Chapter 11

1484 Words
Pagkatapos nilang kumain ng mommy ay nagkanya kanya na silang akyatan sa kani kanilang silid. Pagkapasok niya sa silid niya, ibinagsak niya ang buong bigay ng katawan sa malambit niyang kama. "I miss my room and my bed.. ahhhhh!", saad niya sa sarili na may kasama pang hiyaw Nang tumunog ang kanyang cellphone na nasa loob pa ng kanyang clutch bag Nagmamadali niyang kinuha ang bag at dinukot ang cellphone. Nakita niya si Amaya ang tumatawag "Hello, sissy!", tili niya "Arrrayyy ko naman, Catherine, gusto mo ba mawasak ang eardrum ko sa tili mo!", saad nito sa kabilang linya "E sa namimiss kita e", pahayag niya "Sa makalawa ay house blessing ng bahay kaya sana makarating ka", seryosong sabi ng kaibigan sa kabilang linya "Oo naman sissy, pero puwede ba na may isama ako?", naalala niya kasi ang blind date niya sa tanghali at sa makalawa rin 'yun. "Lalaki ba 'yan?", tanong nito "Sort of, actually hindi ko pa siya nakikita, it was a blind date.. naalala mo 'yung crush ko noong elementary grade natin?", pahayag niya "Ahhh oo sino nga ba 'yun?", tanong nito "Kaloka ka naman sissy, kilala pero tinatanong kung sino.", pahayag niya "Naalala ko but I forgot the name,kasi", saad nito "Si Andrew 'yun!...", "Ahh I remember na , naging Andrea sa gabi hehe ", putol nito sa kanyang sasabihin "Tama sis, siya nga .. May ipa-blind date siya sa akin," saad niya "Why not , baka jan sa blind date na 'yan mahanap mo ang iyong the one..diba?", pahayag nito "Oo nga try ko,hindi na rin naman ako bumabata I'm going 24 this October ", sang-ayon niya sa kaibigan "Basta, 'wag kayong mawawala sa house blessing.. sa Cavite nga pala ang location", pahayag nito na ikina oo niya. "Kumusta si Tito at ang asawa mo, okay na ba sila?", tanong niya "Kilala mo ang daddy mahirap suyuin pero nakikisama ang aking asawa, mabait si Gio mahaba ang pasensya. ", saad nito sa kanya "Lalambot rin 'yan si Tito Ricardo lalo na kapag makita niya na ang kanyang unang apo, sayang nga at nakunan si Aminah, 'no?.. dalawa na sana ang apo nila Tito at Tita sa inyo", pahayag niya sa kaibigan "Magdilang anghel ka sana Cath", ang pahayag nito "Oo naman, walang namang matigas na lolo sa napaka cute na apo!", may halong biro na saad niya "O siya basta ang usapan natin ha, sa linggo ng 2:30pm ipasa ko sa iyo sa w******p ang location ng bahay. Nasabi ko na rin kela Jess at Monique ", pahayag ng kaibigan "Okay salamat sissy sa pag-abalang sabihan ako.. babushh!", saad niya "Bay-bye!, at ibinaba na ang tawag. Pagkatapos nilang mag-usap na kaibigan napagpasyahan niyang magbake ng ilang cake para sa kanyang coffee shop at cookie total maaga pa naman. Bumaba siya ng kusina at naabutan pa niya ang kanilang kasambahay nanaghuhugas ng plato pinagkainan nila ng mommy "Hi po Ate Thelma, kumain na po kayo?", magalang niyang tanong sa isa tatlo nilang kasambahay "Tapos na, Day Cath..May iutos ka ba? ", pahayag nito "Hmmm wala naman ,gagawa lang ako ng mga cakes para sa aking coffee shop", pahayag niya dito "Ayy tamang tama po , puwede po ba kami ni Rose tumulong sa inyo at para po matuto po kami ", masaya nitong sabi "Oo naman, ' yun naman pala .. tawagin mo na siya ", utos niya Hinahanap naman niya sa fridge ang mga kailangan niyang ingredients. Ilang minuto dumating na ang mga kasambahay na gusto daw matutong magbake. "Paki- kuha po ate Rose ang mga molder natin, at mga tray", saad niya sa isa sa kasambahay "Opo, Miss Catherine ", magalang nitong sabi Ang dalawa ay mga matagal na nang nagtrabaho sa kanila , elementary pa lang siya ay itong dalawa na ang lagi niyang kasa-kasama kung wala ang mommy niya. "Ano po'ng cake ang gagawin po niyo,Day?", (Day ay bisaya word na inday) "Marami po ,Black Forest, Pistachio and Rose , Sans Rival, Caramel Apple Coffee, Brazo de Mercedes, Strawberry Orange, Chocolate Peanut Butter.", pahayag niya na inumpisahan na niyang maghalo ng ingredients para sa Black Forest, "Marami po pala ,ang akala ko iisang klase lang ng cake hehe", si Thelma na natawa pa sa kanyang sinasabi. Inilagay niya sa mixer ang gagawin niyang black forest para mas madaling matapos, at pinainit na niya ang oven, sabay sabay niya nang ilagay sa oven upang matapos kaagad. Halos tatlong oras siya natapos gumawa ng batter para sa pitong klase ng cakes, dahil malaki ang oven nila kaya ang pito sa loob nito. Mabuti na lang may kasama siyang kasambahay na tumulong pa sa kanya mag-imis. Inihanda niya naman ang mga para sa decorating ang icing at frosting. "Ma'am ang swerte ng maging asawa niyo,", si Rose "Nako wala nga akong jowa, ate Rose..tsaka nakakatakot magkaroon ng boyfriend baka katulad lang kay Daddy ang mahanap ko", seryosong saad niya "Nako Miss Cath, tama ka po .. marami na po sa ngayon mga manluluko, uso po kasi na ang internet, may makikilala lang sila sa f*******:, goodbye ka na!", si Rose na mukhang may karanasan din sa kabiguan. "Rose, bakit nangyari ba sa iyo?", si Thelma nagtanong "Oo ,kaya ko nasabi dahil subok ko mismo, 'no?", pahayag nito "Anong nangyari, dali ikwento mo naman!", masayang pahayag ni Thelma "Boyfriend ko sa probinsya , tatlong taon kami, nang hindi ko maibigay ang hinihingi niyang regalo, ayon pinagpalit ako sa mas malapit at siguro yung gusto niya makuha sa akin na hindi ko maibigay, nakuha niya siguro doon", madamdamin pahayag ni Rose na nakikinig lang siya. Ang saklap din pala ang pinagdadanan nitong si Rose sa pag-ibig. Ang mga lalaki talaga poro kamunduhan ang gusto. "Mabuti Rose at hindi mo binigay ang iyong bataan, hindi ka rin naman nakasisigurado kung pagkatapos niyang makuha ang gusto niya sa iyo kung hindi siya maghanap ng iba...atleast intact ka pa rin kahit magluko man siya.. keysa warak kana , luhaan pa.", mahabang paliwanag nito kay Rose Inihaon niya na sa oven ang mga cakes palamigin niya na lang para sa decorating. "Miss Catherine, perfect po ang cakes niyo.. sigurado akong mabinta ' yan talaga sa coffee shop ", si Thelma "Agree ako sa iyo Rose, wala pa mang design mukhang ang sasarap na sa aroma pa lang. Natutuwa naman siya sa outcome ng kanyang cake, mga good comment ng kanilang kasambahay ay nakaka inspired na. Naiiba sa ginawa niya ay ang braso de mercedes hindi na kasi kailangan na lagyan ng icing at design. "Maraming salamat sa inyong dalawa mga ate, " pahayag niya sa mga ito "Wala pong anuman, Miss Catherine.. natuto rin po kami sa inyo.", si Thelma na itinabi na ang ginagamit niyang mixer. Nang lumamig na ang mga cakes ay inumpisahan niya na ang pagdesinyo dito. Una niyang ginawa ang black forest. Nilagay niya ito sa electric rotating cake stand for design. "Iwan niyo na ako rito mga ate, maglalagay na lang naman po ako ng icing," utos niya sa dalawang kasambahay "Sigurado po kayo Miss Catherine?", tanong ni Rose isa sa kasambahay "Opo, alam ko pagod na kayo at bukas kailangan niyo pa gigising ng maaga.", pahayag niya "Sige kung ok ka lang dito, iwanan ka namin.", pahayag ni Thelma na tumayo na sa pagkakaupo "Salamat po mga ate ,ah!", masayang pahayag niya "Walang anuman ",,unison na sabi ng dalawa at naglalakad na palabas ng kusina. Unimpisahan naman niya ang maglagay ng icing. Inabot rin siya ng halos isang oras sa paglagay ng icing at filling maging maglagay ng decors. Pagkatapos ay inilagay niya ang mga cake sa fridge at hingusan ang kanyang mga ginamit na utensils saka siya umakyat sa kanyang kuwarto upang matulog na. Kinabukasan maaga siyang nagising at naligo kaagad. Pagkatapos niyang naligo ,nag- ayos na siya ng sarili. Trip niyang magsuot ng floral silk shirt blouse by D&G nilagyan niya ng belt for style at partner niya ang white skirt na hanggang kalahati ng hita niya. Makinis naman ang kanyang balat at maputi rin siya kaya confident siyang magsuot ng sexy outfit Wedge heel knee high boots na kulay light brown ang pampaa pagkatapos inayos niya ang kanyang mahabang buhok tinalian niya ng high ponytail. Nagwisik rin siya ng kanyang cologne from Victoria Secret vanilla rose flavor Lipgloss lang ang kanyang ginamit, ayaw niya ng lipstick or liptent. Bumaba na siya , pagkatapos. "Good morning Miss Catherine,", bati ni Thelma sa kanya "Good morning din po ,ate!", ganting bati niya dito "Yong cake po na ginawa niyo nasa kotse niyo na po, Miss Catherine", si Thelma "Salamat po, ate Thelma", pahayag niya "Kakain po ba kayo at ipaghanda ko po kayo?", tanong nito "Sa coffee shop na ako kakain, ate.", saad niya Naglalakad na siya palabas ng main door papunta ng garahe. Binuksan naman siya nito ng gate, automatic ang gate nila may pipindutin lang sa loob upang bumukas. At nagmaneho na papunta ng coffee shop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD