4-Díckheads Delight

2151 Words
My Husband's Step-father Has A Secret Kabanata 4 Díckheads Delight Kahit papaano ay medyo nabawasan na ang pagka-badtrip ko dahil sa nangyari sa apartment ni Professor De Armas kanina. Pinilit ko talaga ang sarili ko na mag-enjoy tonight kasama ang wild friends ko at siyempre ang alak. Medyo tipsy na ako nang dumating sa Medusa si Diego David kasama ang tatlo pa niyang mga kaibigan. Walang dalawang pag-iisip kong iniwan ang mga kasayaw ko kaninang mga lalaki dahil wala akong ma-type-an ni isa sa mga ‘yon. “Sorry, boys. Gotta leave you now. Thanks for the fun.” Kinindatan ko sila at tinalikuran kaagad para lapitan si Diego David. Inignora ko ang pagkadismaya ng mga ito. Kiber! Alam ni Demi at Lexi na noon ko pa tina-target si Diego. Bukod kasi sa type ko s’ya dati pa ay pamangkin din siya ni Congressman Arnol David na tumalo kay Papa noong nakaraang eleksyon. Mortal na katunggali ng angkan nina Papa ang mga David sa kanilang probinsya. And I'm sure na manggagalaiti nito si Papa oras na makarating sa kanya ang balita na magkakilala kami ng pamangkin ng kaaway n'ya. I will see to it na babagsak kami sa dating stage nitong si Diego. Gusto ko ring ibaling sa kanya ang atensiyon ko na nitong mga nakaraang araw ay hila-hila lang ni Professor De Armas. I badly needed to divert my attention to others. ‘Tadong guro naman kasi ‘yon! Kung kailan pa ako nagka-crush ng seryoso at with feelings pa ay ‘saka pa ako itinaboy. His rejections hurt like hell! Kanina lang talaga ako umiyak ng gano'n dahil sa isang lalaki. Sa kanya ko lang narasan ang mabigo at mainsulto. Hayup na ‘yan! Kaya ngayong gabi ay tatapusin ko ang kahibangan ko kay Attorney Sir, I fúcking swear! Maharot akong nakipagsayaw kay Diego sa dancefloor. Demi and Lexi are cheerfully cheering me. Nakikipagsayaw din sila sa mga kasama ni Diego. “I hope you would still remember me after this night, sweetheart.” Bulong ni Diego sa tainga ko. I grin when his hands hold the sides of my slender waist. “Bakit naman hindi? I have known you for a long time, Mr. David. Interesado ako sa'yo.” Para akong umuugoy na ahas na kumapit sa katawan niya. Ngunit mukha ni Professor De Armas ang kumislap sa likod ng isip ko nang mahagod ko ang muscles ni Diego. Damn that insensitive man! Bakit ba ang tindi ng pagkakakapit niya sa utak ko? “Interesado ka sa akin? For what? To be your playmate, Miss Fontes?” Diego chuckled. Hindi gaanong gumagalaw ang katawan ni Diego and it looks like na parang ako lang ang may ganang magsayaw sa aming dalawa. “And you're not up to it, big boy?” Malanding ani ko. “Alam ko ang laro mo, Hilaria Fontes. I have my eyes keenly watching you for quite awhile now kaya alam kong hanggang panunukso ka lang. You don't do actual things like penetrative séx.” Medyo napahinto ako sa sinabi ni Diego. Tinamaan ng maliwanag na disco lights ang mga mata niya kaya bahagya akong nahimasmasan sa napuna kong kaseryosohan sa mga mata niya. “Are you provoking me, aren't you, Diego?” Nanghahamon ko siyang tinaasan ng kilay. Muling inilapit ni Diego ang kanyang mukha sa gilid ng mukha ko para marinig ko ng malinaw ang sasabihin niya. Naririnig ko ang impit na kilig ni Demi at Lexi dahil akala siguro nila ay nagbubulungan kami ng malalaswang bagay ni Diego but they're clueless that we're actually not. “Wala akong intensyon na i-provoke ka sa alin mang bagay, Hilaria Fontes. And I don't want to disappoint you either pero alam ko kung ano ang motibo mo sa akin. But I have to tell you na hind ako ang tipo ng lalaki na handang makipaglaro sa'yo.” Naramdaman ko ang pagkawalang-kilos ni Diego David nang iangkla ko sa batok niya ang mga kamay ko. I push myself closer to his body at kaagad kong napagtanto na hindi komportable ang katawan niya sa pagkakalapit naming dalawa. “You are so smart, Diego pero itigil mo na iyang pag-o-overthink mo because I am here with no other intentions but to loosen up and flirt with you. Pero hindi ako mapilit na tao, Diego. If you don't like to hang out with me, then I will leave you alone, big boy.” Kinalas ko ang mga braso ko mula sa leeg niya at akma ko siyang tatalikuran nang higitin niya ako palayo sa dance floor. “I will be honest with you, Hilaria. Kaya ako pumayag na sumama sa inyo ngayong gabi ay dahil may sadya ako sa'yo. Gusto talaga kitang makausap even though I know that this is quite risky.” Si Diego. “We are not friends. So I wonder kung ano ang magiging sadya mo sa akin.” Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ng mga paa ko sa pagsasayaw. Bumalik ako sa table namin nang nakasunod pa rin sa akin si Diego. Mas nadagdagan pa yata ang pagka-badtrip ko dahil sa taong 'to. Hindi siya kumakagat sa pain ko. And I think I would really stop flirting with him. Wala akong mapapala kay Diego kundi inis. I realized he's boring. “It is about your sister.” Deklara ni Diego nang saktong makaupo ako. Kaagad na umangat ang tingin ko sa kanya. Then I slowly grimace. “Don't tell me na katulad ka rin ni Dominic na pinagnanasaan si Helga?” Tangina! Mukhang lahat ng target kong lalaki ay nahuhumaling sa kapatid ko. Including this Diego David! Pero alam ko na wala ni isa man sa mga lalaking tinatarget ko ang papatusin ni Helga. Tuta kaya ‘yon ni Papa at ulirang anak ‘yong si Helga. Sobrang kabaliktaran ko. At nunkang papatol iyon sa lalaking alam niyang hindi magugustuhan ni Papa para sa kanya. “I am not lusting over your sister. I am actually her secret lover for how many years now, Hilaria. We started our relationship when we were sixteen. Doon pa sa probinsya.” Nahilo ako sa rebelasyon ni Diego. Napamura ako nang wala na akong mainom sa mesa namin. Tumayo ako para pumunta sa bar counter to order drinks. “Hilaria, I need your help. Helga broke up with me through a damn letter pero hindi ako kumbensido na totoo ang mga sinabi niya sa sulat. I want to talk to your sister, Hilaria. We've been lovers for six years and I am asking for a decent closure. Ikaw lang ang naiisip kong makakatulong sa akin para makausap si Helga.” “Ba't ‘di mo sugurin sa bahay? Doon mo siya kulitin at huwag mo akong idamay sa drama ninyong dalawa.” Pagtataray ko. Minadali ko ang hakbang ko patungo sa bar counter. Malapit na sana ako nang sa hindi inaasahan ay naitulak ako ng isang lasing na babae. Nasubsob ako sa matigas na likod ng isang lalaking nakaupo sa bar stool. Hindi ko mapagpasyahan kong sisinghalan ko iyong lasing na babae na tumulak sa akin o magso-sorry sa lalaking nadagil ko ang likod. Wala pa akong nagagawa ni isa sa dalawa nang nalapitan na naman ako ni Diego. Nakahanda na sana akong pagbuga ko ng apoy kay Diego para tigilan na niya ako nang narinig ko ang nag-aalalang boses ng isang babae na sinundan ng boses ng isang lalaki na naging dahilan sa pagsinghap ko. “Are you alright, Levi? You drink spilled. Basa na ang damit mo, look. This girl needs to apologize for her carelessness.” “No, Claire. It's alright. It's nothing. Hindi naman sinasadya.” Itinuwid ko ang pag-iisip ko at umupo sa bar stool katabi ng lalaking nabunggo ko ang likod. Disimulado ko siyang nilingon at nakumpirma na si Professor Levistus De Armas nga ito. Great! Kumulo na naman ang dugo ko nang maalala ang mga sinabi niya sa akin kanina. Lalo na ‘yong part na ipinagsawalang-kibo niya nang maghubad ako sa harapan n'ya. Kung hindi ko lang nalaman na nanliligaw 'to kay Ms. Adlawan ay baka nakuha ko nang isipin na bading 'to. Pero fúck! Sino ang niloko ko? Alam ko sa sarili ko na straight man ang kasing-guwapo at kasing-kisig na Professor De Armas na 'to. Nagwala ang dibdib ko nang pasimpleng lumingon sa gawi ko si Attorney Sir at nagtama ang mga mata naming dalawa. Walang bakas na magkagulat sa mga mata niya nang makita ako sa katabi niyang bar stool. Iismiran ko na sana siya nang agawin ng babaeng nasa kaliwa niya ang kanyang atensiyon. “Let me wipe you, Lev.” Umirap ako at bumaling sa bartender na naging kakilala at kabiruan ko na sa dalas ba naman namin sa club na ito. “One Díckheads delight, Helge.” Sa inis ko sa katabi kong guro ay iyon ang na-order kong cocktail. Pinagdiinan ko ang salitang díckhead dahil nais kong ibato ang salitang iyon kay Professor De Armas. I went here to party and forget about him pero bakit narito ang ungas na abogado na 'to? Alam ko namang hindi siya tipikal na nagpupunta ng club. At sino na naman itong babaeng kasama niya na ang OA kung umasta? May papunas-punas pa sa nabasang damit ni Professor De Armas. Galawin mo ti! Tsatsansing lang din e. “That's new coming from you, Raya. Ayaw mo na sa paborito mong cúm shot?” Nakangising sabi ng bartender na si Helge na ex-fling din ni Lexi. “Iyon ang type ko tonight. Gawin mo na palamg dalawa para rito sa baby boy ko.” Tukoy ko kay Diego David na sumunod na umupo sa kanang bar stool. I am not sure kung imagination ko lang 'to pero nararamdaman ko ang titig ng katabi ko sa kaliwa sa akin. Ayaw ko namang silipin si Professor De Armas dahil baka sabihin niya na nananabik akong tingnan s'ya. Aasta akong hindi ko siya kilala dahil gusto kong sagipin kahit papaano ang ego ko. “I won't drink, sweetheart.” “Cocktail lang 'yan, sweetheart.” Nilagyan ko ng sarkasmo ang panggagaya ko sa uri ng pagtawag niya sa akin. “Hindi ka malalasing d'yan. Or better yet I will order you a hard drink kasi sa tingin ko ay ang lamya mo. Para kang walang balls, Diego.” “No thanks, Raya. But about the favor I ask from you—” Iniharang ko sa bibig ni Diego ang middle finger ko to shut him up. Ang kulit din kasi ng isang 'to. Sisipain ko na 'to mamaya. I am about to tell Diego to leave me alone ngunit hindi ko maituloy dahil nagsalita na naman ang babaeng kasama ni Professor De Armas. “I will go home now, Levi. Tara na?” Gumuhit ang pagkadismaya sa dibdib ko nang marinig na uuwi na pala si Professor De Armas. Lecheng puso 'to at umaasa pa rin. Ibinigay sa akin ni Helge ang isang shot ng cocktail na in-order ko. I chug it all down in one shot. “Isa pa, Helge. I'll try the blue motherfúcker cocktail,” sabi ko kay Helge. “Mauna ka na, Claire. Magta-taxi na lang ako pauwi. Thanks for the offer, anyways.” Rinig kong sabi ni Professor De Armas sa babae na kausap nito. “Akala ko ba sasabay ka na sa akin pauwi, Lev? Kanina ka pa nagsabi sa mga kasama natin na mauuna ka 'di ba?” “I suddenly changed my mind, Claire. I'll stay a little longer to have a few more drinks.” “Really? Well, puwede naman tayong tumuloy sa condo ko, Levi. Doon na tayo mag-inom na dalawa. It's quiet and cozy there and I'm sure you'll like my place.” Napairap ako nang hindi pa rin umaalis ang babaeng kausap ni Professor De Armas. Pakiramdam ko ay gusto rin nitong masolo si Prof kasi masyado siyang nag-iinsist na isabay sa pag-uwi si Prof at anyayahan sa bahay n'ya. Tsk. Mabuti na lang talaga at naisipan kong tantanan ang abogadong guro na ito ng maaga. Ang dami ko palang karibal kung sakali. Kaloka! Sa pakikinig ko sa usapan ng mga tao sa kaliwa ko ay hindi ko namalayan na wala na pala sa kanan ko si Diego David. Taka kong hinanap ang gagó sa likuran ko nang muntik na akong mapatalon mula sa bar stool dahil sa matigas na kamay na lumapat sa hubad kong likod. Chain crisscross backless dress lang kasi ang suot ko at talagang lantad ang likod ko sa damit na ito. Marahas akong uminog at mabilis na nagtagpo ang mga mata namin ng taong may-ari ng kamay na nasa aking likuran. He is intently staring at my eyes like he has this motive to corrupt my soul. “I thought you like me, Miss Fontes. Pero bakit ibang lalaki ang kasama mo ngayong gabi? Ganito ba talaga kabilis magbago ang damdamin mo?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD