XV

1998 Words
He became a mess! Tatlong araw na niyang hindi nakikita si Amber ngunit pakiramdam niya ay taon na ang lumipas! Ang sakit ng kanyang ulo, nang buong katawan ngunit wala iyon sa sakit at selos na kanyang nararamdaman! Batid niya noong una pa lamang na may gusto si Rome kay Amber. He could see it! The way he steal glances on her and the concern he sees on his eyes towards Amber were enough proof! And he knows Rome too, well! At ang tipo ng dalaga ang gusto nito! They have the same taste in women for goddam sake! Hindi niya gustong iwan noon ang dalaga kay Rome ngunit wala siyang choice kundi ang ihatid si Missy! Katatawag lang ng mommy nito sa kanya at ini-expect nitong ihahatid niya si Missy lalo na at kilala nito kung paanong umakto ang dalaga kapag nalalasing! Hindi rin naman kaya ng kanyang kunsensya kung may mangyaring masama sa dalaga ng gabing 'yon so he decided to send her home! Hindi rin naman siya agad na nakaalis dahil nagwawala ang dalaga sa tuwing magtatangka siya! Sa huli ay nag-stay siya habang inaalala si Amber kasama ni Rome. Nang makabalik siya, kaaalis lang daw ng kotse ng binata. Nagpupuyos ang kanyang kalooban ng gabing 'yon! Nasundan niya ang mga ito sa condo ng dalaga pero ang mas ikinagagalit niya nang makitang hindi agad lumabas ng kotse ni Rome ang dalaga! Gustong-gusto na niyang lapitan ang mga ito ang hilahin ang kaibigan sa loob ngunti takot siya sa maaari niyang makitang ginagawa ang dalawa sa loob! Kaya mas pinili niyang paharurutin palayo ang kanyang kotse! Sa ngayon, tatlong araw na niyang hindi nakikita ang dalaga! Ni wala rin siyang balita mula rito dahil maski ang makipag-usap sa kanyang pamilya ay iniiwasan niya! Maraming beses na tumunog ang kanyang cellphone ngunti hindi siya nag-abala na sagutin man lamang iyon! Para ano pa 'di ba? Bago pa man niya maitungga ang boteng may lamang alak ay may mabilis na umagaw noon sa kanya! Marahas niyang nilingon ang taong naglakas-loob na pigilan siya! Ngunit isang malakas na suntok sa mukha ang kanyang tinamo! "Tarantado!" bulalas niya sabay tayo upang gantihan si Rome. Mukhang kailangan din nilang ilabas ang kanilaang nararamdaman! Ngunit bago pa man siya makaganti ay sunod-sunod na ang iginawad nitong suntok sa kanya. At dahil nakainom siya, medyo wala siya sa balanse kaya panay ang tama nito sa kanya! "You should tell that to yourself! Gago!" ganting hiyaw ni Rome sa kanya. "Hoy! Ano ba kayong dalawa? Ano bang nangyayari?" Hindi naman magkaintindihan si Sean sa pag-awat sa kanilang dalawa! Mabuti na nalang at nasa isang private room sila ng isang sikat na bar kung kaya't walang nakakakita sa nangyayari sa loob! Dahil kung nagkataon, pareho-pareho silang malilintikan! Hindi lamang sa mga magulang nila kundi pati na rin sa eskandalong magiging dulot ng gabing 'yon! Pumagitna si Sean sa kanilang dalawa ni Rome. Mabilis ang tahip ng dibdib nito habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa! "Bakit hindi mo tanungin 'yang kaibigan mo?" bulyaw niya kay Rome. Kung nakamamatay lang mga tingin, malamang kanina pa bumulagta si Rome. Kating-kati na talaga ang kanyang kamay na padapuin sa mukha nito! Ngumisi ito nang mapang-uyam sa kanya! Naroon ang paghahamon! Inis niyang binalingan si Sean. "Bakit hindi siya ang tanungin mo?" Tukoy niya kay Rome. "Bakit bigla na lang niya akong sinapak gayong kung tutuusin ay siya itong may atraso sa akin?" "Atraso?" asik naman ni Rome. "On what grounds, Le Pierre?" Hindi siya makasagot! But he's still raging in anger! Kung hindi lang niya naiisip na kaibigan niya ito, baka kanina pa ito napuruhan talaga! Pumalag ito mula sa pagkakahawak ni Sean habang ang mga mata ay tila nagbabagang nakatingin sa kanya. "Kahit kailan ay wala akong naging atraso sa'yo! I know my limits! Alam ko rin kong saan ko ilalagay ang sarili ko! How about you?! What the heck are you doing here?! Feeling mo entitled ka na sa lahat at dapat palaging ikaw ang aamuhin? Is it because you are Krenan Santiago Le Pierre? Well, think again! Dahil habang narito ka at nagpapakalunod diyan sa nararamdaman mo, hindi mo alam na kailangan na pala ng tulong ng girlfriend mo!?" Nanigas ang buong katawan niya dahil sa narinig. "A-anong sabi m-mo?" "And now you're worried?" Halos mag-isang linya ang kilay ni Rome dahil sa galit. "Bvllshit! Sabihin mo sa akin kung anong nangyari kay Amber? Gago ka!" ganti niya. "You're barking at the wrong tree, Le Pierre! Dahil kung hindi sa akin, baka napasakamay na ng ibang lalake si Amber! Nang dahil sa pagiging nakasarili mo, muntik na siyang mapahaamk! Unahin mo pa 'yang sarili mong gago ka!" bulalas nito bago marahas na pumiksi mula sa pagkakahawak ni Sean. Pagkatapos ay naglakad na ito palabas! Panay ang tawag niya kay Rome ngunit mabilis itong umalis! Nanghihinang napaupo siya subalit nanag maalala ang dalaga ay dali-dali siyang lumabas ng bar at tinungo ang kanyang kotse! Kahit anong pigil ni Sean sa kanya na huwag magmaneho ay hindi siya nito napigilan! Halos paliparin niya ang kanyang kotse habang nasa daan! At that moment, all he could see is red! Mananagot kung sinuman ang nagtangka kay Amber!No one is allowed to touch her but him! Only him! Sari-sari ang tumatakbo sa kanyang isipan kaya hindi na niya napansin kung paano siya nakarating sa condo nila. Dire-diretso niyang tinungo ang unit ng dalaga ngunit wala ito roon! "Damn, bi! Where are you?" bulalas niya. Agad niyang kinapa ang kanyang cellphone sa suot na trucker jacket ngunit naalala niyang inihagis nga pala niya iyon sa kanyang kwarto noong isang gabi. Mabilsi niyang tinakbo ang kanyang unit at hinanap ang naturang cellphone. Mabuti naman at buo pa, may crack lang na kaunti. "Fvck! Battery low pa!" sambit niya nang makitang low-bat iyon! Agad niyang hinagilap ang kanyang charger at inip niyang hinintay na mabuhay ang kanyang cellphone. Nang mabuhay iyon ay sunod-sunod na dumating ang mga mensahe! And he almost lost his mind as fear consume him when he saw Amber's messages! "Tulungan mo 'ko, please..." Nanigas ang kanyang buong katawan dahil sa nabasa. Magkahalong takot at galit sa sarili ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling 'yon! Hindi rin niya mapigilan ang panginginig ng kanyang buong katawan habang tinatawagana ng numero ng dalaga! "Oh, my God! Please..." mahina niyang usal sa kanyang sarili habang paulit-ulit na tinatawagan ang dalaga. "Bi, answer the phone, please..." Subalit nanakit na lamang ang kanyang mga daliri ngunit hindi pa rin niya na-contact ang dalaga. And he tried asking Rome kung alam nito kung nasaan ang dalaga ngunit binara lang siya nito! And so, he has no other choice but to ask help from his parents. Madali siyang nagtungo sa mansion. It was already midnight but he knew that his parents were still awake kaya dumiretso siya ng study room. Kumatok siya bago pumasok and then he heard his father's voice telling him to come in. "Dad..." untag niya agad. Kumapit siya sa giilid ng study table para suportahan ang kanyang sarili dahil pakiramdam niya, anumang sandali ay mabubuwal siya sa pagkakatayo. Ramdam niya ang panghihina ng kanyang mga tuhod at buong katawan. And knowing that something bad happened to Amber and she is no where to be found, sapat ng dahilan upang manghina siya! Nang magsalubong ang tingin nilang mag-ama, nakita niya ang concern at pangamba sa mga mata nito, then he said, "What is it, son?" Inalis muna niya ang bikig sa kanyang lalamunan bago nagsalita, "Something happened to Amber...and I don't know where she is right now." Napayuko siya, pilit itinatago ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Pero makaraang ang ilang saglit ay marahas niyang pinalis ang kanyang mga luha saka humarap sa kanyang daddy. "Dad, tulungan mo akong hanapin si Amber, please...." Tumango-tango ang kanyang daddy, mas lalong humigpit ang yakap nito sa kanya. Ikinuwento niya ang mga nangyari base sa mga sinabi ni Rome sa kanya. Ilang minuto ring walang imik ang kanyang daddy habang nakatitig sa kanya. Hindi niya mawari kung galit ba ito o ano. "Dad..." "Did you try contacting her friends? Or do you know any place kung saan pwede siyang mag-stay? What about her previous place?" Sunod-sunod ang tanong ng kanyang daddy ngunit wala talaga siyang ideya kung nasaan ang dalaga. Ngayon niya napagtanto na wala pala siyang gaanong alam tungkol dito bukod sa ulila na ito at ang Mama Pre nito ang itinuturing nitong magulang. Other than that, wala na siyang ibang alam sa dalaga! At ngayon, hindi niya maiwasang magalit sa sarili dahil sa tila kawalan niya ng interes sa mga bagay na may kinalaman dito. Inis niyang naihilamos ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. "No, dad!" "Then go and look for her! Hindi mo talaga siya makikita kung nandito ka lamang at hinihintay siyang bumalik! For godsake, Krenan! Hindi ka na bata para pagsabihan sa mga bagay na dapat mong gawin! Bago ka pumasok sa isang relasyon, sana naisip mong may kaakibat iyong responsibilidad at commitment! Hindi iyong masabi mo lang na magkarelasyon kayo! Hindi ako magtataka kung dumating ang araw na iwan ka ni Amber just because she feels neglected and unimportant!" Hindi siya makatingin ng tuwid sa kanyang daddy. Nahihiya siya sa kanyang inasal. Mas inuna niya kasi ang bugso ng kanyang damdamin bago ang isip, and now he's regretting that decision. "I cannot help you with this one, son," sambit ng kanyang daddy. "But don't worry, she's safe already." "Where is she? At saka, paano niyo nalaman na safe na siya?" "I have my ways, Krenan!" anang kanyang daddy. "Nang malagay sa panganib ang buhay niya noon, nagtalaga na ako ng tao para masiguro na ligtas siya dahil alam kong masasaktan ka kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya. Hindi ko naman akalain na ikaw pala ang magiging dahilan ng sakit na kanyang mararamdam." Madalang niyang makitang magalit at magtaas ng boses ang kanyang daddy ngunit mahahalata mong galit ito kapag malumanay at madiin ang bawat binibitiwang mga salita. "Alam mong madami ng sakit at hirap na pinagdaanan si Amber at ikaw lang ang kinakapitan niya ngayon. Ikaw lang...but you chose to turn your back on her just because you're jealous of Rome! Rome, who happened to be your friend also! Hindi ko ini-invalidate and nararamdaman mo pero just so you know, ang masasakit na salita galing sa taong mahal mo ay malalim ang nagiging dulot sa mga taong mahal natin. Lalo na kung ikaw lang ang inaasahan niya. Isipin mo ngayon kung nasaan si Amber, ha? Muntik na naman siyang mapahamak at ang taong inaasahan niyang tutulong at dadamay sa kanya ay wala? Wala, dahil? Ni hindi mo nga alam kung nasaan siya ngayon 'di ba?" Naging mahaba ang sermon ng kanyang daddy pero sa huli ay ibinigay naman nito ang address kung nasaan ang dalaga. And right at that moment, he went to see her and will ask for forgiveness kahit pa maglumuhod at magmakaawa siya rito. Pinuntahan niya ang dating nitong tinitirhan ngunit ang sabi ng dati nitong landlady ay saglit lang daw ito roon. Hanapin na lang daw niya at malamang ay nasa paligid lang ito. Natagpuan naman niya ito sa park. Walang bahid ng lungkot at sakit ang mga mata nito. Bagkus ay kita niya ang kasiyahan sa buong mukha nito habang nagbibigay ng pagkain sa mga batang kalye. For a moment ay hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan habang nakatitig dito. Such a beautiful woman with a good heart. Parang may kung anong kurot na dumaan sa kanyang puso habang nakikita ito. Sa dami kasi ng mga pinagdaanan nito, nakukuha pa rin nitong maging masaya at positibo sa buhay. Marahil ay napansin nito na may nakatitig dito kaya nag-angat ito ng tingin mula sa ginagawa nito. Nang magtama ng kanilang mga mata ay agad itong ngumiti sa kanya. "I love you." Tatlong salita lamang ang sinabi nito ngunit sapat na iyon para manghina ang kanyang mga tuhod at lumakas ang kabog ng kanyang dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD