Sa mga naririnig niya sa kababata na si Andrew na Andrea sa gabi, bigla siyang ginutom at niyaya niya itong kumain sa labas
Pumayag naman ito sa kanyang sinasabi dahil ayon dito, pagdaan daw nito sa bahay at nalaman kung nasaan siya. Agad daw siya nitong pinuntahan upang makita lang.
Magka-antabay silang naglalakad palabas ng kanyang opisina as usual nagkatinginan naman ang kanyang mga empleyado.
"Aalis na ako kayo na ang bahala dito sa coffee shop, " pahayag niya sa mga tauhan
"Miss Catherine kami na po ang bahala dito ", pahayag ni Lani ang iba ang busy lalo na ang barista niya ngayon si Clint.
"Salamat ", masayang pahayag niya ang bakla naman kasama niya ay behave lang na nakatayo sa tabi niya na as usual napagkamalan na naman niya itong boyfriend.
Sa tindig at laki ng katawan nito hindi talaga halata na bading ito.
"Shall we , babe!", sa sinasabi nito nanlaki naman ang mga tauhan niya. Lalaking lalaki kasi ang boses ng impaktitang bakla
Pasemple niya itong kinurot sa tagiliran,
"Sumakay ka lang,para kunwari may boylet ka bru!", na nginitian pa siya at hinawakan pa ang baba niya with seductive looks
"Ay ang sweet ng love birds, " si Leah na kinilig pa talaga sa nakita nitong aktingan ni Andrew
"Wala nang pag-asa nito si Mark ", pahayag ni Greg ang isa nilang waiter ikinatawa naman niya..
Kung alam lang nila na sila ang gusto ng aking kasama baka maglulupasay pa siguro sila ng tawa.
"Ingat kayo Miss Catherine sa date niyo ni Sir Pogi", pahayag ni Leah
Pasimple namang nasusuka kuno ang hilaw na bisugong baklita
Kaya kinurot niya ito sa tagiliran
"Ouch naman bru, sakit niyan ha, " saad nito na pinandilatan niya pa ng mga mata.
"Panindigan mo ang ginagawa mo, ikaw ang nag- umpisa ng kadramahan mo na ito kaya magdusa ka baks!", saad niya na hinila na ito palabas ng kanyang coffee shop.
"Hinay hinay naman sa paghila mo sa beauty ko bru", reklamo nito
"Ang lamya mo kasing maglakad kala mo nagslomo ka riyan ", pahayag niya
"Wag mo kasi akong itulad sa iyo, babae naturingan mukhang kapatid naman ni Machete kung umasta.. Kaya wala nagkamali sa iyo,Day!", saad nito na tinampal niya ito sa balikat
Pinagtitinginan pa sila ng mga customer na nadaanan nila.
"Taray mo talaga baks, maraming mga napabaling pa rin sa inyong mapagkunwaring alindog. Kung alam lang nila ang totoo nako nako naloka na,sa isip niya kasapi ito sa federation ng ABCD community.
Pagkalabas ng coffee shop deretso sila sa sasakyan nito.
"Sasakyan mo gamitin natin nagtitipid ako ng gasolina.", saad niya
"Kahit kailan kuripot ka talaga bru ", pahayag nito sabay tawa pa ng nakakaloko
"Kesa naman sa iyo poro datong sa mga boylet mo nilukuko ka lang naman nila ", pahayag niya
"Atleast natikman ang kanilang mahabang..... pasensya !", saad nito
"Yuck ka as in yuck talaga baks!..magdrive ka na nga baks nang makakain na tayo", sinunod naman siya nito
Hindi nagtagal ay tumigil sila sa isang Spanish restaurant La Cosina Aldentè Restaurantè ang basa niya sa pangalan ng restaurant.
"Dito tayo kakain?", tanong niya
"Ay hindi bru mamamasyal tayo dito", pilosopo nitong sagot
"Pilosopo ka rin 'no.. ang mahal kasi ng pagkain dito e 'yan ang ibig kong sabihin," saad niya
"Gusto mo sa turo turo tayo kumain?.. hindi naman ikaw ang magbabayad , ako naman.. kaloka ka na talaga", pahayag nito
"Sige na nga, go lets na baks", masaya niyang sabi nauna pa siyang naglalakad baka magbago pa ang isipan mahirap na, ma-pornada pa ang libre niya.
"Bru, may kasama ka ba o wala?", reklamo nito na ikinahinto niya sa paglalakad at hinintay ito.
Nginitian niya ito ng pinakamatamis niyang ngiti.
"Muk'a ka naman ngayong tan'ga sa ginagawa mo", pahayag nito
Natigil na lang siya sa wqiter na lumapit sa kanila
"Table for two Ma'am, Sir? tanong nito sa kanila
"Yes please, sagot niya
"This way ma'am!", pahayag nito
Inilibot niya ang paningin sa buong paligid, napaka warm and cozy ng ambiance ng lugar , gaganda pa ng mga kulay ng ilaw na nagsasalitan sa pagsindi.
"Here po ma'am ,Sir ang table niyo.Here's the menu also, ma'am and Sir" tinanggap naman nila ang menu.
"Puwede mo muna kaming iwanan ng girlfriend ko", saad ni Andrew a.k.a Andrea sa gabi, gamit ang baritone voice.
"Okay po Sir!.. tawagin niyo lang po ako kapag nakapili na kayo ng girlfriend niyo", saad ng waiter at tumalikod na muntik na siyang mabilaukan sa salitang nobya.
"Maka Sir, naman ang waiter na 'yun ,baka gusto niyang laspagin ko siya ", maarte nitong reklamo.
Lumalabas talaga ang tunay na kulay ng bakleta kapag may mga lalaking nakikita.
"Ikaw na bahala sa order natin bru", malandi nitong pahayag
Kaya tinitignan niya ang menu,
"Okay, ako na bahala, dati pa naman ako na lagi nag-oorder natin kapag ganitong magkasama tayo", paalala niya pero hindi ito sumagot kaya pinagpatuloy niya ang pagpili.
Pinili ko , Tapas, Paella Valenciana, Gambas Al Ajillo, at croquetas jamon..dessert ay ang leche frita at goxua.
"Baks okay lang ba ito, tignan mo?.. saad niya na pinagtaka niyang walang sumasagot sa kanya.
Asan na ang bakla na 'yun? tanong niya sa kanyang isip
Nag-antay siya at hindi muna siya umurder baka bigla siyang iwanan ng baklang Andrew na yon, ako ang magbayad ng lahat.
Ilang minuto lang bumalik din ito at,parang galing sa sabunutan ang gulo ng buhok at parang may mali dito na iwan.
"Bakla saan ka galing?", tanong niya dito, dahan dahan naman itong umupo sa inupuan nito kanina.
"Sa cr lang, " saad nito na dumukot ng panyo sa bulsa at nagpunas ng mukha.
"Naka order ka na ba?", tanong nito
"Paano ako mag-order e wala ka, mamaya tinakasan mo ako, e di tudas ang ilang libo ko.", pahayag niya
"Sigurista ka talaga, bru ", reklamo nito
"Naman!, mas mabuti na ang manigurado ' no?", pahayag niya
Tinawag na nito ang waiter at sinabi na niya ang order nila.
Mamaya bumalik ito at dalang tray, "Ma'am while waiting sa order niyo may compliment po ang restaurant soup po namin Salmorejo ang pangalan ng soup na ito at ito po churrus it like cinnamon doughnut ito ma'am.
"Thank you", saad niya sa waiter
Binigyan sila ng tig-iisang mangkok ng salmorejo soup at iilang piraso na churrus daw.
First time niya kumain sa Spanish restaurant mas madalas sila kumain magkakaibigan sa Japanese.
Ilang minuto rin silang naghintay sa kanilang pagkain halos isang oras, pero sulit naman dahil ang sasarap ng pagkain na kanyang mga napili.
Pagkaalis ng waiter ay inumpisahan na nilang kumain.
Nasa kalagitnaan siya sa pagkain ng makaramdam ng may parang nakatingin sa kanya. Lumingon siya sa kanang direksyon at nakita niya siya si Taemon na may kasamang babae , nakatingin din ito sa kanya.
Sophisticated manamit ang babae halos luwa na ang mga kayamanan nito na dapat hindi pinapakita.
Pakialam niya ba sa kanila, itinuon niya sa kanyang sariling pagkain ang atensyon niya.
"Masarap itong mga napili mo na pagkain bru, infairness marunong ka pumili ", at hinawakan pa ang kanyang baba, echos talaga itong bakletang 'to sa mga makakita siguradong isipin nila na boyfriend niya ito.
"Hehehe tsamba lang baks, natikman ko na rin kasi ang paella na 'yan..hindi nga lang sa restaurant luto lang ng mommy.", saad niya
"Oo nga 'no naalala ko noong bata pa tayo ..nagluto si Tita ng paella dahil akala niya paborito natin", mahina nitong sabi na sinandukan pa siya ng gambas. Nginitian niya naman ito .
"Salamat baks," pasalamat niya at sumubo na rin ng pagkain.
"Kilala mo ang may-ari ng restaurant na ito,baks?", tanong niya sa kawalan ng sasabihin
"Oo naman, well known kaya ang may-ari nito.. how come hindi mo kilala ", patuyang sabi nito
"Alam mo naman na hindi ako mahilig sa mga lifestyle issues ng ibang tao... you know since we are kids..baks",
"Kaya nga e, until now still nbsb ka", pang-alaska nitong sabi
"Hindi pa lang kasi sa akin dumating ang tao na makakasama ko habang buhay ", seryosong saad niya sa gitna ng kanyang pagsubo
"Ang sabihin mo takot ka sa rejection", saad nito na ikinabilis niya ng tingin niya dito.
"Sort off" , pag-amin niya dito
Ito lang ang taong nang- reject sa kanya.
Nakakatuwa lang ang nangyari na iyon.
Flashback
Grade 6
"Maria bumaba ka na riyan nandito na si Andrew", sigaw ng mommy niya
"Nariyan na mom ", sagot naman niya
Kinilig naman siya kapag palagi siyang sinusundo ni Andrew, crush niya kasi ito.
Nag-ayos siya talaga gusto niyang makita siya ni Andrew na mukhang dalaga na at hindi bata.
Isang araw dahil ss sabi ng kanyang utak pinagtapat niya kay Andrew ang kanyang naramdaman, nagresearch pa siya sa Google kung anong tamang gawin.
"Andrew, my crush ka na ba dito sa ating school?", nahihiya niyang tanong
"Bakit mo naitanong 'yan,hindi mo ba alam ang bata bata mo pa para sa ganyan.", tahasan nitong sabi sa kanya na para siyang sinakal mukhang basi sa sinasabi nito waley na siya.
"Alam ko na bata pa ako at bata ka pa din , parehas tayo pero kasi Andrew e, crush na crush kita.. parang love na nga itong naramdaman ko para sa iyo.", tuloy tuloy niyang sabi. Nagulat naman siya sa lakas ng tawa nito, napahawak pa ito sa tiyan nito.
" May sakit ka ba,Maria?", tanong nito na tumatawa pa rin
"Seryoso ako, tawa ka ng tawa riyan ", nahihiya na niyang sabi
"Sige seryoso na ako, may crush na ako dito sa school pero hindi babae ", pahayag nito
"Anong ibig mong sabihin sa hindi babae ang crush mo?", nagtatakang pahayag niya
"Oo ,may secret ako sa iyong sasabihin.. promise 'wag mo sasabihin sa iba ,okay?", pahayag nito na ikinakunot niya ng noo
"I was gay, hindi alam nila mommy at daddy ", seryoso ang mukha nitong sabi
"Si Arvin ang crush ko , iyong sa kabilang section, guwapo niya diba?", kinilig nitong sabi
Imbis matuwa siya at damayan niya ito ,tumayo siya at nagtatakbo paalis sa school na iyon. Ang kanyang mundo ay gumuho dahil sa nalaman niya na lalaki rin ang gusto ng mahal niya .
Ilang araw siyang hindi nagpakita dito hanggang sa graduation nila sa grade six hindi niya ito kinakausap.
End of Flashback
"Say a, utos nito sa kanya na isusubo sa kanya ang kutsara na may lamang goxua isang dessert.
Ngumanga naman siya, at ang sarap ng nalasahan niya.
"Tikman mo rin, saad niya at sumandok rin ng goxua sa kutsara niya at isinubo din dito.", nagulat na lang sila pareho ni Andrew sa pagbagsak ng plato sa sahig.
Napalingon sila sa dako nila Taemon at sa kanila nga galing ang plato na nahulog sa sahig.
Pagtingin niya tamang tama nakatingin ito sa kanya na parang galit na galit sa kanya.
Anong problema ng hudiyo na ito, tanong niya sa isip
"Pasensya na , natabig niya kasi ang plato.. pero hindi naman niya sinasadya", hinging paumanhin ng babaeng kasama.
"Okay lang Miss," saad ni Andrew
"we understand right babe?", tanong nito sa gamit pa ang endearment nila dati kapag nagpapanggap sila. Nginitian niya lang ito as usual reaction niya.
"Punta lang akong powder room ", paalam niya
"Sasamahan pa ba kita?", tanong nito na nakangiti pa
"Echos mo talaga baks," bulong niya sa taynga nito na ikahagalpak nito ng tawa",natampal niya sa braso.
Tumayo siya at bitbit ang kanyang velvet couch bag nagtungo sa powder room ng restaurant.
Nagtuloy siya sa isang cubicle. Iniisip niya si Taemon nagtaka kasi siya sa inaakto nito. Noong nakaraan okay naman sila sinamahan pa siya sa presinto.
Nakakaloka ang ugali niya. Bahala na siya kung saan siya masaya 'wag niya akong idamay. Ayaw niya ng isipin pa mastress lang siya.
Naghugas siya ng kanyang kamay at inayos ang buhok naglagay ng lip balm. Lip balm lang ang ginagamit niya para hindi dry ang lips niya. Sinuklayan niya rin ang kanyang buhok at pagkatapos ng ginawa ay hindi niya nakalimutan ang magspray ng kanyang vanilla scent Victoria Secret cologne. Perfect! sa isipan niya.
Paglabas niya, nagulat pa siya na may nakasandal na lalaki at muntikan pa niya itong mabangga. Buti na lang mabilis ang reflexion niya.
"May tinatagong landi ka rin pala sa katawan", bungad nito sa kanya na ikinilaki ng kanyang ilong, anong pinagsasabi ng bastos na lalaking ito.
Balak niyang lagpasan ito dahil ayaw niyang mastress ang sarili. Isipin niya na ang gusto niyang isipin.
"Wag kang bastos babae!", saad nito sa kanya
"Gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin my life my rules", inis niyang sabi
"Tabi!", madiin niyang sabi
Tumabi naman ito saka siya umalis palayo at pabalik kay Andrew.