Malawak ang ngiti ko habang hawak ang anniversary card na pinagpuyatan ko pang gawin kagabi. Ibibigay ko ito sa childhood sweetheart ko s***h boyfriend na rin na si Lax. First year anniversary namin ni Lax ngayon at iniisip ko kung magugulat ba siya sa effort ko sa paggawa ng card o sobrang matutuwa siya kapag nakita niya ito.
Hindi lang basta-basta scrap materials ang ginamit ko rito. Pinag-isipan ko ring maigi ang mga disenyo na dinikit ko rito para maging espesyal sa kaniyang mga mata. Alam kong bihira na sa babae ang gumagawa ng ganito. Kaya lang naisip ko, gusto kong mag-effort para sa kaniya. Nakakaumay na rin kasi magregalo ng damit, sapatos, at kung ano-ano pang branded na gamit na mabibili sa mall. Gusto ko lang maiba.
Mahilig ako sa mga stationary at scrap materials na binibili ko pa sa department store kapag may sobra akong baon. Ito ang tanging kinaadikan ko bukod sa pagsusulat ng tula at maiiksing kwento.
Hindi lang stationary at scrap materials ang meron ako. Actually kumpleto ako sa gamit, mula sa makukulay na ribbons, pandikit, gunting, pambutas, at kung ano-ano pa.
Talagang kapag hilig mo ang isang bagay ay nanaisin mong kumpletuhin ito. Sabi ko nga sa pinsan kong si Ate Michelle na nagtatrabaho sa Hongkong, bilhan niya ako ng stationary doon na puro si Hello Kitty ang disenyo, ang mahal kasi rito sa Pilipinas kahit afford ko namang bumili. Iilang piraso lang din kasi kaya naisipan ko na magpabili sa kaniya dahil bukod sa mura na ay imported pa ito.
Anyway, back to my boyfriend Lax.
Si Lax ay kababata ko gaya ng sabi ko kanina. We grew up together. Mag-bestfriend ang Daddy ko at Daddy niya. Nasa iisang subdivision kami nakatira. Crush ko na siya noon dahil bukod sa gwapo siya, sobrang bait din na parang hindi mo iisipin na may ginagawa siyang kalokohan behind your back.
Nanligaw siya sa akin noong bakasyon namin bilang Grade 10. Sinagot ko siya after a year of courting me. Ayaw ko naman siyang pahirapan ngunit gusto ko lang gumaya kay Mommy na sinagot si Daddy after niyang manligaw ng isang taon.
Dalagang Pilipina si Mommy. Conservative. Pinapahalagahaan niya ang value niya bilang babae. Na dapat ang babae ay sinusuyo at hindi naghahabol sa lalaki. Na dapat mahalin at hindi saktan.
Ganito ako namulat. Kaya naman nang nagkakaisip na ako, gusto kong maging kagaya ni Mommy. Na hahanap ako ng lalaking katulad ni Daddy na nagtiis para lang makuha ang puso ng minamahal niyang babae.
Hindi naman ako nagkamali kay Lax. Niligawan niya ako ng halos isang taon. Iginalang at sinuyo. He is a perfect boyfriend sa totoo lang dahil bukod sa gwapo, maginoo rin siya dahil hanggang ngayon ay hanggang holding hands lang kami. Nagre-request siya ng halik ngunit hanggang halik lang sa noo at halik sa pisngi ko ang ina-allow ko na gawin namin. Never din siya nag-take advantage sa akin dahil alam niyang magagalit ako sa kaniya kapag may ginawa siya na hindi ko gusto.
Papasok na ako sa HNU at narinig ko na nauna na si Lax na pumasok. Plano ko pa naman ibigay ang regalo ko sa kaniya. 'Di bale, magkikita naman kami sa school mamaya.
Naglalakad na ako patungo sa classroom nila. Hindi pa naman nagsisimula ang klase dahil maaga pa naman. I have thirty-minutes to see him and give him my gift. I hope he will like it because I put all my effort on the card.
Kaagad ko namang nakita si Lax. He is standing beside a girl named Penny. I don't know what they are talking to but I think the girl is trying to flirt with my boyfriend.
I felt sad. I know Lax is too popular with girls. Maraming haka-haka na niloloko niya lang ako. Na marami siyang kabulastugan na ginagawa. Ngunit isa man ay walang makapagpatunay nito. Wala silang maipakitang pruweba na niloloko lang ako ni Lax. Kaya naman hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin ang mga ito. Ganoon naman talaga kapag may gustong manira ng relasyon ninyo. Tiwala lang naman ang kailangan namin sa isa't isa. At malaki ang tiwala ko sa kaniya na hindi niya ako lolokohin at sasaktan.
"Love!" bulalas niya nang maispatan niya ako sa labas ng bintana. Agad naman akong ngumiti sa kaniya kahit na medyo nakadama ako ng kirot sa puso ko dahil sa eksenang naabutan ko. Lalo na nang tingnan ako ni Penny at inirapan. As if kasalanan ko pa kung bakit nawala ang atensyon sa kaniya ng boyfriend ko.
"What are you doing here? Hindi pa ba nag-umpisa ang klase ninyo?" nakangiting tanong ni Lax na parang tuwang-tuwa na makita niya akong pinuntahan sa kwarto nila.
Hindi ko kasi ugali ang puntahan siya rito. Ayaw kong isipin niya na binabantayan ko ang kilos niya. Kaya lang hindi na ako nakatiis na ibigay sa kaniya ang regalo ko dahil hindi niya ako naalalang batiin. Naisip ko na baka nakalimutan lang niya. Pero nakakalungkot naman kung oo. Importante para sa akin ang araw na ito dahil umabot kami sa ganitong taon.
"I'm only here to give it to you," I said while handing him the card that I made.
"What's this? A love letter?" Natatawa niyang sabi sabi habang tinataas ang card na ginawa ko para sipatin. I don't know if he is insulting me or what. Pakiramdam ko parang ganoon na nga ang pinapalabas niya. Na parang ang cheap ng ginawa ko. Na tila walang kwenta sa kaniya ang effort ko.
Nadismaya ako, akala ko pa naman ay matutuwa siya. Hindi pala, sana hindi na lang ako nag-effort.
"Anniversary card iyan. Ginawa ko kagabi dahil wala akong maisip na iregalo sa iyo," malungkot na saad ko sabay bawi sa card na hawak niya ngunit hindi naman nag-effort na tingnan ang laman nito. "But I guess, hindi na lang sana ako nag-effort dahil mukhang nakalimutan mo. Happy Anniversary na lang sa atin, sige alis na ako," ani ko na nagpipigil ng iyak. Tatalikod na sana ako at tatakbo nang bigla niya akong pigilan dahilan para mahinto ako.
"Wait, love!" Pigil ni Lax sa akin at mabilis na hinawakan ako sa aking braso. Napatingin naman ako sa kamay niya na agad niyang tinanggal nang makita niyang masama ang tingin ko rito.
"Akin na ang card. Hindi ko naman nakalimutan eh, actually I have a gift for you. Nasa locker mo na at mukhang hindi ka nagbukas ng locker mo kaya hindi mo nakita," nakatawang saad ni Lax dahilan para matulala ako at mawalan ng sasabihin.
"I-I thought you, forgot?" naiiyak ko pa ring sabi.
"Bakit kasi hindi ka nag-check ng locker mo? Di sana'y nakita mo na ang surprise ko sa iyo roon."
"Hindi ko naman kasi alam. Matagal na rin kasi noong huling nagbigay ka ng regalo sa akin," wika ko.
Tama siya hindi ako nag-check ng locker ko. Wala naman kasi akong iiwan doon ngayon dahil inuwi ko lahat ng gamit ko noong nakaraan. Malinis iyon at isang set lang ng sapatos ko ang naroon at bimpo. Hindi ko naman alam na mag-iiwan siya ng regalo roon dahil expected ko ay personal niya itong iaabot sa akin ngayon.
"Akala mo tuloy nakalimutan ko ang first year anniversary natin, Vinnea?" Nakatawa niyang sabi habang hawak na ang card na ginawa ko at binubuksan na niya ito.
Tumango lang ako.
"No, love. Kahapon ko pa iyan napaghandaan and I hope this time ay sumama ka ng mag-date sa akin na tayo lang. Huwag mo ng isama ang yaya mo, naalibadbaran ako kapag nakatitig siya sa akin. Parang may gagawin akong masama kung tumitig siya sa akin. Hindi ba niya alam na ni halik sa labi ay hindi pa natin nagagawa? Baka naman this time mahalikan ko na ang malambot mong labi, Vinnea? Isang taon na tayo, huwag ka naman na sanang magpakipot sa akin. Daig mo pa ang magmamadre kung makapaghigpit ka sa sarili mo," wika ni Lax na hindi ko akalain na sasabihin niya sa akin.
Napatingin tuloy ako kay Lax. Nagsusumamo ang tingin niya sa akin. Ngunit kasi hindi pa ako handang magpahalik. Kahit nasa Senior High na kami at huling taon na namin ito, hanggang holding hands lang kami at kiss sa cheeks. Ewan ko ba, natatakot ako na magpahalik sa kaniya. Baka maging mapusok siya at hindi ko mapigilan ay may mangyari sa amin.
Sabi ni Diane, ito ang magiging mitsa ng relasyon namin ni Lax kapag hindi ko pa siya pinagbigyan. Pero kasi, hindi ko kaya. Tsaka kung mahal niya ako, makakapaghintay siya. Kung mahal niya ako ay maiintindihan niya ang nais ko lalo na at bata pa lang kami. Mag-nineteen pa lang ako, siya nineteen na. Bata para gumawa ng bata 'ika nga ni Yaya Nini.
"No…hindi ako papayagan ni Mommy na lumabas mag-isa. Kilala mo siya, conservative—-"
"Kagaya mo," dugtong ni Lax sa sasabihin ko. "We live in the year twenty-twenty, Vinnea. Kung hindi mo mapagbigyan ang gusto ko mamayang gabi, I'm sorry…makipaghiwalay ka na lang sa akin dahil sawang-sawa na ako sa pagiging conservative mo, pa-demure. For once, i-enjoy mo naman ang pagiging dalaga mo! Sumubok ka naman ng mga bagay na normal lang na ginagawa ng mga kabataan ngayon!" Mahabang turan ni Lax na gumulat sa akin.
Gulat na gulat ako na lalabas ito sa kaniyang bibig. Akala ko gusto niya ang tipo ko, makaluma. Ngunit hindi pala! Sawang-sawa na raw siya? Bwisit siya!
"Wala akong magagawa kung iyan ang desisyon mo, Lax."
"Hindi ka makikipag-date sa akin mamayang gabi kung ganoon?"
"I will, pero kasama ko si Yaya Nini."
"Bullshit! Makipag-date kang mag-isa mo!" ani ni Lax na mas lalong gumulat sa akin. First time niyang magmura. Pakiramdam ko tuloy ay ibang tao siya. Na parang may sumanib sa kaniya na masamang elemento kaya biglang nagbago siya.
Tinalikuran ako ni Lax na galit na galit. Ako naman ay galit din na umalis habang pinipigilan ang aking luha.
Mukhang tama nga sila!
Nagbago na siya at mukhang sinasakyan na lang niya ang relasyon mayroon kaming dalawa.
Hinayaan ko siyang magpalamig ng ulo niya ng halos ilang araw. Akala ko init lang ng ulo iyon na dapat mawala. Hindi ako nagpakita sa kaniya at hindi ko tinangka na hanapin siya para ibaba ang pride ko.
Kaya naman nagulat na lang ako isang araw nang mahuli ko sila ng pinsan ko sa kwarto niya, hubo't hubad at nasa isang mainit na eksena.
Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang sila sa kanilang ginagawa.
Tinatanong ako ng Mommy niya kung bakit ang bilis kong bumaba. Kung nagkausap ba kami ni Lax at nagkaayos na.
Hindi ako umimik, umiiyak lang ako na umaalis habang tinuturo ko kay Tita Alice ang kwarto ni Lax para tingnan niya.
Nagtataka man ay sinunod ng matandang babae ang sinabi ko. Namalayan ko na lang ang sumunod na nangyari ay narinig kong nagsisigaw ang Mommy ni Lax habang minumura ito sa panloloko nito sa akin.
Wala na nga yatang pag-asa na magkaayos kami. Sinira na niya ang tiwala ko. Ngayon, alam ko na ang tunay na kulay ng lalaking iyon!
Umiiyak na lumabas ako ng bahay nila. Nanlalabo na ang paningin ko sa kakaiyak ngunit nagpatuloy ako sa paglalakad para makauwi na sa bahay namin.
Habang nasa daan ako pauwi ng bahay namin ay panay ang himutok ko. Na sana ay noon ko pa siya kinalimutan!
Gago siya! Pinsan ko pa talaga ang papatulan niya?
Patawid na sana ako sa kabilang kalsada nang bigla akong matisod sa isang nakausling bato na hindi ko nakita.
Napasigaw ako sa takot dahil nasugatan ang tuhod ko.
Kung minamalas ka nga naman!
Naiiyak na naupo ako sa gilid ng kalsada habang umiiyak. Madalang pa naman ang mga sasakyan na dumadaan dahil exclusive na subdivision lang ito para sa mga mayayaman.
Dumudugo ng sobra ang tuhod ko at hindi ko alam kung kaya ko bang maglakad ng malayo lalo na at ilang metro pa ang layo ko sa bahay namin. Kung bakit naman kasi hindi ko dinala ang cellphone ko. Imbes na nagpasundo ako sa driver namin.
Mga ilang minuto siguro akong nakaupo sa kalsada nang biglang may humintong sasakyan sa tapat ko.
"Miss? May problema ba?" wika ng isang baritonong boses ng isang lalaki.
Nabuhayan agad ako ng loob. Makikiusap ako na magpahatid sa bahay namin kapag kilala ko ang sakay ng sasakyan na tumigil. Ngunit nadismaya ako nang makita kong ang kambal na anak ni Ninong Zeke ko ang huminto habang curious na nakatingin sa akin.
"Vinnea?" Sabay na bulalas ng dalawa sabay ngiti ng maluwag sa akin.
Inirapan ko naman sila.
Kung minamalas nga naman talaga ako ngayong araw na ito, oo!
Hindi bale na lang, titiisin ko na lang ang sakit. Maglalakad na lang ako huwag lang makasama ang magkapatid na manyakis!
Manyakis dahil nabosohan lang naman nila ako noong napatid ang strap ng bra ko! Imbes na sabihin nila sa akin, pinagpiyestahan nila ang dibdib ko. At nang mahuli ko sila ay hindi man lang sila humingi ng tawad!
Naimbitahan kasi ako ni Ninong Zeke at Ninang Nayeli na maligo sa pool nila noon. Hilig ko kasi ang maglunoy sa pool lalo na at wala pa kaming sariling pool noon.
At ang nakakainis ay hindi man lang nila sinabi na nahuhubaran na ako. Kung hindi ko pa nakapa ang bra ko ay malamang matagal na nilang pinagpiyestahan ang dibdib ko.
"Wala akong problema. Baka kayo meron," ani ko na pinilit tumayo para makaalis sa tapat nila. Paika-ika akong naglakad palayo sa kanila ngunit ang sisti, sinundan nila ako.
"Dumudugo ang tuhod mo, Vinnea. Come on, ihahatid ka na namin sa inyo," wika ni Kuya Ice na siyang nagmamaneho ng sasakyan.
"Huwag na kayo ko 'to!" sabi ko habang pilit na naglalakad ng tuwid.
"Ang tigas ng ulo mo, tumatagas na ang dugo sa hita mo," inis na sabi ni Kuya Fire na hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala.
Agad niya akong pinangko ngunit dahil bigla akong nagpumiglas, lumusot ang mga daliri niya patungo sa pagitan ng mga hita ko at nahawakan niya ang katambukan ko roon. Pareho kaming natigilan at nagkatinginan. Ako na gulat na gulat habang siya ay pinagpapawisan ang noo!
"Bastos!" hiyaw ko na halos gusto ko na lang kainin ng lupa.
Sa dami ng pwede niyang mahawakan ay ang gitna ko pa talaga!
Alam kong sadya ito!
Ni hindi man lang siya humingi ng tawad! Nginisihan lang ako? At si Kuya Ice na nakatingin sa amin ay nakangisi pa at parang naiinggit sa kaniyang kapatid!