Nang ipagkaloob niya ang kanyang sarili kay Krenan, alam niyang mahihirapan na siyang layuan ito. Bukod sa lumalim ang kanyang nararamdaman para dito, hindi rin niya maitatanggi ang atraksiyon sa pagitan nilang dalawa. At habang nakikilala niya ang binata sa pagdaan ng mga araw, napatunayan niyang may pagka-possessive nga ito. Wala pa mang label ang kung anumang relasyon na meron sila pero ramdam niya ang pagiging possessive nito.
"Good morning, baby!" Napaigtad siya nang may biglang humalik sa kanyang pisngi. Abala siya sa pagso-sort out ng schedule ni Ma'am Natasha nang bigla na lang sumulpot si Krenan mula sa kanyang likuran.
She hissed at him. "Baka may makakita sa atin!" saway niya rito.
Napataas ang kilay nito. "And so?"
"Nakakahiya! Nandito ako para sa trabaho, okey? Baka sabihin nila, oras ng trabaho ay nakikipaglandian ako, tapos sa anak pa ng boss ko!" asik niya rito. Hindi niya mapigilang tumingin sa paligid upang tingnan kung may nakakita ba sa ginawa nitong paghalk sa kanya.
Naging seryoso ang mukha nito. "Don't you want anyone to know what we have, huh?"
Siya naman ang naguluhan sa sinabi nito. Halata kasi ang sarkasamo sa tinig nito. "Bakit, ano bang meron sa ating dalawa, ha?"
Hindi niya maiwasang mainis dito dahil sa parte niya, ang hirap bigyan ng kahulugan ang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Yes, naulit pa ang nangyari noon sa condo niya, minsan ay sa condo pa ng binata pero ni minsan ay wala itong nabanggit kung ano ba ang relasyon nilang dalawa. Mahirap mag-assume kaya inakala niyang katulad lang din siya sa mga babaeng nauugnay dito. Just for pure pleasure, no feelings attached.
No label.
No commitment.
"We'll talk later," bulong nito. Pagkatapos ay yumuko ito at mabilis na sinakop ang kanyang mga labi. "I miss you by the way," pahabol nitong sambit bago tuluyang umalis.
Naging abala kasi ito sa ojt nito bilang pulis kaya may tatlong araw din silang hindi nagkita. And she misses him, too. A small smile form on her lips just the thought of seeing him later. Ngunit ang ngiti niya ay agad na napalis nang tawagin siya ni Ma'am Natasha sa opisina nito.
"Yes, Ma'am?" sambit niya pagkapasok sa opisina nito. Hindi niya mapigilang hindi kabahan. Kung dahil ba seryoso ang mukha nito o kung may nagawa ba siyang mali sa kanyang trabaho, 'yon ang hindi niya alam.
Subalit nang mag-angat ito ng tingin mula sa binabasa nitong file at nakita niyang may munting ngiti sa mga labi nito, kahit paano ay nabawasan ang kanyang kaba.
"I just wanna ask," panimula nito. "What's with you and my son?"
Sunod-sunod ang naging paglunok niya. Hindi niya mahanap ang tamang salita para sagutin ang tanong nito. At hindi niya rin sure kung kaya ba niyang isatinig ang tumatakbo sa kanyang isipan. Ngunit bago pa man siya makasagot ay nagsalita itong muli.
"Don't get me wrong Amber, okay? Kung anuman ang meron sa pagitan niyo ng anak ko, I'm fine with that." Medyo nakahinga siya nang maluwag dahil sa sinabi nito. "I won't meddle with your relationship. Pero ikaw ang inaalala ko dahil kilala ko ang anak ko. May pagka-adventurous 'yon. Women would jump on his bed just to get him. At ayokong masaktan ka niya..."
Nanikip ang dibdib niya dahil sa sinabi nito. Naiintindihan niya ang pinanggagalingan nito. And she appreciate that.
Ngumiti siya rito. "Naiintindihan ko po, Ma'am. Sa totoo lang po, hindi rin ako sigurado kung ano ba ang meron sa pagitan naming dalawa. Ang alam ko lang po, once na pumasok ka sa isang relasyon, may tendency na mabigo ka...at masaktan. Pero kung saan man po kami dalhin ng aming nararamdaman, bahala na po si Lord. Siya lang naman po ang nakakaalam ng mga mangyayari sa hinaharap! Pero nagdadasal po ako na sana, tama ng tao ang tinayaan ko ngayon."
"Amber..."
Masuyo siyang ngumiti rito. Ni hindi na niya magawa pang magsalita ulit dahil nananakit ang kanyang lalamunan sa kapipigil na huwag mapaiyak. Buong buhay niya kasi, palagi siyang naghahanap ng pagmamahal galing sa iba. Mula sa kanyang ina, sa dalawang naging ex-boyfriend niya, pero sa tuwina, talo siya sa ginawa niyang pagtaya ng pagmamahal. At ngayon, tumaya na naman siya sa isang relasyon na sa una pa lamang ay batid niyang mas malaki at mahirap ang kakalabanin niya. Sumugal pa rin siya kahit mas malaki na ang mawawala sa kanya dahil batid niyang sa pagtaya niya ngayon, hindi lang pagmamahal ang itinaya niya kundi buong siya.
Napahinga na lang siya nang malalim.
"But if you need anything, or may ginawang hindi maganda si Krenan, you can talk to me, okay?" anang ginang. At habang kausap niya ito, mas lalong tumaas ang paghanga niya rito. The way she talks and carries herself is something anyone woman would envy. Confident din naman siya sa kanyang sarili ngunit iba rin ang confidence kapag may pera ka. Bagay na wala siya. "I know that you've been through a lot, but please, smile more often, okay? Ang ganda-ganda mo pa naman!" dagdag na nito.
Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti. At ang kaninang kaba na kanyang nararamdaman ay napalitan ng saya at pasasalamat dahil sa kabutihang ipinapakita nito. Her boss really is the epitome of an empowered woman. Hindi lang ang panlabas nitong kaanyuan ang maganda kundi pati na rin ang puso nito.
Naging daan ang pag-uusap nila ni Ma'am Natasha upang mas lalo niyang maintindihan ang gusto nitong iparating sa kanya. Napatunayan niya rin na mabuting tao ang mga ito. Marunong kumilala at magpahalaga sa mga taong nasa mababang posisyon. Akala niya, usap-usapan lang ang pagiging mabuting tao ng mga ito ngunit iba na noong nakatrabaho at nakakilala niya ng personal ang pamilya Le Pierre. Yes, they are like a pedestal that is hard to reach but they're down to earth actually.
Nang gabing 'yon, katahimikan ulit ang bumungad sa kanya pagkauwi ng condo. It's like a routine that she do every day. Giging nang maaga para pumasok sa trabaho, uuwi, tutulog at pagkagising ay trabaho ulit. Nagkakaroon lang ng buhay ang kanyang araw kapag nasa malapit si Krenan at kinukulit siya. And since busy ito lately, she feels down not having him around. Nami-miss na niya talaga ito. Hindi na nga rin siya nakakain at uminom na lang ng gatas. Pagkatapos niyang magbihis ay natulog na rin.
Ngunit ang payapa niyang pagtulog ay nagambala nang maramdaman niyang may tumabi sa kanyang paghiga. Kumabog ng husto ang kanyang dibdib ngunit nang maamoy niya ang pabangong gamit ni Krenan ay nakahinga siya nang malauwag.
"Sorry to wake you up," pabulong nitong sambit habang hinahalikan ang kanyang batok habang ang kamay nito ay awtomatikong pumaikot sa kanyang baywang. "I miss you." Then he nuzzled his face on the side of her neck.
Napangiti siya, and for a moment she waited for him to speak again but she only heard his deep and calm breathing afterward. Batid niyang sobrang pagod ito kaya hinayaan na niya lang ito na matulog. Hinila naman niya ang kumot hanggang sa may leeg niya saka sumiksik dito upang matulog ulit.
Nang magising siya, pasado alas sais na ng umaga. Nang lingunin niya si Krenan, tulog na tulog pa ito. Ni hindi man lang yata gumalaw ang kamay nitong nakayakap sa kanya, eh. Huminga siya nang malalim habang nakatitig dito. Ang kamay niya ang masauyong humaplos sa ulo nito patungo sa pisngi. Hindi niya maintindihan kung naiiyak ba siya o ano, basta amy kung anong sarap sa pakiramdam habang kasama niya ito. Naisip niya na napakaswerte niya at siya ang nasa tabi nito ngayon kahit hindi naman niya alam pa kung ano ba talaga ang tunay na katayuan ng kanilang relasyon. At iyo ang isang bagay na kinailangan niyang pag-isipan at tanggapin bago siya nagdesisyon na tuluyang papasukin si Krenan sa buhay niya.
"Sobrang lalim naman yata ng iniisip mo." It was Krenan, his voice was hoarse and deep. She could barely hear his words. "Or, sobra ka lang talagang naga-gwapuhan sa akin kaya hindi mo maiwasang matulala?"
"Oo, gwapo ka naman talaga," mabilis niyang tugon. Nakita niya ang pagsilay ng munting ngiti sa gilid ng mga labi ng binata.
Tumaas ang kamay nito upang haplusin ang kanyang pisngi, ang kanyang mata hanggang umabot iyon sa kanyang mga labing nakaawang.
"What were you thinking earlier, hmm? Come on, you can tell me," paghihikayat pa nito. Pero kaya ba niyang itanong dito kung ano ba talaga ang gumugulo sa kanyang isipan? Kaya niya bang itanong dito kung ano ba talaga ang meron sila? Kung ano ba talaga siya sa buhay nito?
Umiling siya. "Wala."
Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa pagitan nilang dalawa. Matiim ang titig nito sa kanya, nang-aarok.
"I love you," maya-maya ay sambit nito. Mahina lang iyon ngunit tila tambol ang dating ng tatlong salitang iyon sa kanya. Malakas niya tuloy itong naitulak!
Panay ang iling niya. "No! Huwag mong sabihin 'yan!"
"And why? Kung iyon naman ang nararamdaman ko para sa'yo?" Nakaupo na ito sa kama habang siya, nakatayo at magkahalong inis at excitement ang nadarama. "Bakit, sa tingin mo laro lang ang hangad ko mula sa'yo? God! I may have women before you but when I chose to be with you, ikaw na lang talaga at hindi lang dahil may nangyayari sa pagitan nating dalawa, okey? I chose to be with you because I love you! Kaya hindi rin ako nagpakita sa'yo this past few days dahil nalilimi ko ang nararamdaman ko para sa'yo! Do I really love you? Or I was just sexually attracted? Pero hindi, eh! Dahil sa bawat araw na hindi kita nakikita, naroon ang takot at lungkot na baka nakakita ka na ng ibang mas nakahihigit sa akin! Being away with you was hellish, okay?"
Hindi siya makapagsalita. She just stood rooted on her feet while looking at him intently. Kung hindi pa siya nito niyakap nang mahigpit, malamang tulala pa siya!
"I love you," bulong ulit nito. Nakasubsob ang mukha nito sa kanyang leeg kaya ramdam niya ang mainit na dulot ng hininga nito. "I miss you so much!" Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagyakap sa kanya.
"Kren, hindi ako makahinga," reklamo niya rito. At bukod doon, kinakabahan kasi siya dahil sa rebelasyon nito. Ngayon lang siya hindi naging sigurado sa susunod niyang hakbang. Pero aminin man niya o hindi, gusto niya at masaya siya dahil sa nalaman.
"No! I am not letting you go unless you say you love me, too!"
"Huh, Krenan naman..." ungot niya.
"I love you," sambit ulit ni Krenan pero hindi pa rin niya ito itinugon. Kaya napatili na lamang siya nang bigla siyang buhatin ni Krenan pagkatapos ay mabilis siyang dinala pabalik sa kamay at saka dinadagan. Mabilis nitong napaghiwalay ang kanyang mga hita kaya ang alaga nitong buhay ng mga oras na iyon ay malayang bumubundol sa pagitan ng kanyang mga hita. His lips were already on her neck, kissing and nibbling on her skin. Naging marahas din ang pagbundok ng alaga nito sa kanyang kaselanan kaya hindi niya maiwasang hindi mapaungol sa kiliting dulot ng mga galaw nito! Ngunit kung kaialn nadadala na siya, saka naman ito tumigil! And she knows that Krenan is punishing her for not saying I love you back!
"I love you!" Hindi talaga ito tumigil. Ang mga mata nito ay malamlam habang nakatitig sa kanya. Naroon ang sensiridad. And by that look, she knows that he's saying the truth! Sa ilang taon kasi na pagiging palaboy niya sa kalye, kahit paano, natuto siyang kumilatis ng tao.
"I love you, too," sambit niya sabay halik sa labi nito. Naramdaman niya ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nito bago niya naramdaman ang mainit nitong pagtugon. His hands were now on her breasts, massaging and kneading it. Ngunit bago pa man kung saan mapunta ang eksenang 'yon ay malakas niya itong naitulak.
"Hey!" angal nito!
"Ligo ka muna," hiyaw ko rito sabay kindat. "Baho mo!"
Hindi naman niya maiwasang mapangiti nang makitang inamoy-amoy nga nito ang sarili.
"Hey! I don't stink-"
"I know! And I love you," putol niya sa sinasabi nito. "Pero maligo ka muna. Magluluto lang ak ng breakfast natin, okay?"
"Tinatakasan mo 'ko, anito" Subalit sumunod pa rin naman ito sa sinasabi niya. "But you can't get away from me. Never!" nanito bago tuluyang pumasok ng banyo.
Napailing na lag siya dahil batid naman niyang hindi niya ito matatakasan. At hindi na rin naman niya kayang malayo rito. Just thinking of it makes her weak, so how could she continue with her life without him?
Basta lang dinampot ang hinubad nitong t-shirt at siya na niyang isinuot bago nagtungo ng kusina upang magluto. Nagprito na lang siya ng ginawa niyang shanghai pagkatapos niyang magluto ng pancit dahil naging paborito na iyon ng binata magmula nang magkasama sila. Kaya hindi siya nawawalan ng stock sa kanyang ref. At kung minsan naman ay may dalang grocery ang binata sa kanya.
Ngunit saktong katatapos niya lang magluto nang makitang humahangos na lumabas ng kanyang kwarto ang binata.
"I'm so sorry," panimula nito. "Tumawag kasi si Missy. It's an emergency kaya kailangan ko siyang punatahan. bawi ako pagbalik ko, okey?" Ni hindi na nga siya nakasagot. Mabilis siya nitong hinalikan sa labi saka nagmamadaling lumabas ng kanyang condo.
Nang tuluyan itong makaalis, mapait na lang siyang napangiti habang nakatitig sa inihanda niyang pagkain sa mesa. May kung ilang beses siyang huminga nang malalim para payapain ang kanyang sarili ngunit hindi talaga mawala ang lungkot at paninibughong kanyang nadarama.
But she still chose to wait for him. It was past ten o'clock when she decided to take a bath and head outside. Kinakailangan niyang lumabas dahil baka mabaliw siya sa kaiisip kung nasaan na ba si Krenan at kung ano ang ginagawa nito! Maski isang text o tawag mula rito ay wala naman siyang natatanggap!