XX

1945 Words
Bago pa siya tuluyang sumabog ay mabilis siyang lumabas ng kotse ng binata. Panay ang hinga niya nang malalim, pilit pinakakalma ang sarili. Pero kahit anong gawin niya, hindi maalis ang selos at galit na kanyang nadarama. Parang sasabog ang puso niya! “Aaahhh!” sumigaw siya nang malakas, walang pakialam kung may makakarinig man. Ang tangi niya lang gusto ng mga sandaling iyon ay mailabas ang sakit ng kanyang dibdib. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Krenan. “I’m sorry, bi! Sori na…sori na, please!” Puno ng pagsusumamo ang boses nito. Panay ang halik nito sa kanyang ulo at ang mga yakap ay sobrang higpit tila ba takot na takot siyang makawala. Mas lalo naman siyang napaiyak ng sumubsob siya sa matipuno nitong dibdib. Ang yakap nito, ang natural nitong amoy at ang masuyo nitong boses ay nagpapaalala sa kanya na kung ito man ang sanhi ng kanyang kalungkutan. Subalit, sa mga yakap at halik din naman nito ang kangang kapayapaan. She just cried. She just cried like a lost child. A child who’s longing for love and acceptance. Mabuti na lamang at hinayaan din naman siya ng binata na umiyak. Wala siyang narinig kundi paghingi nito ng tawad. Nang humupa ang kanyang emosyon, inalalayan siya nito palapit sa kotse saka isinandal siya roon. He then cupped her face and kiss her passionately. He looked in her eyes, then said, “I’m sorry, bi. I really am. Paulit-ulit ko ring sasabihin na walang namamagitan sa amin ni Missy. She’s just a friend. Hindi na hihigit pa roon ang relasyon naming dalawa. Sori din kong naipaparamdam ko sa’yo na hindi ka mahalaga, or you are neglected for some reason. Just always remember, kahit anong mangyari, mahal na mahal kita at hindi ko intension na saktan ka o balewalain. Sori na, please…” Tinitigan niya ito sa mga mata at batid niyang totoo ang sinasabi nito. Mapait siyang napangiti. “Alam ko naman ‘yon. Pero sana, tingnan at isipin mo rin ang pinanggagalingan ko. What if, ikaw nga ang nasa kalagayan ko? Ano kayang iisipin at mararamdaman mo?” Samantala, hindi naman matanggap ni Krenan ang sakit na nakikita niya sa mga mata ng dalaga. Bakit lately ay nagiging madalas na ang kanilang tampuhan? And seeing Amber cry a river of tears earlier, parang tinarakan ng kutsilyo ang kanyang dibdib. All he could do was hug her tight while saying sorry. Sori dahil nagawa niya itong saktan. Na paiyakin. Pero totoo naman ang lahat ng kanyang mga sinabi. Walang namamagitan sa kanila ni Missy! And for Christ sake! Para na niya itong kapatid kaya never siyang magkakagusto rito! No malice at all! Kanina habang panay ang iyak nito alam niyang hindi simpleng selos lang ang nadarama nito. Na-realize niya ang kanyang pagkakamali. Oo, wala silang relasyon ni Miisy ngunit kung paano siya nito pakitunguhan ay katulad pa rin noon. She’s clingy and demanding at times na kahit kasama niya si Amber ay wala itong pakialam. Siya rin naman ay nakakalimutan niyang may dapat pala siyang i-consider. Boundaries Yes. He forgot to set boundaries kaya nagkakaganito sila ngayon. “Sori, bi. Hindi na mauulit. I promise,” usal niya habang pinapatakan ng maliliit na halik ang buong mukha nito. Hindi ito sumagot ngunit nang kabigin niya ito sa kanyang dibdib ay wala siyang narinig na reklamo. Napangiti na lang siya. Alam niya, maya-maya lamang ay okey an ito. Maski nang nasa biyahe na, hindi pa rin siya nito kinakausap kaya siya ay nag-concentrate na lamang sa pagmamaneho. Nang saglit niya itong lingunin, nakatulog na pala ito.Saglit niyang inihinto ang kotse sa tabi ng kalsada nang makitang tumatawag ang kanyang mommy. “Mom,” sambit niya agad pagkasagot sa tawag. “Yes! Kasama ko siya ngayon.” Saglit lang pinakinggang ang sinasabi ng kanyang mommy. Iuwi raw niya ng ligtas ang dalaga. So is he. At kahit hindi nito nakikita ay panay lang ang tango niya sa mga sinasabi nito. “Mom!” reklamo niya maya-maya. Ang haba na kasi ng sermon at paalala nito sa kanya. “Sinisigawan moba ako, Krenan?” “Hindi po,” sagot niya agad. “ Sige na, Mom. I’m driving!” “Umuwi ka muna rito pagkahatid mo kay Amber. May kailangan tayong pag-usapan.” “Sige po. And by the way, can Amber take a day off tomorrow and the next day?” Saglit na natahimik sa kabilang linya. Naririnig niyang may nagbubulungan ngunit hinid niya maintindihan ang sinasabi. “Mom?” “Okay! Basta ang bilin ko sa’yo, Krenan, ha? Huwag mong idadamay si Amber sa mga kalokohan mo,” paalala nito. “And be careful, you two.” Inihatid nga lang niya ang dalaga sa condo nito. Kapag sinabi ng kanyang mommy o daddy na may kailangan silang pag-usapan, it’s something serious. “Kara, ang mommy at daddy?’ tanong niya sa kapatid nang mabungaran ito sa sala. Nag-angat ng paningin ang kapatid mula sa ginagawa nitong pagpipinta, then she said, “Sa study, Kuya.” Pagakatapos noon ay tumalikod na siya. Narinig pa niyang bubulong-bulong ang kapatid ngunit hindi na niya iyon pinansin. Kumatok muna siya bago pumasok ng kwarto. Natuon agad ang pansin ng dalawa sa kanya pagkapasok niya. “Maupo ka.” It was his dad. Saglit niyang tinapunan ng tingin ang ina, pilit inaarok kung ano ba ang nasa isip nito. But just like his dad, he can’t seem to decipher what she’s thinking at the moment. Hinintay niyang magsalita ang mga ito. Ang kanyang daddy ang unang bumasag ng katahimikan. “Galing kami kanina sa Ninong Karim mo,” panimula ng daddy niya. “Remember the night Amber got in to ang accident? “ Kumunot ang kanyang noo. “Yes. What about it? It has nothing to do with Amber, right? Nadamay lang siya sa gulo ‘di ba?” “Iyon din ang nasa isip naming, anak. Pero may mga pangyayari nanagdulot ng pagtataka sa amin. Lalo na sa Daddy at Ninong Karim mo.” It was his mom. And she seems to be weary. Hindi na siya nagtaka. Alam na niya noong gabi pa lamang na puntahan niya ang dalaga sa ospital ay nakaramdam na siya ng iba pagkapaos pa lang niya ng ospital. Hindi man niya matukoy pero alam niyang may mali. Mas lalo lamang siyang nagduda ng mag-imbestiga siya at malamang deleted ang kuha ng CCTV noong oras na dinala ang dalaga sa ospital. He heaved a deep sigh then said, “I know. The fact the deleted na ang footage ng CCTV noong oras na dinala si Amber sa ospital, alam kong may mali. We tried to retrieve the footage but we cannot. Propesyonal ang gumawa at wala man lang iniwang bakas!” “A throrough investigation has been conducted a week ago pero dead end palagi ang mga tao natin. Pati na rin ang Ninong mo, wala pang ibang lead.” “Has it something to do with the threat that we are receiving, Dad?” “Could be, son. However, I have my men around Amber pero wala naman daw silang makitang umaali-aligid na kahina-hinala.” “Ako ang kinakabahan sa mga nangayayring ito, eh! Bumabalik na naman ang takot ko dahil sa ginawa ng mag-amang Recio!” bulalas ng kanyang mommy. Batid nilang magkakapatid ang naging paghihirap ng kanilang mommy mula sa kamay ng sarili nitong mga kamag-anak. Ang Tito Roland at anak nitong si Gleenie ang naging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay naroon ap rin ang takot sa puso at isip ng kanyang mommy. Dahil sa pagiging ganid sa kayamanan ay nagawang patayin ng mag-ama ang mga magulang ng kanyang mommy. Pati ang yaman na dapat sana ay sa kanyang mommy ay kinamkam ng mga ito. “You don’t have to be scared, Mom,” aniya. “Kung noon ay ang Daddy lamang ang tagapagtanggol niyo, you have me now. And I’m sure, pati na rin si Karter at Kara ay hindi mangingiming lumaban para sa’yo!” Yes! Kahit mga menor de edad pa ang kanyang kapatid, batid niyang hindi basta mapapatumba ang mga ito. Dahil bata pa lamang sila ay tinuruan na sila na ipagtanggol ang kanilang sarili. Hindi dahil gusto ng kanilang mga magulang kundi iyon ang hinihingi ng sitwasyon. Kaakibat kasi ng karangyaan na meron sila ay mga taong gusto nilang saktan at lamangan. Kinakailangan na marunong silang lumaban sakaling maharap sila sa alanganing sitwasyon. “Naku! Tigilan mo ‘ko, Krenan! Mas lalo lamang akong natatakot diyan sa sinasabi mo!” asik ng ina. “Kung masasaktan lang din naman kayo nang dahil sa akin, huwag na lang! Gugustuhin ko pang mamatay na lang kaysa makitang isinasanggalang niyo ang buhay niyo para sa akin!” “And before anyone could hurt my family, dadaan muna sa kin.” Sabay silang napatigil ng kanyang mommy at pareho ding napatitig sa lalakeng noon pa man ay nagsilbi ng pader at bakod ng kanilang pamilya. Nakita na niya itong umiyak pero matatag pa rin. Ilang beses ding nasaktan pero matibay pa rin kaya naniniwala siyang anuman ang mangyari, magsisilbi itong pader na nakapaikot sa kanilang pamilya upang protektahan at ipaglaban sila. Nang tingnan niya ulit ang ina, she saw how proud and in love she is with his dad. Isang magandang tanawin na noon pa man ay nakikita na niya sa pagitan ng dalawa. Still in love with each other after many years of being together. Umabot nang halos dalawang oras ang usapan nilang mag-anak na hanggang sa pag-check ng CCTV footage sa bahay nila ay nagawa na rin nila.Tanging silang lima lamang ang mayroong access sa naturang kwarto. May mga mahahalagang detalye at impormasyon na dapat sila lamang ang nakakaalam. Mas lalo na si Karter. Curious and observant kaya kung ano-ano ang kinakalikot sa computer. And speaking of which. Maya-maya lamang ay pumasok na rin ang dalawa. “Dapat pala ay nagdala ako ng pagakain ditto,” ani Kara. “Kumpleto tayo, eh!” Lumapit ito sa kanilang daddy, naglalambing na yumakap. She’s still the baby of the family kahit pa katorse na ito. Kahit magdaan pa ang mga taon, she will always be. And when he looked at Karter, abala na naman ang mga daliri nito sa pagtipa sa keyboard. Ang mga mata ay tutok na tutok sa screen ng computer. Kung anuman ang ginagawa o hinahanap nito, tahimik lang silang nakamasid. May dalawang laptop sa harapan nito at mayroong tatlong tv screen na nakakabit sa dingding. Kita roon ang loob ng buong bahay hanggang sa labas paikot, around five-hundred meters away from their house. “Wait!” bulalas ni Kara. Napatigl sa pagtipa si Karter habang sila ay napatingin kay Kara. “Kuya, can you play the video backward?” ani Kara. Titig na titig ito sa harap ng computer. “A little slower, please!” Lahat sila ay nakatingin samonitor kung saan kita nila ang isang lalakeng nagpapalit ng gulong ng kotse, sa gilid ng kalsada sa tapat ng bahay nila. “What is it, Kara?” asked their dad. Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Kara at nang lumingon ito sa kanila ay may namumuong luha sa mga mata nito. “Si Ate Amber? Where is she?” bulalas nito. Kapagkuwan ay lumingon ito sa gawi niya. “Kuya?“ Mabilis nitong dimapot ang cellphone saka may tinawagan. “Ate, pick up the phone! Sagutin mo!” “Kara, what is happening?” Hindi niya maiwasang matakot dahil sa nakikitang reaksyon ng kapatid. Tumingin ulit ito sa monitor. “That’s him. Hindi ako maaaring magkamali, Kuya! Siya ‘yong lalakeng nakita kong nanggaling sa kwarto ni Ate Amber noong nasa ospital siya!”

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD