My Husband's Step-father Has A Secret
Kabanata 5
In Danger
“I thought you like me, Miss Fontes. Pero bakit ibang lalaki ang kasama mo ngayong gabi? Ganito ba talaga kabilis magbago ang damdamin mo?”
Kinausap ako ni Prof De Armas! And this time, siya ang naunang pumansin sa akin. And he even has his warm hand on my naked back, causing a violent storm inside me. Para akong hihingalin sa malakas na tíbok ng puso ko sa mga oras na 'to.
It feels like a dream.
Limang segundo rin na namagitan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. At sa parte ko ay parang bumagal bigla sa aking pandinig ang tugtog sa loob ng club. Walang ibang rumerehistro sa paningin ko kundi ang presensiya ni Professor.
Nakasuot siya ng casual collar shirts na kulay itim at maikli ang sleeves. Ang unahang butones ay nakaalpas sa butas at bagama't hindi sumisilip ang dibdib niya ay nakasilip naman ang Our Lady of Mt. Carmel sa suot-suot niyang scapular. Para siyang banal na tao na naligaw dito sa Medusa na kilalang isa sa mga wildest nightclub sa bansa.
“Is that your new flavor of the week, Miss Fontes?” Untag sa akin ni Prof De Armas na nagpataas sa isang kilay ko.
Itinago ko ang aking pagkamangha sa nang-uuyam na ngisi na tila hindi ikinatuwa ni Professor De Armas.
“Ako ba ang kinakausap mo?” I mockingly ask him. Hindi porque at nauna siyang kumausap sa akin ay aasa na siyang magkukumahog na akong makipag-usap sa kanya pabalik na para bang hindi ako nasaktan sa mga sinabi niya kanina.
Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Professor De Armas at bahagyang kumuyom ang kanyang panga. Sa mga oras na ito ay nararamdaman ko ang paghalukay ng mga insekto sa sikmura ko. Pútakti talaga! Rumurupok ang mga tuhod ko sa kaguwapuhang taglay ni Professor Levistus lalo na ngayong masidhi ang titig na ipinupukol ng kanyang mga mata sa akin.
“My eyes are on you, Miss Fontes and you're probably aware of it that I'm talking to you.”
“I am sorry pero hindi ako nakikipag-usap sa mga estranghero. Lalo na sa mga old strangers.” Inismiran ko siya. Bababa na sana ako sa bar stool nang dumating ang order kong cocktail nang pigilan ni Professor De Armas ang katawan ko sa pamamagitan ng pagpulupot ng braso niya sa likuran ko.
I must thank heavens that I victoriously stifled my gasp at hindi ko naitapon ang cocktail ko dahil hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon.
“Iba ang kasayaw mo kanina pero iyong kasama mong kakaalis lang ay ibang lalaki rin. Are you hitting two boys at a time, aren't you? Are you hitting two different boys just a few hours after you confessed you like me.” Ang tono niya ay parang nanunumbat at nadidismaya.
Pagak ko siyang tinawanan. “Dalawang beses mo nang binanggit 'yong sinabi ko sa'yong 'I like you'. Why don't you forget about it? Huwag mo nang intindihin 'yong mga confession ko sa'yo kanina as if naman may pakialam ka sa totoong feelings ko.” I scoff bitterly. “Ayaw mo 'di ba sa katulad kong mas bata sa'yo ng eleven years tapos maraming body counts? Psh. Don't bother yourself mentioning that again. D'yan ka na nga baka mamaya sumbatan mo na naman ako na sinasayang ko ang oras mo.”
“Miss Fontes, let's talk please.”
Tinawanan ko lang ang pakiusap niya at umalis na sa katabi niyang bar stool. Ang wrong timing din n'ya. Bakit dito pa sa club niya naisipan na kausapin ako? Bakit ngayon pang medyo tipsy na ako? Bakit hindi niya ako yayain sa apartment niya o hotel at baka magbago pa ang isip ko?
“Miss Fontes? Hilaria Fontes, wait. How long will you stay here? P'wede ba kitang hintayin mamaya?”
Patungo ako sa ladies room nang sundan ako ni Professor De Armas. Hanep! Feeling ko tuloy ang ganda-ganda ko ngayong gabi dahil hinahabol ako ng hot law Professor na ito na nitong mga nakaraang linggo lang ay pinapangarap ko.
Well, I do like him so much at hindi iyon magbabago dahil lang sa nireject niya ako nang harap-harapan kanina sa loob ng apartment niya. But it doesn't mean na kakalimutan ko na lang ng basta-basta 'yong mga pinagsasabi n'ya. He even accused me easily of having plenty of men who fúcked me.
Huminto ako para pumihit paharap nang nasa tapat na ako ng ladies room.
“Mag-aaksaya ka lang ng panahon sa paghihintay, Prof.” I smirk sexily at him. Bumalatay ang pagkaalarma sa mga mata niya nang humakbang ako palapit sa kanya. I leave a couple of inch between our bodies. Hindi naman siya umatras.
“And why do you want to talk to me? Gusto mo rin bang umiskor sa akin, Sir?” Nilandian ko ang boses ko at nanghihibo kong hinagod ng tingin ang mukha niya. Umalon ang kanyang Adam's apple at para sa akin ay tagumpay ko iyon.
Ipinagpatuloy ko ang panunukso kay Professor De Armas because I'm loving his facial reactions. Namumula na ang kanyang pisngi.
Kinuha ko ang kamay niyang nakalaglag sa gilid ng katawan niya. I hold his hand firmly and pull it real close inside my dress skirt. He is stunned at my bold move.
“Iniisip mo rin bang tikman 'tong pagkababáe ko kaya bigla mo na lang akong kinakausap ngayon, Attorney Sir hm? Just say so. Willing naman akong makipag-one-night-stand sa'yo even after you insulted me.” I sarcastically say and tilted my head a little.
Bigla ang pagsilakbo ng alinsangan sa sistema ko nang dumiit ang mainit at malaki niyang kamay sa inner thighs ko. Umigting ang titig ni Professor De Armas sa akin. Hindi ko alam kung galit siya sa panunukso ko pero hindi naman siya umaatras.
Hindi siya kumukurap at maging ay ako rin dahil nakabantay ako sa magiging reaksiyon pa niya. I want to see him aroused with my flirtation.
Ngunit mukhang ako yata ang mas magsasakripisyo at mapapaso sa larong sinimulan ko nang kumibot ang mga daliri niya sa loob ng dress ko at banayad na nasagi ang pagkababáe ko. Pucha!
“Ano na, Sir? Hindi mo kaya?” Paghahamon ko sa kanya at muling ngumisi.
“Hindi mo alam itong inuumpisahan mo, Miss Fontes.” Nakatiim-bagang na anas ni Prof.
I softly chuckle at his remark. “I don't intend to talk to you but since sinundan mo ako, ipapakita ko sa'yo ang hinahanap mo. And trust me, expert ako rito, Sir. Wanna bet?”
Naramdaman ko ang pag-kuyom ng kamay niya na nasa loob ng dress ko. Suminag ang apoy ng pagnanasa sa mga mata niya at bigla akong nakaramdam ng tagumpay sa loob-loob ko.
And I'm thinking na hindi na niya kaya ang magtimpi ngunit isang boses ng babae ang bumulahaw sa amin.
“Levi?”
Iyong kasama ni Prof kanina sa bar counter na pasimple kung lumandi. Nilingon ko ito at pinukol ng matalim na tingin.
Pipis ang pagtataka sa mukha nito habang nakatingin sa amin ni Professor De Armas na magkadikit masyado ang mga katawan.
“Oh my...” Napamulagat ang mga mata ng babae nang bumaba ang tingin nito sa kamay ni Prof na nasa loob ng palda ng maiksi kong club dress.
“W—what is the m-meaning of this, L—levi?” Nauutal na tanong ng babae. Hindi makapaniwala. Wow! Jowa lang ang peg?
I grin at the woman as I pull away from Professor De Armas. Masuyo kong tinapik ang mukha ni Prof.
“Ang selosa naman ng kasama mo, Prof. Mas lalo kang magmumukhang matanda n'yan kapag 'yan naging syota mo. Kung sabagay, mga gan'yan nga pala ang type mo.” I chuckle haughtily before I leave them both outside the ladies room.
Hindi ako gaanong nagtagal sa ladies room. Paglabas ko ay hindi na mahanap ng mga mata ko si Professor De Armas. May sumibol na pagkadismaya sa loob ko pero mabilis ko rin iyong pinabayaan.
Nawalan na ako ng gana na mag-party and I already feel like resting. So binalikan ko sina Lexi para magpaalam. May mga kaharutan na ang dalawa kaya mabilis ang pagpayag nilang mauna na akong umuwi.
I went back to our VIP table to get my purse. Pati si Diego David ay hindi na rin natagpuan ng mga mata ko sa loob ng Medusa.
I scoff as I remember the secret he told me tungkol sa matagal nilang relasyon ni Helga. Let's see kung matutuwa pa ba si Papa kapag nalaman niya ang sikreto na iyon ng paborito niyang anak.
Mabilis kong tinungo ang kotse ko sa parking lot ng Medusa. Nasa isip ko ang nangyari sa club no'ng tinangka ni Professor De Armas na kausapin ako. Impit akong kinilig habang nagmamaneho. Mabuti na lang talaga at magaling akong umarti at hindi niya nabisto na nagkakandarapa talaga ako sa kanya.
Pasipol-sipol akong nagda-drive pauwi sa mansion namin nang may dalawang convertible car ang gumitgit sa akin sa may bandang walang gaanong dumadaan na sasakyan.
Naalarma at nagtagis ang bagang ko nang mapagsino ang mga lalaking sakay ng convertible cars. 'Yong grupo na kasayaw ko kanina na iniwan ko!
Mukhang nagtanim talaga ng galit ang mga ito sa pag-iwan ko sa kanila sa dancefloor. Mga ungas!
Sa takot ko na madisgrasya ako ay kusa ko na lang na inihinto ang kotse ko.
I took the diamondback pistol I'm hiding in my car compartment and shove it at my back. Nakasiksik sa garter ng panty ko. Pamana pa 'to ng Abuelo ko at siyempre may lisensya ako to have it with me. Pinsan ni Mama ang head ng Firearms and Explosive Office kaya sa edad kong twenty-one ay mayroon na akong license and permit to carry firearms.
Abuelo ko ang may impluwensya sa akin nito dahil makakatulong daw ito para maprotektahan ko ang sarili ko since lagalag akong babae.
Nakita ko na nauna nang naglundagan palabas ng sasakyan ang mga lalaki. They're five in total. Mukhang dalawa lang ang sobber at tatlo ang lasing.
“You are blocking the road, idiots!” singhal ko sa mga ito pagkababa ko sa car ko.
“Binara mo rin naman ang mga puson namin, Raya. Tabla-tabla lang tayo. 'Di ba mga p're?”
“You can't get away from us.”
Nagtawanan ang mga ungas at lahat sila ay magkakapareha ang nakaguhit na ngisi sa mga labi. Mala-demonyo.
“Paraanin n'yo 'ko kung ayaw ninyong magkaroon ng instant long vacation sa kulungan or worst ay sa ospital, mga hunghang.”
“Oh vacation? Great idea, Raya. Sumama ka sa amin at ipaparanas namin sa'yo ang pinakamasarap na bakasyon na hindi mo makakalimutan hanggang nabubuhay ka.”
“As if interesado ako sa mga jologs na katulad n'yo. Dream on, mga tonto!” Inip kong singhal.
They laugh at me harder. Mas nabuwisit ako sa tawanan nila. Pagod ako at gusto ko nang makauwi para matulog pero ginagambala ng mga unggoy na ito ang lakad ko. Punyemas!
“Come on, Raya Fontes. Hindi bagay sa'yo ang magpakipot.”
“Come with us, w***e. Papaligayahin ka naming lahat. You can have us all.”
“Patikim din kami ng púke mong pinagpapantasyahan ng mga lalaki sa university. Usap-usapan ka sa College of Law, Raya. Marami kaming nangangarap na madilaan 'yang masarap mong katawan.”
What? Does it mean na mga law students din ang mga ungas na 'to?
I smirk and give them a dirty finger.
“Mangarap kayong dilat, mga tsunggong pangit! Mga ambisyosong que papangit! Pwe!” I provoke them. Hinihintay ko lang na may lumapit sa kanila bago ko bunutin ang pistol sa likuran ko.
I am confident na malulusutan ko ang trouble na ito. Hindi ito ang unang beses na naipit ako sa ganitong sitwasyon kaya alam ko na ang gagawin ko. Ipinagpapasalamat ko rin na hindi ako nagpakalasing ng husto ngayong gabi kaya magagawa ko na ipagtanggol ang sarili ko.
“Nagpapakipot ka pa talaga ha! Tingnan natin kung hanggang saan iyang pag-iinarte mo, Hilaria Fontes.”
Tatlo sa kanila ang sabay-sabay na naglakad patungo sa akin. I stay calm and smirking. Inasenta ko na sa isip ko kung sino ang uunahin kong puputukan as a warning.
They are already a few meters away from where I stand nang may dumating na motorsiklo sa kinaroroonan namin and to my surprise ay huminto ang motorsiklo sa mismong gilid ko. Napagitnaan ako ng kotse ko at ng motorsiklo.
Mas naalarma ako sa humintong motorsiklo at alisto ko nang dinukot sa likuran ko ang paborito kong diamondback pistol nang hulihin ng driver ng motorsiklo ang kamay ko.
Laglag ang panga ko nang automatikong umangat ang shield ng helmet ng motorbike rider at tumambad sa akin ang mga matang naging dahilan ng pagwawala ng mga paruparo sa t'yan ko.
“In danger, Miss Fontes?”
Nahigit ko ang aking hininga.
Oh precisely, Attorney Sir. My heart is really in danger.