Kumukulo talaga sa galit ang kanyang dibdib ng mga oras na iyon pero pinigil niya ang sarili dahil kasama niya ang buong pamilya ni Krenan. Ngunit sa loob-loob niya, kanina pa niya gustong magwala at komprontahin ang binata! Sa lahat ba naman, kay Missy pa ito humingi ng opinyon sa ibibigay na regalo sa kanya?
Sobrang sakit na.
Panay ang hinga niya nang malalim upang paluwagin ang naninikip na dibdib. Kanina pa rin nagbabadyang pumatak ng kanyang mga luha. Mas lalo lamang siyang nasaktan nang makitang masayang nakikipagkwentuhan si Missy sa pamilya ni Krenan. Parte talaga ito ng pamilya simula noon pa. Samantalang siya, dapo lamang.
"Ate, bakit nandito ka?"
Bahagya pa siyang nagulat nang biglang magsalita si Karter sa kanyang likuran. Hindi rin siya agad makasagot sa tanong nito.
Nanglingunin niya ito ay mataman din itong nakatitig kay Missy. Katulad ni Krenan, magandang lalake rin ito at malakas ang dating pero kung si Krenan ay madaling basahin ang ugali, si Karter naman ay mas seryoso. Mas bata ito pero kung titingnan mo sa mga pagkakataon na seryoso ang itsura nito, masasabi mong misteryoso ang pagkatao. Kadalasan ay tahimk at nakamasid lang ito ngunit kapag nagsalita ay may lalim.
"Ganda 'no?" sambit pa nito habang nakatitig kay Missy. "Gandang hindi mo aakalain na gagawa ng hindi maganda! Just a piece of advice Ate Amber, alam ko at nakikita ko kung gaano mo kamahal ang kuya ko kaya sana bakuran mo at ingatan ang relasyon niyo. Mahirap na, maraming magnanakaw at isnatser sa paligid!"
"Anong ibig mong sabihin?" pabulong niyang tanong, kunwari hindi alam kung ano ang gusto nitong ipahiwatig. Hindi rin niya inaalis ang tingin dito.
Ngunit nagkibit-balikat lang ito sabay sabing, "Alam kong alam mo ang gusto kong iparating. Basta, binalaan na kita. Ikaw rin, baka magsisi ka sa huli. Matagal na silang magkaibigan ni kuya at halos naging parte na ng pamilya namin si Missy kaya alam ko ang likaw ng bituka niya.
"At hindi ko rin naman pwedeng rendahan ang pagkakaibigan nilang dalawa."
Karter just tsked and then said, "Yes, we could be best friends with someone but we should also know our boundaries lalo na kung may girlfriend or boyfriend ang kaibigan natin. Katulad ngayon, sa nakikita mo, okey lang na ganyan kalapit si Kuya kay Missy?"
Isang malaking hindi! Ngunit ano bang magagawa niya?
Pagkalapit kasi ni Krenan sa dinning table ay kaagad na pumaikot ang braso ni Missy sa baywang ng binata saka ito hinila upang paupuin sa tabi nito.
Bago pa man siya makapag-react ay nahila na siya ni Karter patungo sa dinning table saka siya ipinaghila ng upuan sa tabi ng kuya nito.
"Hi, bi!" bati ni Krenan ng makita siya, Ini-usod din nito ang silyang kinauupuan palapit sa kanya. "What do you like to eat?"
Hindi pa man siya nakasasagot ay nalagyan na nito ng kanin at ulam ang kanyang plato.
"Ang dami naman! Baka 'di ko maubos!" angal niya ngunit tinanggap pa rin naman niya.
"O, 'di ako ang uubos! Saka hindi ka naman dapat nag-aalala kung madami ang inilagay kong pagkain sa plato mo kasi kahit anong kain mo, parang hindi ka naman tumataba, eh!"
Kapagkuwan ay nakangisi itong lumingon kay Missy. "Pero itong best friend ko, kaunting kain lang, lumulubo kaagad! mAsyadong maarte sa pagkain!"
"I'm not maarte, okay?" taas ang kilay na sagot ni Missy. Masama rin ang tingin nito sa binata. "I'm just a picky eater. Pinipili kong kainin ang mga healthy na pagkain, no? Samantalang ikaw, lately ay napapansin kong kung ano-ano na lang ang kinakain mo! Huwag mong sabihin an kumakain ka na naman ng mga street foods, Krenan, ha? Hindi mo alam kung paano inihahanda ang mga pagkaing 'yon! Basta ka na lang kasing tanggap nang tanggap ng mga bigay sa'yo, eh!"
Patuloy ang naging kulitan ng dalawa samantalang siya, ito ang bumabangon na naman ang inis. Alam niyang siya ang tinutukoy ni Missy.
"Kren, ha? Huwag mong kalimutan ang birthday ni Laurel! Ang sabi mo sasamahan mo 'ko. This coming Sunday na 'yon," dagdag pa nito.
Araw ng Linggo rin ang usapan nila ni Krenan. Iyon ang araw na ipakikilala niya ang binata sa kanyang Mama Pre. Hindi niya kasi basta maipakilala ang binata dahil takaw lang din ang ginagawa niyang pagdalaw sa matanda. Dahil kapag nalaman ng dalawa nitong anak, malamang ay magkagulo na naman sila. O, baka gawan pa siya ng isyu o mas malala pa ay ipakulong pa siya ng mga ito.
Inaasahan niyang tatanggi ang binata ngunit kaagad itong sumagot nang, "Seven, right?"
"Yeah. But we have to get there by six maybe, since sa isang private yatch gaganapin ang party," dagdag pa ni Missy. Pagkatapos ay bumaling itong sa kanya, nasa labi ang matamis na ngiti. "Okey lang naman na hiramin ko ang boyfriend mo ng isang araw 'di ba? Saka, una naman siya naging akin, eh...I mean, una ko siyang naging best friend."
Kahit ayaw niya ay wala siyang nagawa kundi ang tumango saka sinabi, "Oo naman."
Pagkatapos ay piniling niyang manahimik at manaka-nakang sumusubo ng pagkain kahit hindi niya halos malunok ang mga iyon. At nang sumulyap siya sa gawi ni Karter, nakita niyang mataman itong nakatitig sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin.
Natapos ang dinner na 'yon na ang madalas na magkausap ay si Missy at Krenan. Sumasagot lang siya kapag tinatanong ng binata o kapag kinakausap siya ni Karter at Kara. Sad to say na nagkaroon ng important meeting ang mag-asawang Le Pierre kaya hindi nila ito nakasamang kumain.
Habang nasa biyahe sila pauwi ng condo, hindi niya magawang imikan ang binata. Ramdam niyang panay ang sulyap nito ngunit pinanatili niya ang tingin sa labas ng bintana habang nakahilig sa sandalan ng upuan.
Pero maya-maya lamang ay hindi ito nakatiis at nagsalita. "Bi, are you, okay? Kanina ka pa walang imik, ah!"
Tango lang ang naging sagot niya rito. Alam niyang hindi ito kuntento sa naging sagot niya kaya makalipas ang ilang minuto ay itinigil nito ang kotse sa tabi ng kalsada.
"May problema ba?"
Umiling lang siya.
He heaved a deep sigh, then said, "Alam kong meron, okey? Hindi ka magkakaganyan kung wala!"
Mukhang anumang sandali ay mapuputol na ang pagiging mahinahon nito pero wala siyang pakialam.
"Huwag ngayon, Krenan. Baka mag-away lang tayo-"
"Ayan ka na naman, eh! Imbes na pag-usapan natin kung anumang gumugulo sa'yo ay iniiwasan mo!" he cut her off. "Sa tuwing tatanungin kita, tango at iling lang ang sagot mo! Kaya ko nga tinatanong kung ano ang problema para ma-solve natin bago pa lumala!"
Mapait siyang napangiti. "Talaga ba? Parang ako na ang may isyu ngayon, ah!"
"Apparently, yes! Dahil wala akong maalala na kasalanan ko na dapat nating pag-awayan! God, Amber! Ano na naman 'to? Huwag mong sabihing tungkol na naman 'to kay Missy?"
Hindi siya sumagot kahit pa parang uusok na ang ilong nito sa galit.
Naihilamos nito ang dalawang kamay sa mukha. Halata ang iritasyon. "Ilang beses ko bang sasabihin na walang namamagitan sa aming dalawa ni Missy! We're just friends! Kaya itigil mo na ang kung ano-anong iniisip mo. Ikaw lang din ang mapa-praning!"
Doon nagpanting ang kanyang tainga. "So. iniisip mo na napa-praning lang ako? Gano'n ba, ha? Okey, sige. Praning na kung praning!"
Sa inis niya ay hinubad niya ang ibinigay nitong singsing saka padaskol an inilagay sa headborad ng kotse nito. "Yan! Ibabalik ko na ang ibinigay mong singsing dahil sa tuwing nakikita ko 'yan ay mas lalo lang akong napa-praning! Nagawa mo talaga akong bigyan ng singsing nang naaayon sa gusto ni Missy! And worst, ang partner na kwentas ay ibinigay mo naman sa kanya? Sa tingin mo, anong mararamdaman ko?"
Tulala itong nakatitig sa kanya. "Nang dahil lang doon ay galit ka na? Really? God, Amber! Walang malice doon. And besides, siya ang tinanong ko per a girls perspective not because siya ang magdi-decide sa ibibigay ko sa'yo! And the necklace, favorite niya 'yon!"
"Favorite ko rin 'yon!" gusto niyang isigaw. Kahit mumurahin lang na kwintas ang ibigay, okey lang sa kanya. Sad to say, mukhang hindi iyon alam ni Krenan.
Gusto niya ng kwintas kahit noon pa man. Sa pagkakatanda niya, noong bata pa siya ay may nakita siyang hand cuff pendant necklace kasama ng kanyang mga gamit noong baby pa siya. Ngunit noong makita iyon ng kanyang ina ay kaagad na kinuha at ipinagbili. Galing daw kasi iyon sa walang kwenta niyang ama na noong kapapanganak pa lamang sa kanya ay nawala nang masangkot ito sa isang riot. Naging malala raw ang tama nito kaya sa huli ay tuluyang binawian ng buhay!
"Para sa'yo siguro, walang kwenta 'tong nararamdaman ko, Krenan! Pero sana maintindihan mo rin kung saan ako nanggagaling," panimula niya. "Ano kayang mararamdaman mo kung regaluhan kita base sa gusto ng lalakeng pinaseselosan mo? Anong mararamdaman mo kung makipagharutan ako sa ex-boyfriend ko na bestfriend ko sa harapan mo? Anong mararamdaman mo kung sa tuwing magkakatampuhan tayo ay doon ako sa ex ko tatakbo para mag-vent out?
"Hindi maganda sa pakiramdam, Krenan? Bukod sa selos at sakit, ipinararamdam mo rin sa akin kung sino at kung ano lang ako sa buhay mo! Na mas importante siya kahit na ako ang girlfriend mo!"
Nagsalubong ang mga kilay nito saka nagsalita, "Gusto mong mamili ako sa inyong dalawa? Amber naman, pareho kayong mahalaga sa akin-"
"Alam ko, Krenan," kaagad niya putol sa sinasabi nito. "Alam ko...kaya hindi kita pinapipili sa aming dalawa! Ang sa akin lang, you need to set boundaries! At kapag kaibigan, dapat tratong kaibigan lang! Sobra na akong nasasaktan, san alam mo 'yon..."