XI

2755 Words
Hindi niya pinagsisihan ang ginawang pagsama kay Krenan dahil naging masaya ang gabi niya nang maghapunan kasama ang pamilya ng binata. Oo nga't kakakain lang nila ni Krenan ngunit naging magana pa rin ang pagkain niya. Siguro dahil masaya ang ambience at usapan nila habang kumakain. May ilang beses na rin naman niyang nakasabay na kumain ang mga ito kaya kahit paano ay hindi na siya gaanong nahihiya. Medyo nai-intimidate lang siya sa daddy nito. "How are you, hija? Inaalagaan ka ba naman ng anak ko?" tanong ng daddy nito. Masuyo siyang ngumiti. "Yes po. Medyo pasaway lang po minsan..." Pinanlakihan siya ng mata ng binata. Itinuro pa nito ang sarili. "Ako? Pasaway? When was that?" "Gusto mo isa-isahin ko?" may pagbabanta niyang sabi ngunit naroon naman ang ngiti sa kanyang mga labi. Nang makita rin niyang wala ng lamang pagkain ang plato nito ay nilagyan niya iyon. Sumimangot na lang ito sa kanya saka ipinagpatuloy ang pagkain ngunit pabulong-bulong pa ito. Napailing na lang siya. Nang mag-angat naman siya ng tingin, sa kanya nakatuon ang atensyon ng lahat. "Bakit po?" Nahiya siya bigla. "Naku! Wala, Ate! Natutuwa lang kami na makitang kumakain ng gulay si Kuya," sabat ni Karter. " Naalala ko pa dati, kahit anong pilit nina Mommy at Daddy na pakainin siya ng gulay ay hindi niya talaga kinakain!" Lihim siyang napangiwi. Baka sabihin ng mga ito ay nagiging manipulative siya kay Krenan. Bago pa man siya makapagpaliwanag ay nauna nang magsalita si Miss Natasha, "Mabuti na lang kamo. Ewan ko ba diyan kay Krenan kung bakit ang hirap pakainin ng gulay samantalang noong bata pa 'yan ay kumakain naman 'yan ng gulay!" "Napurga na kasi, Mommy!" sambit ni Kara. Tatawa-tawa ito habang kumakain. "Noong bata pa raw kasi si Kuya, wala siyang magawa kundi sumunod sa mga sinasabi niyo kasi mapapalo siya. Eh, ngayong matanda na siya, hindi niyo na raw siya mahahabol para piliting kumain ng gulay!" Nakita niyang pigil ng magkakapatid ang mga ngiti pati na rin si Sir Amadeus. Ang buong akala niya ay maiinis ang ginang sa tinuran ng anak nito ngunit hindi rin nito nagawang itago ang mga ngiti. "Gano'n ba, Kren? Huh?" anang ginang. "Mom! Wala akong sinasabing gano'n, okey? Alam niyo namang sa aming magkakapatid, kung sino pa 'yong babae, siya pang pinaka-bully! Gunagawa lang ng kuwento 'yan!" Binalingan nito si Kara. Nasa labi nito ang isang nakakalokong ngisi. "Right, baby girl?" "Daddy!" tili naman ni Kara. Tumayo pa ito at lumapit sa daddy nito bago bumulong rito na lubusan nang ikinatawa ng daddy ng mga ito. Nakita niyang lalo lamang nagsalubong ang kilay ni Krenan. Pasimple niyang hinawakan ang kamay nito. Lumingon naman ito sa kanya. "What?" kunot-noong tanong nito. Pabulong siyang sumagot, "Huwag mo nang kulitin ang kapatid mo. Mas lalo ka lang niyang aasarin." Ngunit hindi ito nakinig sa kanya. Mas lalo lamang nitong kinulit ang bunsong kapatid hanggang sa umabot sa paghahabulan ang dalawa. "Baby girl, come here!" pahiyaw na tawag ni Krenan. Nagpapadyak naman si Kara, kapagkuwan ay bumaling ito sa kanya habang nasa labi ang nakakalokong ngiti. "Ate Amber, hiwalayan mo na lang kaya si Kuya Kren, ano? Dami niyang babae dati...alam mo ba-" Hindi na tinapos ni Kara ang mga salita nito, bagkus ay tatawa-tawa itong nagtatakbo palayo kay Krenan. Sila naman ay panay lang ang tawa sa ginagawang harutan ng magkapatid. Nang tingnan pasimple niyang sulyapan ang mag-asawang Amadeus at Natasha, nakikita niya pagmamahal at saya sa mata ng mga ito. Bagay na lubos na ipinagkait sa kanya. Hindi niya maiwasang maiinggit. Ewan ba niya pero pagdating sa usaping pamilya, doon gumuguho ang pader na inilagay niya sa kanyang puso. Batid naman niya na kahit anong palabas niyang matigas at matibay siya, sa loob-loob niya, she has a weak heart. Kaakibat naman ng lungkot na kanyang nadarama ay ang kagalakan habang nakikita si Krenan na nakikipagharutan sa kapatid. He will be a good father for sure. Sana nga lang, sa huli ay sila pa rin ng binata. He wanted Krenan to be the father of her children ngunit hindi siya sigurado kung gano'n din ba ang binata sa kanya. Saka kahit pareho naman sila ng gusto ng binata kung hindi naman 'yon ang itinakda ng Diyos, wala pa rin silang magagawa. She just hope for the best, and hopefully they would still end up together. Dahil nalibang din siya habang kasama ang pamilya ni Krenan, hindi niya namalayan na gabing-gabi na pala. Ilang minuto na lamang ay mag-aalas onse na nang gabi. Lalapitan niya sana ang binata upang sabihin nitong uuwi na siya nang unahan siyang magsalita ni Ma'am Natasha. "It's getting late. Ang mabuti pa ay dito na kayo matulog na dalawa," anang ginang. "In a separate room," pahabol nito ng makitang nakangisi si Krenan. Mabilis naman siyang umiling. "Naku! Hindi na po!" "Saka may pupuntahan din kami, Mom," sabad naman ni Krenan. "Dis oras na nang gabi, Krenan! Saan ka na naman ba pupunta, ha?" Si Sir Amadeus naman ang sunod na nagsalita. Malumanay lang ang boses nito ngunit nakita niya kung paano tumiklop ang mga anak nito. Maski ang binata, natahimk din at kakamot-kamot sa ulo. "Idadamay mo pa si Amber!" "Dad, naman! Pupunta lang po kami ng bar. Naroon ang mga kaibigan ko, saka alam din ni Amber ang bar na 'yon dahil dati siyang nagtrabaho roon," paliwanag ng binata. Hindi niya alam ang plano nito ngayong gabi ngunit may parte sa puso niya ang natatakot at nai-excite. Naipakilala na nito sa kanya si Sean at Rome pero hanggang doon lang. Hindi niya nakausap kaya wala siyang ideya sa kung ano ang ugali ng mga ito. Hopefully ay makasundo niya ang dalawa. Binalingan siya ni Sir Amadeus. "That's nice of you, hija!" "Nag-extra lang po ako dati roon," tugon niya. "Hirap din po kasing pagsabayin ang dalawang trabaho. Baka kulang pa po ang kikitain ko bilang pambayad sa ospital sakaling magkasakit ako." "Tama 'yan, hija. Maaring malakas tayo ngayon but what about the next day? Kaya dapat pahalagahan natin ang ating sarili, okey?" Masuyo itong ngumiti sa kanya pagkuwan ay binalingan nito si Krenan. "Mag-iingat kayong dalawa, ha? At iuwi mo sa Amber nang maayos, Krenan, ha?" "Noted, Dad!" "Pwede akong sumama, Dad?" sabad naman ni Karter. Subalit tila maamong tupa itong tumiklop nang paningkitan ito ng tingin ng daddy nito. "Sabi nang bawal, eh!" bubulong-bulong na sambit ni Karter sa sarili. Maya-maya pa ay namaalam na sila. "Wala ka bang gagawin bukas?" tanong niya kay Krenan habang nasa biyahe sila. "Nope," sagot nitong nanatiling nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho. "You know me, bi. Hindi ako lumalabas kung alam kong may gagawin akong importante kinabukasan. Saka plano ko ring magpahinga muna ng ilang araw." Totoo naman. Isa sa hinahangaan niya ay ang pagiging responsable nito pagdating sa trabaho. "Huwag kang mag-alala, bi. Saglit lang tayo dito," anito. Saglit itong sumulyap sa gawi niya. Nakita niya ang pilyong ngiti sa mga labi nito. Napangiti na lang siya. Ngiti pa lang at tingin nito, batid na niya ang gustong mangyari. Pagdating nila ng bar, hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot ngunit naroon din naman ang saya dahil nakabalik na siya. Nakaka-miss lang din ang lahat. mabuti na lang at kahit hanggang ngayon ay may communication pa rin sila ni Vickie. Actually ay magbabakasyon daw ito sa susunod na buwan dahil may kailangang ayusin. "Bi," untag ni Krenan pagkatapos ay pinagsiklop nito ang kanilang kamay. "Let's go?" Humalo sila sa karamihan hanggang makarating sila sa dulo kung saan naroon ang mga kaibigan nito. Si Sean at Rome. Naroon din si Missy. Nawalan siya ng gana pagkakita rito ngunit pinilit niya iyong itago. Bestfriend ito ng binata at wala naman siyang nakikita hindi magandang ginagawa nito para hindi niya ito tratuhin ng maganda. Agad kumaway si Rome nang makita sila. "Mabuti naman at nakarating ka," ani Sean kapagkuwan ay bumaling ito sa kanya. "Hey, Amber! Mabuti naman at sumama ka! Akala ko ay ibuburo ka na lang ng kaibigan namin sa takot na maagaw kita sa kanya!" "Tarantado!" asik ni Krenan dito. Napaigik na lang ang kaibigan nito ng sipain ito ni Krenan sa paa. "As if naman magpapaagaw ako sa'yo 'no!" pabiro siyang sambit. Matiim niya itong tinitigan. "Saka, hindi ko rin tipo ang katulad mo!" Madalang niyang makitang ngumiti si Rome ngunit ng mga sandaling iyon ay napangiti ito. "Savage...Mukhang nakahanap ka ng katapat mo, dude!" ani ito. "Sad to say, off limits na." "Mga tarantado kayo! Kung ganito lang pala ang madadatnan ko rito, sana hindi na ako nagpunta!" asik ni Krenan. Hindi niya alam kung totoo ba ang inis na nakikita niya sa mga mata nito o kung iyon ang natural na pagbibiruan ng magkakaibigan. "Bakit ka ba napipikon, Kren?" Napatingin siya sa gawi ni Missy nang magsalita ito. "Mas malala pa nga ang biruan niyo noon pero hindi ka nagalit minsan. Mukhang enjoy din namang kausap si Amber, so why now?" Nilingon niya ang binata. Hinintay niyang magsalita ito ngunit mas pinili nitong manahimik pagkatapos ay mabilisang itinungga ang basong may lamang alak. "Whoa!" bulalas ni Sean. "Mukhang bad mood ang isang tao diyan!" Napailing na lang siya dahil sa naging asal ni Krenan. May pagkakataon talagang mabils uminit ang ulo nito, isang bagay na minsan ay kinakailangan niyang pakibagayan kung hindi ay baka magtagpo ang init ng kanilang ulo. Ginagap niya ang palad nito saka masuyong pinisil. Masuyong ngiti ang iginawad niya rito nang tumingin ito sa gawi niya. Nakita niya ang paghinga nito nang malalim pagkuwan ay inilapit nito ang mukha sa may bandang tainga niya. "I'm sorry, bi," anito sa pabulong na salita. "I love you." "I love you-" Hindi na niya natapos ang kanyang pagsasalita ng marinig niya ang padarag na pagtayo ni Missy. Nakita niya na lang itong humalo sa karamihan sa dance floor area kung saan marami ang nagsasayaw sa tono ng isang mabilis at nakakaenganyong musika. "Anong nangyari do'n? Mukhang pati 'yon ay mainit din ang ulo?" naiiling na wika ni Sean. Nang tingnan niya siya Rome, nagkibit-balikat lang ito. Hindi rin niya marawi ang ugali nito. Tahimik at misteryoso ang dating. Dumaan ang mga oras at naging masaya naman ang daloy ng usapan kahit pa madalas na asarin si Krenan ni Sean. Hindi rin niya maiwasang obserbahan ang mga galaw ni Missy. Alam niyang bestfriend ito ni Krenan at wala siyang magagawa kung maging malapit man ang dalawa. Iba ang samahan ng dalawa sa relasyon nila ng binata. Tanggap niya ang bagay na 'yon. "Okey lang ba sa'yo?" Maya-maya ay narinig niyang tanong ni Rome. Himala at kinausap siya nito. Nagkatitigan silang dalawa pero sa huli ay siya itong unang nagbawi ng tingin. Sa lakas din kasi ng dating nito at katulad ni Krenan ay hindi rin naman ito pahuhuli sa kagwapuhan at karisma. Tahimik nga lang ito at tila may sariling mundo. Hindi katulad na Krenan na madali mong mabasa ang ugali. Dinampot nito ang baso nitong may lamang alak sa tinungga iyon habang ang paningin ay nasa dance floor na kung saan nagsasayaw si Missy. Halatang lasing na ito kaya naroon din si Krenan, nakaalalay dito. Habang si Sean ay napapalibutan ng mga babae! "A-anong sabi mo?" Medyo nautal pa siya ng tanungin si Rome. Hindi niya kasi agad nakuha ang ibig nitong ipahiwatig. "Kung okey lang sa'yo na nakikita si Krenan na may kasamang ibang babae?" anito. Hindi agad niya nasagot ang tanong nito. Bagkus ay malaya niyang tinitigan si Krenan habang kasama nito si Missy. Alam niyang mahal siya ng binata ngunit ang makita itong kasama si Missy, may kumudlit na selos sa kanyang puso. Ngunit mas nanaig ang pagmamahal at tiwala niya sa binata. Nilingon niya si Rome na ngayon ay nakatitig na sa kanya. "Magkaibigan sila. Dati pa. At wala kong magagawa roon." "You can talk to Krenan about that. Sabihin mo ang nararamdaman mo. And tell him to distance himself from Missy." Mapakla siyang napatawa sa sinabi nito. "Bagay na hindi ko kayang gawin. Nire-respeto ko kung anong meron sila. Tanggap ko." "Hanggang kailan?" dagdag pa nito. "Teka nga lang, ha?" Medyo naiinis na siya sa mga sinasabi nito. "Gusto mo bang magkagulo kami?" Tahimik lang ito ngunit hindi naman inaalis ang mga tingin nito sa kanya. Kapagkuwan ay pabulong itong nagsalita, "Kung gulo lang din ang hanap ko, madali kong magagawa iyon." Saglit itong huminto sa pagsasalita. "Kahit ngayon, kaya kong gumawa ng gulo kung gugustuhin ko. I'll just grab your hand, then I'll bring you far away from my friend!" Parang sasabog ang utak niya dahil sa narinig. Maski ang puso niya, ang bilis ng t***k! "Pero huwag kang mag-alala dahil hindi ko ugaling mang-agaw! I'll respect you as well as my friendship with Krenan. Pero-" "Tama na...shut up!" asik niya rito. "Stop, please..." Mariin nitong ipinikit ang mga mata na tila ba nahihirapan. Pagkatapos ay padaskol itong tumayo at malalaki ang mga hakbang na lumabas ng bar. Pilit naman niyang hinamig ang kanyang sarili lalo na at nakita niyang palapit si Krenan sa kanya. Akay-akay nito si Missy. "Where's Rome?" Nagpalinga-linga ito, hinahanap ang presensiya ng kaibigan. Nag-alis siya ng bara sa lalamunan bago sumagot. "Lalabas lang daw siya saglit at magpapahangin." "K-kren, uwi m-mo na 'ko!" bulalas ni Missy. "Lasheng na 'ko..." "Bi." Alanganin ang ekspresyon ng binata habang nakatingin sa kanya. "Is it okay if I'll send Missy home first? Promise, I'll be quick..." Nanghihingi ng pang-unawa ang boses nito. Sino ba siya para tumanggi? At saka, hindi rin naman niya kayang pauwiin na lang si Missy sa gano'ng kalagayan nito. Marahan siyang tumango. Nilapitan siya nito saglit saka sinakop ang kanyang labi. "Babalik agad ako. I'll call Rome para may kasama ka rito, okey?" "Hir-hiramin ko muna b-boyfriend m-mo," sa pautal-utal na salita ay sambit ni Missy. Kung hindi ito inaalalayan ni Krenan ay nasubsob na ito. Ni hindi na kayang tumayo mag-isa. Si Krenan naman ay hindi magkaintindihan sa pag-alalay dito! "Umayos ka nga!" asik ng binata rito ng maglambitin ito sa leeg ni Krenan. Ngunit ngumisi lang ito. "Bi, okey lang ba talaga?" Puno ng pag-aalala ang tinig ni Krenan. "Naiintindihan mo naman ako 'di ba? Hindi ko naman kayang hayaang umuwing mag-isa si Missy..." Tumango lang siya saka naupo na. Para kasing nanghihina ang tuhod niya sa aking nakikita. Sa huli ay naiwan siya sa loob ng bar habang tanaw ang papalayong bulto ng binata. Mabuti na lamang at maya-maya ay nakita niya si Rome na papalapit sa kanya. Wala siyang makitang ekspresyon na nakikita sa mukha nito. Hindi rin ito nagsasalita, gayundin naman siya. Kinakabahan siya na hindi mawari. "Damn!" Maya-maya ay narinig niya ang pagmumura nito. Naging sunod-sunod rin ang paglagok nito ng alak. "Rome..." pabulong niyang tawag dito. "What?!" asik nito sa kanya. Madilim ang tingin nito sa kanya. Huminga ito nang malalim. Sumandal ito sa upuan na tila ba hapong-hapo. Hinayaan niya lang ito, hinihintay kung ano ang sunod nitong sasabihin. Thirty minutes haved passed but none of them talked. No one dared to start a conversation. Sinubukan niyang abalahin ang sarili sa pamamagitan ng patingin ssa kanyang cellphone, kunwari abala ngunit wala naman doon ang kanyang atensyon. Nasa lalakeng katabi niya na batid niyang panay ang titig sa kanya. Iniisip niya kung ano ang ginagawa nito habang kasama si Missy. Ilang beses na niya itong pinadalhan ng mensahe ngunit wala siyang natanggap na anumang sagot. "Come on! I'll take you home." Tumayo ito at inilahad ang kamay sa kanya. "No! Susunduin ako ni Krenan!" mabilis niyang tanggi. Saka nakainom na rin ito kaya delikado na kung ihahatid siya nito. Hinawakan nito ang kanyang kamay saka siya hinila. Pilit naman siyang nagpumiglas. "Rome!" "I know Krenan, okay? Ilang beses na naming nakita na inihatid niya si Missy tuwing nalalasing! And everytime that happens, hindi na nakakabalik si Krenan dahil abala siya sa pag-aalaga kay Missy!" Hindi siya naniniwala dito kaya sinubukan niyang tawagan ang nobyo ngunit hindi ito sumasagot. Nagsimula ng sumikip ang kanyang dibdib, para bang hindi siya makahinga. Tila may malaking kamay ang dumakot sa kanyang puso. Sobrang sakit ng kanyang dibdib mas gusto niya na lang na huminto saglit sa paghinga. Sa huli ay nagpatianod siya sa paghila ni Rome palabas ng bar. Hindi rin naman ito nagsalita pa ngunit may mga pagkakataon na naririnig niya itong nagmumura. Siya naman ay pilit pinatutunayan sa binata na okey lang na magkasama si Krenan at Missy gayong sa loob niya, kinakain na nang selos at sakit ang buo niyang sistema. Naiintindihan naman ng kanyang isipan ang sitwasyon, ngunit hindi ng pusong nasasaktan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD