Pagkagaling niya ng trabaho ay nagmamadali siyang umuwi sa inuupahang bahay upang magluto ng dinner nila ni Krenan. Plano niya itong puntahan sa condo unit nito upang surpresahin. Medyo nagkatampuhan kasi sila kaya siya na lang itong magpapakumbaba para hindi na lumalala pa ang kanilang tampuhan. Saka, hindi rin maganda sa pakiramdam 'yong nag-aalala ka sa kanya pero naiinis ka kaya hindi mo rin ito tini-text. Nagawa niyang makipagmatigasan dito ng dalawang araw pero hindi na niya kaya kaya balak niya itong puntahan ngayon.
Ipagluluto niya ito ng lumpiang shanghai saka pansit.
Lampas alas sais na nang matapos siyang magluto kaya nagmamadali siyang naligo at nagbihis.
Bitbit ang kanyang mga niluto ay tinungo niya ang Premium Towers kung saan naroon ang condo ng nobyo. Masigla siyang binati ng gurad dahil sa ilang beses niyang pagpunta roon ay kilala na siya nito. At isa pa, may legal access naman siya sa condo ni Kren.
Nang marating ang ika-sampung palapag kung saan naroon ang unit ng binata, hindi na siya nag-abala pang kumatok dahil alam naman niya number combination nito. Kadiliman ang tumambad sa kanya pagkapasok, marahil ay tulog na naman ito. Pagod siguro sa trabaho.
Nagtungo siya ng kitchen at ipinatong sa center island ang dalang pagkain. Balak na sana niyang ihanda ang dala ng marinig niya ang tila mga bulong na nanggagaling sa kwarto ni Kren. Walang ingay siyang naglakad patungo sa kwarto nito, bahagya iyong nakaawang kaya kita niya ang nangyayari sa loob.
Nakahiga si Kren sa kama nito, hubad ang pang-itaas at kahit natatabunan ng kumot ang ibabang bahagi ng katawan nito, alam niyang wala ring saplot sa bahaging iyon. Alam niya iyon dahil sa tuwing magkasama sila, wala talaga itong saplot kapag natutulog sa tabi niya. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang babaeng nakaupo sa gilid ng kama nito.
It was Missy, Krenan's childhood friend. Noon pa man ay wala na siyang tiwala dito pero hindi siya umiimik o kumukontra dahil alam niya kung ano ang stand nito sa buhay ng nobyo. Kahit maraming beses ng sinabi ni Krenan na wala siyang dapat ipag-alala tngkol dito pero iba ang kutob niya sa kaibigan nito. But seeing them together right now, mukhang nagkamali siya ng pagtitiwala sa dalawa.
Hindi siya nagpakita sa mga ito. Gusto niyang malaman kung ano ba ang pinag-uusapan ng mga ito.
"What are you doing here, Missy?" Narinig niyang tanong ni Krenan.
Imbes na sumagot ay nakita niyang umusod pa si Missy palapit sa nobyo.
"Missy-"
Hindi na naituloy ni Krenan ang susunod nitong mga salita ng bigal na lang sakupin ni Missy ang mga labi nito.
Nasapo naman ni Amber ang kanyang bibig, nabigla sa nasaksihan. Kasunod noon ay ang pamamanhid ng kanyang buong katawan. Tila ba mayroon punyal na paulit-ulit na tumarak sa kanyang dibdib.
Gusto niyang lapitan ang dalawa, kumprontahin at saktan pero hindi niya magawa. Tila na-estatwa siya sa kanyang pagkakatayo sa labas ng pinto habang nakasilip sa dalawa. Ang pinakamasakit sa lahat, nakita niya kung paano natigilan ang nobyo ng halikan ito ni Missy ngunit kalaunan ay tinugon na nito ang mga halik ng kaibigan.
Kitang-kitang ng dalawa niyang mga mata kung paano kumandong si Missy sa nobyo habang magkahugpong ang labi ng dalawa. Para itong linta kung makaliyad at maka-indayog sa kandungan ni Krenan. At nang tingnan niya ang hitsura ng nobyo, mukhang ito man ay nasisiyahan na rin! Hindi niya laam kung ano ba ang nangyari sa kanya ngunit hindi na siya nakagalaw habang nakatitig sa mga ito. Wala na rin siyang naiintindihan sa kanyang paligid at ang tanging rumirehistro sa kanyang isipan ay ang eksenang nasa kanyang harapan.
Pero ng makita niyang hinuhubad na ni Krenan ang suot na damit ni Missy, hindi na siya nakatiis.
"B-babalik na lang ako kapag t-tapos na k-kayo," sa gumagaral na boses ay sambit niya.
Nagulantang naman ang dalawa at sabay na napatingin sa kanyang direksyon.
"Bi," tawag ni Krenan sa kanya. Nagmamadali nitong inabot ang tuwalyang nakasampay sa upuan malapit sa tabi nito. "Bi..."
Binalingan ko naman si Missy saka malakas itong sinampal sa mukha.
"Noon pa man, alam ko nang may pagtingin ka kay Krenan, eh! Pero hindi ako nagsalita dahil alam kong magkaibigan kayo! Alam kong hindi ko mapapantayan ang mga taon na magkasama kayo kaya nirespeto ang relasyon ninyong dalawa! Ayokong maipit siya sa atin! Pero ngayon, it seems na nakapili na siya!"
"It's not what you think, Amber-"
"Huh? Bakit? Mali ba ako ng nakita? Ako lang ba ang naglagay ng malisya sa nakita kong ginawa niyong dalawa, ha? Tang-ina, Missy! Hindi ako gano'n katanga!? At huwag mo akong paandaran na para bang isa kang maamong tupa dahil alam naman nating dalawa na maitim din ang budhi mo!"
Marahas niyang pinahid ang kanyang mga luha saka salitang tinitigan ang dalawa. Mas matagal kay Krenan.
"Hindi mo alam kung gaano kasakit ang ginawa mong ito, Krenan! Hindi mo alam..."
"Bi...." Tinangka nitong lumapit sa kanya, pilit inaabot ang kanyang kamay ngunit panay ang iling at layo niya rito.
Kapagkuwan ay binalingan nito si Missy. "Go...just go."
Akmang lalabas na rin siya ng haklitin siya sa baywang ni Krenan saka malakas nitong isinara ang pinto ng kwarto. Naiwan silang dalawa sa loob.
"Bi," sambit nito, pilit sinasapo ng mga kamay nito ang kanyang mukha.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata dahil hindi niya kayang tingnan ang binata. Hindi niya matanggap na nagawa siya nitong lokohin.
"Pumunta ako rito para i-surprise ka, hindi ko naman alam na may nakahanda ka pa lang surprise sa akin. Mas pasabog pa! Alam ko may mga nasabi akong hindi maganda tungkol sa'yo, may pagkukulang ako...pero sabi ko naman sa'yo 'di ba? Na kapag ayaw mo na...na kapag may gusto ka ng iba, magsabi ka lang hindi 'yong lolokohin mo pa ako!" Punong-puno ng paghihinagpis ang kanyang mga salita. Ang kanyang mga luha, nag-uunahang maglandas sa kanyang pisngi. At kung pwede nga lang bawiin o kalimutan ang nakita niyang ginagawa ng dalawa kanina, ginawa na niya. Sobrang sakit lang kasi lalo na kapag bumabalik sa kanyang isipan ang larawan ng dalawa habang naghahalikan.
Mahigpit siyang niyakap ni Krenan. Panay ang hingi ng tawad sa kanya. Pero paano kung hindi siya dumating? Paano kung hindi niya napigilan ang dalawa?
Tuluyan na siyang napahagulhol ng iyak. Dalawang beses na siyang naloko ng lalake at sa tuwina ay third party ang dahilan. Palagi siyang naiiwan, ipinagpapalit sa mas nakahihigit sa kanya. Sabagay, sino nga ba ang tangang pipili sa kanya kung may bukod sa maganda ay edukada at mayaman pa? Ano bang laban niya gayong hindi naman siya nakatapos ng pag-aaral at ulila na?
Pilit siyang umaalis mula sa pagkakayakap ni Krenan. Sa huli ay pinaghahahampas niya ang dibdib at mukha nito dahilan upang mapalayo ito sa kanya.
"Stop it, Amber!?" hiyaw nito dahilan upang mapaigtad siya sa gulat at takot. Nakita niya ang pamumula ng mukha nito habang matiim ang pagkakatitig sa kanya. Ang kamao nito, parehong nakakuyom na at para bang gusto siyang saktan!
"Ano bang problema mo?" hiyaw pa nito ulit. "Yes! I get it! Nagkamali ako kaya nga humihingi ako ng tawad sa'yo pero hindi ka nakikinig! Kahit ngayon lang, makinig ka naman sa akin!"
Marahas nitong tinanggal ang tuwalya na nakabalot sa katawan nito saka dinampot ang boxers nito saka dali-dali iyong isinuot. Pagkuwan ay humarap ito sa kanya.
Hindi naman niya maiwasang hindi matakot sa hitsura nito. Madilim ang awra ng mukha nito, nagtatagis ang mga bagang at halatang galit. Ngayon niya lang ito nakitang nagkagano'n!
Pero hindi siya nagpatinag. Tinanggal niya ang suot na singsing na ibinigay nito sa kanya saka niya iyon itinapon sa harapan nito, bagay na mas lalo nitong ikinagalit.
Panay ang iling nito, nasa labi ang mapaklang mga ngiti nito. Pagkuwan ay dinapot nito ang inihagis niyang singsing.
"Alam mo naman siguro kung gaano kahalaga ang singsing na ito sa relasyon natin 'di ba? Pero basta mo na lang itinapon? Does this mean that you want to break up with me?" Sunod-sunod ang mga tanong nito. "Nang dahil lang sa nakita mo, makikipaghiwalay ka na sa akin? Bakit? Ano ba ang ipinagmamalaki mo, ha? Hindi ka na naman malinis nang nakuha kita, ah?"
Natigalgal siya ng marinig ang sinabi nito. Sa ilang segundo, tila ba tumigil sa pag-inog ang kanyang mundo habang nakatitig siya rito. Oo, aaminin niyang hindi na siya birhen ng makuha nito dahil noong kabataan ay naging mapusok siya at nakagawa ng mga bagay na hindi pa naman dapat. Ngunit ang marinig ito mula mismo sa bibig ni Krenan, walang kapantay na sakit ang kanyang nadama.
Nanatiling tikom ang kanyang bibig habang nakatitig dito ngunit ang kanyang mga luha, wala ng ampat sa pag-agos mula sa kanyang mga mata. Paulit-ulit na nagre-replay sa kanyang utak kung paano nito nasabi ang mga salitang 'yon? Dahil magmula ng mahalin siya nito at iparamdam sa kanya na mahal na mahal siya nito at ito ang magtatanggol sa kanya mula sa mga taong gustong manakit at mababa ang tingin sa kanya, umasa siya at nagtiwala sa sinabi nito.
Ngunit sa huli, natalo ulit siya. Siguro nga, hindi siya nababagay sa mundo ng isang Krenan Le Pierre.
Oo, madaling ma-inlove pero ang manatiling inlove sa isang tao sa kabila ng kanyang kapintasan, mahirap mapanindigan. Ang buong akala niya, mahihirapan siyang pasukin ang mundo ni Kren pero dahil mahal niya ito, nakaya niya. Nawala sa isip niya na baka ang mundo niya ang hindi kayang pasukin at tanggapin ni Krenan!
Dahan-dahan siyang naglakad paatras, pilit nilalakasan ang loob sa paglisan.
"Hindi...diyan ka lang," sambit niya ng unti-unting maglakad si Krenan, pilit siyang inaabot. "Sapat na ang narinig ko mula sa'yo. Sapat na, Krenan..."