“Fire, sa tingin mo ba magandang ideya na iniwan natin siya sa Taguig?” tanong ko kay Fireon na nakita kong naglalagay na ng seatbelt sa kaniyang baywang at shoulder harness dahil malapit ng mag-take off ang eroplano paalis ng Clark Airport. Kanina pa ako tapos maglagay ng mga safety belts. Siya lang itong minsan nakakalimutan kung hindi ko pa ipapaalala sa kaniya. “Yeah. Why? Nag-aalala ka ba na naiwan siyang mag-isa sa mansion? She is safe there, my twin.” I nodded my head. “What if she get bored there? Kawawa naman siya kung wala siyang kausap doon,” pahayag ko at saka ako nangalumbaba habang nakatanaw sa labas ng bintana. First class ang ticket namin kaya naman may sarili kaming cubicle na nagsilbing kwarto na rin dahil pwedeng maging kama ang upuan namin. Tapos may sariling table