Hanggang sa mag-uumaga na ay hindi siya nakatulog dahil sa nabasang text mula sa cellphone ni Krenan. Masyadong siyang binabagabag, or maybe, nagseselos at nasasaktan. Hindi rin siya mapakali. Naroong uupo siya sa may sala pagkatapos ay pupunta ng kusina o kaya ay sisilipin ang ang binata habang tulog na tulog sa ibabaw ng kama.
Isang mahabang buntung-hininga ang kanyang pinakawalan saka pasalampak na naupo ulit sa sofa. Kasabay ng pagpikit niya ang ay pagkalaglag kanyang mga luha. Mabilis niya iyong pinahid ngunit tila tuksong sunod-sunod ang naging pagdaloy nito. Sa huli, tuluyan siyang napahagulhol dahil sa sakit na kanyang nararamdaman.
Sa tuwing magkakasagutan o magkakatampuhan ba sila kay Missy ito lumalapit? Sa tuwing nasasaktan siya at naghahanap ng makakausap ay sa iba ito nagko-confide? Imbes na pag-usapan nila ang problema, mas pinipili nitong makasama si Missy? Habang nag-iisa siya at tinatanong niya ang sarili kung may mali ba sa kanya, pinipili nitong layasan siya? Sa ngayon ay si Krenan lang ang mayroon siya pero mas pinipili nitong layasan siya at magbigay ng oras sa iba. Hindi naman niya hinihingi ang kabuuang oras nito dahil alam naman niya kung gaano kalaki ang responsibilidad nito bilang isang pulis at bilang isang Le Pierre. Gusto lang niyang umamot ng kaunting oras at pag-intindi mula rito ngunit kadalasan ay iba ang nagiging pakahulugan nito.
Hanggang sa magliwanag ay wala siyang nakuhang sagot sa kanyang mga katanungan. Bagkus ay lalo lamang siyang nagkaroon ng mga tanong hindi lamang para sa kanilang relasyon ng binata ngunit sa lahat-lahat na. Nag-umpisa na naman niyang kuwestiyunin ang kanyang sariling kakayahan at kung worthy nga ba siya na maging girlfriend ng binata at maging parte ng pamilya nito.
Isang malalim na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan bago nagpasyang magtungo sa kusina upang magluto ng almusal.
Nakakailang hakbang pa lamang siya ng tumunog ang kanyang cellphone. Si Miss Natasha ang tumatawag. Agad niya iyong sinagot. Panay lang ang naging pagtango niya sa mga sinasabi nito at pagkatapos ng tawag ay dali-dali siyang naligo at nagbihis upang magtungo sa bahay ng mga ito. Saglit lang niyang sinilip ang binata sa kanyang kwarto saka nagdesisyon ng huwag itong gisingin.
"Ate Amber!?" hiyaw ni Kara pagkakita sa kanya. Patakbo itong lumapit sa kanya saka siya mahigpit na niyakap. Muntik pa siyang mabuwal dahil sa ginawa nito. Nang tanawin niya si Miss Natasha na kasunod nitong nalalakad ay napapailing na lamang.
"Be careful, Kara! Baka matumba kayong dalawa ni Ate Amber mo!" saway ng Mommy nito, Pagkuwan ay bumaling sa kanya ang ginang. "Pagpasensyahan mo na ang anak ko, hija. Na-miss ka lang niya ng sobra. How about Krenan? Hindi ba kayo magkasamang pumunta rito? Ilang beses ko ring tinawagan ang batang 'yon ngunit hindi man lang sinasagot ang mga tawag ko."
"Sinilip ko ho bago ako nagpunta dito. Tulog na tulog po. Mukhang lasing kagabi kaya hindi ko na ho ginising."
Napailing na lang ito. "Hayaan mo na. Kapag nagising naman iyon at nalamang narito ka ay agad na susunod dito. Kung saan-saan na naman siguro nagpunta kagabi kasama ng barkada niya kaya lasing na naman. By the way, can we talk in my office, hija? It won't take long."
"Mommy!' sabat naman ni Kara. "Hindi ako naniniwalang it won't take long. Sosolohin mo na naman si Ate Amber, eh! Akala ko pa naman ay makakapagkuwentuhan kami!"
"Huwag nang makulit, Kara, okey? Saka bakit mo ba gagambalain ang Ate Amber mo? Busy siyang tao-"
"Saglit lang naman po, eh."
"Okey lang po," sambit niya bago pa man makapagsalita ang ginang pagkatapos ay binalingan niya si Kara. "Later, okay? Magtratrabaho muna ako ngayon. Ang mabuti pa, kung may kailangan kang gawin ay gawin mo na ngayon para mamaya, wala na tayong isipin, hmm?" Masuyo niyang hinaplos ang pisngi nitong makinis at mamula-mula.
"Thank you, Ate!" bulalas nito sabay yakap nang mahigpit sa kanya. Pagkatapos ay patakbo itong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay ng mga Le Pierre kung saan naroon ang kuwarto nito.
"Ang batang 'yon talaga..." sambit ng ginang. Naiiling na lang ito ngunit naroon ang pagkagiliw sa bunsong anak. "Pasensya ka na, hija kung madalas kang kulitin ng aking bunso. Sabik lang na may makalaro lalo na at iba na ang interes ng kanyang mga kuya. Hindi rin naman gaanong makalabas at takot din. You know naman what happen 'di ba?"
Tumango siya. Muntik na kasi itong makuha ng masasamang loob ilang taon na ang nakalipas. Mabuti na lamang at naging alisto ang yaya nito noon kaya agad na nakahingi ng tulong bago pa man may mangyaring hindi maganda.
"Let's go, hija."
Nagpati-anod siya nang hawakan siya nang hilahin siya ng ginang patungo sa private office nito. Akala niya ay kung ano ang pag-uusapan nila, 'yon pala ay tungkol sa inaalok nitong kotse sa kanya. Noon pa kasi siya nito kinukulit na tanggapin ang kotseng ipapagamit sa kanya upang maging madali ang kanyang mga lakad ngunit sa tuwina ay tinatanggihan niya. Sobrang tulong na ang ginagawa ng mga ito sa kanya at feeling niya, ay hindi na niya kayang humarap pa sa mga ito. But knowing Miss Natasha, hindi talaga siya nito titigilan hangga't hindi siya pumapayag katulad na lamang ng libreng pagpapaaral ng mga ito sa kanya.
"Come on, hija! Hanggang ngayon ba naman ay tatanggihan mo ako?" Ginagap nito ang kamay niyang kanina pa hindi mapakali. "Look, we've helped various people at ikaw pa ba ang hindi namin tutulungan gayong nakikita namin ang potential at kakayahan mo? And besides, that car is one of the privilegdes as my secretary! Hindi pwedeng isipin ng mga tao na ibinibigay ko iyon just because you are my son's girlfriend? And please, do what makes you happy without thinking of what others will say behind your back. Yes, at times, there words may bother you, but would you let them stop the things that makes you happy?"
Masuyo niyang tinitigan ang ginang, then she sigh heavily. "Okey po," sambit niya bilang pagsuko.
Kung ano-ano pa ang naging usapan nila ng ginang hanggang sa biglang sumulpot si Krenan na halatang nagmamadaling pumunta roon.
"God, Krenan! You look like...never mind! Anyway, kumain ka na ba? Kung hindi pa, sabay na lang kayo ni Amber. Magpapahanda ako."
"Ipadala niyo na lang po sa kuwarto ko. May pag-uusapan lang po kami ni Amber," anito. Saglit lang siya nitong tinapunan ng tingin saka tumalikod na.
"Ano na namang ginawa ng batang 'yon?" tanong ng ginang habang habol ng tingin ang papalayong bulto ng binata.
"Medyo nagkatampuhan lang po," sagot niya. "Pero maliit na bagay lang naman ho at madadaan naman sa mabuting usapan."
"O, siya. Ipadadala ko na lamang ang pagkain niyo. Sasaglit lang kami ni Kara sa school niya. Naghihintay na rin kasi ang asawa ko. Kanina pa panay ang text sa akin. Basta kapag may kailangan ka, magpasabi ka lang, okey?"
"Thank you po."
"No worries, hija. Ang mabuti pa'y sundan mo na ang anak kong iyon at mukhang mainit na naman ang ulo!"
Pagkatalikod nito ay tinungo niya ang kusina upang siya na lamang ang maghanda ng pagkain nila ng binata pero sakto namang naihanda na iyon ng kasambahay.
"Ate, ako na lang po ang magdadala sa kuwarto ni Krenan," aniya.
"Naku, Miss Amber, nakakahiya po!"
"Okey lang po...saka mukhang mainit ang ulo kaya ako na magdadala."
Nakita niyang bahagyang nanlaki ang ulo ng kasambahay saka mabilis nitong ini-abot ang tray na may lamang pagkain.
"Kayo na nga lang po," sambit nito.
Nang kuhanin niya ay tila nabunutan ito ng tinik sa dibdib. Alam niya kasing ilag ang mga kasambahay sa binata lalo na kapag mainit ang ulo nito. Hindi naman ito naninigaw o kaya ay nananakit ngunit iba ang awra nito kapag mainit ang ulo na hindi mo gugustuhing mapagbuntunan.
"Thank you, Ate."
Bitbit ang tray na may lamang pagkain ay umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang kuwarto ng binata ngunit hindi niya nakita ang binata. Tinungo niya ang terrace at doon inilagay ang dalang pagkain dahil doon naman sila madalas na kumain ng binata kapag nagpupunta siya ng mansyon ngunit wala ito roon. Balak niya sanang tingnan kung bumaba ba ang binata ngunit hindi pa man siya nakakalabas ng kuwarto nito ay nahila na siya nito sa kamay.
"Kren-"
Kapwa nila habol ang hininga nang bitiwan ng binata ang kanyang mga labi. At bago pa man siya makapagsalita ng kung ano ay naramdaman niya ang isang malamig na bagay na isinuot ng binata sa kanyang daliri.
Kumunot ang kanyang noo habang nakatitig sa singsing.
"Oh, hindi 'yan suhol o kung ano pa man, ha? It's my way of showing my love for you kaya huwag mo na sanang tanggihan, okey?" Ilang beses na itong nagtangka na bigyan siya ng mga regalo pero sa tuwina ay tumatanggi siya. He really took off after his Mom.
Mapagbigay.
Hinalikan ulit siya nito sa labi then he said, " Mauna ka na sa labas, okey? Maliligo lang ako. Alam ko namang kaagaw ko ang Mommy at si Kara kapag narito ka sa bahay kaya magpapaubaya muna ako."
"Ikaw talaga..."
"I love you," anito.
"I love you too. Sumunod ka kaagad, ha? Kanina kapang hinahanap ng Mommy mo!"
"Yes, Ma'am!" May kindat pa itong nalalaman.
Nang makita niyang hinunubad na nito ang suot nitong pantalon ay dagli na siyang tumalikod at naglalakad patungo sa may pinto. Rinig pa niya ang malakas nitong tawa habang papalayo siya. Napangiti na lang din siya sa panunukso nito.
Subalit ang mga ngiti niya ay napawi agad nang makita niya sa si Missy pagkalabas. Gustuhin man niyang tapatan ang saya at confidence na meron ito nang mga oras na iyon ay hindi niya magawa. Batid niya kasi ang likaw ng bituka nito. Na sa likod ng maamo nitong mukha ay nagkukubli ang isang ahas.
Agad nitong lumapit sa kanya nang makita siya. Kapagkuwan ay bumaba ang tingin nito sa daliri niyang may suot na singsing.
"Oh my! The ring looks good in you! Mabuti na lamang at nakinig si Krenan sa sinabi ko!"
Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi nito.
"Oh? He didn't tell you?" Mukha pa rin itong anghel kahit pa batid niyang may gusto itong ipahiwatig sa kanya. Pagkatapos ay kinapa nito ang suot na kwentas. "Ako ang pumili ng singsing na 'yan. Look! Partner siya ng suot kong kwentas! Ganda 'di ba?"