3-Rejected

1775 Words
My Husband's Step-father Has A Secret Rejected Tamang moreno si Attorney Sir. Nabibighani ako lalo habang nakatitig ako sa mukha niya nang ganito kalapit. Ang kakapal ng kilay niya pero hindi messy tingnan. Ang tangos ng kanyang ilong at parang nababalot ng misteryo at dominance ang mga mata niya. Iyong tipong nagbabadya na ng peligro ang titig niya pero kikiligin pa rin ang képay ko. Gano'n mismo ang epekto niya sa akin. I want to be dominated and controlled by him as I beg him to spank me twelve times. Gosh! That is so freaking hot. And oh wait! Ngayon ko lang napagtanto na kasing-itim ng gabi ang kanyang mga mata. Maybe I just distinguished it as black as starless night pero darkest shades of brown ang mga mata niya. At nasa loob kami ng apartment niya kaya itim na itim ang tingin ko sa mata ni Attorney Sir. Bumaba ang nanunuri kong tingin sa lips ni Prof De Armas ngunit hindi na ako nagkaroon ng chance na pag-aralan at pagnasaan iyon dahil umalis na siya sa harapan ko. Kinolekta niya ang mga hinubad kong damit. Napanguso ako nang ibalik niya iyon sa akin. “Of all the boys in the university, hindi ko alam kung bakit ako pa ang napagtripan mong akitin, Miss Fontes.” His sexy square jaw clenches when he intently looks me straight into my eyes. Nababasa ko ang pagbabanta sa mga mata niya. “Get dress now and leave, Miss Fontes.” Wala man lang akong makitang malisya sa mga mata niya nang ibigay niya sa akin ang underwear ko. “Sir, hindi ho ako nangti-trip. Gusto kita—” “Makinig ka, Miss Fontes.” Mabagsik niyang putol sa sasabihin ko. Kahit moreno ang kanyang balat ay nakikita ko pa rin ang pamumula ng mukha niya. Hindi iyon dahil sa kinikilig siya sa akin kundi dahil sa makapal na iritasyon. “Wala akong panahon para sa walang kuwenta mong laro, Miss Fontes. Hindi ko gusto na sinasayang mo ang pera mo para padalhan ako ng kung anu-anong pagkain. Hindi ako inutil, Miss Fontes. Nagtatrabaho ako ng marangal para buhayin ang sarili ko. Para mabili ang mga gusto ko. And you, you're wasting on nonsense the money that your parents provided for you.” Hindi ako nakaimik. Hindi ko maisingit na sabihin na iyong mga pera na pinambibili ko ng pagkain para sa kanya ay kita ko mula sa pagbebenta ng bags and perfume online. Oo, ipinanganak naman talaga ako na may gintong kutsara sa bibig. Veterinarian ang Mommy ko at minana niya mula sa mga magulang niya ang pinakamalaki at sikat na pet clinic and grooming center sa bansa na mayroong nasa fifteen na iba pang branches across the country. Ang Daddy ko naman ay businessman. May pagka-rebelde lang akong anak pero never akong gumasta sa mga luho ko galing sa allowance na laan para sa akin ng parents ko. Hindi ko masisikmura na sayangin ang perang bigay ng mga magulang ko lalo pa’t isang mali ko ay buong pagkatao ko na ang sinusumbat sa akin ng sarili kong mga magulang. Kaya lingid sa kalaaman ni Daddy at Mommy ay nagbebenta ako ng class-A o replica ng mga designer bags atsaka perfumes din na inaangkat ko mula sa ibang bansa. And I am earning pretty good dahil mayroon na akong mga resellers. “Matuto kang respetuhin ang pera na pinagtrabahuan ng mga magulang mo. Hindi iyong sinasayang mo iyan sa kung anu-ano. Marahil ay labas na ako kung sa mga kaptriso mo gagamitin ang pera na bigay saiyo ng mga magulang mo. Ang akin lang ay huwag na huwag mo nang uulitin pa na padalhan ako ng pagkain o ano pa man, Miss Fontes. Because I don't need your donations!” Naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Hindi na talaga ako makapagsalita dahil natatakot ako na kumawala ang hikbi ko. Nag-iwas na lang ako ng tingin pero hindi pa rin tumitigil si Professor De Armas na sermunan ako. “And, Miss Fontes. Nakarating din sa kaalaman ko na halos kada-linggo ay iba ang boyfriend mo.” Napuna ko ang talas sa tono ni Attorney Sir. “I know nobody else has the rights to degrade a woman because of her numerous body counts pero kung magagawa mo ay matutunan mo rin sanang irespeto ang sarili mo, Miss Fontes. Ayusin mo ang buhay mo dahil masyado ka pang bata nang sa ganoon ay hindi séx object ang tingin saiyo ng mga kalalakihan.” Numerous body counts? Takti ka, Sir! Hindi ako iyon. Baka magulat ka pati lahat ng sperm cells mo kapag madiskubre mo na virgin pa ako. Gago ka! Ia-uncrush na kita. Inangto! Tahimik akong nagbihis. Ngayon lang nag-sink in sa akin ang hiya. I am rejected and I feel like crying. Pútangina! Hindi ako ‘to. I'm not a cry baby for God's sake! Tinalikuran ko na siya kahit na hindi ko pa man natatapos na i-zipper ang skirt ko nang may ipinahabol pa siyang sermon. “And next time you decide to flirt with your opposite séx, siguraduhin mong hindi ka magkakagusto sa katulad kong lampas na isang dekada ang tanda saiyo, Miss Fontes. I'm warning you, you can't handle the fire we're able to gust. Just be careful next time, Missy.” Nagtagis ang bagang ko at madalian kong pinuno ng hangin ang dibdib ko. “Ang dami mo pang lecture, Sir. Dinaig mo pa ang pastor. Kung bata ang tingin mo sa akin, e ‘di huwag mo! I swear, bukas na bukas din titiyakin kong hindi na kita crush! Diyan ka na.” I storm out of his apartment with a heavy heart. Hayup ka, Attorney Sir. Hindi ko matanggap na binasted mo ang ganda ko. Hindi ka man lang nalibugan sa akin ng kahit kaunti kahit hubo’t hubad na ako. Pagpasok ko sa loob ng kotse ko ay tuluyan nang bumagsak ang luha ko. Nakatayo sa gate si Professor De Armas. Dahil nakababa ang glass window sa side ko kaya nagtama pa ang paningin namin ni Attorney Sir bago ko pinaharurot ang sasakyan ko. He gets to witness the pain in my eyes pero hindi na ako aasa pa na makokonsensya siya sa mga pinagsasabi niya. Ang sama-sama ng loob ko. Ayaw kong umuwi dahil panigurado na madadagdagan lang sa bahay ang sama ng loob ko. I decided to go to Lexi's flat. Manghihiram na lang ako sa kanya ng party outfit para makasama ako sa Medusa tonight para kahit papaano ay malibang ko ang sarili ko sa paraan na nakasanayan ng isang rebeldeng babae na katulad ko. THIRD PERSON'S POV SINIPOT nang gabing iyon ni Levi ang co-teacher niyang si Faye Adlawan sa napag-usapan nilang hotel and restaurant para sa kanilang unang dinner date. But he thought it will also be their last dinner together. Miss Adlawan is a decent woman with a stable job at isinaalang-alang na nga ni Levi na sumubok na makipagrelasyong muli. Miss Adlawan is close to his ideal woman. Ipu-pursue na sana ni Levi ang panliligaw kay Miss Adlawan kung hindi lang niya nalaman ang isang katotohanan na makapagbabago sa tingin niya sa guro. Kaswal na dumating sa pagtatagpuan nilang lugar si Levi bandang alas otso ng gabi. Halos sampung minuto rin siyang naghintay sa pagdating ni Miss Adlawan. Bahagya pang ikinagulat ni Levi ang eskandalusong kasuotan ni Faye. Her dress is too skimpy and her breats are almost popping out. Dumiretso kay Levi ang babae at walang batian na naganap dahil bigla na lamang itong humalik sa labi niya. It wasn't their first kiss but Levi still feel uncomfortable sa tuwing si Faye ang nauunang humalik sa kanya. “Isang tanong, isang sagot, Faye,” ani Levi nang makaupo ang babae na halos hindi na niya makilala sa kapal ng makeup nito. “Let’s place our orders first, Lev.” Matamis na ngumiti si Faye sa kanya at puno ng pang-aakit ang mga mata. “Or maybe we can change our plan. We can get a hotel room here instead and we can have our foods there. What do you think?” “I don't think I have time for that, Faye.” Walang pagkukunwaring anas ni Levi na ikinagulat ng kasama niya. “Answer me honestly. Totoo bang si Miss Fontes ang nagpapadala ng mga pagkain sa university at sa bahay ko at hindi ikaw?” Natarantang ibinaba ni Miss Adlawan ang menu at hindi ito makatitig ng diretso sa mga mata ni Levi. “H—how did you...” “Well, it just happened that the truth walked into me before I could even fall into your pretentious and lies, Faye.” Nanatiling kalmante ang tono ni Levi sa kabila ng kasinungalingan ni Faye sa kanya. Pinaniwala siya nito na ito ang nagpapadala ng mga pagkain na iyon. Ani pa nito’y nakalaan pa ang puso nito habang inihahanda ang mga pagkain na iyon. Hindi alam ni Levi na palaging hinaharang ni Faye Adlawan ang mga ipinapabigay ni Hilaria sa kanya. Inililipat ni Faye ang mga pagkain sa ibang lalagyan at ito ang maghahatid ng mga iyon kay Levi nang sa ganoon ay mapalapit ang guro sa kanya na matagal na palang may pagtingin kay Levi. “I can apologize about it, you know.” Faye chuckled awkwardly. “Ginawa ko lang naman iyon dahil matagal ko nang gusto na mapansin mo, Levistus. I'm in love with you since we were in College and...” Napahinto sa pagpapaliwanag si Faye nang biglang umahon mula sa upuan si Levi. “I have to leave now, Faye. Pasensiya ka na at wala akong oras ngayon para makinig sa paliwanag mo. Huwag kang mag-alala, hindi ako maramot sa pagpapatawad kaya kalimutan na natin itong nangyari.” “I—iiwan mo ‘ko?” Tipid na tango lang ang itinugon ni Levi sa babae at dire-diretso na siyang lumabas ng hotel and restaurant. Masyado siyang inuusig ng kanyang konsensya at kung anu-ano pa ang masasakit na salita ang sinabi niya kay Miss Fontes na hindi naman niya dapat sinabi. Levi doesn't know where to begin to ask for an apology to the lady. Hanggang sa matanggap ni Levi ang tawag ng isang kaklase niya noon sa Law at inanyayahan siya na mag-inuman sa isang club dahil celebration daw ng sa wakas ay pagkakapasa nito sa bar exam. At mabuti na lang ay malapit lang iyon sa kinaroroonan niya. Levi was hanging out with his college buddies when he spotted a familiar figure of a girl dirtily dancing on the dancefloor at sa paningin niya ay parang nababastos na ng mga lalaking kasayaw nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD