VIII

1581 Words
Mabilis ang naging pagmamaneho niya patungo sa kinaroroonan ni Missy ng malaman niyang nasangkot ito sa isang aksidente. Kung mayroon man siyang sineryosong babae, si Missy 'yon. But not in a romantic way. Magkakilala na sila nito simula grade school, naging matalik na magkaibigan up until now kaya labis ang pag-aalala niya ng malaman ang nangyari dito. "Missy Arevalo, anong room, miss?" tanong niya sa nurse pagkarting niya sa ospital na pinagdalhan dito. "Room 204, sir!" "Thank you," sagot niya saka mabilis na tinungo ang kuwartong tinutukoy nito. And when he arrives at the said room, Missy's being tend to by a doctor and her mom and dad were already there. "Good thing, hijo that you're here. Kanina ka pa kasi hinahanap nitong dalaga namin, eh!" sambit ni Tita Carol pagkakita sa akin. "How is she, Tita?" Nilapitan ko si Missy saka masuyong ginulo ang may pagkakulot nitong buhok. Sinaman lang siya nito ng tingin. "So far ay wala namang seryosong nangyari. Just a few scratches!" naiiling na sambit ni Tito Benny. "Kaya 'yan ang dahilan kung bakit noong una ay ayaw kong payagan na magkaroon ng motor 'yan, eh! Takaw aksidente! Iyon ngang apat ang gulong ay nadidisgrasya pa, what more kapag dalawa lang ang gulong?" "It was an accident, dad!" singit ni Missy. "Walang may gusto na mangayri..." "Pero hindi mangyayari kung hindi dahil sa motor na 'yan!" Nagkatinginan na lang kami ni Tita Carol nang magsimula ng magpalitan ng salita ang mag-ama nito. Ngunit sa huli naman ay parehong lulambot ang puso ng dalawa at parehong ding hihingi ng pasensya. "Tama na nga kayong dalawa! Hindi na kayo nahiya at dito pa talaga kayo sa ospital nagtatalo!" saway ni Tita Carol. "Benny, alalayan mo 'yang anak mo at nang makauwi na tayo!" "Ako na po," mabilis niyang tugon. Habang nasa daan ay ako naman ang kumastigo sa kaibigan ko. "Ano ba kasing nangyari? Hindi ba sabi ko sa'yo mag-iingat ka at huwag paandarin ang init ng ulo habang nasa kalsada?" Missy just rolled her eyes at me, then said, "God! Tapos na akong sermonan ni Mommy at Daddy kaya huwag ka ng dumagdag pa. I've heard enough, okay?" Napahinga na lang siya nang malalim at hindi na pinatulan ang pagtataray nito dahil kahit anong paliwanag ko ay makikipagmatigasan lang din ito ng ulo. Nang makarating sila sa bahay ng mga Arevalo ay inanyayahan siya ni Tita Carol na doon na daw kumain. Hindi na siya nakatanggi. It was past ten o'clock when I remember Amber. Agad niyang hinagilap ang kanyang phone ngunit mukhang nakalimutan niya iyon sa condo ng dalaga kanina habang nagmamadali siyang umalis! "Oh, fvck!" bulalas niya nang maalalang naghihintay nga pala ito. Bigla tuloy siyang kinabahan. Kaya kahit inanyayahan pa siyang mag-stay ay tumanggi na siya. Binalingan niya ang mag-asawang Arevalo sabay sabing, "Sorry po. As much as I want to stay with you but someone is waiting for me. I do apologize." Umingos si Missy. "Sus! Sino na naman 'yan? Bak kung saan-saan mo na naman napulot ang babaeng 'yan, ha?" "Hey! I am behave now, okay? Takot ko lang na iwan niya ako." "And who is that by the way, huh? The new flavor of the month mo, Le Pierre?" dagdag pang tanong ni Missy. Mabilis niyang umiling. "She's not one of those! Actually, she's my girlfriend! I've been pursuing her for quite some time and luckily just yesterday, we've been officially together!" "That's good to know, hijo! So, when will we meet her?" sambit ni Tito Benny. Tumayo pa ito saka mahigpit siyang niyakap. "At sana naman ay hindi siya matauhan at ma-realize na nagkamali siya nang piliin ka!" "Tito Benny!" bulalas niya! Naiiling ito, tatawa-tawa. Bago siya umalis ay nilapitan niya si Missy na noon ay tahimik habang nakatingin sa kanya. Ginulo niya ang buhok nito na lalo naman nitong ikinasimangot. "Huwag nga!" asik nito sa kanya. "Bawasan mo ang pagiging mainitin ng ulo mo! Baka wala ng magkagusto sa'yo kapag ganyan ang ugali mo!" Saka niya binuntunan ng tawa. Pagkuwan ay binalingan niya ang mag-asawa. "Aalis na po muna ako, Tita Carol, Tito Benny! I'll just drop by some other time kapag hindi na mainit ang ulo nitong kaibigan ko!" Binalingan niya ang kaibigan. "Bye, Missy!" Pagkaalis niya sa bahay ng mga Arevalo ay agad siyang nagtungo sa condo ng dalaga only to find out that she's not there. Patay! Mukhang kinakailangan niya ng mahaba-habang paliwanag sa dalaga lalo na at nakita niyang nagluto ito ng paborito niya! And more to that, mukha wala man lang iyong bawas! Ibig sabihin ay hindi pa rin ito kumakain! Mabilis siyang nagtungo ng kwarto nito upang hanapin ang kanyang cellphone. Nang makita ay agad niya itong tinawagan ngunit nakailang dial na siya sa numero nito ngunit maski isa sa kanyang mga tawag ay hindi man lang nito sinasagot. "Where are you?" Pagtitipa niya sa kanyang cellphone, nagbabakasaling magri-reply ito sa text niya. Naihilamos niya ang kanyang magkabilang kamay sa kanyang mukha. Ngayon lang siya nakaramdam ng kaba at pagkabalisa ng ganito. "Mukhang hindi simpleng tampo lang ito. Kabago-bago pa lang namin, LQ agad!" sa loob-loob niya. Hindi pa siya nakakababang ng kanyang kotse nang matanawan niya ito. She was already heading inside the building that's why he hurriedly went after her. Agad niyang hinagilap ang pupulsuhan nito. "Baby...I am so sorry..." Kumunot ang noo nito. "Sorry? Para saan?" Malumanay ang boses nito, walang bahid ng pagseselos o galit. Ngunit tila mga patalim ang mga salita nito. Mas lalo siyang na-guilty. Natakot. "For what I did earlier. Iniwan na lang kita basta. Tapos hindi kita nagawang i-text," paliwanag niya. "Tapos 'yong niluto mo..." Sumilay ang munting ngiti sa labi nito. Tumaas din ang kanang kamay nito sa kanyang pisngi sabay sabing, "Hindi mo kailangang magpaliwanag, okey? I totally understand. Huwag kang mag-alala." "Baby..." "Yan lang ang ayaw ko. Ang tinatawag akong baby!" anito. "Sa totoo lang, kinikilabutan ako, Krenan!" Hinagilap niya ang kamay nito saka pinagsiklop ang kanilang mga palad. "So, what should we call each other?" "Kailangan pa ba 'yon?" Hindi na niya ito nagawang sagutin dahil sinakop niya agad ang mga labi nito pagkapasok nila sa condo nito. Hindi rin naman siya nabigo dahil mainit din nitong tinugon ang kanyang mga halik. Ang kanilang mga dila, kapwa naghahanap sa loob ng kanilang bibig. They were hungrily kissing each other, nibbling and svcking! Kapwa nila habol ang kanilang paghinga makalipas ang ilang sandali! Ngunit bago pa man mapunta sa kung saan ang mainit na tagpong 'yon ay pinigil niya ang kanyang sarili. Hinila niya ang dalaga patungo sa kitchen saka niya ito pinaupo. "Ano meron, ha?" takang tanong nito. "Coffee, water, or me?" nakangisi niyang tanong imbes na sagutin ito. "Water, please," sagot naman nitong natatawa. "Ano bang pakulo 'to, Krenan?" Pagkatapos niya itong ikuha ng tubig ay dumako siya sa tabi nito at niyakap ito mula sa likod saka niya hinalik-halikan ang gilid na bahagi ng leeg nito. "I just wanna make it up to you." Idiniin niya ang mukha lalo sa leeg nito. "I don't want you to feel neglected and unimportant just because I left you earlier. Hindi ko gustong maramdaman mo 'yon...kung 'yon man ang naramdaman mo kanina. Nag-alala lang talaga ako kay Missy nang marinig ko pa lang ang salitang aksidente! Hindi ko man lang isinaalang-alang ang mararamdaman mo!" "Hey! Naiintindihan ko, okey? Huwag mo ng isipin 'yon! Missy is your bestfriend!" Kahit paano ay lumuwag ang kanyang pakiramdam dahil sa naging sagot nito. Masarap lang sa pakiramdam na naiintindihan nito kung ano ang katayuan ni Missy sa kanyang buhay. Kaya pinagsilbihan niya ito habang kumakain, and he even massage her so she could have a good night sleep. Hindi nakakapagtakang pagkatapos na may mangyari sa kanila ay mabilis itong nakatulog. And just as he was about to sleep also when his phone rang. Mabilis niya iyong sinagot sa takot na maabala ang pagtulog ni Amber. "Missy!" sambit niya pagkasagot sa tawag. "It's already ten in the evening!" "Ibili mo naman ako ng ice cream," anito sa kabilang linya. "Nawalan kasi kami ng stock sa bahay...please?" Mariin siyang napapikit saka binalingan ang natutulog na dalaga saka malalim na huminga tanda ng pagsuko. "Okey. I'll be there in an hour." Mabilis niyang isinuot ang kangang boxers kasunod ng kanyang pantalon at t-shirt. Magaan niyang hinalikan si Amber sa noo nito saka lumabas ng kwarto. Ang hindi niya alam, nang oras na tumunog ang kanyang cellphone ay nagising din ang dalaga. At hindi nakaligtas sa pandinig nito ang pangalan ni Missy. Kasabay ng pag-alis niya ay ang paninikip ng dibdib ng dalaga habang mahigpit na nakayakap sa unan. Tears were streaming down her face again. Katulad noon. Hanggang ngayon ay nakikiamot pa rin siya ng pagmamahal at atensyon mula sa taong mahal niya. Hanggang kailan ba siya makikihati? Dahil kahit opisyal na silang mag-boyfriend ni Krenan, pakiramdam niya, second priority lang siya! Hindi man iyon ang gustong iparating ng binata, gano'n naman ang nagiging dating sa kanya!? Gusto niyang mag-demand kay Krenan. Gusto niya itong ipagdamot. Pero hindi niya magawa dahil siya ang tipo ng tao na magbibigay hangga't kaya niyang magbigay. Kahit pa, wala na para sa kanya. Gano'n siya magmahal at magpahalaga. Bagay na gusto niya ring maramdaman mula sa mga taong mahal niya. Mahirap. Masakit. Ngunit kailangan niyang tanggapin na habangbuhay na magiging bahagi ng buhay ni Krenan si Missy. And she has to live with it. Kahit pa selos na selos na siya sa totoo lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD