“Watch out!” Babala ng isang tinig. Kasabay noon ay ang mabilisang pag-ikot ng isang kamay sa kanyang baywang sabay hila sa kanya palayo sa glass door. “That was close,” dagdag pa nito.
Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses. Tumambad sa kanya ang isang lalake na sa hula niya ay nasa anim na talampakan ang taas, makisig ang pangangatawan at kaakit-akit ang mukha. Ngunit ang higit na kumuha ng kanyang atensyon ay ang mga mata nitong nakatitig sa kanya at ang labi nitong mamula-mula na hula niya ay hindi man lang nasayaran ng sigarilyo.
“Miss, are you alright?” tanong pa nito.
“Ahh...o-okey lang ako,” tugon niya, bahagya pang nautal.
Tumango-tango ito. “That's good to hear.”
“Thank you, sir!” pahabol niyang sambit bago pa man ito tuluyang makalayo.
Hindi ito lumingon sa kanya ngunit itinaas nito ang isang kamay na para bang sinasabi na walang anuman.
Saglit niya lang na natitigan nang malapitan ang mukha nito ngunit para bang kay dali para sa kanya na ma-memorize ang kabuuang mukha nito. Matangos ang ilong nito at mukhang masarap halikan ang mamula-mula nitong mga labi. Lalakeng-lalake rin ang dating nito at nangingibabaw ang tayo nito sa karamihan. Hindi niya maiwasang mangarap na sana balang-araw, magkaroon ng lalakeng bukod sa mabait at responsable ay pogi at mayaman pa. Libre namang mangarap kaya dapat na niyang lubos-lubusin na kahit pa alam niyang imposible mangyari ang kanyang hinihiling. Lalo na at tanaw niya si Krenan Le Pierre na may inaalalayang babae papasok sa kotse nito. Noon pa man ay lihim na niya itong hinahangaan. Pero mukhang ngayon pa lang ay dapat na niyang tanggapin na hanggang paghanga lang talaga siya rito. Dahil ang buhay niya ay hindi katulad ng mga teleserye at nobelang nagkakaroon ng happy ending ang pagmamahalan ng isang maralitang katulad niya sa isang mayaman na katulad ni Krenan.
Ang hindi niya alam, mula sa loob ang kotse ay hindi maiwasang titigan ni Krenan sa kanyang sideview mirror ang dalagang tinulungan nito kanina na ngayon ay kipkip ang bag at nag-aabang ng masasakyan sa gilid ng kalsada.
Krenan, couldn’t help but smile. Kung hindi sa kanya, marahil ay nauntog na ito sa malaking salamin sa maindoor ng kumpanya nila. Mukhang preoccupied ang isip nito na hindi na napansin ang nasa harapan nito.
Naging masaya at puno ng kulitan ang kanilang hapunan ng gabing ‘yon. And it warms his heart. At kung may isang bagay man siyang inaasam balang-araw, iyon ay ang magkaroon ng buo at masayang pamilya. Pero matagal pang panahon 'yon.
It was already past eleven in the evening when he went downstairs. Ang buong akala niya, tulog na ang lahat ngunit nadatnan niyang nag-uusap ang kanyang mommy at daddy sa kusina. Kita niyang nagkakape ang mga ito.
“Pangaralan mo ang anak mo, Amadeus. Hindi ko gusto ang ginagawa ni Krenan.”
Napahinto siya sa pagpasok sa kusina ng marinig niya ang kanyang pangalan. Alam niyang mali ang makinig sa usapan ng mga ito pero mas nanaig ang kanyang kiyuryusidad.
“Babe, matanda na ang anak natin. Alam na niya ang tama at mali.”
“Alam? Really?” bulalas ng kanyang mommy. “So, kailan pa naging tama ang sumiping sa babaeng hindi mo asawa? Ni hindi nga niya girlfriend ‘yong babae pero may nangyayari sa kanila? God! Hindi ko alam kung saan ako nagkamali sa pagpapalaki sa anak natin? Pabaya ba akong ina? Ha? Amadeus?”
“Natasha!” Mahina ngunit mariin ang boses ng kanyang daddy. “You know that we raised them well. Maaaring may mga pagkukulang tayo bilang mga magulang nila pero alam natin na ginawa natin ang lahat upang maging mabuti silang mga bata. Inalalagaan natin sila para maging handa sa buhay. At umasa tayong sa huli, pipiliin nilang maging tama, hindi dahil takot sila sa atin kundi dahil alam nila sa sarili nila na tama ang ginagawa nila. Let’s trust them, babe.”
Nakita niyang niyakap ng kanyang daddy ang kanyang mommy.
“Pero natatakot ako. Natatakot ako na baka magkamali sila. At sa huli ay masaktan at mapahamak sila. Takot din akong makapanakit sila dahil lang nagkamali sila sa desisyon na pinili nila. Parang hindi ko kakayanin kung masasaktan sila, Amadeus.”
“It may hurt us, babe. I know. Dahil ako man, takot na magkamali sila o kaya ay masaktan pero wala tayong magagawa dahil gano’n talaga ang buhay. Ang mahalaga, nasa tabi nila tayo, palaging gumagabay at nakahandang umalalay sakali mang magkamali sila o masaktan.”
Biglang nanikip ang kanyang dibdib dahil sa narinig mula sa kanyang mommy at daddy. Ang kanyang pagkauhaw ay dagling nawala, mas nanaig ang hindi niya mapangalanang damdamin. Bumalik siya ng kanyang kuwarto at ipinasyang mamaya na lang ulit bumaba kapag nakapasok na sa kwarto ang dalawa.
He lay down on his bed, still thinking about what his mom said. Her words matter to him. At hindi niya maiwasang hindi masaktan kanina.
He let out a heavy sigh, then close his eyes. Palagi niyang sinasabi sa kanyang sarili na hindi na siya bata yet he still act like one. So immature.
May isang oras din siguro siyang nakahiga, nakatulala lang sa kawalan. Walang direktang iniisip. He felt empty all of a sudden.
Maya-maya ay narinig niya ang dahan-dahang pagbukas ng pinto sa kanyang kwarto kaya agad siyang pumikit. Alam niyang ang kanyang mommy ‘yon. Palagi itong dumadaan sa kanya bago ito tuluyang pumasok sa kwarto ng mga ito. Naramdaman niya ang banayad na paghalik nito sa kanyang noo kasabay ng pabulong nitong mga salita, sinasabi kung gaano siya nito kamahal. Saka lang siya dumilat ng marinig niya ang pagsarado nito ng pinto.
Huminga siya nang malalim pagkatapos ay lumabas na ng kanyang kwarto saka nagdiretso ng kusina upang uminom. Baka sakali rin na maiibsan noon ang kahungkagan na kanyang nadarama. But sad to say, mas lalo lang siyang malungkot ng mapagtanto ang katahimikan ng buong bahay.
Sa huli, bumalik siya sa kanyang kwarto upang matulog na. Hoping that the next day would bring out something good and exciting.
Hindi naman niya akalain na agad namang diringgin ng Diyos ang kanyang panalangin ng makita niya ang bagong personal assistant ng kanyang mommy. Sa pagkakatanda niya, ito ‘yong babaeng muntikan ng mauntog sa glass door. Ngunit ‘di hamak na mas maganda at kaakit-akit ang itsura nito kaysa una niya itong nakita. Seeing her wearing that black pencil skirt and a turtleneck top just caught him. Career women attracts him the most at habang nakikita niya itong naglalakad kasabay ng kanyang mommy habang palabas ng opisina, hindi niya maiwasang habulin ito ng tingin. She looks gorgeous but she doesn’t seem to know it. Pinakatitigan niya ang mukha nito. The plumpness of her rosy cheeks and the fullness of her lips attracts him, too. She looks young but he could see the confidence as she walk side by side with his mom.
God! Kapapangako pa lang niya kagabi na magbabago na siya pero bakit sinusubok palagi ang kanyang katatagan? Dahil ng mga oras na ‘yon, alam na alam ng Diyos kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. Ang having his mom’s new employee is not helping him!
“Masama ba ang pakiramdam mo ‘nak? Bakit ang pula ng mukha mo?” tanong ng kanyang mommy. Hindi pa ito nakuntento at itinaas nito ang kamay sa noo at leeg niya. “Wala ka namang lagnat, eh…”
“I’m fine, mom. Mainit lang kasi dito sa labas.” Pilit siyang lumusot. Mukhang naniwala naman ito.
“Then why are you here? Tapos na ba ang pasok mo?”
“Opo. Dumaan lang ako saglit para makita ka.”
Kumunot ang noo nito. Nasa mukha ang pagtataka. “Krenan, ha?”
Natawa siya dahil sa tono nito. “Mom! Wala akong ginagawang masama, okey? Na-miss lang kita.”
Nang makita niyang gumuhit ang ngiti sa labi ng ina, alam niyang hindi siya nito matitiis. Kapagkuwan ay nilingon niya ang bago nitong PA saka ginawaran ito ng isang ngiti.
“Good afternoon, sir,” anito, diretso ang tingin sa kanya.
Hindi niya maiwasang hindi humanga sa nakikitang kumpiyansa nito ngayon. Malayo sa nakita niya kahapon kung saan parang lutang ang isipan nito.
“Pwede ka ng umuwi, Amber.” Bago pa man siya makasagot sa dalaga ay sambit ng kanyang ina. “Wala na naman akong gagawin at maya-maya ay uuwi na rin ako.”
“Thank you, Ma’am,” tugon nito. Saglit itong tumingin sa direksyon niya, tumango saka nagpaalam sa kanila.
Pasimple niya itong sinundan ng tingin. She really is bothering him but not in a bad way. Mas nakakaramdam nga siya ng excitement dahil sa nakita niyang awra nito kanina.
“Mom!” bulalas niya ng hampasin siya sa braso ng kanyang mommy. Kanina pa pala ito nakatingin sa kanya.
“Krenan, ha? Huwag mong pakikialaman si Amber. I know that kind of look!”
“I won’t,” mabilis niyang tugon.
Hindi naman niya akalain na agad susubukin ng Diyos ang kanyang pagtitimpi dahil nang gabing ‘yon ay nakita niyang muli si Amber sa bar na pinuntahan nilang magkakaibigan. And again, she never fails to caught his attention. Seeing her confidently mix and serve drinking orders, she may not be aware of it but she looks hot to him.
“Vodka, please,” sambit niya habang nakatitig dito.
Nakita niyang saglit itong natigilan ng mag-angat ng tingin at makitang siya ang nasa harapan nito. He was expecting her to acknowledge him but she just glance at him for a seconds then she went back to what she was doing.
Mabilis ang mga kilos at galaw nito. Magmula sa pagkuha nito sa bote ng alak hanggang sa pagsalin nito sa baso ay nakasunod ang kanyang tingin. At parang hindi man lang ito naba-bother sa kanyang presensiya.
Nakikita niyang abala ito sa trabaho kaya hindi na niya ito kinausap. Pero manaka-naka ang ginagawa niyang pagsulyap dito habang kasama ang mga kaibigan. At kahit nauna ng umuwi ang iba niyang kasama, nagpasya siya manatili ng makitang naroon pa ang dalaga.
It was already midnight when he saw her leaving. And that’s when he hurriedly followed her. Naabutan niya itong nakatayo sa labas ng bar, kunot ang noo habang nakatingala sa madilim na gabi. Umuulan kasi.
Dahan-dahan siyang naglakad palapit dito. Saglit itong lumingon sa kanya ngunit hindi naman nagsalita.
“May lihim ka bang galit sa akin?” Hindi na siya nakatiis na hindi magtanong dito. Feeling niya kasi, may hidden grudge ito sa kanya.
“Wala, sir. Hindi ko lang po alam kung paano kayo pakikitunguhan,” paliwanag nito.
“Just talk to me casually,” mabilis naman niyang sabi.
“Magkaiba ho tayo.”
Hindi niya maiwasang mapangiti. “Paanong naging magkaiba tayo? We’re both human beings. Unless, isa sa atin ang alien.”
She just look at him flatly. Na lalo naman niyang ikinatawa.
“Hey! Loosen up, okay?” Sinubukan niyang pagaanin ang sitwasyon ngunit mas lalo pa yatang napasama.
“Magkaiba tayo ng sitwasyon, sir,” anito sabay hinga nang malalim. Mukhang may pinaghuhugutan. “As you can see, nagpunta kayo rito ngayong gabi para mag-enjoy samantalang ako, pagkatapos magtrabaho kanina, narito naman upang rumaket! Kaya hindi niyo pwedeng sabihin sa isang tao to loosen up lalo na kung hindi niyo naman alam kung ano ang kanyang kalagayan at kung para saan, para kanino ang pagtratrabaho niya nang sobra, sir!”
He was taken aback with what she said. Mukhang namis-interpret nito ang kanyang sinabi.
“I’m sorry. Hindi naman ‘yon ang gusto kong ipakahulugan.”
Hindi ito sumagot sa kanya ngunit narinig niya ang pagbuntung-hininga nito nang malalim. Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Walang nagsasalita habang nakatingin sa mabilis na patak ng ulan sa kanilang harapan. Madilim ang paligid, malamig ang panahon at nakalulumbay.
Kung may isang bagay man siyang pinakaayaw, iyon ay ang ganitong panahon. Kung saan nawala na ang liwanag at nanaig na ang kadiliman sa buong paligid habang malakas ang patak ng ulan.
Nakakawala ng sigla. Na para bang iniwanan siya.
Nakalulungkot.
Huminga siya nang malalim, saglit na nilingon ang katabi. Nakatitig din ito sa ulan, parang wala sa sarili. Pero kung may ipinagpapasalamat man siya ng mga oras na ‘yon, iyon ang presensiya nito. At least, hindi siya nag-iisa.
Maya-maya ay gumuhit ang matalim na liwanag sa kalangitan dahilan upang maaninag niya ang mukha ng katabi. Natigilan siya na parang pati paghinga niya ay pinigilan niya upang hindi maabala ang dalaga.
Dahil katulad ng pagtangis ng langit, gano’n din ang nakita niya sa mukha nito. He saw the pain, the weariness and the loneliness in her face.
And he felt that urge to hug her and tell her that everything was gonna be okay.
"Magiging okey din ang lahat, okey?" bulong niya rito.