My Husband's Step-father Has A Secret
Kabanata 6
Virgin
“P—prof De Armas...”
Napaatras ang mga tsunggo nang tuluyan na lumantad sa amin ang mukha ng motorbike rider matapos nitong bumaba sa motorsiklo at nag-alis ng helmet. Napalunok pa ang mga ito nang saluhin nila ang nagbabantang titig ni Prof.
Kilala ng mga ito si Prof Levi. Ako naman ay napaismid na lang sa hindi inaasahan na pagsulpot nito.
“May problema ba kayo sa babaeng ito, Asuncion, Ong, Carreon? Bakit nakaharang ang mga sasakyan ninyo sa kalsada?” Kalmanteng kompronta ni Prof sa mga ungas na humarang sa akin.
I smirk and lean on my car. Humalukipkip ako at kumalma. Panonoorin ko na lang kung ano ang gagawin ng pakialamerong Professor na ito.
However hindi ko maitatanggi ang umuusbong na tuwa sa dibdib ko sa pagdating n'ya. Ito ang unang beses na naramdaman kong parang may tagapagtanggol ako.
Yes, at some point in my life ay kaya kong i-defend ang sarili ko kasi lumaki naman akong independent at hindi lampa pero iba pa rin pala ang pakiramdam na may kusang darating para ipagtanggol ka habang naiipit ka sa isang conflict.
“Umalis na kayo, Prof. Wala naman hong problema rito. We're just inviting Raya to hang out with us.”
I am a bit surprise dahil naging maamo bigla ang pakikipag-usap ng isa sa mga humarang sa akin.
“At pumayag s'ya na sumama sa inyo, Carreon?” Pormal na tanong ni Professor nang hindi ako nililingon.
I scoff almost in silence. Does he really need to ask that? Hello! Mukha ba akong willing sumama sa mga kumag niyang estudyante?
“Ah, Sir. We're actually still... negotiating,” pilyo namang sagot no'ng isa. “Hindi ba, Raya? You're willing to go with us, right, baby?” Pagkausap pa nito sa akin sabay kindat na ikinairap ko.
Napaayos ang tindig ko nang bahagyang pumihit ang katawan ni Professor De Armas para balingan ako. Kinailangan kong iangat ang aking ulo para saluhin ang kanyang titig.
Gosh! Isang titig lang ni Prof parang nahimasmasan na ako. He's really tall and his powerful build always struck me in absolute awe. At kahit hindi pa bumubuka ang bibig niya ay nagririgodon na ang dibdib ko sa kaba.
I have never imagined na magkakaroon ng ganito katindi na epekto ang isang nilalang sa akin.
This is why I like about him. Kasi he's different. He makes me feel things I've never known existing.
“Sasama ka sa kanila, Miss Fontes?” Tanong ni Professor De Armas sa akin gamit ang kanyang malalim na boses. He's intently looking at me in the eye. Parang hindi ko talaga matatagalan na makipagpaligsahan ng titig sa kanya kasi mabilis na nanlalambot ang mga tuhod ko.
Tumikhim ako. “Do I looked like I'm willing to go with those douchebags, Attorney? Pauwi na ako pero ginitgit nila ang car ko. At kung hindi ka pa dumating, I'm sure these monkies would be harassing me now.” Para akong nagsusumbong but it's not my intention to sound like that. Hinahayag ko lang ang totoong nangyayari.
“So, you owe me one now, Miss Fontes.”
I blink in confusion most especially because I've heard playfulness in his tone.
“Excuse me. Owe you what?” I swear, isang nakakalokong ngisi ang nakita ko bago niya binawi ang tingin sa akin. Para bang hindi ang terror law Professor ang kausap ko ngayon.
Mabagal na humakbang si Professor De Armas patungo sa mga lalaking humarang sa akin. At this point ay medyo nagtataka na ako sa sinabi ni Professor De Armas sa mga ulupong na lalaking iyon. Looks like they're discussing a confidential topic at ayaw iparinig sa akin.
Salubong ang kilay ko nang makalipas ang wala pang isang minuto ay naglakad pabalik sa akin si Professor Levi. May napuna akong kakaiba sa mukha niya. Para bang may nagbubunyi sa loob-loob n'ya.
Hindi ko lubos na inaasahan ang mga sumunod niyang ginawa. Professor De Armas slides himself inside my car without my permission. Nasa driver seat s'ya at ako’y naiwang parang timang sa labas.
One of those douchebags rode his motorbike and fleed away kasabay ng mga kasama nito. I totally don't understand kung bakit hinayaan ni Prof na tangayin ng mga lintik ang motorbike n'ya.
We left alone on the road but I somehow feel safe with him hindi katulad kanina.
“Ano ang ginagawa mo?” Pagtataray ko kay Prof nang binuhay niya ang makina ng car ko.
“I told you, you owe me something, Miss Fontes and you're obligated to repay it according to my terms.”
“What?” I snap at him. Nakatupi ang mga braso ko sa ibabaw ng aking dibdib habang nakaharang ang katawan ko sa nakabukas na pinto ng kotse ko.
“Pumasok ka na, Miss Fontes at nang magkaalaman tayo.” I almost suck on my breath when he fixes his intense glare up at me. “At itigil mo na ang pagtataray sa akin, Miss Fontes. You have no idea what effect it does on me.”
I arch a brow on him. “Hindi ko maintindihan itong ginagawa mo, Prof. Bakit ipinatangay mo sa mga tontong iyon ang motor mo atsaka ka makiki-ride sa akin? You're not okay.”
“Ang dami mong satsat, Miss Fontes. Sasakay ka ba o gusto mong ako pa ang magpasok sa'yo rito sa loob ng sasakyan mo? You choose.”
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa tigas ng boses n'ya. I am grunting habang umiikot ako patungo sa kabilang side ng kotse ko. Padabog akong sumakay. Before I fasten my seatbelt ay dinukot ko muna ang pistol sa likuran ko, making my dress push upward and show my thighs.
Wala sa loob na napalingon ako kay Professor De Armas kaya nahuli ko siyang nakatitig sa nalantad kong hita. Igting ang kanyang panga kaya napangisi ako.
“Looks like you are not used to seeing women's thighs, Professor. Ano ka, virgin?” I mock him atsaka ko initsa sa maliit na compartment ang diamondback pistol ko.
“What the hell, Miss Fontes? Bakit may baril ka?” He snaps at me unbelievably.
Tumaas ang sulok ng labi ko sa kanya habang ikinakabit ko ang seatbelt ko. “For protection, Sir. May lisensya ako kaya ‘wag kang maparanoid d'yan.”
Mukhang hindi siya naniniwala dahil nagusot ang noo niya habang pinupukol ako ng nagdududang tingin. Although hindi naman siya nagsalita at pinasibad na ang kotse ko.
Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang kilig ko ngayong kasama ko sa loob ng kotse ko si Professor De Armas. Tila hindi magkamayaw ang mga paruparo sa tiyan ko sa pagkakalapit naming dalawa.
“Saan mo ako balak dalhin? Kung hindi ‘yan sa langit, mas maigi pa na ihatid na lang kita sa apartment mo.” Pagputol ko sa katahimikan.
“Langit? You always don't know what you're asking for, Miss Fontes. You're too young to ask for your death.” Seryoso niyang anas sa akin. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang naninita niyang titig.
Ngumisi ako. “Hindi langit ng mga patay ang tinutukoy ko, Prof. Grabe ka naman sa kainosentihan. Ang tinutukoy ko ay ‘yong heaven na nararating ng mga nagsi-séx. ‘Yong kapag nag-o-orgasm na ba.”
“Shít!” Sirit nito at biglang bumilis ang pagmamaneho n’ya.
I chuckle at his reaction. Sapat na ang liwanag sa loob ng kotse ko para makita ko ang pamumula ng mukha ni Professor. “Damn! Nagba-blush ka, Sir.”
Fúck! A cute n'ya mag-blush. Hayup na ‘yan!
“I just don't feel comfortable talking about that, Miss Fontes.” Seryoso niyang sabi sa akin.
Umikot ang mga mata ko. “You are thirty-two, Sir at nakadalawang girlfriend ka na before. First was three years and the second one was four and a half. Hindi ka ba nakikipag-chukchakan sa mga nakakarelasyon mo noon? Or kay Miss Adlawan kaya or sa selosang babaeng kasama mo kanina sa club?” Imbestiga ko. Interested akong marinig ang sagot n’ya.
Laylay ang balikat ko nang ibinalik ko ang mga mata sa daan. Tahimik si Prof at mukhang walang balak na sumagot. Ang damot naman neto sa impormasyon tungkol sa séx life n’ya. Psh.
After one hour of our driving away from the City ay nakarating kami sa isang lomi house na ni minsa’y hindi ko napupuntahan sa buong buhay ko.
Halos lumuwa ang puso ko sa sobrang kilig nang pinagbuksan ako ng pinto ng kotse ni Professor De Armas. Mayroong ngising-aso sa mga labi ko nang lumabas ko sa kotse ko.
How can I stay mad at this handsome lawyer kung papakitaan niya ako ng ganito? Ugh.
“So gentleman, Sir. Ituloy mo sana ‘yan at talagang papayag akong maanakan mo ng dalawang dosena.”
Napalunok ito at matigas akong tinitigan. “Puro ka kalokohan, Miss Fontes.”
Tinawanan ko siya. Naalala ko bigla ang purse ko. “‘Yong purse ko.”
“Leave it, Miss Fontes. Ako ang nagdala sa’yo rito, so let me pay.”
Kahit na sabihin na hindi aabot sa limang daan ang babayaran namin sa lomi house ay sobra kong na-appreciate ang panglilibre ni Professor De Armas sa akin. This is so special to me.
“Si Hilaria po, Auntie.” Nagulantang ako nang ipakilala ako ni Prof sa may-ari ng lomi house.
“Nice to meet you po.”
“Masaya rin akong makilala ka, hija.” Masayang balik ng ginang bago bumaling kay Levi. Ito ang nagdala ng order namin.
“Nobya mo na ba itong kasama mo, hijo? Aba’y sobrang ganda n’ya. Modelo ka ba, hija?” Usyuso sa amin ng may-ari ng lomi house. Hindi nito maitago ang pagkamangha habang sinisiyasat ako ng tingin.
“Oho, Auntie,” Magalang na sagot naman ni Prof. Binigyan ko lang ng maaliwalas na ngiti ang ginang at hinayaan si Prof na makipag-usap dito.
Mula nang dumating kami rito sa lomi house ay una kong napansin ang pagiging close ni Prof sa may-ari. Iyon naman pala ay Auntie niya ang mabait na ginang. ‘Yong tatlong nag-aasikaso sa mga customer ay binati rin siya kanina.
“Para saan ‘yong oho mo, Levi? Doon ba sa girlfriend mo ba itong magandang kasama mo o doon sa tanong ko kung modelo ba s’ya?”
“Doon sa una ho, Auntie.”
Napalakas ang pisil ko sa kalamansi na ihahalo ko sana sa lomi ko dahil sa narinig na sagot ni Prof sa Auntie niya.
“Shít...” mababang anas ko dahil natalsikan ng katas ng kalamansi ang mata ko. Elepanteng kuba naman! Ang hapdi sa mata. Tangina!
“Let’s wash your face.”
Hindi ako nakapalag nang hilahin ako sa kung saan ni Professor De Armas. Dinala niya ako sa palikuran na ginagamit ng mga customer. He washes my face with cold tap water and I just let him.
Hawak ng isang kamay niya ang baba ko habang ang isa’y ginamit niyang panglinis sa kaliwang mata ko na halos hindi ko pa maimulat. Nalalanghap ko ang panglalaking perfume ni Professor at parang mas na-in love ako lalo sa amoy n’ya. Ang sarap niyon sa ilong.
“Mahapdi pa ba, Miss Fontes?”
I growl lowly. “Natural. Mahapdi kaya ang matalsikan ng katas ng kalamansi sa mata.” Reklamo ko. “Kung bakit kasi pabigla-bigla ang sagot mo, Prof. Nakakawindang ka.”
“I am sorry, Miss Fontes. Sinabi ko lang iyon para hindi na dumami ang tanong ni Auntie tungkol sa atin.” I feel his thumb gently wiping my eyes.
“Okay ako sa naging sagot mo pero p’wede ba tigilan mo na ‘yang kaka-Miss Fontes Miss Fontes sa akin, Prof. Bakit ba kasi panay ang kaka-Miss Fontes mo sa akin?” Sita ko sa kanya.
“Because it's too early to call you Missis De Armas, sweetheart.”
Naimulagat ko nang wala sa oras ang mahapdi kong mata kasabay ng isa. Naloka ako sa sagot niya at sa una ay naisip ko na baka pinaglaruan lang ako ng aking pandinig.
Awang ang bibig ko nang makipagtitigan ako kay Professor De Armas. Ngayon ko lang din napagtanto na halos nakadikit pala ang katawan niya sa sakin dahil siksikan kaming dalawa sa loob ng palikuran na ito.
I swallowed hard and couldn't blink.
“A—ano nga ulit ang sinabi mo?”
He tilts his head sideways and playfully smirks at me. Muntik ko na siyang mamura sa ginawa niya dahil pinapatibok niya ng malakas ang puso ko. God! What's happening to him at naging ganito bigla ang pakikitungo niya sa akin? Nanuno ba siya o nakulam?
“Would you forgive me for all those harsh words I've told you, Miss Fontes?”
“F—forgiven, Sir basta huwag mo na akong tatawaging Miss Fontes mula ngayon.” I told him while I'm aware that I'm looking at his handsome face dreamingly.
“What do you want me to call you, then?”
Nagrambulan na ang mga insekto sa sikmura ko nang bumaba ang titig ni Professor De Armas sa nakaawang kong labi. Tumiim ang kanyang labi habang pinapanood niya akong pinasadahan ng dila ko ang pang-ibabang labi ko. Sinadya ko iyon para akitin s’ya.
“S—sir...” Hayup na ‘yan! Bakit ba ako kinakabahan ng bongga?
Parang huminto ang pagwawala ng puso ko nang pumulupot ang matigas na braso ni Professor De Armas sa mababang parte ng likuran ako. I gulp when he pulls my body closer to his hard frame.
“About your question awhile ago, beautiful. As a matter of fact, I have never been into séx even just once. I am virgin pero hindi ibig sabihin niyon na ipapahiya ko ang sarili ko oras na maangkin kita at ang katawan mo.”