daw? Kapal ng face, huh! "No, I don't like Kuya. Baka mamaya may gawin kayong masama sa akin kapag lasing na ako," bintang ko ng direkta. Humagalpak ng tawa si Kuya Ice habang si Kuya Fire naman ay ngising-ngisi. "Tamang hinala ka naman sa amin, baby. Ano'ng tingin mo sa amin manyakis na kinulang sa s*x?" turo ni Kuya Fire sa mga sarili nila. "Ano pa nga ba?" Prangkang balik tanong ko. "Grabe! Totohanan kaya namin iyang nasa isip mo, hmnnn? Ang dami mo ng binibintang sa amin na hindi naman namin ginagawa," wika ulit ni Kuya Fire na nakangisi na naman ng tila sa isang demonyo. "Hindi mo siya masisi, Fire. Baka kung ano-anong balita ang nakakarating sa kaniya na hindi totoo," singit ni Kuya Ice na biglang balik sa pagiging seryoso sila. Kumunot ang noo ko. Hindi totoo? Oh, c'mon. Ang dami kong alam tungkol sa kanila. Even their assistant secretary ay binalaan ako sa kambal na ito na mag-iingat. "Kaya nga, Ice." sang-ayon ni Kuya Fire sa kaniyang kakambal. Hay…iba na talaga kapag habulin ng chicks. Chicks pa ang gumagawa ng issue kahit hindi naman totoo," tila nawalan ng ganang kumain na sabi ni Kuya Fire. Binitiwan niya ang mga kubyertos niya at pinunasan ang kaniyang bibig. "Bakit? Hindi ba totoo ang mga tsismis tungkol sa inyong dalawa?" kuryos na tanong ko. Umiling ang kambal habang pormal na nakatingin sa akin. "Rumors lang iyon, Vinnea. Kung nahuli mo kami o nakitang may ginagawang ganiyan, saka ka pa lang maniwala na hindi nga dapat kami pagkatiwalaan," wika ni Kuya Ice sa malamig na tono. Kasing-lamig ng yelo ang kaniyang boses that sent shiver to my spine. Mukhang may galit din sa kaniyang tono na tila nagagalit siya sa mga bali-balitang nalaman ko. "Tama ka, Ice. Minsan kasi gumagawa na lang ng tsismis ang iba para lang ma-link sa pangalan natin. But the truth, hindi totoo ang mga tsismis na 'yon Vinnea. Maniwala ka sa amin, iisang babae lang ang nagpapatibok ng puso namin ni Ice hanggang ngayon. Na kahit nagmahal na siya ng iba at binago ng panahon ang kaniyang mga pananaw sa buhay, siya pa rin ang gusto namin...ang mahal namin," makahulugan na saad ni Kuya Fire bago niya binitiwan ang napkin at walang paalam na umalis habang mabibigat ang kaniyang mga hakbang na naglalakad. Laglag ang panga ko na nakatingin sa likod ni Kuya Fire at parang napahiya ako sa sinabi niya. Parang pakiramdam ko ay may nasabi akong masama na ikinasama ng kaniyang kalooban. Bakit? Hindi ba totoo ang tsismis sa kanilang dalawa? Na babaero sila at iiwan na lang ang mga babaeng pinagsawaan nila kapag nagsawa na sila? Si Kuya Ice na kaharap ko ay tahimik na sumubo. Tila balewala lang sa kaniya ang pagta-tantrums ng kaniyang kambal. "S-sorry if I judged you and Kuya Fire, Kuya. Kayo naman kasi eh, panay ang biro niyo sa akin ng ganoon. Kaya naman hindi ninyo ako masisi kung paniwalaan ko ang mga tsismis na naririnig ko," nahihiyang sabi ko habang tinutusok ko ang karne sa aking plato. "It's okay, wala naman iyon sa amin. At saka, hindi ka namin masisi kung paniwalaan mo ang mga tsismis na iyon. Iyon ang pagkakakilala sa amin ng lahat. Wala kaming magagawa sa iniisip ng iba sa amin, wala rin kaming pakialam basta alam namin ang totoo sa mga sarili namin. We only love one girl, Vinnea. Until now...we are waiting for her to fell for us..." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Kuya Ice. Hindi ko rin alam kung paniniwalaan ko ang sinabi nila. Pero nakakainggit...sino kaya ang babaeng mahal ng kambal. Parang sobrang mahal nila ito na hindi nila ito kayang pagtaksilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD