Malaya niyang tinitigan ang likod ng binata habang nagluluto sa kanyang kusina. Nang tingnan niya ang malaking relong nakasabit sa dingding, alas singko pa lang ng umaga ngunit abala na si Krenan sa pagluluto. Gano’n ang ginagawa nito sa tuwing may ginawa itong mali o kaya nagkatampuhan sila. Palagi itong bumabawi sa kanya sa pamamagitan ng pagluluto kahit ang alam lang naman nitong lutuin ay pritong itlog at hotdog.
Natuptop niya ang kanyang bibig nang magulat ito sa biglang pagpilantik ng mantika! Kasunod noon ay ang pagmumura nito! At hanggang ng mga oras na iyon ay hindi man lang nito napapansin na naroon na siya.
Hindi naman siya nagsasawa na titigan ito. From his towering height, his broad shoulder and well-chiseled muscle, sino bang babae ang hindi magkakagusto rito? Katulad niya, dati niya lang itong pangarap at hinahangaan ngunit siya na ang girlfriend nito ngayon.
Pero may mga pagkakataong nagtatanong siya sa kanyang sarili kung gaano nga ba siya kamahal ng binata? Katulad ba kung gaano niya ito kamahal? Kasing lalim ba ng nararamdaman niya para dito? Dahil kung siya ang tatanungin, sobrang mahal niya ito at palaging ito ang una sa lahat. She can set aside almost everything just for him. Kaya gano’n na lamang kabilis mawala ang tampo at sama ng loob niya rito, eh! She love him damn much! Kaunting yakap at paghingi ng sori, sapat na sa kanya. Kagabi, bago siya matulog, sobrang sama ng loob niya rito ngunit nang magising siya, wala na siyang makapang kahit kaunti pang tampo sa binata. Kaya hindi niya maiwasang matakot dahil batid niyang hindi niya kakayanin kapag nawala si Krenan sa kanya. Oo, malakas siya ngunit iba na kapag ang binata na ang involve. Sana nga lang ay pagbigyan siya ng Diyos sa kanyang hiling. Na sana, sila na nang binata hanggang dulo.
"B*llshit!"
Hindi na siya nakatiis at pinuntahan na niya ang binata nang marinig niya ulit ang sunod-sunod nitong pagmumura.
"Ako na," sambit niya sabay agaw sa sandok na hawak nito. Ipinagpatuloy niya ang iiluluto nitong sunny side up egg. Kaunti na lang masusunog na. Ininit n alang din niya iyong ipinadalang ulam ni Miss Natasha sa kanila na adobong manok.
Hanggang sa matapos siya sa pagluluto ay nakatingin lang ang binata. Hindi niya kasi ito tinatapunan ng tingin man lamang.
"I'm sorry-"
"Para saan ang sorry mo?" putol niya sa sinasabi nito.
Hindi ito nagsalita, nakapako lang ang tingin sa kanya.
"Tingnan mo? Nanghihingi ka ng sorry pero hindi mo naman alam kung ano ba ang ipinanghihingi mo ng sorry?"
Hindi na siya nakapalag nang lumapit ito at mahigpit siyang niyakap.
"Sori dahil natagalan akong makabalik kagabi. Pero bumalik din naman ako," anito. Napaigtad pa siya dahil kinikiliti nito ang kanyang tagiliran. "Kaaalis niyo lang daw nang dumating ako kaya nga nagmamadali akong bumalik dito."
Namagitan ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa, kapagkuwan ay narinig niya ang paghinga nito nang malalim.
"And then I saw you two."
Kinabahan siya, hindi dahil may ginawa silang hindi maganda ni Rome pero kilala na niya kasi si Krenan, mahirap din paliwanagan. Baka kung ano ang isipin nito kapag nalaman nitong may gusto rin si Rome sa kanya. Ayaw niyang magkaroon ng hidwaan ang magkaibigan! Kahit pa ba tinapat na niya si Rome na hanggang kaibigan lamang ang maibibigay niya rito, magseselos talaga ang binata!
"Ilang minuto ng nakatigil ang kotse ni Rome sa ibaba ngunit hindi ka pa rin lumalabas." Saglit itong huminto sa pagsasalita saka mataman siyang tinitigan sa mga mata. "What were you two doing inside? Nagtititigan? O dapat na ba akong maghanda kasi mas pipiliin mo na si Rome over me?"
"A-ano?"
Sumilay ang mapaklang ngiti sa mga labi nito. "I wasn't born yesterday, Amber! Base pa lang sa mga pasulyap-sulyap ni Rome sa tuwing kasama kita, alam kong may pagtingin siya sa'yo. You even tried hiding it from me by deleting all his chats for you."
Magkahalong inis, kaba at galit ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon dahil sa nalaman mula rito. Na para bang pinalalabas nitong siya ang may malaking kasalanan ngayon. Mukhang nabaliktad na ang issue ngayon. And knowing na may access ito sa kanyang cellphone ang isang bagay na ikinagagalit niya ngayon.
Dinampot niya ang kanyang cellphone saka padarang na ibinigay dito.
"Alam ko na ngayon kung bakit mo ibinigay sa akin 'yang cellphone mo," panimula niya. "Una, para madali mo akong matawagan. To check on me...pero ang bantayan ako na para ba akong kriminal ay hindi maganda, Krenan! Pati mga private messages ko, pinakialaman mo?!"
Matalim ang mga tingin nito sa cellphone sa ibabaw ng mesa.
"Ibinabalik mo ang cellphone na 'yan? Para ba malaya na kayong magkita ni Rome imbes na texts at tawag lang?"
"Gago! Huwag mo akong pagbintangan ng kung ano-ano!" Tumaas na rin ang kanyang boses. "At bakit nabaliktad na yata ang issue ngayon, ha? Galing mo...."
Ang bilis ng kabog ng kanyang dibdib dahil sa sobrang inis! Gustong-gusto niyang isiwalat ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon ngunit sa huli mas pinili na lang niyang manahimik. Baka kung ano pa ang masabi niya na pagsisihan pa niya sa huli.
"Dahil wala namang issue sa pagitan namin ni Missy! Ikaw lamang ang gumagawa ng sarili mong multo!" Nakasigaw na rin ito.
"Naiintindihan ko ang takot mo dahil ang sabi mo, naloko ka na noon. But it doesn't mean na lolokohin ka na ng lahat! And how many times should I tell you walang namamagitan sa amin ni Missy! Wala! Wala, okey?!"
Tuluyan na siyang napaiyak dahil sa ginawa nitong pagsigaw. Ang pagpapaalala nito sa sakit na kanyang pinagdaanan, ang pambabalewala nito sa kanyang nararamdaman, sapat na upang mag-unahang pumatak ang kanyang mga luha.
"Ang mabuti pa-"
"Ano? Makikipag-break ka sa akin?" She was cut off by him.
Saglit na tumigil ang pagtibok ng kanyang puso nang marinig ang mga sinabi nito. Wala naman kasi sa plano niya ang makipaghiwalay dito ngunit para dito, mukhang ikino-consider nito ang gano'ng option.
Bago pa man siya makapagsalita ulit ay naunahan na siya nito.
"Kung ayaw mo na, sabihin mo na lang sa akin agad. Hindi 'yong maghahanap ka pa ng iba" anito. Pagkatapos ay naglakad na ito patungo sa may pinto. Bago ito tuluyang lumabas ay lumingon muna sa kanya saba'y sabi, "Hindi ako ang mawawalan kapag naghiwalay tayo, Amber. Tandaan mo 'yan!"