XII

1429 Words
Dahil abala ang kanyang isipan sa kaiisip kung ano na ba ang ginagawa ni Krenan ng mga panahong yon, hindi niya napansin na ilang minuto na palang nakatigil ang kotse ni Rome sa building kung saan naroon ang unit nila ni Krenan. Kung hindi pa siya kinalabit nito ay hindi siya matitinag sa kanyang kinauupuan. "Sori," pabulong niyang sambit. Nang lingunin niya si Rome, mataman ang pagkakatitig nito sa kanya. Tila may gustong sabihin ngunit nanatiling tikom ang bibig. Hindi niya mawari ang tumatakbo sa isipan nito. Isa lamang ang batid niya, hindi siya mapakali sa klase ng mga tingin nito. Akmang bubuksan niya ang pinto ng kotse ng tawagin nito ang kanyang pangalan. "Amber," anito sa mababang tono. Hindi niya ito pinansin. "Salamat sa paghatid." Hindi niya ito binigyan ng pagkakataong sumagot pa. Halo-halo na ang laman ng kanyang isipan at damdamin at ayaw na niyang dumagdag pa ang binata. Magmukha man siyang bastos pero mas maigi na iyon. At least, sa una pa lamang ay alam na nito kung ano ang stand nito sa kanya. Hindi rin siya tanga para hindi malaman kung ano ang itensyon nito sa kanya dahil sa una pa lamang naman ay nagparating na ito ng paghanga sa kanya. Nagtratrabaho pa siya noon sa bar ngunit hindi na iyon naulit kasi agad naman niyang sinabi ang tunay na nararamdaman niya rito. Kusa rin naman itong umiwas lalo nang malaman nito na sila na ni Krenan. Pinili niyang huwag na itong lingunin pa kahit na saglit itong bumisina. Magulo na ang kanyang isipan at ayaw na niyang madagdagan pa iyon. Nagtuloy-tuloy siya sa pagpasok not minding the people around her. Ni hindi nga niya alam kung paano siya nakarating sa kanyang condo, eh. Hindi rin niya nagawang magbihis pa at basta na lamang nahiga sa kanyang kama. Pilit man niyang patatagin ang kanyang sarili, kusa talagang lumalabas ang kanyang kahinaan kapag mag-isa lang siya. Ang mga luhang kanina pa nagbabadyang pumatak ay tuluyan ng namalisbis sa kanyang magkabilang pisngi. Panay ang hinga niya nang malalim ngunit tila may malaking bagay ang nakadagan sa kanyang dibdib kaya nahihirapan siyang huminga. She could fell that excrutiating pain in her heart. Sa dami ng kanyang pinagdaanan sa buhay, natuto siyang tumingin sa positibong aspeto ng kanyang buhay. Marunong siyang makuntento sa kaunting saya at atensyon na nakukuha niya galing sa mga taong malalaput sa kanya. Subalit pagdating kay Krenan, hindi niya maiwasang masaktan nang sobra dahil batid naman niya sa kanyang sarili kung gaano niya kamahal ang binata and so, she expect more from him.. Naghahanap siya ng atensyon...ng oras, na kanya ang dapat. Na siya ang priority. Pero alam din naman niya ang kanyang hangganan at kung saan niya ilulugar ang kanyang sarili pagdating sa trabaho at pamiya nito. Ngunit ang iwan siya nito over Missy was a different situation. May kurot sa kanyang puso, pakiramdam niya kasi, hindi siya gaanong mahalaga para sa binata. It may sound absurd ngunit iyon ang nararamdaman niya. She let out a heavy sigh before entering her condo unit. Gusto niya munang lumayo sa binata at makapag-isip ngunit wala naman siyang pupuntahan. Malaya rin itong nakakapasok sa kanyang condo kaya hindi niya ito maiiwasan. And knowing him, iinit agad ang ulo nito kapag hindi nito alam kung nasaan siya. Pasado alas dos na noon nang madaling-araw ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Panay din ang tingin niya sa kanyang cellphone kung may text o tawag man lang ang binata ngunti bigo siya. Sa huli, nagpasya na siyang mahiga sa kanyang kama. Nanlalata ang buong katawan niya at parang sasabog ang kanyang utak sa dami ng kanyang mga katanungan. Nakikisabay pa ang puso niyang hindi mapakali...may kirot na may halong lungkot. Hindi na niya namalayan na nakaidlip na pala siya. Nagulantang na lang siya dahil sa sunod-sunod na katok sa kanyang kwarto pati na rin ang boses ni Krenan. "Sandali!" hiyaw niya saka nagmamadaling bumangon. "I told you to wait for me!" agad nitong bulalas nang pagbuksan niya ng pinto. Pulang-pula ang buong mukha nito dahil sa inis! Kitang-kita niya kung paano magtagis ang bagang nito! Imbes na patulan ang init ng ulo nito ay pilit siyang nagpakahinahon. Ilang hingang malalim ang kanyang pinakawalan bago siya magsalita, "Ang tagal mong dumating. At isa pa, nakailang tawag at text ako sa'yo pero maski isa ay wala akong natanggap na repky sa'yo!" "Kahit na! May usapan tayo!" giit nito. "Ang sabi ko babalik agad ako-" "Gaano ka katagal na nawala?" tanong niya. Saglit itong hindi nakasagot sa kanyang tanong. She let out a heavy sigh again then said, "Alam kong pareho tayong pagod kaya kailangan nating magpahinga. Mag-usap tayo mamaya kapag hindi na mataas 'yang emosyon mo-" "Is this about Missy again? Kaya ka nagkakaganyan kasi nagseselos ka na naman? Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo, ha?" Inilang hakbang nito ang pagitan nilang dalawa. Mataman ang pagkakatitig nito sa kanya habang panay ang hagod ng kamay nito sa buhok nito. Halata rin ang pagpipigil nito na hindi tuluyang humulagpos ang galit nito! "Ilang beses ko bang ululitin sa'yo na walang namamagitan kung ano sa amin ni Missy! What we have is pure friendship!?" "Alam ko. At naiintindihan ko kung ano ang relasyon niyong dalawa. Pero huwag mo namang alisin sa akin na makaramdam ng selos, Krenan! Girlfriend mo ako kaya may karapatan naman siguro akong magselos kahit pa bestfriend mo lang siya!" Hindi niya alam kung saan siya humuhugot ng kahinahunan ng mga sandaling iyon. Dahil kahit sa loob-loob niya ay puno na siya ng inis at selos! "Eh, 'di inamin mo rin!?" Medyo tumataas na ang boses nito. Nang sulyapan niya ang mukha nito, hindi niya ini-expect ang galit sa mga mata nito. Pagkuwan ay ngumisi ito nang nakakaloko sa kanya sabay sabi, "Kaya gumaganti ka sa akin?" "Ano?" bulalas niya. "Gumaganti? Ano bang pumapasok diyan sa utak mo?" Hindi niya inaasahana ang ginawa nitong paghawak sa kanyang braso. Medyo mahigpit iyon. "Nakita kita...nakita ko kayo ni Rome?" Hindi niya maiwasang hindi kabahan. Wala naman silang ginagawang masama ni Rome but knowing Krenan, batid niyang iba ang ipakakahulugan nito kapag nalaman nito ang mga pahiwatig ni Rome. Bahagya siyang napangiwi nang dumiin pa ang hawak ng mga daliri nito sa kanyang braso. Tinangka niya iyong baklasin ngunit mariin ang pagkakahawak nito sa braso niya. "Kita ko pa ang pag-alis ng kotse ni Rome," panimula nito. "Dumating ako...hindi ka lang nakapaghintay!?" "Mahigit dalawang oras akong naghintay sa'yo. Kung nag-text ka man lang sana na mali-late ka ng balik, kampante akong maghihintay sa'yo, Krenan! Pero ni isang pasabi, wala kong nakuha mula sa'yo!" Nakita niya kung paanong nagtaas-baba ang balikat nito! Tumatagos ang mga titig nito sa kanyang pagkatao! And he chose to stay silent kaya kinuha niya ang pagkakataong iyon para magsalitang muli. "Paki-lock na lang ng pinto pag-umalis ka-" "Hindi pa tayo tapos mag-usap!?" singhal nito. Napapitlag siya dahil sa pagsigaw nito. Awtomatiko siyang napaatras habang himas ang braso niyang nananakit. Doon ito tila natauhan, puno ng pagsisisi ang mukha. "Bi, I I-m so sorry," anito. Mahigpit niyang naikuyom ang kanyang kamay saka huminga nang malalim. Tinitigan niya ito sa mga mata, pilit niyang hinahanap ang kasagutan kung bakit gano'n ang reaksyon nito. Kung bakit mabilis uminit ang ulo nito? O kung siya ba talaga ang may gawa kung bakit gano'n na lamang ang inasal nito? Hindi kasi siya nakinig? Gano'n nga siguro. Nagbuga siya nang malalim na hininga saka niya ito nilapitan. Siya na ang nagpakumbaba. Baka kasi kung saan pa mapunta kung papatulan niya ang init ng ulo nito. Hinila niya ito sa kamay saka iginiya sa kama. "Pagod ako...masakit ang ulo," aniya. " Kaya, please lang, huwag muna tayong mag-away...huwag muna ngayon." May himig pagmamakaawa niyang sambit dahil hindi talaga maganda ang kanyang pakiramdam. Sa loob-loob niya, huwag muna ngayon dahil sobrang sakit hindi lang ng ulo niya kundi pati puso. Sobrang sakit. Tuluyang tumulo ang kanyang mga luha nang habang yakap siya nito at panay ang haplos nito sa braso niyang nasaktan. Mabuti na lamang at nakatalikod siya rito kaya hindi nito alam na nag-uunahang pumatak ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Maski ang paghinga niya ay dahan-dahan lang dahil baka marinig nito ang kanyang paghikbi. Sana lang sa paggising niya, may panibagong rason para maging masaya at positibo ang kanyang araw! Dahil sa bawat araw, palagi niyang pinipiling maging masaya kahit kabaliktaran noon ang kanyang nararamdaman. Bago siya tuluyang nakatulog ay narinig pa niya ang paulit-ulit na paghingi ng tawad ng binata. Pero bakit hindi man lang nabawasan ang sakit na kanyang nararamdam?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD