SINUBUKAN kong humugot ng isang malalim na hininga. Huli na nang mapagtanto kong maling desisyon iyon. Wala akong ibang naamoy kung hindi ang pabango ni Griffin na ngayo’y nasa harapan ko na at iginigiya ang mga kamay ko paikot sa kanyang leeg habang ang kanyang mga kamay ay nasa baywang ko pa rin, ang mga daliri’y naglalaro sa nakalantad na balat dahil sa suot kong crop top.
I grounded my teeth so hard to prevent myself from saying anything further that would only engage Griffin and make him view me as an unattainable. Kilala ko ang mga karakas ng kagaya niya. They like the chase. They sometimes even think women like me do that on purpose. They get some kind of kick from that alone.
I’m hoping still na iba si Griffin. That maybe once I go and explain to him this wasn’t the case, he’ll understand.
The only problem is how the f**k do I do that while being subjected under his stern gaze and playful fingers in my back?
Hindi pa nangangalahati ang naabutan naming kanta’y inalis ko na kaagad ang mga kamay ko sa leeg niya’t tumalikod na para muling umalis. Didn’t work though. He was faster and his limbs are much longer than mine so he caught up to me and snaked his arm around my belly from behind.
“Griff, please—”
“Don’t call me that,” he drawled over my ear and shivers went up my spine.
I just realized his face is so close to my neck that I could nearly feel his lips air-tracing my skin. His palms spread over my belly, slowing creeping inside the loose top I’m wearing. Nahigit ko ang hininga ko at mariing napapikit. Hindi ko na maalala kung anong sasabihin ko. All I could think about was how good the feel of his hands were on my body and how warm and ticklish his breath is on my neck.
When I realized I was fighting my urge to moan, I instantly felt embarassed. And a little angry maybe, hindi ko nga lang alam kung sa sarili o kay Griffin.
“This is not appropriate, Griffin. Stop preying on me, I’m not a w***e!”
When he stopped, iyon ang nakuha kong tsansa para makatakbo palabas ng bar at patungo sa parking area kung saan ko iniwan ang kotse ko. When I got to my car, I was fumbling my jean pockets for my keys, my hands visibly shaking. I don’t remember the last time I prayed but I probably called on so many saints at that moment para lang ipagdasal na sana’y hindi ako abutan ni Griffin o kaya nama’y sana hindi niya ako sinundan.
Although, may kaunting pagkadismaya akong naramdaman nang maisip na baka hindi na niya ako sundan. Baka hindi ako worth it para sa mga kagaya niya.
Oh what the hell? What am I thinking?
“Ma’am Ice!”
“Boss!”
Napalingon ako at nahinto sa pagbubukas ng pintuan ng kotse nang marinig ang sigaw ng pamilyar na mga boses. There from the bar’s exit are my team, walking—or maybe swaying?—towards where I am.
Si Yi-Rim ay nakaangkla ang braso kina Ariel at Valentin at halos hilahin na nilang dalawa ang paa niya sa sobrang kalasingan. Si Vernie naman ay may hawak pang beer can at kumakanta ng malakas habang gegewang-gewang na nakasunod sa tatlo.
“What the hell happened?” ang bungad kong tanong sa kanila.
“Si Yi-Rim, boss, napasobra. Haya’n at bangenge na,” inis na pakli ni Ariel na paulit-ulit inaayos ang kapit sa kanya ni Yi-Rim. “Ito namang si Verns nakatatlong beer lang nagwawala na sa banyo. Nakakahiya ‘tong mga ‘to.”
Napangiwi ako. Binuksan ko ang backseat ng kotse para makasakay sila. “Tara na, ihahatid ko na kayo. Mga pasaway kayo.”
In all fairness, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa naging pagdating nila. It was a good distraction and if that didn’t killed whatever’s left of my harrowing emotions earlier, Vernie’s rendition of Frozen’s Do You Wanna Build A Snowman definitely did it.
Hinatid ko sila isa-isa sa mga bahay nila. Inuna ko si Vernie dahil siya ang unang madadaanan. Swerte na nga lang din dahil sa tingin ko’y hindi na kakayanin ng eardrums ko kung mananatili pa siya sa loob ng sasakyan ng ilan pang minuto.
“Dito na ako, boss, sakto na rito,” ngiting wika ni Valentin nang madaanan namin iyong convenience store na sinasabi niya. “H’wag na ho kayo pumasok sa village, d’yan lang naman ako.”
Ngumiti ako at tumango sa rearview mirror. “Sige, ingat ka ha. Mag-chat ka kapag nasa bahay ka na.”
“Yes, boss. Salamat ulit. Ingat kayo. See you bukas.”
“See you!”
On the way to Ariel’s, sinusubukan na niyang gisingin si Yi-Rim para itanong ang address ng bahay nito. Unfortunately, it was to no avail. Mahimbing na ang tulog ng loka-loka at maski kahit anong alog ay hindi na nagigising. “Pa’no ‘to, Ma’am, ‘di magising, eh.”
Tumingin ako sa rearview mirror para sulyapan si Yi-Rim. Nakahilig na siya sa bintana ng kotse, kita ko pa sa yellow-ish tint ng ilaw ang trace ng laway sa pisngi niya. Napailing ako at ibinalik ang tingin sa daanan, but not before noticing a black Escapade trailing us from the back.
Kumunot ang noo ko. I wouldn’t have noticed it sa highway kanina sa dami ng sasakyan. Not on the main streets as well. Pero itong daan papasok sa subdivision nina Ariel ay one-way. If the car stops when I stop, that’s when I’ll know for sure Griffin King is having me followed.
Bumalik ako ng tingin sa daan at ipinarada ang kotse sa harapan ng bahay nina Ariel ilang minuto lang ang nakakalipas.
“Ako nang bahala kay Yi-Rim, El. Pahinga ka na.”
“Thanks, Ma’am Ice. Ingat po kayo. Chat kayo sa GC kapag nakauwi na kayo, Ma’am.”
Ngumiti ako at tumango. Bago ko tuluyang paandarin ang sasakyan para lumabas na sa highway, tumingin muna ako sa rearview mirror. Wala na ‘yong Escapade na bumubuntot kanina. Napahigpit ang hawak ko sa manibela. God, I’m such a fool. What the hell’s wrong with my brain?
Pasulyap-sulyap ako kay Yi-Rim habang nagmamaneho pauwi. I thought I’ll just let her stay at my place for tonight. Madaling araw na rin kasi, mas hassle kung hihintayin ko pang mawala ang lango niya.
We were in the middle of a highway nang makita kong bigla siyang tumayo at akmang nasusuka. Namilog ang mga mata ko’t agad na itinabi ang sasakyan bago siya hinatak palabas at iginiya sa may railing kung saan ilog ang nasa ibaba. Wala pang isang segundo’y bumulwak na ang pinipiit niyang suka. “My God, Yi-Rim…”
I had to turn away from her dahil sa amoy ng suka niya. That’s when I saw the black Escapade pull up just behind my car. My spine tingled with mixed anticipation and dread. It took so much of me to not scream in frustration nang umibis mula sa passanger seat si Griffin.
Wala siyang balak tigilan ako. That’s for sure.
“Can I help, Lyselle?”
I studied him for a moment. His hands are in his pocket and there was something different in his eyes this time. Hindi kagaya kanina na may apoy, may purpose, may ibig makuha. Now he’s just… him. As if I was transported back to another time when he was just being sincerely helpful.
Tumikhim ako at sinulyapan si Yi-Rim na halos hindi na kayang tumayo mag-isa at nakakapit na lamang sa railing. “Kailangan ko siyang i-check in sa hotel. She’s too drunk to function.”
Wala siyang sinabi, sa halip ay nilingon lamang niya ang Escapade at wala pang ilang saglit ay bumukas ang driver’s seat niyon saka niluwa iyong pamilyar na lalaking nakita kong kasama niya sa elevator noong unang araw na nakita ko siya sa Kingsley Tower. Mabilis niyang nabuhat si Yi-Rim at naipasok sa Escapade. I was expecting Griffin would follow suit but instead, he walked towards me and reached out his right hand.
Taka akong napatingin sa kanya. “Excuse me?”
“Your keys. I’ll drive us to my hotel.”
Did he just say his hotel? May hotel chain din siya? Holy s**t. Am I in a freaking chick flick or what?
Kinuha ko sa bulsa ko ang susi at ibinigay sa kanya. Walang imik ang naging byahe namin patungo sa hotel. It was full of tension and silent battle. Pirmi lang akong nakatingin sa bintana at pinapanood ang mga nadadaanang tanawin, all the while hyperaware of him looking at me from time to time.
Nang sapitin namin ang The Crowne, naiwan kami ni Yi-Rim sa lobby habang siya’y kinausap ang receptionist at ‘di kalaunan ay ang manager ng hotel na mukhang nasorpresa sa biglaan niyang pagbisita. I was watching him from afar and I couldn’t help but feel too overwhelmed at how bigger-than-life his aura is.
“T. L…”
Napapitlag ako mula sa iniisip nang umungol si Yi-Rim na nakasandal sa balikat. “Mm?”
Iminulat niya ang isa niyang mata at ngumisi. “Bet ka n’yan ni Sir Griffin, noh?”
Namilog ang mga mata ko’t magpoprotesta sana pero napatigil lamang nang lumapit ang tauhan ni Griffin sa amin. “Miss Lyselle, okay na po ang kwarto. Ihahatid ko na po siya ro’n.”
Tinulungan ko siyang itayo si Yi-Rim. “Naku, ako na. Okay lang, ako na lang ang maghahatid sa kanya.”
Ngumiti siya at umiling bago ipinangko si Yi-Rim nang walang kahirap-hirap. “Ako na po, Miss. Hinihintay po kayo ni Sir Griffin.”
Sukat doon ay napatingin ako sa dating kinatatayuan ng binanggit niya. True enough, he was standing near the revolving door, looking intently at me. Napabuntong hininga ako. When the hell will this night end?
GRIFFIN brought me to a coffee shop inside the hotel. Ayoko sanang magkape dahil baka dumagdag pa ang palpitation na iyon sa malakas na ngang kabog ng dibdib ko kaya’t umorder na lamang ako ng cold drink, masabi lamang na may ininom naman ako kahit na papaano.
“About earlier…” panimula niya matapos ang mahabang katahimikan. “I apologize if I offended you. I was…” he squinted, trying to find the right words, I think. “on edge.”
On edge? Talk about understatement. “Gano’n ka talaga maghanap ng mga babaeng ikakama?”
“Hindi ako kahit kailan naghanap.”
Arrogant much? “Fine then. That’s how you proposition women you like to bed?”
Nagkibit siya ng balikat. “I usually don’t say that much words as I just did with you, princess. That’s a first… I think.”
Mayabang mang pakinggan pero hindi ako nagdududang totoo ang sinasabi niya. With that face and that body and that money, I can’t imagine any woman saying no to him. Kaya siguro nahihirapan siyang intindihing umaayaw ako.
Bumuntong hininga ako at tinigilan ang idle na paghahalo ng stirrer sa iniinom ko. “Griffin… hindi ko alam kung paano sasabihin na hindi nagtutunog na parang isang hamon sa ‘yo ‘to. I know you’re not used to women saying no. And you’re right, I am attracted to you. You knew that even a decade ago, I don’t have anything to hide. But I’m not in the best position to be some millionaire’s f**k toy. I’m sorry.”
Tinitigan niya ako ng may ilang saglit. After a while, he sat back, then quietly set his hand over my right one and switched it so my palm was upwards. To my utter shock, he started swirling his fingers lightly over it, making circles around it, all the while studying my face and waiting for my reaction.
Nahigit ko ang hininga, hindi alam kung anong ipapakita. This was seduction at its finest and I can feel the demon within me resurfacing, whispering: Just one night. Just one time.
“Griffin… I said no.”
My voice broke. Alam kong napansin niya iyon. Naroon ang pagkakakilanlan sa mga mata niya. He knew I wanted what he was offering.
“See… I hear you saying no, Lyselle, but it’s not what I’m seeing.”
Oh God. Sino pa bang santo ang pwede kong tawagin? “I said—”
“No?” salo niya saka biglang-bigla’y itinigil ang ginagawa sa palad ko. “Naririnig kita, princess. I just don’t get why.”
“Hindi ko kailangang ipaliwanag sa ‘yo.”
“Is it because I bought your company? I’m just the money, your old CEO is still in his seat so technically, I’m not even your boss.”
“Hindi ‘yon—”
“Or maybe you want romance? You want to be swept off your feet? I can arrange for that. I imagine it—”
“I said no!” Aware akong napalakas ang sigaw kong iyon. Maski ang katabi naming mesa ay napahinto sa pagkukwentuhan dahil sa gulat. I huffed and stood up. “Kung wala sa diksyunaryo mo ang salitang ‘yon, hindi ko problema ‘yon. Pero sa susunod na buksan mo ulit ang paksang ‘to, I will sue the hell out of you, King. Not every woman who lusts after you actually wants to be with you. I can’t imagine how anyone could when you have such hateful personality. Tama nga siguro sila. You’re just a face.”
I stormed the hell out of that place without looking back. I hoped to hell this ends already. Pakiramdam ko’y iyon lang lahat ang meron ako. A little more and I would’ve gone the deep end. Damned Griffin King.