XIV

2243 Words
Sa unang pagkakataon ay tinikis niyang hindi kontakin ang binata kahit pa nami-miss na niya ito nang sobra. Malalim ang naging sama ng loob na idinulot ng mga salita nito. Kahit ilang beses niyang kumbinsihin ang kanyang sarili na kalimutan ang mga salita nito, wala ring silbi. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang balintataw ang itsura nito at ang mga salitang nagpababa ng tingin niya sa kanyang sarili. At ang huling mga salita nito bago tuluyang umalis ng condo ang pinakamasakit sa lahat. Hindi rin siya nag-abala na tawagan ito o i-text man lang. Hindi dahil gusto niyang suyuin siya nito kundi dahil mali ang ginawa nito. And saying that foul words to her was below the belt. Ilang araw na ba itong hindi nagpaparamdam sa kanya? Dalawa? Tatlong araw? Eksaktong dalawang araw at apat na oras na ngunit walang paramdaman mula rito. Naninikip na naman ang dibdib niya. Masakit lang isipin na nagawa siya nitong tiisin. Huminga siya nang malalim nang maramdaman niyang anumang sandali ay papatak na ang kanyang mga luha. Mabuti na lamang at biglang tumunog ang telepono sa kanyang tabi. Agad niya iyong sinagot. "Yes, Ma'am?" tanong niya ng mabosesan si Ma'am Natasha sa kabilang linya. Panay lang ang tango niya sa sinasabi nito na akala mo naman ang nakikita ang kanyang sagot. Hinihintay siya sa opisina nito. Nadatnan naman niya itong abala sa harap ng laptop nito ngunit agad itong nag-angat ng tingin at ngumiti sa kanya pagkapasok niya. "Sit down, hija," anito. Then for a moment, she seems to be unsure of her next words. But eventually she said, "Amber, I know hindi ako dapat nakikialam sa relasyon niyo ng anak ko." Saglit itong huminto sa pagsasalaita, waring tinatantiya ang kanyang reaksyon. "Krenan is acting weird lately, hija....nag-away ba kayo?" Masuyo siyang ngumiti rito, pilit itinatago ang lungkot at sakit na kanyang nararamdaman. Ngunti hindi niya kayang magsinungaling dito. Ramdam niya ang genuine care nito sa kanya kaya hindi niya ito kayang pagsinungalingan. "Nagkatampuhan lang po kami," maiksi niyang tugon. Tumayo ito mula sa kinauupuan nitong swivel chair saka umupo sa katapat niyang upuan. Kinuha nito ang kanyangkamay at masuyong pinisil. "He's my son pero hindi ko ito-tolerate ang mali niyang gawain. So, if it's okay, you can tell me what happened?" Yumuko siya upang itago ang panlalambong ng kanyang mga mata. Ngunit tuluyang humulagpos ang kanyang mga luha ng yakapin siya nito at parang batang inaalo. Masuyo at walang pangungutya ang tono nito kaya naging komportable siyang ikuwento rito ang mga nangyari. Umiiyak pa rin siya hanggang matapos siyang magkuwento rito. Kinuha niya ang inabot nitong tissue. "Sori po kung naging emosyonal ako." Nahiya siya bigla nang ma-realize ang lahat. "Nakakahiya po." Umiling ito. "Don't be. There is nothing that you should be ashamed of. And I understand your intentions of not telling Krenan about Rome. But one thing is for sure, hija. Hindi nakakabuti sa isang relasyon kung may inililihim ka. Maging mabuti man ang itensyon mo. And I am not in favor of my son right now lalo na dahil sa mga sinabi niya. Huwag kang mag-alala, kakausapin ko siya mamaya pagkauwi ko." "Naku! Hindi na po! Baka isipin niyang nagsumbong ako sa inyo!" tanggi niya. Baka ma-misinterpret na naman ng binata ang ginawa niyang pakikipag-usap sa mommy nito. Kahit gusto lang naman niyang mailabas ang bigat na kanyang nararamdaman. "Wala kang dapat ipag-alala, hija. Walang namagitan na usapan sa pagitan nating dalawa. What happen here, stays here." "Ma'am Nat-" "No more buts, okay?" She cut her off. "And I am letting you go home early today. And if you want to, you can go to the spa I frequently goes in para i-treat mo naman ang sarili mo paminsan-minsan. Don't worry, it's free, okay? And please, call me Tita kapag tayo-tayo lang." Mabilis siyang umiling. "Hindi na po. Nakakahiya..." "Ano ka bang bata ka! Pumunta ka, okey? Ipagbibilin kita. Magtatampo ako kapag hindi ka nagpunta." "Pero-" Hinawakan nito ang kanyang magkabilang balikat at inalalayan siyang tumayo. "Wala ng pero-pero! Now, be a good girl and treat yourself, okay?" Wala na siyang nagawa kundi ang magpatianod nang alalayan siya nito palabas ng pinto. Pero bago siya tuluyang lumabas ng opisina nito ay huminto siya. Kahit nahihiya ay niyakap niya ito. "Maraming salamat po." Naramdaman niya ang pagtugon nito sa kanyang yakap. "No worries, hija. Palagi mong iisipin na nandito lang ako. Handang makinig anumang oras. At kung kailangan mo ng tulong, huwag kang mag-aatubiling tawagan ako, ha?" Sunod-sunod ang ginawa niyang pagtango habang pigil-pigil ang kanyang mga luha. Sobrang sakit na tuloy ng kanyang lalamunan dahil sa kapipigil niyang huwag tuluyang mapaiyak. Dagdag pa ang pagiging mabait ni Ma'am Natasha sa kanya. Palagi nitong ipinararamdaman sa kanyang na importante siya, na welcome siya sa pamilya ng mga ito. She also never fails to make her feel that she is loved and her feelings wouldn't be invalidated just because Krenan is her son. Hanggang sa makarating siya sa kanyang condo ay panay ang pasasalamat niya na nakilala niya ang mommy ni Krenan. Napakabuti nito at aminado siyang kung gugustuhin niyang magkaroon ng nanay bukod sa kanyang Mama Pre, pangalawa sa kandidato ang nanay ng binata. Nagpalit lamang siya ng damit sa condo saka saglit na pinuntahan ang kanyang Mama Pre but to her dismay, hindi siya pinayagan na madalaw ito. Bagay na lalo lamang niyang ikinalungkot. Malamang ay ang mga anak nito ang humaraang para hindi niya madalaw ang kanyang Mama. Maraming bagay siyang dapat ikasaya at ipagpasalamat ngunit tampuhan nila ni Krenan at ang hindi pagpayag ng mga tao sa shelter na makita niya ang kanyang Mama Pre ang dalawang matinding dahilan upang malungkot siya at makaramdam ng panghihina. Sinusubukan niyang maging positibo ngunit kapag puso at isipan na ang kalaban, para bang napakadali lang na sumuko na. Lulugo-lugo siyang umalis ng shelter. Napagdesisyunan niyang puntahan ang spa na sinasabi ni Ma'am Natasha. And true to her words, asikasong-asikaso siya at priority ng mga staff doon. From facial, massage and body treatments ay ginawa sa kanya kaya kahit paano ay naging maaliwalas ang kanyang pakiramdam pagkatapos. Nang matapos ay dumiretso siya sa restaurant na nakita niya kanina. It was an Italian restaurant. Magmula kasi ng maging sila ni Krenan, madalas siya nitong dalhin sa mga ganitong klaseng restaurant kaya kalaunan ay nagustuhan niya ang lasa ng mga pagkain. Sabagay noon pa man ay naa-amaze na siya sa pagkain at culutre ng bansang kabilang sa Europe. Hindi niya akalain na magiging masaya siya ng araw na iyon. Hindi niya napansin na mag-aalas siete na pala ng gabi. She was too preoccupied of everything that happened that day that she didn't notice the man who was following her from the moment she went outside that restaurant. Huli na nang mapansin niya. Naging alerto ang kanyang isipan at pasimpleng kinapa ang kanyang cellphone sa kanyang bag. Mabuti na lamang at nasa speed dail ng kanyang cellphone ang numero ni Krenan! "Sagutin mo, please," sigaw ng isang bahagi ng kanyang isipan nang makailang beses niyang tinawagan ang binata pero hindi ito sumasagot. Naging mabilis ang kanyang mga hakbang ngunit sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya pa rin ang palihim na pagsunod ng lalake sa kanyang likuran. Naging mabilis na rin ang mga hakbang nito kaya lalo lamang lumakas ang kutob niyang sinusundan siya nito. She tried dialing Krenan's number again pero wala! Hindi pa rin ito sumasagot! Nagsimula ng manginig ang kanyang buong katawan dahil sa takot. Naalala niya 'yong mga pagkakataon na mumuntikan na siyang magawan ng masama ng kanyang amain noon. Hindi man tuluyang nangyari ngunit ang takot na nakatimo sa kanyang puso at isipan ay naroroon pa rin. Mabuti na lamang may nakita siyang mag-ina na naglalakad sa kanyang unahan kaya mabilis niyang ikinawit ang kamay sa braso ng ginang na ikinagulat naman ito. "May lalake pong nakasunod sa likod ko kanina. Hindi ko po siya kilala. Need help po." Inunahan na niyang magsalita ang ginang bago pa man ito makapagprotesta. Bahagya pang nanginginig ang kanyang boses nang magsalita siya. Mukhang nakuha naman ng ginang ang gusto niyang ipahiwatig. "Naku, hija! Kanina ka pa namin hinahanap! Saan ka ba galing?" sambit nito sabay hila sa kanilang dalawa ng dalagitang hinuha niya ay anak nito dahil sa resemblance ng dalawa. Pumasok sila sa isang pastry shop. Nakahinga lang siya nang maluwag nang nasa loob na sila. Doon na siya tuluyang napaiyak dahil sa labis na takot. Kahit anong pagpapakalma niya sa kanyang sarili, hindi niya mapigilang manginig. "You're safe now, hija." Nag-angat siya ng paningin ng magsalita ang ginang. "Huwag kang mag-alala, hindi ka namin iiwan hangga't wala kang sundo," dagdag pa nito. "Ako nga pala si Jenna at ito ang anak kong si Sweet." Pinahid niya ang kanyang mga luha bago nagsalita, "Maraming salamat po. Utang ko ang buhay ko sa inyo ngayon. Hindi ko po ma-imagine kung ano na nangyari sa akin ngayon kung hindi niyo ako tinulungan." "Wala 'yon. Ang mahalaga ay natulungan ka namin." Binalingan nito ang anak. "Darling, can you order for us?" "Yes, Mom." Lumingon ang dalagita sa kanya. "How about you Ate, what do you want?" "Tubig lang." "Hihintayin namin na magkaroon ka ng sundo bago ka namin iwan dito," anang ginang. "Hindi na po kailangan. Ligtas na po ako rito." "I insist. Baka kung mapaano ka pa. Hindi natin alam, baka nariyan lang sa labas 'yong lalakeng sumusunod sa'yo kanina. Ang mabuti pa, tawagan mo na kung sinuman ang pwedeng sumundo sa'yo." Tango lamang ang kanyang naging tugon dahil mas lalo lamang nagliyab ang takot sa kanyang dibdib sa isiping baka nasa labas lamang ang lalakeng sumusunod sa kanya kanina. Tinawagan niya ang numero ni Krenan ngunit ilang beses ng nag-ring iyon ngunit walang sumasagot. Ilang beses din siyang nag-send ng "Bi, tuluingan mo 'ko" at "Sunduin mo ako" ngunit wala man lang siyang narinig na isang sagot mula rito. Sa huling tangka niya, hindi na available ang numero ng binata. Mabilis niyang pinahid ang kanyang mga luha. Kung kailan kailangan niya ito, saka ito wala. Hindi niya mahagilap. And once again, he made her feel unimportant. Hindi rin naman niya matawagan ang numero ni Ma'am Natasha dahil nahihiya na siya. And her last resort was calling Rome. Segundo lang ay nasagot na nito ang kanyang tawag. "Amber?' untag nito sa kabilang linya. Hindi agad siya nakapagsalita. Napahikbi na lamang siya ng marinig ang boses nito. "W-what happened? Nasaan ka?" There was panic in his voice. Sa pagitan ng mga hikbi ay sinabi niya rito ang kinaroroonan niyang pastry shop. "Just stay there and I'll fetch you, okay?" Saglit itong nawala sa kabilang linya pagkuwan ay nagsalita ulit, "May kasama ka ba diyan, hmm? Are you okay?" Panay ng tango niya kahit hindi naman siya nito nakikita. Maya-maya ay narinig niya ang pagbuhay nito sa kotse. "Paalis na ako ng bahay, okey? Diyan ka lang! Mag-iingat ka, ha?" "Dito lang ako," sagot niya. Ang alam niya, sa Taguig pa umuuwi si Rome kaya akala niya matatagalan pa ito bago makarating sa kanya lalo na at traffic. But it only took him thirty minutes to get to her. Hindi niya maiwasang mapaiyak ng tuluyan nang makita niya itong lumabas ng kotse nito. Pakiramdam niya kasi, nakahanap siya ng kakampi at tagapagtanggol sa katauhan nito. Hindi na niya napigilang yakapin ito nang mahigpit nang makalapit sa kanya. Tila batang nagsusumbong sa nang-away sa kanya. "Shhh, shhh," pang-aalo nito sa kanya. "Okey ka lang ba, ha?" "Okey lang ako." "Ano ba kasing nangyari?" tanong nitong muli. Hindi siya makasagot. Hanggang ngayon kasi ay puno pa rin ng takot ang kanyang puso. "Hay, naku! Mabuti na lamang at nakita kami ng girlfriend mo, hijo! Dahil kung hindi, baka kung napaano na siya sa kamay ng lalakeng 'yon!" Naramdaman niya ang bigalng paninigas ng buong katawan ni Rome nang marinig ang sinabi ni Ma'am Jenna rito. Ang ginang na rin kasi ang nagkuwento dahil wala na siyang lakas para magpaliwanag pa. Maraming nangyari ngayong araw and it took all her energy. Maski habang pauwi na sila at nasa sasakyan ng binata, hindi nangiming magtanong si Rome sa kanya. Batid niyaang alam nito ang takot at sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. He didn't even bother asking why she called him and not Krenan. Malamang alam na rin nito kung bakit wala roon ang binata. Manaka-naka ang ginagawa nitong pagsulyap sa kanya. Wala man itong sinasabi ngunit batid niyang mataas din ang emosyon nito base sa mahigpit nitong pagkakakapit sa manibela. Ang pagtatagis ng mga bagang nito ang and all those prutruding bveins on his lower arm were enough to show that he's pissed off! Na para bang anumang oras ay madudurog ang manibelang hawak nito. And when she looks at his face, he looks murderous at that moment. Medyo kinabahan lang siya nang bumilis ang takbo nila. "Rome," tawag niya rito nang mas bumilis pa ang takbo nila. Subalit parang hindi nito narinig ang kanyang pagtawag kaya mas nilakasan niya ang kanyang boses ng tawagin niya ito ulit. "Rome!" Bigla ito nagpreno saka malakas na hinampas ang manibela ng kotse. "Bvllshit!" Hindi naman niya maiwasang mapapitlag dahil sa ginawa nito. Nakita niya ang ginawa nitong sunod-sunod na paghugot ng malalim na hininga saka bumaling sa kanya. "I'm sorry. I didn't mean to yell at you. Ang mabuti pa ay ihahatid na kita sa condo mo. May kailangan lang akong puntahan at turuan ng leksyon for being an a$$hole!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD