FIVE: Uneventful

3238 Words
HINDI ko matandaan kung gaano ako katagal nakatulog. Ang sumunod kong natandaan ay ang pakiramdam ng pagbuhat sa akin ni Griffin mula sa malambot na kama. I only knew it was him because of his scent. I never really opened my eyes even when I felt the warm water I was submerged into minutes later. I figured it was his bathtub and I was able to confirm that theory when he climbed in and settled behind me, making me lean against his chest while his arms crawled around my waist. Sa totoo lang, wala na akong lakas magsalita at isipin pa ang nangyari. Wala na rin akong lakas isipin kung anong gagawin ko matapos niyon. Deep inside, I was hoping to wash off what happened between my grandfather and I. Gusto kong kalimutan iyon. And maybe that was the reason why I keep drifting in and out. I wanted a reason to shut down. This was it. The next time I came to, it was morning. The sun is up, ang sinag niyon ay pumapasok sa transparent sliding door ng balkonahe at nililiwanagan ang buong silid. Mabigat ang katawan ko nang bumangon ako. My muscles felt sore, especially my thighs and the muscles in between. I rubbed my head and thought about what I did last night. Hindi iyon panaginip, nakasisiguro ako. I had nothing on but the peach blanket wrapped around me and I can hear water sloshing inside the bathroom. I slept with Griffin King. Oh God, Lyselle. What have you done? Lumunok ako, panic easily settling in and the numbness from last night was now a distant memory. Dali-dali akong tumayo, namataan ang mga nakatiklop kong damit sa paanan ng kama. Mabilis akong nagbihis at nagsapatos saka hinanap sa bedside table ang mga gamit ko. I found my cell and my car keys but I froze when I saw a glass of water with an advil beside it. Muli’y naramdaman ko ang pamilyar na sipa sa puso ko. It was the same feeling as when he placed my head in the pillow last night. It was as if he’s trying to take care of me. At ayokong maramdaman iyon. It humanized Griffin King for me in a way that would surely prevent me from viewing this whole thing as an icy cool one night stand. And I have to remain feeling that way because otherwise, I wouldn’t survive this. Tahimik akong lumabas sa silid at bumaba. Wala akong maraming oras para hangaan ang bahay ni Griffin pero namangha pa rin ako sa ganda ng itsura ng living room nito at ng mga furnitures na nagsisilbing palamuti sa bahay. It was a modern luxurious big house—cove ceilings, expensive big tiles and mahogany stairs with prominent paintings displayed around the majestic walls. It screamed royalty to me. Bagay na bagay para sa isang Griffin King. Takbo-lakad ang ginawa ko para makalabas sa bahay na iyon. From my peripheral view, I could see someone in the garage fixing up a black SUV parked there. I prayed he wouldn’t notice me but I didn’t have the time to look back. Nagderetso ako sa kung saan nakaparada ang kotse ko, binuksan ang pinto at agad na binuhay ang makina para makalabas na ng tuluyan doon. Kung paano ako nakauwi, isang milagro. Hindi ko na nadatnan si Autumn noong umagang iyon pero hindi na rin ako nagtangkang pumasok sa trabaho, feigning sickness as an excuse to take some time off. Nagkulong lamang ako sa kwarto, pinilit na matulog o ‘di kaya’y manood lamang ng mga series sa Netlfix na napanood ko na dati. Sinubukan kong hindi isipin ang mga nangyari. It was easier to shut off my brain that day dahil sa magkahalong pagod at sakit ng ulo ko, rason kung bakit hindi ko rin namalayan ang pag-uwi ni Autumn ng gabing iyon. “I think Prim will be okay, Ice,” wika ni Autumn kinaumagahan habang naghahain siya ng almusal at ako’y nagtitimpla ng kape. “Hindi siya pababayaan ng Lolo mo at ng Mama mo.” I smiled at her at inilapag ang kape sa mesa bago maupo sa upuan ko kanina. Hindi ko nagawang ipagtapat sa kanya ang nangyari sa amin ni Griffin. Hindi ko rin masabing bumisita ako sa ancestral house at nakaharap ko si Lolo. She only knew about Prim’s condition the same way Britanni found out—through social media. “Mas gagaan pa rin ang pakiramdam ko kung makakausap ko siya.” Bumuntong hininga siya at pinisil ang kamay ko para makisimpatya. “Makakagawa rin tayo ng paraan. Susubukan kong makatulong.” Umiling agad ako sa naging alok niya. “Hindi na, baka madamay ka pa. Okay lang, Autumn. Kaya ko na ‘to.” Matagal niya akong pinakatitigan, sinusuri marahil kung tapat ako sa sinasabi ko. Muli ko lamang siyang nginitian bago umiwas ng tingin at itinuon na lamang iyon sa pagkain. Pasado alas nwebe ng umaga nang makarating ako sa Kingsley Tower. May ilang segundo akong nag-alangan na dumeretso sa lobby dahil sa kaba na baka nakaabang lamang sa akin si Griffin para komprontahin ako sa biglaan kong pagtakbo kinaumagahan. Pero nang marating ko ang thirty-fourth floor na walang aberya at walang pamilyar na mukhang humaharang o sumasalubong sa akin, naghalo ang pakiramdam ng relief at disappointment. Sa kabilang banda, nagpapasalamat akong hindi ko kailangang harapin ngayon si Griffin. God knows it was exhausting arguing with that guy. Pero sa kabilang banda rin naman, iyong parte sa aking pilit kong ikinakandado, na-disappoint akong tama ang una kong hinala sa intensyon ng lalaking iyon. Deep inside, I must have wanted to be proven wrong. Although hindi ko rin naman alam ang gagawin ko kung ganoon nga. Nagtagis ang bagang ko sa inis nang ma-realize na ginugulo ko lang din ang sarili kong isip. I’m starting to be a hypocrite about Griffin King and I don’t like it. Nadatnan ko sa workspace namin si Sir Ruth kasama ang hindi pamilyar na lalaki na tila iginigiya ito sa paligid ng silid. Nang bumukas ang transparent sliding door ay nadatnan kong ipinagmamalaki niya ang open-door policy ng firm. I smiled and waved a bit to my team members who saw me came in as a silent greeting. Agad kong tinungo ang kinatatayuan ng boss ko at nakumpirmang iginagala niya nga ang kasama niya sa floor. “Oh speaking of Ice, there you are!” Tumingin ako sa lalaking katabi niya at ngumiti. He also smiled at me and I was dazzled at how his dimples made him look like a wholesome matinee idol despite the obvious sleeve tattoo in his right arm and left wrist and the piercing at the corner of his lips and ears. “Adrian, this is Lyselle Ocampo. She’s one of our team leads here. Ice, this is Adrian Cuenca, bago nating project manager at team lead.” I shook the guy’s hand. “I was just telling Adrian here na wala tayong opisina at we work in a shared space.” “Yeah, it’s very impressive,” segunda ni Adrian bago pa man ako makapagsalita para tumugon kay Sir Ruth. “Very i********:-mable itong work spaces. Everyone has a desk with no walls around them and no cubicles. Even you as their boss. Open area lang.” It was part of Brand & Beyond’s appeal to the millenial workforce. Hindi sila tradisyonal sa work setup. They have work spaces per team where the walls are decorated with fun portraits and graffitis. Sa loob ng work space ay may pantry kung saan kami kumakain at may sarili ring rest room. Everyone has desks and their own laptops and monitors. Walang pader, walang cubicle. It was somewhat a way to make everyone feel that the management is very open to ideas and changes. “So true,” pag-sang ayon ni Sir Ruth. At this point, pakiramdam ko’y parang hindi naman na nila ako kailangan sa usapang ito. Sila na lang naman ang nag-uusap. “Anyway, Ice, since Adrian is new here at wala pa naman siyang team, I’d like you to show him the ropes for a few weeks. Work with him on that clothing app project, I think that’ll be enough exposure for him here.” Tumango ako. Bagong kuha lang namin sa Trendy Shack at akala ko nga’y hindi ko na mahaharap ang proyektong iyon dahil sa dami ng ginagawa. Now that Sir Ruth bumped up that project to the priority list, I may need to re-assess. Nagpaalam si Sir Ruth ‘di katagalan. Ipinakilala ko si Adrian sa team ko na mukha namang agad nilang nakasundo at nagkayayayaan na kaagad ng inuman. When it was evident the lot of them had deadlines to catch up on, iniwan na namin sila’t nagtungo na sa pantry dala ang mga laptops namin para roon mag-usap at magtrabaho habang nagkakape. “You know… hindi pa rin ako makapaniwalang makakatrabaho kita,” mayamaya’y wika niya habang binubuksan ko ang laptop ko. Kumunot ang noo ko at natawa. “Uy ‘di ako celebrity, ha.” “Yeah but your works are. I’ve been following your work for years. Galing, eh. Matalino ‘yong mga gawa, hindi basta-basta. Idol kita, noh.” I snorted. “Kilala rin kita. Mas matagal ka na sa ‘kin dito, noh. Galing kang PR ‘di ba? ‘Yong campaign sa relo, ‘yong minana ng anak hanggang sa susunod na generation ‘yong wrist watch. You drove home what the product is exactly known for—durability. Ang lupit mo ro’n, eh.” Ngumiti siya. “Una’t huling gawa ko ‘yon na nag-trend pero salamat, naalala mo.” “Ba’t naman una’t huli? Lumipat ka?” “Oo, eh. Politics. Mga ilang taon lang naman. ‘Tapos no’n bumalik ako sa private firms, do’n sa in-house advertising team ng Kingsley Tech. Malaki naman ang sahod pero pakiramdam ko kasi nalilimitahan ako sa creativity. Kaya nga no’ng humingi sila ng volunteer para malipat dito dahil kailangan ng tao, nauna na agad akong magsabi.” Hindi ko na-realize na nagpapahiram pala ng empleyado ang in-house team ng Kingsley Tech sa Brand & Beyond. But I guess it made sense. Karamihan sa mga kliyenteng natanggap ng firm matapos ang acquisition ay mga malalaking brand at kilalang produkto. Maski ang mga start-up companies na nakapila ay may potensyal ding maging isang malaking brand sa hinaharap. It made sense for Kingsley Tech to pluck out one of their best people first bago humanap ng iba mula sa labas. Aside from working with Adrian and getting to know him a bit, my day was uneventful. Lumabas ang buong team saglit para kumain at uminom pero wala pang alas onse ng gabi’y nagkayayaan na ring umuwi. Nagprisinta si Adrian na ipag-drive ako dahil naka-apat na bote rin ako nang gabing iyon. Hindi na ako nakatanggi dahil maski ako’y duda sa kakayahan kong magmaneho noon. Luckily, malapit lang ang apartment ni Adrian sa building ko at pwedeng lakarin. I offered for him to take the car temporarily at ibalik na lamang sa akin ng umaga pero tumanggi siya. “Are you sure? Madilim na, eh.” Natawa siya sa sinabi ko. “Seryoso bang sa akin ka pa talaga nag-aalala? Ice, ako ang tinatakbuhan ng mga nakakasalubong ko. Not the other way around.” Man, I had forgotten the piercings and the tattoos. I smiled sheepishly. “Slipped my mind.” Muli siyang natawa. “Well, thank you so much for driving me home. May utang ako.” “Wala ‘yon. Kape lang bukas, masaya na ako.” “Kape lang pala. Magdadala ako ng maraming 3-in-1, ‘wag ka mag-alala.” He chuckled again. “I-level-up mo naman, sobra ka! Pero sige, kahit ano naman basta galing sa ‘yo.” Ngumiti ako, sensing something with the tone he used but ended up ignoring it because I didn’t want to assume. “Akong bahala. Basta mag-ingat ka pauwi. Bukas ulit.” “Good night, Ice. I’ll see you tomorrow.” He hung around for a moment. Hindi ko alam kung may hinihintay ba siyang sabihin ko pero bago pa maging awkward ay kumaway na ako’t tumalikod para pumasok sa revolving door ng gusali. Hindi na ako lumingon pa hanggang sa marating ko ang elevator paakyat sa penthouse. I was waiting for the lift to go down nang may bumunggo sa braso ko’t tumayo sa tabi ko. Inis ko na sanang bubulyawan kung hindi ko lamang napagtantong si Autumn iyon na nakangisi at may subo-subong popsicle. May hawak siyang plastik na may tatak ng convenience store na malapit sa building, making me think that she went out to buy snacks. “Haba ng hair mo, ah. Hinahatid ka pa. Ano ka, bata?” pambubuska niya sa akin. Nginiwian ko siya’t inirapan. “Issue ka. Ka-trabaho ko ‘yon. Pinag-drive lang ako kasi naka-apat na bote ako.” Bumukas ang pintuan ng elevator at sabay kaming pumasok. “Napakaarte mo naman. Sa dalawang bote nga ng tequila, nakakauwi ka pa ng isang piraso, eh. Apat na bote lang ng beer, nagpahatid ka na? T’saka mukhang isang malaking red flag ‘yong boylet mong ‘yon, ah. Daming tattoo at hikaw. Bad boy.” “H’wag kang issue. Nagmagandang-loob lang siya kasi tipsy na ako kanina. Ang judger mo sa tattoo at hikaw, ha. Hindi ba pwedeng way to express niya lang ‘yon?” kontra ko, air-quoting the last sentence I said. Natawa siya na tila magpapatuloy pa sa pang-aasar kung hindi lamang bumukas ang elevator at bumungad sa amin ang pamilyar na lalaki na nag-aabang sa harapan ng pintuan ng penthouse. Nang makita niya kaming papalapit ay tumuwid siya ng tayo at bahagyang ngumiti sa akin. Autumn looked between him and me and waited. Hindi ko alam kung anong pangalan niya pero ilang beses ko na siyang nakikita kasama si Griffin. Sa tantya ko’y nasa mid-fifties siya. He was always in a three-piece black suit. Palakaibigan ang mukha pero may ere ng otoridad na magtutulak sa kahit na kaninong makaramdam ng pag-iingat sa paligid niya. Bumaling ako kay Autumn at bahagyang ngumiti. “Una ka na, sunod ako.” I saw the recognition in Autumn’s expression and I knew instantly that she understood. Hinintay ko siyang makapasok sa loob ng penthouse bago bumaling sa lalaki. “May… maitutulong ho ba ako?” Saka ko lamang napansin ang hawak niyang envelope nang iangat niya iyon at iabot sa akin. “Ipinaaabot ho ni Sir Griffin, Miss Lyselle. Para ho sa inyo.” Kunot-noong tinanggap ko iyon at nagtangkang buksan. “Pagpasok n’yo na lang ho, Miss,” pigil niya na ipinagtaka ko. “Mauna na ho ako.” I was too stunned and baffled to say anything other than the nod I gave him. Hinintay ko siyang makasakay sa elevator at makababa bago pumasok sa bahay at magtuloy-tuloy sa kwarto ko. Naupo ako sa kama at agad na tinanggal ang lahat ng laman ng envelope. There were a lot of papers inside and a cell phone that fell out and bounced across the bed. Nirebesa ko ang mga papeles. Sa unang basa ay halos wala akong naintindihan. Nakailang ulit pa bago ko mapagtantong mga medical records ni Prim ang mga iyon at idinidetalye ang operasyong ginawa sa kanya para maialis ang bala ng baril na tumama sa kanyang balikat. The records said he was never in a critical condition and that he’s now just being monitored for a few days and will be soon cleared to go home. Para bang napakalaking tinik ang nabunot sa dibdib ko at kaagad na nag-init ang mga mata ko. I didn’t realize how bad I was suppressing my fears until I bawled over the documents I was holding. Hilam na sa luha ang mukha ko nang piliing tumunog niyong cell phone na nakalimutan ko nang kasama pala ng mga papel. I stopped crying at inabot ang cell phone, tinignan kung sino ang tumatawag. Walang caller ID na nakarehistro pero sinagot ko pa rin ang tawag dala ng pagkakuryoso. “H-hello?” I rasped, wiping away the tears from my face. “Ate?” untag ng pamilyar na tinig. “Ate… ikaw ba ‘yan?” Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Parang biglang tumigil ang mundo ko. I would know that voice everywhere. “Prim… Oh God… Prim, is that you?” “Ate, ikaw nga!” Natutop ko ang labi ko, napagtantong maging ang mga kamay ko ay nanginginig na sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi ko alam kung saan magsisimula sa mga tanong. In the end, I asked everything at once. “Kamusta ka na? Miss ka na ni Ate, Prim. Sorry ha, wala ako r’yan. Gagawa ako ng paraan para madalaw ka, promise.” “Miss na miss na rin kita, Ate. Akala ko joke lang ‘to, eh,” dinig ko sa tinig niya ang kanyang ngiti. “Masaya akong nakausap kita ngayon. Pero baka mas makabubuting hindi ka na muna makita ni Kuya at Lolo rito. Sa makalawa rin naman ay iuuwi na raw nila ako.” My shoulders slumped in disappointment. Bumuntong hininga ako at maski na labag sa kalooban ay sumang-ayon na lang din kay Prim. “Sinong nag-aalaga sa ‘yo sa ospital? Nand’yan ba si Mama?” “Kaaalis lang niya kaninang hapon. Mababait naman ‘yong mga staff dito. Kaya ko naman din ang sarili ko, Ate, malayo naman ‘to sa bituka. “ “What happened?” “Ang totoo hindi ko rin alam, eh. I was in an Al Fresco restaurant. May riding in tandem na bumaril sa akin. Hindi ko nakita ‘yong mukha at ‘yong plaka but Lolo and Kuya Logan made it seem like It was a political threat.” I doubt that. “Matagal na silang wala sa pulitika. Bakit ka naman pag-iinteresan?” “Noong nagkaroon ng giyera laban sa droga, naging aktibo si Kuya Logan sa mga volunteer work. They helped build a few rehabilitation centers and livelihood workshops. Wala akong ideya no’n na may balak si Lolo na patakbuhin siya sa eleksyon. It was just last year that they discreetly asked for support from our previous allies. Kuya’s running in the Senate.” Shit. Kung ano-anong tumakbo sa isip ko nang mga oras na iyon. Ang galit na mayroon ako para kay Logan ay bumangon. Wala na yata talagang ibang alam gawin ang demonyong iyon kung hindi ang manira ng buhay ng iba. “Hindi siya pwedeng tumakbo. Mauungkat ang lahat kapag ibinalik niya ang pamilya natin sa spotlight ng pulitika.” Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Prim sa kabilang linya, probably feeling the same bitterness in his mouth with the threat of everything being exposed hanging over our heads. “Iyon din ang sinabi ko. But they were confident that the hush money did its job and they were expecting for the statute of limitation to be over in a few years. By then… kahit may magsalita, wala nang makakapag-pursue pa ng legal case.” Naikuyom ko ang kamao ko at humigpit ang hawak ng isa kong kamay sa telepono. I was seething in anger, wishing so bad that I wasn’t such a coward years ago. I could’ve ended everything but I got scared. At dahil doon, habambuhay kong sisisihin ang sarili ko. I could’ve saved their lives. But I didn’t. Because I chose mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD