Chapter 10

2254 Words
Pagdating niya sa table nila ni Andrew. Inaantay na rin pala siya nito. "Babe shall we, Tita is calling and she is expecting us right away in your house ", pahayag nito "Tara sabi niya", at hinawakan siya nito sa siko palabas sila ng restaurant. Nasulyapan pa niya ang hudiyo na nakatingin sa kanila kaya inirapan niya ito. Magkahawak kamay sila ni Andrew o Andrea palabas ng restaurant. "Come again ma'am, sir", nginitian niya ang guwardiya. "Baks how about my car sa coffee shop?", tanong niya na inaalala ang kotse "Ipakuha mo na lang sa driver niyo bru, duhhh.. common sense 'no", suplada nitong sabi "Paano makuha e andito sa akin ang susi.", sagot niya "Pauwi naman na tayo kaya, pagdating mo utusan mo ang driver", nairita na ang bakleta sa kanya "Ikaw baks ha, nakarami ka na sa akin", himig tampo niyang sabi "Paano kasi bru, ang simple simple ng iniisip mo", saad nito "Wag na ipakuha 'yon magtaksi na lang ako bukas.. makaabala pa ako,", saad niya "Iyon naman pala bru, e di problem solved. ", pagtataray nitong sabi "Bru diba wala kang boyfriend since birth?", "Ikaw na bakleta ka, nakailang sabi ka na sa akin niyan ah!", "Ahhhray ko naman bru!", napahiyaw naman ito sa palo niya sa balikat nito. "Gusto mo talaga kasing ipagsiksikan ang no boyfriend whatsoever na 'yan e,kulang na mag-megaphone ka para ipaalam sa lahat na hindi pa talaga ako nagkaroon ng boyfriend kahit kailan.", saad niya sa mukha nito "Kapag tayo bumangga, ikaw may kasalanan talaga bru!", maarte nitong reklamo "Ayaw ko lang kasi na talagang pinanladakan mo sa buong mundo na wala nga akong boyfriend.. wala na nga lagi mo pa sa akin pinamumukha baks.", nalulungkot niyang saad. Bakit nga din kaya, wala man lang sa kanyang nanliligaw, bente tres na siya. Ganun ba siya ka pangit na nilalang.. tanong niya sa sarili "Bakit natahimik ka na riyan, bru", pahayag nito sa kanya na ikinabuntong niya ng hininga. "Baks, ano kaya kung makikipag blind date ako," pahayag niya na nakatingin pa siya sa nagmamanehong kababata. "Nasa iyo naman 'yan bru! pero kung gusto mo puwede kitang tulungan sa bagay na 'yan", nakangiti pa nitong pahayag "Sige tulungan mo ako, kailangan ko na talaga sigurong hanapin ang para sa akin baks!", saad niya na pinasigla pa ang boses "Sige sa linggo may ipa- blind date ako sa iyo, isang bachelor na may kaya ang pamilya at may sariling negosyo rin pareho mo ,isang law graduate. "Baka basahan ako ng mga articles niyan baks, ha.. o kaya mga code of ethics.", pahayag niya sa kababata "Don't worry low profile lang si attorney", nagbibigay sa kanya ng assurance. "Okay , sige game ako ", pahayag niya Nakarating sila sa bahay na magkasundo tungkol sa blind date na sinasabi ni Andrew a.k.a Andrea sa kanya. Malay mo magkaroon na siya ng boyfriend for the first time. "Andito na kami", pahayag niya bungad nila sa living room. "Bru parang walang pinagbabago ang bahay niyo.", saad ni Andrew sa kanya "Yeah we're still the same as well too..", sarcastic niyang pahayag "Awww naman baks ang sakit ha, daing niya kinaltokan lang naman siya ng bruhang bakla "Poro ka kasi patama e!.. " e sa ganun naman kame ah!", natigil sila sa pagtatalo ng bumungad ang mommy niya. "Nandirito na pala kayo, siya dumulog na kayo sa hapag at naroon na ang daddy mo Maria", utos ng mommy, himala ata at narito ang daddy niya ngayon. Papasok na sila ng kusina ng may boses babae siyang naririnig. Kahit si Andrew napahinto rin sa paglalakad. Hinila niya ito palapit sa kanya. Magreklamo sana ito ng takpan niya nang kamay ang bunganga nito. "Honey nasaan na ang mga tao dito sa bahay mo?", narinig niya ang malanding boses ng babae. Walang hiya talaga itong Tatay niya ,isinama pa ang babae nito dito sa pamamahay nila. Bigla niyang naiisip ang kanyang kawawang mommy kaya tumalikod siya at pumunta sa kanyang kuwarto upang kunin ang kanyang baseball bat, humahangos naman sumunod sa kanya si Andrew. Sumusobra na ang kawalang hiyaan ng kanyang ama sa mommy niya. Makita niya ang hinahanap nilang dalawa ng kabit niya "Bru anong gagawin mo niyan?", "Manahimik ka lang baks at manuod sa gagawin ko", nagmamadali siyang bumaba sa hagdanan nagtatakbo pa siya upang makarating kaagad kung saan ang mga walang hiya naroon. Pinalo niya ng malakas ang pinto ng kusina upang makuha ang atensyon ng dalawa na nagsusubuan pa na akala mo mga teenagers sa kalandian. "Catherine anong ginagawa mo!", saad ng ama niyang tumayo pa mula sa kinauupuan nito. Ang malanding kabit naman ng Ama ay nagtago sa likod ng magaling na lalaki. "Ikaw ! anong ginagawa mo!.. Dad!", galit niyang sabi sa ama "Pamamahay ko ito at gagawin ko kung anong gusto ko, anak lang kita, wala kang karapatan magtanong sa akin ng ganyan!", galit nitong sabi "Ha! magaling!, kaya pala binababoy mo ang pamamahay natin dahil sa pananaw mo'ng 'yan", sa galit niya hinataw niya ang salamin nilang lamesa. Basag kaagad ito at wala siyang pakialam. "Itigil mo 'yan Catherine!", narinig niyang sabi ng Ama niya. "Itigil ko lang ito kung lumayas kayo sa pamamahay na ito!.. Hindi niyo na binigyan ng kahihiyan ang mommy na kung tutuusin ang mommy ang nagdala sa iyo kung nasaan ka man ngayon, Dad!.. Kung anong estado mo at ito ang igagante mo sa kanya!", ", galit niyang pahayag na akma siya nitong susugurin "Wala kang utang na loob na anak!", sigaw ng Ama na akma siya nitong sasampalin "Sige subukan mo saktan ang anak ko Fernando pasabugin ko bungo mo pati ng 'yang kabit mo!", napalingon siya sa mommy niya na nakatutok pala sa kanyang Ama ang shotgun. Lumapit naman siya sa babae ng Ama "ikaw na higad ka , halika dito", hila hila niya ang buhok ng kabit ng Daddy niya. "Isang galaw mo Fernando, makita mo ang hinahanap mo.", narinig niyang sabi ng mommy "Ferdie mahal tulungan mo ako!", sigaw ng kabit ng Daddy na hila hila niya pa rin ang buhok. "Sige Maria iganti mo ako sa haliparot na 'yan!", saad ng mommy niya Kinuha niya ang gunting sa may counter "Mercedes ipatigil mo na 'yan!", sigaw ng Ama na narinig niya "maawa kayo sa akin, hindi ko naman talaga gusto ang matanda na iyan, huhuhuhu pakawalan mo ako!", matapang nitong pahayag "Hindi gusto pero kumabit ka dahil ang akala mo mapera ang matanda na sinasabi mo na 'yan!", nanggigil niyang sabi dito Inumpisahan niya nang gupitin ang buhok ng haliparot na babae. "Pakiusap po , hindi na ako lalapit sa ama mo.. pakawalan mo lang ako.", natatawa naman siya sa sinasabi nito "Mahal , Louis..Sabi mo mahal na mahal mo ako ", ang Ama niya na ikinalingon niya Bigla na lang itong bumuwal sa sahig sa pagbaril ng mommy niya sa binti nito. "Tita!", sigaw ni Andrew na nasa sulok lang pala "Mommy anong ginagawa mo?", gulat niyang tanong na nabitawan ang buhok ng babae ng Daddy "Tama lang sa kanyang kataksilan ang ginagawa ko, Maria..dapat noon ko pa sana ito ginawa, masyado na siyang namarahuyo sa mga ginagawa niya, Babawiin ko na rin ang kompanya, na matagal niyang pinakinabangan.", saad ng mommy niya "Mercedes maawa ka sa akin, mula ngayon magtino na ako ", makaawang saad ng Daddy. "Iilang pangako na 'yang sinasabi mo na 'yan Marko pero ginagawa mo pa rin!", galit na saad ng mommy niya "Mercedes ipagamot mo ako, makaawa ako sa iyo", saad ng Daddy na dumudugo ang daplis na sugat nito sa binti nakaramdam din naman siya ng awa dito. "Baks ikaw na ang bahala sa daddy, paki dala naman sa hospital ", pakiusap niya sa kababata na tumalima naman "Nako Tito, ginagawa pa niyo akong nursing aide at driver ", rant nito sa Ama niya. "Halika na kayo alalayan ko kayo", sambit nito na hinahawakan ang braso ng Daddy. "Kaloka, andito ako para bumisita ", saad ulit nito habang alalay ang Ama niya "Dad magtanda ka na sana, hindi lahat sa iyo ang kabig ng braha..somobra kana po kasi", malungkot niyang pahayag "Mommy, puwede po bang ibaba niyo na 'yang shotgun na bitbit niyo, dinaig niyo pa si Gabriela Silang e sa tapang ", pahayag niya habang umupo sa bangko, nagutom siya bigla kaya kakain siya. "Maria, kapag ang isang tao napupuno na naging matapang ito.. dinala pa niya dito ang kanyang kabit, nanginginig ang laman ko! gusto ko silang tirisin ng pino", pagra-rant nito Ibinaba nga nito ang dalang shotgun at umupo sa kabisera ng lamesa. "Paborito pa niya ang hinanda ko, walangya siya, huh! kumulo ang dugo ko!", galit na saad nito "Mommy ito oh, uminom kayo ng tubig mabawasan man lang ang high niyo", abot niya ng baso na may lamang tubig Tinanggap naman nito at nilagok ng isang inuman. Pagkatapos ay ibinaba ang baso sa tabi ng plato nito. Hinihimas ang kamay niya na may hawak na kutsara "Salamat Maria, hindi alam ng mommy na ang tapang mo pala ", madamdamin nitong pahayag "Kasi naman mommy, winalang hiya ka na kasi ng Daddy, hindi na siya nagbigay sa iyo ng respito bilang kayo ang asawa niya. ",pahayag niya "Para sa inyo mommy, gawin ko ang lahat para maipagtanggol kita." "Gawin ko na ang matagal ko na na dapat ginawa, nagpapaalipin ako sa mahabang panahon, dahil sa mahal ko ang Ama mo pero dumating na sa sukdulan ang lahat..makikita niya!", pahayag nito na sumandok ng kanin at ulam na kare kare nilagay sa bowl . Kumain sila ng walang imikan ng mommy niya. "O anong nangyari sa iyo, daig mo pa ang nabitin ng sampung beses "Wala ako sa mood Radli, kaya tigilan mo ko sa pang-aasar mo sa akin baka tatamaan ka. "Whoah whoah.. iba ka nga ngayon, ano bang nangyari sa iyo?" Akala niya siguro ang ganda ganda niya,(sa isip niya) Bakit ka na nagagalit ngayon sa kanya?( tanong ng kabilang utak niya) Hindi ako galit ,okay?" "Iba ka talaga Taemon dude! sa lagay na 'yan mukhang hindi nga ikaw galit..tignan mo oh niyupi mo lang ang plastic bottled water na hawak mo.", napatingin naman siya sa kabilang kamay at totoo nga ang sinasabi nito " May iniisip lang ako ", pahayag niya na dinampot niya ang paper clip at kanyang pinaglalaruan. "Spill the tea ,T.. ", saad nito na umupo sa sofa na kaharap ng office table niya. "Wala ito, may nakita lang akong isang malanding higad sa tabi tabi kagabi habang kasama ko si Airah", walang gana niyang sabi "O parang apektadong apektado ka sa malanding higad na iyon?" napatingin naman siya dito mula sa paglalato ng paper clip. "Hindi no at sinong may sabing apektado ako, ni hindi nga maganda.", katwiran niya "Mga ganyang galawan halatado ka talaga T, kahit magdeny ka pa nang magdeny" "Ulol mo, dude!",saad niya "Aminin mo kasi na matatalo ka na sa ating pustahan, T", pahayag ni Radli sa kanya "Never akong matalo sa pustahan, Rad!", pinagpatuloy ang ginagawa sa paper clip "Hindi ako maasinta ng pana ng batang may lampin na iyon", may paninindigan niyang sabi sa kaibigan "Basta ihanda mo ang MCLAREN 675Lt mo ,dahil matatalo ka na!", natatawa pa nitong sabi "In your wild dream Rad, ulol!", naglalaro siya ulit at ngayon sa games sa kanyang cellphone naman Ayaw niyang mabaliw dahil sa pag-ibig na sinasabi nila. Katulad ng mommy niya at tiyahin naging martyr dahil sa pagmamahal nila sa mga lalaking hindi naman deserves. "Panindigan mo 'yan T,pero mahirap ang magpigil baka masuffucate ka sa ginagawa mo at malay mo ang malanding higad na sinasabi mo pala ang para sa iyo na bigay sa iyo ng batang nakalampin ng puti at may bitbit na pana.", mahabang paliwanag nito sa kanya "Anong merun?!", bungad ni Carmelo at kasunod naman si Hans, Uilliam at si Gio. Bigla naman sila ni Radli napatayo mula sa kani kanilang inuupuan pagka kita sa kanilang kaibigan na si Gio na mula sa honeymoon nito sa Paris. "Kumusta ang bagong kasal, dude?", tanong niya dito na niyakap naman siya nito bilang tugon sa secret handshake "Masaya syempre dahil kasama ko ang mahal na mahal kong asawa..at magkakaanak na kami", pahayag nito na halatang masaya nga "Congratulations Gio," si Radli na nakipagkamay din sa kaibigan Nagkanya kanya naman nagsi- upuan ang iba pa nilang kaibigan sa sofa na nasa loob ng kanyang opisina. "Anong pinag-uusapan niyo ni Radli, T?",si Carmelo na naka de kuwatro pa. "Your so nosy, Carmelo", saad niya dito "Nosy agad , hindi ba puwede na curious lang ako dahil napaka seryoso kasi ng pinag-uusapan niyong dalawa.", pahayag nito "Parehas lang naman 'yan Carmelo..aminin mo kasi na Marites ka na babae", singit ni Radli sa usapan Dinampot naman ni Carmelo ang tissue holder at binato kay Radli na nailagan naman nito. "Tang'na mo Carmelo, mamahalin 'yang tissue holder ko para ibato mo lang", naiinis niyang sabi Nagtawanan naman ang iba niyang mga kaibigan maliban kay Hans na busy sa sariling cellphone. "Sorry dude, nakakainis kasi ang kumag na 'yon!..akala mo kung sino, makaalis na nga", pahayag ni Carmelo "Dude Carmelo, saglit lang may sasabihin pa ako", si Gio na tumayo mula sa pagka- kaupo. "Dahil nandito kayong lahat gusto kong kunin ang pagkakataon na ito, Blessing ng bahay ko sa makalawa linggo, gusto ko andoon kayong lahat at walang mawawala ha", pahayag ni Gio "Oo makaka-attend ako dude, Gio..pero mauna na ako sa inyo, ", si Carmelo naglalakad na palabas ng pinto. "Ako rin makakapunta ", si Hans Nagsipag sunuran na rin ang iba pa nilang mga kaibigan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD