Nang magising siya ay wala na sa kanyang tabi si Krenan. Ngunit may iniwan itong card sa kanyang dining table, katabi noon ang kanyang breakfast na batid niyang in-order lang nito.
"Good morning, bi! You were peacefully sleeping so I didn't wake you up before I left.
Need to report for work. I love you and see you later."
Binalikan niya ang kanyang cellphone sa kwarto saka nagtipa ng mensahe para dito.
"Be safe. And I love you more than you'll ever know." And she hit the send button.
Pagkatapos noon ay mabilisan siyang naligo at nagpalit ng damit. Akmang tatawagan niya si Miss Natasha ngunit may natanggap na siyang mensahe mula rito.
"No need to go to work today. Magpahinga ka muna. Sa Lunes ka na bumalik. I already know what happened last night, and I'm glad that you're safe.
Biglang nanikip ang kanyang lalamunan dahil sa emosyong saglit na dumaan sa kanyang puso. Magkahalong pasasalamat at saya dahil sa kabila ng katayuan niya sa buhay, nagkaroon siya ng pagkakataon na makilala ang katulad nito without judging her.
"Maraming salamat po," she replied.
Napahinga na lang siya nang malalim, napagtanto niya ang hiwaga ng emosyon ng tao. Kagabi lamang ay takot siya, galit at masama ang loob ngunit pagkagising niya ay saya at pasasalamat ang nasa kanyang puso. Nakaka-amaze lang!
Kasalukuyan siyang kumakain ng kanyang almusal nang makita niyang tumatawag ang kanyang Ate Vickie. Agad niyang sinagot ang tawag.
"Ateee!" bulalas niya.
"Kumusta ka na, bakla! Ano nang balita sa'yo?"
Napupuno ng saya ang kanyang puso sa tuwing nakakausap niya ito. Kadalasan ang umaabot ng dalawang oras ang kanilang usapan na napupunta sa kung ano-ano na lang na topic. Pero ang madalas nitong tanungin ang kung kumusta na siya at si Krenan. Kahit na nasa Italy na ito ay ayaw talagang pahuli sa tsismis!
"Mabuti naman, Ate! Ikaw-"
Natigil siya sa pagsasalita nang may dumaang lalakeng hubad-baro sa likuran nito.
"Ate!" bulalas niya. "Sino 'yon, ha? Palagi mo akong tinatanong tungkol kay Krenan pero hindi mo man lang nabanggit na may kasama kang lalake diyan!"
"Manahimik ka, Amber! Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano! Kasamahan ko lang sa trabaho-"
Maski ito man ay hindi na natapos ang sasabihin nang lumapit dito ang lalake at bigla na lang nitong hinalikan ang kaibigan sa pisngi!
"Talaga ba?" taas ang kilay niyang sambit. "Bakit may malisya ang halik niya sa'yo?"
Tuluyan na siyang napahalakhak nang patayin nito ang tawag. Mabilis siyang nagpadala ng mensahe rito.
"Guilty!"
Maya-maya pa ay nakatanggap siya sagot mula rito.
"Magku-kuwento ako, okey? Huwag muna ngayon at may asungot akong kasama!
Napangiti na lamang siya sa naging tugon nito pagkatapos ay ipinagpatuloy na niya ang kanyang pagkain. And since wala naman siyang gagawin ngayon araw ay ipinasya niyang tawagan ang shelter kung saan naroon ang kanyang Mama Pre. Batid niyang hindi niya makakaharap ang kanyang Mama pero umaasa siyang mapagbibigyan ngunit sadyang iba ang ugali ng mga anak nito. Matagal na rin niyang hindi nakikita ang matanda at kahit gaano niya kagustong pumunta ay hindi pwede. And all she could do is cry in pain and loneliness.
Pagkatapos niyang kumain ay naglinis na lamang siya ng kanyang condo. Bandang alas dose ng tanghali nang mag-text sa kanya si Krenan na sobrang busy daw nito at saglit lang na nahawakana ng cellphone upang mai-text siya. Sa huli ay napagkasya niya ang sarili na manood na lamang ng tv habang nakahilata sa sofa. Pero sa huli ay inabot din siya ng pagkabagot kaya nagbihis siya upang magtungo sa mall upang mamili na rin ng kanyang grocery stocks.
Pagkadating niya sa mall ay agad siyang dumiretso sa meat section upang mamili ng karneng baboy at manok. Pati na rin ng mga gulay. After that ay nagtungo na siya sa counter upang bayaran ang lahat ng kanyang pinamili. Dahil mahaba ang pila, kinuha muna niya kanyang cellphone at sinubukang tawagan si Krenan ngunit hindi ito sumasagot ngunit nag-message naman ito na nasa meeting ito at tatawagan na lang siya once tapos na ito.
Pangatlo na siya mula sa counter nang biglang may magsalita sa kanyang likod. Boses lalake.
"Thank God you're okay!" anito.
Nilingon niya ito at agad na kumunot ang kanyang noo nang matitigan ang isang lalake. Siguro ay kasing tangkad ito ni Krenan at hindi rin naman pahuhuli ang gnda at tindig nito. Pero mas lalong kumunot ang kanyang noo nang matitigan niya ito at mapagsino!
"I-ikaw?" bulalas niya.
Gumuhit ang isang munting ngiti sa gilid ng labi nito saka bahagyang tumango-tango sa kanya. "Good thing you still remember me."
Kahit hilo at takot siya nang gabing 'yon ay hinding-hindi niya makakalimutan ang lalakeng nagligtas sa kanya mula sa kapahamakan.
"Hinanap kita...I mean, namin para mapasalamatan ka pero bigla kang naglaho. Ni hindi nga nila makilala kung sino ka banag talaga-"
"And let's keep it that way. I am a private person at ayokong maging sentro ng atensyion ng mga tao dahil sa ginawa kong pagtulong sa'yo."
Wala siyang nagawa kundi ang tumango bilang pagsang-ayon. Tangi niyang nasabi rito ay, " Maraming salamat."
"Walang anuman. Pero hindi naman masama kung pauunlakan mo ako sa isang lunch?" His words seems playful pero kabaliktaran ang sinasabi ng mukha nito. Seryoso at tila ba puno ng misteryo. Hindi niya maiwasang kabahan.
"Oh! Sori! Baka may magalit nga pala kapag may nakita tayong magkasama, right? Like your boyfriend? My bad!"
Hindi siya nakasagot dahil umusad na ang pila at siya itong nasa counter ngayon. Ramdam niya ang mga titig nito kaya hindi niyab maiwasang kabahan dahil sa mga nangyari sa kanya nitong nakaraan, naging alerto na siya. At ang lalakeng nasa kanyang likuran ay nagbibigay sa kanyang ng hindi maipaliwanag na pakiramdam.
Saglit niya itong nilingon ulit. "Sori. Medyo busy rin, eh. Kailangan ko ring magluto ng tanghalian." Dahilan pa niya kahit hindi naman totoo.
Tumango lang ito bilang tugon. Mabuti na lang at hindi na ito nagsalita pa. Siya naman ay dali-daling umalis ng mall dahil sa kaba.
Nagkagulatan pa nga sila ni Krenan nang sa pagbukas niya ng pinto ng condo ay nabungaran niya ito.
"Hey!" anang binata. Seryoso ang mukha nito at animo pinag-aaralan ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Are you okay?"
Tumango siya bilang tugon. Kinuha naman ni Krenan ang kanyang mga pinamili saka nagtungo kusina, Siya naman ay bantulot kung sasabihin ba sa binata ang nangyari sa mall o huwag na lang. Pero sa huli ay mas pinili niyang sabihin dit ang totoo.
"Naalala mo ba 'yong lalakeng tumulong sa akin nang madamay ako sa isang shoot out?"
Mabilis na napalingon si Krenan sa kanya pagkatapos ay inilang hakbang nito ang pagitan nilang dalawa. Hinawakan siya nito sa magkabilang braso then he said, "Yeah...and up until now ay naghahanap kami ng anumang impormasyon tungkol sa lalakeng 'yon. I know, too that something is off because we couldn't find any information about him. Para bang mag pumipigil sa ginagawa naming pag-iimbestiga."
Mas lalo siyang kinabahan dahil sa narinig.
"Why?" tanong ulit ni Krenan. "May nangyari ba, bi?"
"Hindi ako sigurado pero parang siya 'yong nakita ko kanina sa mall-"
"W-what?" pahiyaw na sambit ng binata. "At hindi mo man lang sinabi agad sa akin?"
Kinuha nito ang cellphone sa bulsa pagkatapos ay may tinawagan ito. Hindi na niya narinig pa ang iba nitong mga sinabi dahil nagtungo ito sa sala pero ang tingin nito ay nanatili pa rin sa kanya. Na para bang sa pagkisap ng mga mata nito ay mawala na lang siyang bigla.Siya naman ay inlagay sa cupboard ang mga pinamili habang iniisip pa rin ang lalake sa mall kanina.
Naging lutang ang kanyang isipan na hindi niya namamalayan na titig na titig si Krenan sa kanya. Pinag-aaralan nito ang kilos at ekspresyon ng nobya dahil hindi lamang pagtataka kundi kaba ang nararamdaman niya patungkol sa lalakeng tumulong dito. Yes, he should be thankful na naroon ito at nailigtas nito si Amber but he has a bad feeling now that it was not just a coincidence that the two met that night. Lalo na rin at wala silang makuha impormasyon about sa lalakeng 'yon. Maski cctv footage along the crime scene, sa ospital man kung saan dinala si Amber wala itong naging bakas. Malinis ang naging kilos.
Napaigtad pa ang dalaga nang bigla siyang yakapin ni Krenan mula sa likod.
"Nag-aalala ako para sa'yo," bulong ng binata habang hinahalikan ang leeg at balikat niya. "Mag-hire na kaya ako ng bodyguard mo?"
Mabilis siyang napakalas mula sa pagkakayakap nito saka humarap dito. Panay ang kanyang iling. "Yan ang huwag mong gagawin, Krenan! Hindi naman ako mayaman para pagkainteresan ng kung sinuman! At isa pa, ano na lang sasabihin ang ibang tao kapag nalaman nilang binigyan mo ako ng bodyguard? Ngayon pa nga lamang ay kung ano-ano na naririnig ko, what more kung may bodyguard na palaging nakabuntot sa akin?"
"But it's for your protection!" giit nito.
"Protection?" bulalas niya. "Mula kanino? Diyos ko naman, Krenan! Anong mapapala nila sa akin?"
"Please?"
"Ayoko!" mariin niyang tanggi. Tinalikuran niya ito saka pumasok ng kuwarto. Saka ano na lang nga ang iisipin ng iba kapag nalaman na may bodyguard siya? Na piniperahan niya ang binata? Na isa siyang gold digger? Manghuhuthot?
Naramdaman niya ang pagsunod ng binata ngunit hindi niya ito pinansin.
"Ikaw lang naman ang inaalala ko, bi-"
"Buo na ang desisyon ko, Krenan! Ayoko! Huwag mong ipilit ang gusto mo dahil baka mag-away lang tayo!?"
Hindi na niya narinig na sumagot ang binata bagkus ay narinig na lang niya ang malakas na pagsara ng pinto sa kanyang kuwarto. Hindi na rin niya tinangka na habulin pa ito dahil baka lalo lamang humaba ang usapan nila at mauwi nga sa pag-aaway. Batid din naman niyang babalik ang binata kapag humupa na ang init ng ulo nito.
Ngunit hanggang sa gumabi na ay hindi na ito nagbalik. Sinubukan niyang tawagan si Sean upang tanungin kung kasama nito si Krenan ngunit hindi raw. Tanging si Rome ang kasama nito sa isang bar. Hindi niya gustong mag-isip ng masama tungkol sa binata ngunit hindi maalis sa kanyang isipan ang pagdududa na baka kasama ito ni Missy.
Hanggang sa makatulugan niya ang paghihintay dito. Naalimpungatan nalang siya bandang alas dos nang madaling araw maramdaman niyang may tumabi sa kanya. Nagsumiksik ito sa kanyang tabi na hinayaan naman niya dahil batid niyang maya-maya lamang ay tulog na ito.
Hindi nga siya nagkamali dahil makalipas ang ilang minuto ay narinig na niya ang malalim nitong paghinga tanda na tulog na ito. Siya naman ay bumangon upang palitan ito ng damit dahil talagang umaalingasaw ang amoy ng alak mula rito. Panay lang ang ungol nito habang binibihisan niya. And when she was about to lay down beside him, she heard his phone beep. At dahil nakapatong ito sa bedside table ay nakita niyang si Missy ang nag-text.
"Had a great night with you. 'Til next time."