XVI

1915 Words
Kapag nasasaktan siya o kaya ay nalulungkot, binabalikan niya ang lugar na kinalakhan. Sa gaanoong paraan kasi ay ipinaaalala nito sa kanya ang mga hirap na kanyang pinagdaanan. Na dapat siyang maging grateful sa mga bagay na mayroon siya ngayon lalo na kapag nakikita niya ang mga ngiti ng mga batang kanyang natutulungan, sapat nang rason para kahit paano ay mabawasan ang anumang lungkot na kanyang nadarama. Ewan ba niya! Madali siyang magtampo at masaktan pero madali rin iyong napapawi! Hindi rin kasi siya iyong tipo ng taong mapagtanim ng sama ng loob! Noong hindi niya ma-contact si Krenan, grabe ang antas ng sakit at sama ng loob niya rito, to the point na dumaan sa kanyang isipan na makipag-break na rito ngunit nang makasama niya ang mga bata at makahinga siya nang maluwag, kahit paano ay luminaw ang kanyang isipan. Bumaba na rin ang kanyang emosyon, naroon pa rin ang tampo ngunit hindi na kasing intense gaya kanina. Ilang minuto ng nakaalis ang mga bata ngunti nanatili silang walang imikan. Pinakikiramdaman niya si Krenan ngunit wala siyang narinig na salita mula rito. Yes, ramdam niya ang mga titig nito sa kanya pero bukod doon, nanatili itong tahimik. "Bi," untag nito maya-maya. Nagulat pa siya nang bigla itong lumuhod sa kanyang harapan pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa kanyang kandungan. Hindi siya nakaimik noong una, lalo na at ramdam niya rin ang pag-iyak ng binata,. Paulit-ulit itong humihingi ng tawad sa kanya. Hinawakan niya ito sa magkabilang braso, pilit pinatatayo. "Krenan, tumayo ka diyan..." Dahan-dahan itong nag-angat ng mukha. "I am so sorry, bi....sorry...wala ako noong kailangan mo 'ko! Patawarin mo 'ko, please..." "Tumayo ka na muna diyan, Nakakahiya!" Tumayo nga ito pagkatapos ay inakay siya patungo sa kotse nitong nakaparada sa 'di kalayuan. Nang patakbuhin nito ang sasakyan ay hindi na siya nagtanong kung pasaan sila. Pasimple naman niyang tinitingnan ang ekspresyon nito. He seemed to be in distress...uncertain and worried. Nagtama ang kanilang mga tingin nang saglit itong tumingin sa gawi niya nang huminto sila sa tapat ng stoplight. Kapwa walang namutawing salita sa kanilang mga bibig, kapwa nakikiramdam. Hanggang sa makarating sila sa condo ay hindi sila nag-uusap ngunit mayroong mga pagkakataong ginagagap ni Krenan ang kanyang kamay, hinahaplos at pinagalalaruan ang bawat daliri. "Gusto mo bang kumain, huh? A-anong gusto mo?" Bahagya pang nautal ang binata nang magsalita. Umiling siya. "Bahala ka na...umm, pasok lang ako saglit sa kwarto ko upang magpalit ng damit." "Bi," "Okey lang ako. Magbibihis lang ako, okey?" He let out a heavy sigh and then nodded. "Okay." Pagkapasok niya ng kanyang kuwarto, doon lamang nag-sink in ang lahat ng mga nangyari. Mabilis siyang napakapit sa gilid ng kanyang kama ng makaramdam ng panlalambot ng kanyang mga tuhod. And all of a sudden, all her tears keep streaming down her face. Na kahit anong pigil niya ay kusa pa rin iyong tumutulo sa kanyang magkabilang pisngi. Napahikbi siya...hanggang sa naging hagulhol. Sinapo niya ang kanyang dibdib dahil sa kirot na nararamdaman. Ramdama niya rin ang panginginig ng kanyang buong katawan dahil sa takot. Paano na lang kung wala siyang nahingan ng tulong kanina? Paano na lamang kung nagawan siya nang masama ng lalakeng 'yon? Paano na lang? Nahirapan siyang huminga lalo...parang lumiliit ang kuwarto niya, suffocating her. Maya-maya ay marahas na bumukas ang pinto ng kanyang kuwarto at iniluwa si Krenan. "Amber!" bulalas nito. "Oh my God, bi!" Mahigpit niya itong niyakap nang makalapit sa kanya. Ganoon din naman ang ginawa nito habang panay ang halik sa kanyang ulo. Paulit-ulit din nitong ibinubulong na mahal siya nito. "Sshh, bi....tahan na. Dito lang ako, hmm?" he said while caressing her back. Hindi naman maiwasang magpuyos sa galit ang binata habang nararamdaman niya ang panginginig ng dalaga habang yakap-yakap niya. Ang sayang nakita niya kanina habang kasama nito ang mga bata ay totoo ngunit batid din niya ang takot na pilit nitong itinatago. She may look okay but he knows that she's not. At ipinangangako niyang gagawin niya ang lahat para maprotektahan ang dalaga sa anumang sakit at panganib. Inakay niya ito patayo sakay niya pinahiga sa kama. She was obedient. Saglit siyang nagpunta ng banyo nito upang basain ang towel na kinuha niya sa drawer nito pagkatapos ay pinunasan niya ang mukha nito, sa may leeg hanggang sa braso at kamay nito. Then he change her clotes. Wala itong reklamo at nanatiling nakapikit lang. Pagkatapos ay tinabihan niya ito at pinaunan sa kanyang braso habang yakap niya ito. He could only hear her breathing and even if he wanted to talk to her, he stayed silent and he let her rest. Maya-maya pa ay narinig na niya ang mabini nitong paghinga, tanda na nakatulog na ito. Dahan-dahan siyang tumayo at nagtungo sa kitchen nito para maghanap ng pwedeng mailuto. And then he realized, hindi rin naman pala siya marunong magluto! Si Amber nga pala ang madalas na nagluluto ng pagkain sa kanya! O kapag wala itong oras ay umo-order na lang siya ng pagkain sa labas! And right now, he had no other option but to order food. Bakit ba kasi hindi siya naging interesadong pag-aralan ang pagluluto? After thirty minutes ay dumating ang kanyang ini-order na sinigang at gulay na chop suey, iyon kasi ang paborito ng dalaga. Nang maihanda niya iyon ay bumalik siya sa kuwarto ngunit hindi naman niya magawang gisingin si Amber dahil himbing na himbing ang pagkakatulog nito. Sa huli ay hinayaan niya na lang muna itong matulog. And he was about to take a shower nang makita niyang naging balisa ito sa pagkakatulog. Maya-maya pa ay narinig na niya ang mahihina nitong hikbi. "Bi," malumanay niyang tawag sa pangalan nito, ngunit nanatili pa rin itong natutulog. He careess her face, trying to console her on her sleep. Hindi na niya kayang makita ito sa ganoong sitwasyon kaya nilapitan niya saka ikinulong sa kanyang mga bisig. Alam niya ang pinagdaanan ng dalaga pero never niya itong nakitang mahina o kaya ay naging negative ang tingin sa buhay. Ngunit habang nakikita niya itong umiiyak habang natutulog, napagtanto niyang hindi sapat na alam niya ang nakaraan nito upang tuluyang maintindihan ang hirap at sakit na pinagdaanan nito. Sabi nga nila, you cannot really know the pain of someone unless you have been on that same situation. He tried controlling his emotions kahit pa parang pinipiga ang kanyang puso sa sakit habang nakikitang umiiyak ang dalaga ang natutulog ito. She must've been hurt like hell to cry even in her sleep. "Amber," tawag niya ulit dito. This time, sinakop niya ang mga labi nito. Napamulat ito, habol ang hininga. Kitang-kita niya ang takot at sakit sa mga mata nito. "K-krenan," pabulong nitong sambit saka nito isiniksik ang mukha sa kanyang leeg habang mahigpit na nakayakap sa kanya. "Dito lang ako..dito lang, okey?" Kahit paano ang ay kumalma ito, ngunit mahigpit pa rin ang yakap nito sa kanya. "May binili akong pagkain, gusto mo ipaghain na kita?" "Anong oras na ba?" tanong nito. "It's two in the morning already." Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Tumayo siya saka marahang hinila ang kamay nito para tumayo. "Okey ka na ba, huh?" "Okey lang ako," agad nitong sagot. "And will you forgive me?" Napatigil ito sa paglalakad saka tinitigan siya sa kanyang mga mata. "Don't feel guilty, okay? Saka wala namang nangyari sa aking masama." "Pero dahil sa kagaguhan ko, wala ako noong kailangan kita. Mas inuna ko ang nararamdaman ko imbes na puntahan at kausapin ka. I know, I was a$$hole, bi, and can you please for give me?" Naramdaman niya ang paghigpit ng kapit ng kamay nito sa kanyang kamay saka masuyong ngumiti sa kanya. "Tapos na 'yon okey...at ang tungkol kay Rome-" "Please," he cut her off. Sa ngayon, ayaw muna niyang masali sa usapan si Rome ngunit nang tingnan niya ang dalaga, batid niyang hindi ito titigil hanggang hindi nila maayos na napag-uusapan ang issue. He sigh then said, " I know I'm at fault. I didn't trust you and I let my emotions rule over my reasoning. Imbes na pag-usapan natin ay mas pinili kong lumayo sa'yo at magpakalunod sa selos at galit na nararamdaman ko. I am very sorry, bi. Kung hindi lang sana ako nagselos at nagalit agad, I could've been with you that night...hindi sana mangyayari..." "Tapos na 'yon. Pero sana, sa tuwing nakakaramdam ka ng selos, naaalala mong gano'n din ang nararamdaman ko kapag kasama mo si Missy. Alam ko matalik kayong magkaibigan...mula pagkabata ay magkasama na kayo pero sana naman, huwag mong lantarang iparamdam sa akin na mas matimbang siya kaysa sa akin." He tried to protest ngunit umiling ito waring sinasabi na patapusin muna niya sa pagsasalita. Matiim ang mga titig nito sa kanyang mga mata at naroon ang munting ngiti sa labi nito. Hindi rin niya maiwasang malungkot at makaramdam ng kirot sa kanyang dibdib nang makita niyang may nalaglag na luha sa gilid ng mata nito. "Alam ko, hindi mo 'yon gustong iparamdaman sa akin pero gano'n ang dating sa akin. Ipinararamdam mong mas pipiliin mo o siya over me kahit pa ako ang girlfriend mo. Hindi kita sinusumbatan...gusto ko lang iparating ang sitwasyon...ang point ko. Dahil sa mga pagkakataong inuuna mo siya at sinasabi kong okey lang, nadudurog naman ang puso ko. Hindi siya okey para sa akin pero hindi kita magawang pigilan kasi ikaw dapat ang magdi-desisyon noon. Hindi dahil sinabi ko kundi dahil gusto mo at iyon ang desisyon mo. Kahit alam kong wala ka namang ginagawang masama pero nagseselos at nasasaktan pa rin ako. At kahit hindi ka naniniwala sa akin na may gusto si Missy sa'yo, okey lang. Pero ako, iba ang nakikita at nararamdaman ko kapag magkasama kayo. Kaya kung anuman 'yang nararamdaman mong selos kay Rome, 'yan din ang nararamdaman ko pagdating kay Missy. But I still try to understand you...mas pinipili kong isipin na hindi mo ako magagawang lokohin kasi mahal mo 'ako hindi dahil sa kung ano pa mang dahilan. Siguro, iisipin mong selfish ako, na hindi valid ang nararamdaman ko pero that's how I feel." Hinila niya ang dalaga saka niya niyakap nang mahigpit. "I am very sorry if I made you feel that way. Hindi ko intensyon an iparamdam sa'yo na mas mahalaga si Missy over you. Gago lang ako at hindi ko man lang isinaalang-alang ang nararamdaman mo. Patawarin mo ako, please...at kapag pakiramdam mo ay lumalampas na ako sa limitasyon, huwag kang magdalawang-isip na kausapin ako. Or, you can punch my face directly-" "Ayoko nga!" mabilis nitong sabat na may kasama pang sunod-sunod na pag-iling. Napangiti siya. "Oo nga! I am giving you the right to punch me whenever I go beyond my limits! Okey lang..basta ikaw!" "Tigilan mo nga ako, Krenan!' singhal nito. "Hindi pa nga ako nag-uumpisa, pinatitigil mo agad?" Nakaguhit sa kanyang labi ang mapanuksong ngiti lalo na at kita niya ang pamumula ng mukha ng dalaga dahil sa kanyang sinabi. Batid niyang naiisip nito kung ano ang tumatakbong kapilyuhan sa kanyang isipan! Nagsimula na rin itong humakbang paatras nang magsimula siyang humakbang palapit dito. Huminto lang ito nang humantong na ito sa may paanan ng kama. Bago pa man ito makapagsalitang muli ay banayad niya itong itinulak pahiga. "Krenan!" bulalas nito. Sunod-sunod ang pagtahip ng dibdib habang ang magkabilang kamay ay mahigpit ng nakakapit sa kobre-kama. Hindi na ito nakapagprotesta ng bumaba ang kanyang ulo sa pagitan ng mga hita nito. And now, all he could hear was her moans and screams while he pleasure her down there.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD