Naging mahirap para sa kanyang ng mga sumunod na araw. Hindi kasi pumapasok si Ma'am Natasha kaya ang palagi niyang nakakasama araw-araw ay si Krenan. Mahirap balewalain ang presensya nito. Hindi naman siya nito pinakikialaman dahil maayos naman niyang nagagawa ang kanyang trabaho ngunit ang kaalamang kasama niya ito sa isang kuwarto, sapat na upang magulo ang kanyang sistema. Dalawa hanggang tatlong oras lang naman ang inilalagi nito sa opisina ng mommy nito ngunit sapat na ang oras na iyon upang maligalig ang kanyang puso.
Bago ito magtungo sa OJT nito, maaga itong dumadaan sa opisina upang siyang mag-asikaso sa naiwang trabaho ng mommy nito. At sa hapon, dadaan ito at gabi na kung umuwi. Mas lalo siyang humanga rito. Nineteen pa lang ito pero kung humawak sa negosyo ay animo isang eksperto na. Sabagay kung magmula pagkabata nito ay na-train na sa ganoong business, malamang ay maging bihasa na ito. Ngunit nakakabilib lang talaga!
"Sumabay ka na sa akin." Nag-angat siya ng tingin mula sa kanyang ginagawa sa kanyang laptop nang marinig niya ang boses ni Krenan. Masuyo siyang ngumiti rito kahit pa kumakabog ang kanyang dibdib sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Hindi niya matukoy kung ano ba ang emosyon na 'yon! Basta!
"Hindi na po kailangan, sir. May kailangan pa po kasi akong tapusin na trabaho," sambit niya.
"Then I'll wait for you."
"No, sir! Hindi na po kailangan-"
"I'll insist, Miss Perez," anito. He was leaning on the door frame while intently looking at her. "Inihabilin ka ng mommy sa akin and I don't wanna be blamed if something bad happens to you."
"Pero-"
"No buts, okay?" he cut her off.
Napahinga na lang siya nang malalim saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Mabuti na lang at kaunti na lang naman ang kanyang aayusin. Nakakahiya rin kasi kung paghihintayin niya si Krenan.
It took her almost an hour before wrapping up everything. Saktong katatapos lang niya ng makita niyang naglakad papalapit si Krenan. Hindi man niya batid kung binabantayan siya nito habang nagtratrabaho ngunit ramdam niya ang mga titig nito magmula pa kanina. Siya naman ay ginawa ang lahat upang mag-concentrate sa kanyang trabaho kahit sa loob-loob niya ang nadi-distract siya sa presensiya nito.
"Are you done?" tanong nito. Nasa harapan ito ng kanyang talbe habang pinaglalaruan ang mga daliri nito ang susi ng kotse nito. Krenan was just wearing a khaki chinos with plain white shirt on top and with a brown slip on shoes, he still manage to look hot. With his towering height and good looks, she now wonders how many girls he had been with. At sigurado siya na kahit sinong babae ay maaari nitong makuha.
Ang hindi niya alam, habang nag-aayos siya ng kanyang gamit at habang nagliliwaliw ang kanyang isipan kakaiisip dito ay panakaw na sumusulyap sa bawat niyang galaw ang binata.
"Okey na po, sir," sambit niya maya-maya. Hinintay niyang maunang maglakad si Krenan saka siya umagapay ng paglalakad dito.
Habang nasa biyahe sila, kapwa sila naging tahimik. Siya naman ay panay ang hinga nang malalim habang naglalakbay ang kanyang isipan sa kanyang Mama Pre. Nakatanggap kasi siya ng tawag kanina na gusto raw siyang makita ng matanda. Gusto niya itong makita at makasama ngunit ang pagdaaw dito ay may kaakibat na sakit at lungkot. Lungkot dahil sa kabila ng kabaitan nito ay nagawa itong ipasok sa shelter na kung tutuusin ay pwede naman itong alagaan ng mga anak nito. Masakit kasi, nasasaktan siya na wala siyang magawa upang tulungan ito. Gustong-gusto niya itong kuhanin at siya na ang mag-aalaga ngunit paano? Hindi pa sapat ang kanyang kaunting naipon para kumuha siya ng maayos na bahay para dito. Inaalala niya rin ang maintenance at gamutan nito. Baka hindi niya masustentuhan kapag kinuha niya ito sa shelter.
Isang malalim na buntung-hininga ang kanyang pinkawalan without realizing she is with Krenan who is now gawking at her. Then he said, "Ang lalim no'n, ah!"
"Sori po." Nakaramdam siya ng hiya ngunit ipinagwalang-bahala na lang niya iyon. She is not the type of person to expalin everything. Kung ano ang gusto nitong isipin sa kanya, wala na siyang pakialam. She has more to think of than be bothered with others opinions.
Even if it's Krenan's opinion.
Napalingon siya kay Krenan ng makitang iba ang dinadaan nila.
"Mom wants to talk to you," paliwanag nito. Mukhang nahiwatigan nito ang pagtataka sa kanyang mukha.
Sa kabuuang biyahe nila ay hindi nila nagawang mag-usap. Kapag tinatanong siya ni Krenan about sa trabaho, doon lamang siya nagsasalita. Other than that, hindi siya nakipag-usap dito dahil wala naman siyang maisip na pag-uusapan nila. Hindi rin naman siya ang tipo ng tao na mabuka. Kung hindi rin lang naman siya kakausapin ay mas prefer niyang manahimik nalang. Pero 'wag lang din naman siyang kakantiin at mayroon din siyang nakatagong pangil at sungay!
"Are you really like that?"
Kapapasok lamang ng kotse ni Krenan sa isang malaking gate at tanaw na niya ang isang malaking bahay, a mansion rather. Balita niya, iyon ang naging regalo ng asawa ni Ma'am Natasha mula sa asawa nitong si Amadeus Le Pierre. From the main gate, the moment they entered, the place was surrounded by expansive green spaces with benches, lakes and ponds. At sa tingin niya, may meditation garden din siyang nakita sa kanang bahagi ng mansion. The landscaping is well-planned and immaculate. Halatang pinagplanuhan at dinisenyo ng perpekto. Kadalasan niya lang itong nakikita sa mga magazine at napapanoon sa internet ngunit ngayon, she got the chance of seeing one. At hindi siya nabigo sa kanyang nakita. Le Pierre's mansion can be hailed as one of the best one.
"I'm sorry," sambit niya ng makitang naghihintay si Krenan sa kanyang sagot. Tinitigan niya ito sa mga mata. "Ano po ang ibig niyong sabihin sa tanong niyo?"
He cleared his throat before answering then his eyes meet mine. "I mean, you're quiet at times and would only talk if asked." Huminto ito sa pagsasalita at mas nakipagtitigan pa sa akin, wari bang tinatantiya ang susunod na sasabihin. "Would you mind me asking? Are you....are you a loner?"
"Sort of," sagot niya na hindi binabawi ang tingin dito. Dahil kung inaakala nito na aatrasan niya ang mga titig nito, puwes, nagkakamali ito! She then said, "I do like to be alone. I am very much comfortable spending time just being myself. It's also my way to recharge and be refresh."
"Pero nagtratrabaho ka sa isang bar kung saan maingay at kadalasang may gulong nangyayari?" tanong nito. "How do you manage working there? Do you really love that job?"
Hindi niya napigilang mapangiti, ngiting may bahid ng pait. "Kung may choice lang ako, pipiliin ko ang trabahong gusto ko at passionate ako. But don't get me wrong, okay? I just don't like the environment but I do love my job as a bar tender."
Tumango-tango ito, mukhang kuntento na sa sagot niya. Kasunod noon ay wala na ulit namagitan usapan sa pagitan naming dalawa. Umagapay na lang ako sa paglalakad nito.
Pagkapasok nila sa loob ng bahay ay agad siyang nabihag dahil sa ganda ng refined interior design noon. With its extensive floor space and high ceilings, the living room feels airier and lighter. It has large windows on each side which provide a view of the outside, more on of the beautiful garden. And when she looked at the sofa sets, the curtains and the fabric of it matches the natural color of the walls and floors. All in all, the room offers comfort and coziness perfect for an evening drink or a rest at the end of the day.
"I'm glad that you're here, hija!" Boses ni Ma'am Natasha ang narinig niya. Maaliwalas ang ngiti nito. "Come!"
"Akyat lang ako sa kuwarto ko, Mom!" sabad ni Krenan.
"Yes, darling," sagot ng mommy nito. "And by the way, galing si Missy dito kanina. Dumating na pala ang batang 'yong from States yesterday. Nagkita na ba kayo?"
'"I know, Mom. That's why we're going out tonight kasama ng iba pa naming kaibigan."
And with that, he went up the stair ngunit namaalam muna it sa mommy nito...pati rin sa kanya.
"Halika, hija. Doon tayo sa office ko mag-usap." Ikinawit naman ni Ma'am Natasha ang kamay nito sa kanyang braso saka siya iginiya patungo sa opisina nito. "Sana ay hindi ka nahirapan sa trabaho mo noong wala ako. Was my son good to you?"
"Yes po. Nakakabilib nga po at nagagawa niyang isabay ang pagtratrabaho sa kanyang pag-aaral."
Gumuhit ang masuyong ngiti sa labi ng ginang. "Kung mayroon man akong dapat ika-proud at ipagpasalamat, 'yon ay ang pagiging masipag at responsable ng batang 'yon. He's on top of his class as well as on our business. At the age of nineteen, I could say that he can manage the company on his own. Bata pa lang kasi si Krenan ay nakitaan na ng galing pagdating sa pagnenegosyo. But sad to say, mukhang mas mahal niya ang pagpupulis, just like his dad. Any way, enough with that. Pinapunta pala kita rito dahil nalaman ko kung saan ka nag-stay ngayon." Umupo ito saka mariin siyang tinitigan. "And I think that it would be best if you move in with one of our condos' along Makati City. It will just be a thirty minute ride to work. So, how does that sound, hmm?"
"Hindi na po kailangan. Saka wala po akong pambayad, Ma'am Nat," mariin niyang tanggi, may kasama pang pag-iling. Diyos ko! Paano niya kakayanin ang expenses buwan-buwan? Sa maliit nga niyang apartment, hirap na siyang i-budget ang kanyang sahod, what more kung sa isang condo pa siya titira?"
"Huwag mo ng problemahin ang expenses, Amber. Marami kaming tinutulungan na tao na hindi naman namin kilala personally so why not our employee 'di ba?
"Pero-"
"No more buts, okay?" putol nito sa sinasabi niya. "Saka, I do believe in investing with my people is like an investment to a business. Dahil kapag tinatrato mo nang maayos ang mga empleyado mo, they will work effectively and efficiently. Saka delikado rin sa dalagang katulad mo ang mag-commute pauwi lalo na at madalas ay ginagabi ka. I also used to live in the slums, and I swear, naging mahirap ang buhay ko noong mga panahong iyon. Dagdag pang kabado ka kasi feeling mo hindi safe ang lugar na kinaroroonan mo. That's why, I am extending the privileged of helping my employees, okay?"
Wala siyang nagawa kundi ang tumango. "Salamat po. Mas lalo ko na lang pagbubutuhin ang trabaho ko."
"That's what I want to hear," anito. "And since it's Saturday tomorrow, pwede ka munag hindi pumasok para makapag-ayos ka ng mga gamit mo at makalipat ka as soon as possible, okay?"
"Maraming salamat po talaga, Ma'am Natasha! Tatanawin ko po itong isang malaking utang na loob!"
"You're welcome, hija. Nakikita ko lang kasi na malaki ang potential mo when it comes to work. You see, as you get older, you became a good judge of character. And I know that you will not fail me. Am I right, though?"
"Yes po."
"That's good. And for now, let's go to the dining room and share dinner with my family."
"Ho? Hindi na po! Sa bahay na lang po ako kakain!" Sunod-sunod na ang naging pagtanggi niya dahil inaabot na talaga siya ng hiya.
Ngunit mukhang walang balak ang ginang na pauwiin siya dahil nakakawit ang kamay nito sa kanyang braso habang naglalakad sila palabas ng opisina nito.
Mabuti na lamang at na-survive niya ang mga sandaling kasabay siyang kumain ng pamilya nito. Iyon din ang unang beses na nakita niya ng malapitan ang asawa nitong si General Amadeus Le Pierre. Nakita na niya ito ng ilang beses ng ihatid nito sa opisina si Ma'am Natasha ngunit ang makita ito ng malapitan at makasabay kumain ay ibang experience na. God! Sa tangkad niyang 5'6 na kung tutuusin ay matangkad na para sa isang tipikal na Pilipina ay pakiramdam niya ay ang liit-liit niya! Plus the fact that he's still good looking despite his age, his aura exudes power and authority!
Maski ang dalawa pang anak ng mag-asawa na sina Karter at Kara ay pareho ring naroon. Both also are good looking. Walang itulak kabigin!
And so far, maayos at maganda naman ang pakikitungo ng mga ito sa kanya kaya kahit paano ay naibisan ang kaba niya kanina. Ngunit parang hindi na siya makakaulit dahil bukod sa inaabot siya ng hiya, mas lalo niyang naramdaman ang pag-iisa habang nakikita niyang buo at masaya ang pamilya ng mga ito.
Ang pagkakaroon ng buo at masayang pamilya ang pangarap niya kahit noong bata pa siya. Bagay naman na ipinagkait sa kanya maski ng totoong mga magulang niya. Ang tatay niya, ipinagbubuntis pa lamang daw siya ng kanyang nanay ng mamatay ito dahil napasama sa isang trouble. Ang nanay naman niya, magmula ng magkaisip siya, kung sino-sinong lalake na ang sinamahan. Ang ending, kinailangan niyang lumaban sa buhay sa murang edad pa lamang.
"You drifting away again. And you seem lonely, too."
Boses ni Krenan ang pumutol sa kanyang pagbabalik tanaw. Nang lingunin niya ito, marrin ang pagkakatitig nito sa kanya.
"Huwag niyo na lang po akong pansinin."
"Paano ko gagawin 'yon kung sa tuwing makikita ko ang mga mata mo, mas lalo akong nagiging curious sa'yo?"
Ngunit imbes na sagutin ang tanong nito, pinilit niyang isantabi ang kanyang narinig. Pilit niyang binalewala ang mga titig at salita nitong alam niyang maaari niyang ikapahamak.