IX

2150 Words
"Mabuti naman at nagawi ka rito, Amber!" Hanggang ngayon ay mataas pa rin ang boses ni Manang Carmen nang bisitahin niya ito ng sumunod na araw. Kahit paano ay binilhan niya ito ng prutas dahil malaki rin naman ang utang na loob niya rito. Kahit palagi siya nitong nabubungangaan kapag delayed ang bayad niya noon sa bahay, naging mabuti rin naman ito sa kanya. "Pasensya na rin ho kung ngayon lang ako nakadalaw. Naging abala rin po kasi ako sa bago kong trabaho." Medyo napangiwi siya nang malakas nitong hampasin ang braso niya. Gano'n kasi ito kapag natutuwa! "Naiintindihan ko naman, ano! Mabuti nga at parang nakakaluwag-luwag ka na yata ngayon!" anito na para bang binibistahan ang kanyang kabuuan. "Pero, teka lang, ha? Wala ka namang in-agrabyado rito, ha?" "Ho? Ay! Wala ho!" mabilis niyang tugon. "Bakit niyo naman ho naitanong?" "Aba'y noong makaalis ka ay madalas naming makita na may umaali-aligid diyan sa tinitirhan mo! Nang tanungin ko naman kung ikaw ba ang hanap, hindi ako sinagot at basta na lang akong tinalikuran!" Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Sa isip niya, baka may kaugnayan sa elligal na gawain ng kanyang nanay at sa kinakasama nito. Akala siguro ay may mahihita sa kanya! "Manang Carmen, kapag nakita niyo ulit ang lalakeng 'yon, tawagan niyo ako, okey?" Kahit kabado ay hindi rin niya maiwasang magtanong kung sino ba ang lalakeng 'yon! "Mauuna na rin ho ako. Sumaglit lang ho talaga ako rito para kumustahin kayo." "Aba'y maraming salamat sa bigay mong prutas," anito. "Mag-iingat ka sa pag-uwi mo!" "Walang anuman ho. Aalis na ho ako." Habang naglalakad palabas ng kanto, napuno ng palaisipan ang kanyang isipan kung sino ba talaga ang lalakeng tinutukoy ni Manang Carmen. Hindi niya tuloy namalayan ang paparating na motorsilko. Muntik pa siyang mahagip noon kung hindi lamang may humila sa kanya patabi ng daan. "Salamat po," sambit niya. Ngunit basta na lang siyang tinalikuran ng lalakeng 'yon. Nakasuot ito ng itim na pantalon at gray poloshirt. Naka-cap din ito kaya hindi niya naaninag ang mukha. Sa tagal din naman niyang naninirahan doon, medyo kilala niya ang mga tao sa looban pero ang lalakeng 'yon, base sa tindig nito, parang bago lang ito roon. Mas lalo tuloy siyang kinabahan nang maalala ang sinabi ni Manang Carmen kanina. Kahit habang sakay siya sa jeep, hindi niya maiwasang hindi ma-praning! Pakiwari niya kasi, may mga matang nakasunod sa kanya! Hindi niya tuloy maiwasang mapahiyaw nang bigla siyang kalabitin sa braso ng lalakeng katabi niya. "Makiki-abot lang ako ng bayad, Miss!" Halata ang pagkainis sa boses nito. Kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag dahil sa sinabi nito. Nanghingi na rin siya ng paumanhin dahil sa inasal niya. Hanggang sa makarating siya sa kanyang Mama Pre, naiisip pa rin niya ang sinabi ni Manang Carmen. "Ano bang naiisip mo at kanina pa nakakunot ang iyong noo, ha?" Sa edad na 68 ay matalas pa rin ang pakiramdam ng kanyang Mama Pre. Pagkagaling niya sa dating tinitirhan ay saglit niyang dinalaw ang kanyang Mama Pre. Hindi man siya nanggaling sa sinapupunan nito ngunit ang bond na meron sila ay walang katulad. Madali kasi nitong nasi-sense kung may dinaramdam siya o kung may gumugulo sa kanyang isipan. "Wala po. Medyo pagod lang din po sa trabaho lately." Hindi niya maiwasang ma-guilty dahil sa hindi pagsasabi rito ng totoo. Pero ayaw lang naman niyang mag-alala ito kaya hindi niya binanggit ang takot na nadarama dahil sa ikinuwento ni Manang Carmen sa kanya. Hinawakan niya ang kamay nito saka marahang dinala sa kanyang pisngi. "Pasensya na ho ang hindi ko kayo mailabas rito. Pero kapag nakaipon na ako ay kukuhanin ko kayo rito." Sobrang nasasaktan ang kanyang damdamin na naroon ito sa loob ng shelter for the aged. Hindi nito deserve ang manatili sa loob lalo na at may mga anak naman ito na pwedeng mag-alaga. Umiling lang ito pero nasa mga labi nito ang ngiti. Halata ang katuwaan sa mukha. "Okey na ako rito, 'nak. Sapat na sa akin na dinadalaw mo ako kada Linggo. Atleast, hindi mo pa rin ako nakakalimutan. Saka, magkakagulo lang kayo nina Crissa at Maya. Alam mo naman ang ugali ng dalawang 'yon. Magiging pabigat lang ako sa inyo! Mabuti na rito at may nag-aalaga sa akin." Parang nanikip ang kanyang dibdib dahil sa mga sinabi nito. Hindi niya maiwasang magtanong kung paanong nakayanan ng mga anak nito na ilagay doon ang matanda. Sobrang bait nito, maalaga at mapagmahal. Oo nga at matanda na ito at nakakaramdam na nang panghihina pero hindi iyon sapat na dahilan para ilagay ito sa shelter. Tunay nga namang may mga pagkakataon na hindi porke't kadugo mo ay magiging mabuti na sa'yo! "Mama...." mahina niyang sambit, naroon ang paglalambing sa boses. Parang ayaw na niya kasing umalis sa tabi nito. "Okey lang ako rito, 'nak," anito. "Masaya na ako na dumating ka sa buhay ko. At kung may pagkakataon ako para mamili ng anak, isa ka sa pipiliin ko.: Doon na siya tuluyang napahagulhol. Bakit nga ba may mga bagay tayong gusto pero hindi pwedeng maging atin? Mga bagay na mabuti naman ang ating intensyon pero hindi maaari? Nanatili pa siya roon ng mahigit isang oras bago siya nagpasyang umuwi. Medyo nag-aagaw na noon ang liwanag at dilim. Nang tingnan niya ang kanyang relong pambisig, mag-aalas sais na pala ng gabi. At habang papalabas siya ng shelter, nakita naman niyang umilaw ang kanyang cellphone. Nakita niyang tumatawag si Krenan. May ilang text na pala ito sa kanya pero dahil naging abala siya sa kanyang Mama Pre, nakalimutan na niyang tingnan ang kanyang cellphone. Mabilis niyang sinagot ang tawag nito. "Where the hell are you?" Kaagad nitong bungad sa kanya. "I've sent multiple texts pero ni isa ay wala ka man lang naging sagot!" Kung may isa man siyang ikinaiinis minsan sa binata, iyon ay ang mga pagkakataong nagiging mainit ang ulo nito. Ngunit imbes na sagutin at patulan ang init ng ulo nito ay hinayaan niya na lang magsalita ito nang magsalita. Alam din niyang titigil rin ito maya-maya kapag na-realize nito kung ano ang ginawa at pinagsasasabi nito. Hindi nga siya nagkamali. "Tapos ka na?" malumanay niyang tanong pagkatapos. Sa dami ng kanyang isipin, choice niyang huwag mag-entertain ng mga negative thoughts. Pinara din niya ang paparating na taxi saka sumakay na. "I'm sorry." Gano'n palagi ang nangyayari. Mabilis uminit ang ulo nito ngunit kaagad naman itong humihingi ng tawad pagkatapos. "Nag-alala lang ako sa'yo," dagdag pa nito. "Pinuntahan kita sa condo mo at akala ko natutulog ka lang pero wala ka. Tinawagan ko rin ang mommy kung alam niya kung nasaan ka pero wala daw siyang ideya kung nasaan ka. Maski sa text at tawag ko, wala kang sinagot! Sino bang hindi mag-aalala?" Bago niya ito sinagot ay pinara niya muna ang taxi na paparating. "Remember my Mama Pre?" pauna niyang sambit. "Binisita ko siya. Pinuntahan ko rin si Manang Carmen para kumustahin." "You could've messaged me..." Hindi na niya ito nagawa pang sagutin dahil kasunod noon ay naramdaman niyang ang malakas ng impact ng paghampas ng kanyang katawan sa loob ng taxing kanyang kinalulunan. Saglit siyang nabingi, hindi alam kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid. But after a couple of minutes, naramdaman niya ang pagsakit ng kanyang balikat at braso. Naririnig din niya ang pagsigaw ni Krenan sa kabilang linya ngunit ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga kamay kaya maya-maya pa ay dumulas mula sa kanyang pagkakahawak ang kanyang cellphone. "Kuya," mahina niyang pukaw sa driver. Nakasubsob na kasi ito sa manibela. "K-kuya..." Subalit hindi na ito tumugon sa kanya. Kasunod noon ay nakarinig siya ng putok ng baril. Sigurado siya...putok iyon ng baril. Naging mabilis ang t***k ng kanyang puso. Naroon ang takot. Sobra. Mula sa basag na bintana ng sinasakyang taxi ay pilit niyang sinilip kung ano ang nangyayari sa labas ngunit hindi niya gaanong maaninag ang paligid. Bukod sa madilim ang paligid ay nahihilo rin siya. Pero ang tanging alam niya, may hindi magandang nangayayari sa paligid. May naririnig siyang hiyawan pati ang putok ng baril. Sinubukan niyang buksan ang pinto ng taxi ngunit dahil sa hilo at sakit na kanyang nararamdaman ay wala siyang gaanong lakas. Nakailang subok din siya sa pagsipa ngunit hindi niya talaga kaya. She felt helpless...katulad din noong bata pa siya. Noong mga panahong nasasangkot sa trouble ang kinakasama ng kanyang nanay o kung may engkwentrong nagaganap sa lugar nila, hindi rin siya mapakali noon. Takot na takot siya at walang magawa kundi ang umiyak habang nagtatago. Akala niya nalampasan na niya ang stage na iyon ngunit hindi pa pala. "T-tulong....tulungan niyo k-ko," sambit niya. Hilam sa luha ang buo niyang mukha, pilit pa ring binubuksan ang pinto ng taxi.Ang buong akala niya, katapusan na niya ngunit kung kailan naman siya sumuko, saka naman bumukas ang pinto. A strange man stood right there. Hindi na siya nakapalag ng bigla siya nitong hinaklit sa baywang saka mabilis na nagtatakbo palayo. Gusto niyang sumigaw dahil sa ginawa nitong pagbitbit sa kanya. Hindi siya makahinga dahil sa sobrang sakit ng kanyang katawan tapos basta na lang siyang pinasan na para bang sako lamang ng bigas. Pero wala na siyang lakas para makipag-argumento. Nasusuka na rin siya dahil sa hilong nararamdaman. Unti-unti na ring nagdidilim ang kanyang paningin. Kahit anong pilit niyang manatiling gising, hindi na niya kinaya. Maya-maya pa ay tuluyan na siyang nawalan ng malay. Nang magising siya, nasa loob na siya ng isang kwarto kung saan puti ang kulay. Amoy na amoy rin niya ang gamot sa paligid. May kung ilang segundo rin niyang inisip kung nasaan siya. Ngunit nang mapasulyap siya sa lalakeng nakasuot ng itim na maong pants at gray shirt habang kausap ang isang doktor, doon niya napagtanto na nasa ospital siya. Base na rin sa suwerong nakakabit sa kanya. Nang matapos mag-usapa ng dalawa ay lumapit sa kanya ang doktor. "How are you feeling?" tanong nito. He stood mighty in front of her, hands in his pockets. His stare was so deep that she didn't know what to say to him. Naumid ang kanyang dila sa klase ng mga titig nito. Ngunti hindi niya magawang ibuka ang kanyang mga labi kasi natuon ang kanyang atensyon sa mga mata nitong mangasul-ngasol ang kulay na binagayan ng makapal nitong kilay. "Miss! I said, how are you feeling now?" Tumango lang siya. "T-tubig..." Nang bigyan siya nito ng isang basong tubig ay mabilis niya iyong naubos. At kahit paano ay biglang umaliwalas ang kanyang pakiramdam. Doon na rin nagsimulang manumbalik sa kanyang isipan ang mga nangyari. Ang pagkakabangga ng taxing sinasakyan niya! Ang barilan....at ang pagkawala ng buhay ni Manong Driver. nagsimula na namang manubig ang kanyang mga mata dahil sa mga naalala. At si Krenan....Oh my God! "A-ang mga gamit k-ko," mautal-utal niya pang sambit. "Ang c-cellphone ko. P-please, may tatawagan lang ako..." Dinukot nito ang bulsa nito saka inabot sa kanyang ang isang cellphone. "Here...use mine. Hindi ko kasi alam kung nasaan ang mga gamit mo." Tinawagan nmana niya ang numero ni Krenan. Isang ring palang ay sinagot na nito ang tawag. At nang marinig niya ang boses nito, agad siyang napaiyak. Hindi na niya kailangang magsalita pa dahil agad siya nitong nakilala. "Amber? Where are you? What happen to you?' Puno ng pag-aalala ang boses nito. "Puntahan mo 'ko dito, please-" "Where are you, baby? Just stay there and wait for me!" Samantala, sobra ang naging takot ni Krenan ng marinig ang ospital na kinaroroonan ng dalaga. Pakiramdam niya, lumabas ang kanyang puso dahil sa takot at kabang kanyang nadarama. In his entire life, hindi pa siya nakaramdam ng sobrang takot, ngayon lang. Mahigpit niyang naikuyom ang kanyang kamao. Naglagutukan ang kanyang mga daliri dahil sa ginawa niyang iyon. At halos paliparin niya ang kotseng minamaneho sa pagmamadaling makapunta sa dalaga. Sa tingin nga niya ay halos hindi na sumasayad ang gulong ng kotse sa kalsada, eh! Literal na halos lumipad na ang kanyang kotse dahil sa bilis niyang magmaneho! Ngunit ang mas lalong ikinatakot niya ay ang ambience ng ospital na kinaroroonan ng dalaga. Tahimik ang paligid ngunti nasi-sense niyang parang may mali. Bago tuluyang pumasok sa loob ng ospital ang pasimple niyang sinipat ang labas ng ospital. His eyebrow became a thin line when he saw bulky men. Kung titingnan mo ay akala mo ordinaryong nagkakape lang at nakikipag-usap o kaya naman ay may pasyente rin sa loob. But they can't fool him. May nakita rin siyang dalawang lalake sa loob ng lobby ng ospital. They are trying to blend in but he knew their colors already. Kaya mas lalo niyang binilisan ang pagpunta sa kwarto ni Amber. At nang makita niya ang itsura nito, hindi na takot at kaba ang kanyang nadarama kundi galit. And all he could see is red while seeing Amber's bruises! At nang yakapin niya ito ay narinig niya nag mahina nitong pagdaing, mas lalo lamang uminit ang kanyang ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD