Pagpasok niya ng opisina ibinagsak niya ang katawan sa pandalawahang sofa. Napagod siya bigla sa nangyari kanina.
Ang balak niyang ipahinga ang pagod na katawan ay nauwi sa mahimbing na pagtulog na hindi niya naramdaman ang kung sinong pumasok sa loob ng kanyang opisina na lumuhod ss kanyang harapan at hinaplos haplos ang kanyang buhok.
I'm sorry, nang dahil sa akin hindi ka na tuloy nakakain ng tanghalian at nakatulugan mo na.
Iwanan ko itong lunch mo para pagkagising mo kakain na lang.
Tumayo na ito at inilapag ang biniling pagkain sa lamesa na nasa harapan ng dalagang nakatulog.
Pagkatapos mailapag, tumayo ang lalaking walang iba kundi si Taemon. Naglalakad ito palapit sa pinto ng opisina nang dalaga at lumabas na deretso palabas at binati pa ang mga empleyado na nakatingin sa kanya.
Pagkalabas ng coffee shop ay sumakay na sa kanyang suv na naiwan nila kanina at umalis sa lugar.
Nagtungo siya sa bar para makapagrelax. Tumunog ang kanyang cellphone na palaging nakalagay sa compartment box nasa loob ng kanyang sasakyan. Sinagot niya ang tawag gamit ang kanyang bluetooth earphone.
"Hello ", bungad niya dahil hindi niya alam kung sino ang tumatawag sa kanya
"Si Monique 'to kuya pakisabi naman kila mommy na overnight ako kila Jessica.", ikipagtaka niya sa narinig sa kanyang kakambal.
"Bakit nawala ka kanina sa presinto, asan ka ngayon?", tanong niya
"Dito pa ako sa groceries kasama ko si Jessica", sagot nito sa tanong niya
"Kuya you must be thankful for me ,I'm given you enough time with Catherine.. hindi ko alam..
"Tumigil ka nga Pangit!..your jumping into a bad conclusion.. you mis interpret what you've heard in the presint ", depends mechanisms explanation
"That's explainable, okay?", pahayag niya sa kakambal
"Defensive ang nagbibinata, ang daming reasons ", pang alaska sa kanya na narinig pa niya ang nakakaloko nitong tawa
"Tama na ang pang-aasar mo sa akin kung ayaw mo na mapauwi ka na wala sa oras at mapornada ang pantulog mo sa mga kaibigan mo.At hindi ka na kahit kailan papayagan na magsleep over sa bahay ng mga friends mo.", panakot niya dito
" Ganyan ka naman palagi kapag nako-corner na kita, always using blackmailing!", saad nito
"I love you ,Kuya!.. promise ilakad kita, bye!", saad nito at pinatayan na siya ng tawag.
Bakit nga ba niya sinasabi na boyfriend siya ni Catherine kanina sa presinto, kausap niya sa sarili
Baliw na yata siya kung ano ano na ang nagawa niya kapag nasa paligid lang si inahing manok.
Iwasan na nga niya ito, mas mainam pa niyang gawin.
Pokos ka sa mga ginagawa mo, mas maganda nga ang walang commitment.
Sa naisip ay tinawagan niya ang number ng kaibigan na si Hans. Sa lahat nilang magkakaibigan si Hans ang pareho niya ayaw rin ng seryosong commitment pagdating sa mga babae.
Nakailang ring bago ito sinagot.
"Pare napatawag ka?", bungad nito sa kanya
"Free ka ba ngayon?",,saad niya
"Babe I'm ready!" malambing na narinig niyang boses ng isang babae .
"Sorry, pare.. dito ako sa bahay ng chicks ko!", binababaan niya na lang ito ng tawag pagkarinig sa paliwanag ng kaibigan
Sa Coffee shop ni Catherine
Ang natutulog na si Catherine ay nagising sa isang katok mula sa labas ng pinto ng kanyang opisina
"Miss Catherine! Miss Catherine!", tawag ng kubg sino ang tumatawag sa kanya
Tumayo naman siya sa kanyang pagkakahiga. Lumapit sa pinto at bunuksan ang pinto
"Yes?", inaantok pa niyang tanong sa kumakatok
"Miss Catherine may naghahanap po sa inyo ",pahayag ng waitress na si Leah
"Lalaki o babae?", wala pa sa huwisyo niyang tanong
"Lalaki po Miss Catherine, kilala mo raw siya ", pahayag nito
"Pakisabi na lalabas na ako.. Salamat Lhe, utos niya tumalikod na ito pagkatapos niyang nagpasalamat dito
Nagtataka naman siya kung sino ang naghahanap sa kanya sa ganitong oras ,Ala sies y media na ng gabi. Inayos niya ang sariling buhok pagkatapos ay sinilip niya ang sarili sa salamin. Hindi siya nagpalagay ng kulurete ss mukha ngayon. Hayaan na na simple lang siyang haharap sa lalaking naghahanap sa kanya.
Nang makunteto sa mukha niya at sa pagkatali ng buhok niya nagwisik siya ng kanyang Victoria Secret na vanilla scent cologne.
Naglalakad siya papalabas ng kanyang pinto at binuksan ito saka isinara pagkalabas niya.
Ang bango bango talaga ng pabango mo Miss Catherine, si Lani ang panggabi niyang waitress.
"Thank you, saan ang naghahanap sa akin, Lani?", tanong niya dito
"Miss si Leah po ang may alam po ,Miss Catherine..saglit lang po at pupuntahan ko lang po nagserve po sa customer natin e", pahayag nito
"Hayaan mo na ako na lang pupunta ", saad niya at lumabas na siya sa restricted area nila, naglalakad papalabas.
Nakita niya naman si Leah na nakatalikod naglapag ng order malamang sa isang customer.
Hinintay niya ito matapos, ilang saglit lang ay pabalik na ito sa puwesto nila.
"Miss Catherine, andito na po pala kayo,", saad nito
"Saan ang naghahanap sa akin na lalaki?", tanong niya
"Lika po Miss Catherine, sasamahan na po kita sa kanya.", pahayag nito pagkasabi naglalakad na ito at pumunta sa isang lalaki na nakatalikod at paharap sa salamin ng coffee shop.
"Sir andito na po si Miss Catherine ", saad ng waitress niya sa customer nila at hindi ito familiar sa kanya.
Dahan dahan naman itong humarap sa kanila at nagulat siya sa nakita, ang kababata niya ito si Andrew.
"Surprised!", saad nito sa kanya na nakatulala pa rin siya dito.
"Hoyy huminga ka naman, bruha to, baka ako pa ang dahilan ng pagkatigi mo day!", saad nito
Si Andrew ay crush niya noon kaso lalaki rin pala ang gusto nito pareho silang Fafa ang gusto. High school sila bg magmigrate ang pamilya nito sa Canada at iyon nga nagkahiwalay sila ng landas.
"Kailan ka pa dumating, bakla?", masayang tanong niya dito
"Noong makalawa pa, syempre pahinga ang beauty bago rumampa ang lola mo," pahayag nito na girlalo talaga ang pilantik ng boses at tikwas ng mga daliri kaso macho naman ang katawan.
"Doon nga tayo sa aking opisina, bakla.. marami kang kasalanan sa akin", pahayag niya
Si Andrew o Andrea ay hindi halatang bading ito sa pormahan lalaki pa rin ito kung magdamit.
Dati nga pagkamalan pa silang magjowa pero itong bruhang bakla na ito, nagawa pang e-turn down ang beauty niya.
Una nasaktan ang girl ego niya pero nauunawaan niya rin ang sitwasyon nang baklita.
Nakarating sila sa kanyang opisina, "Maupo ka, " aya niya dito pero napansin niyang nililibot ang tingin nito sa kabuuan ng silid ng opisina niya.
"Kahit kailan talaga ang dull ng taste mo pagdating sa decorative etiquette and designs... walang ka art art.", panira nito sa kanyang design sa kanyang opisina.
"Wag mo na nga pakialam 'yang taste of designs ko", saad niya
"No no as in a big no capital N- O.. hindi mo ba alam bru na ang art or design nagre-reflect din ito sa ating buhay especially sa ating lovelife.", pahayag nito sa kanya
"Ano naman kinalaman sa buhay ko at mas lalong anong kinalaman sa lovelife ko, whatsoever, baks?", mapanuyang tanong niya
"Hmmm hulaan ko ,wala kang lovelife mula noon hanggang ngayon!", hula nito na tinatap pa ang maarte nitong daliri sa mukha nito at totoo naman na wala siyang boys.
" See , corrected by ako bru dahil your arts and design are so lame my dear! and as I said it's reflected to your lobalo!", maarte nitong saad.
Nakatingin siya dito hindi talaga ito bagay na maging federation ng mga ABC community
"Ano naman 'yang lobalo na sinasabi mo", takang tanong niya
"Ay malanding echosirang palaka no knowledge ang lola akits, lovalo in long words lovelife!", pahayag nito at umupo ito sa sofa na kaharap ng lamesa niya
"Ikaw lumadlad ka lang mga alien na ang lumalabas jan sa bibig mo", ingos niya dito
"Hula ko virgin ka pa ' no?", nanlaki ang butas ng kanyang ilong sa narinig dito
"Anong kahalayan naman 'yang pumasok sa utak mo,Andrew?.. ako ang kinilabutan sa iyong bakla ka.. magmomog ka nga ng holy water para luminis ang bunganga mo ang dumi e", kinilabutan niyang sabi.