Pagpasok nila sa loob ng opisina ng Inspector. Nakita nila ang mag-asawang chinese na makita sila ay tumayo ito kaagad, nagtago naman siya sa likod ni Taemon na hinawakan naman siya nito sa kanya baywang.
"Miss Dela Peña, mabuti at nakarating na kayo, huwag kang matatakot.", narinig niyang sabi ng Inspector kaya sinilip niya ang mag-asawa.
"Umupo muna kayo at iminustra ang kamay sa isang pantatluhang sofa." Umupo naman sila
"Bago ako magsimula sa mahalaga kong sasabihin, ipakilala ko muna ang mag-asawang Taiwanese national na dito na nakatira sa bansa."
"Miss Dela Peña, sila si Mister and Mrs. Teng ang may-ari ng sasakyan na dinala mo dito sa aming tanggapan."
Napatingin naman siya sa mga ito na kasalukuyan nag-uusap ang mag-asawa sa kanilang salita na nauunawaan niya naman dahil sa lola niya na side sa mommy niya ay pure chinese na mula sa Shanghai China.
"Téng xiānshēng hé tàitài nîmen hăo ma", sabay yoko niya sa mag-asawang Taiwanese. Ang salita na sinasabi niya ay Mandarin Chinese (Kumusta po kayo Mr. and Mrs. Teng.)
Nagulat naman silang lahat dahil sa fluent kong pagbigkas sa salita ng chinese. Masaya naman na lumapit si Mrs. Teng sa kanya dahil hindi pala ito marunong magsalita ng tagalog or kahit sa English.
"Wô hên gāoshìng nî shīdào ma wõ de yûyán" pahayag nito sa kanya na hinawakan pa ang kamay niya ( Sobrang saya ko na marunong ka sa salita ko)
"Wô de zûmû jiào wō shuōhuà, wô de zûmû shì yī míng laôshī", paliwanag niya kay Mrs . Teng na nginitian siya nito ( Tinuruan po ako ng maternal grandmother magsalita ng chinese. Kasi ang lola ko ay isang teacher)
"Qin'ai de, bie zaishuo wômen de yūyànle yōuxié wúfâ lîjié"." pahayag ni Mr.Teng sa asawa dahil nakatunganga na ang mga kasama namin dahil hindi sila nakakaunawa sa pinag-uusapan.
"Bâobèi, duìbùqî ", hingi ng paumanhin ni Mrs. Teng sa asawa.
"Xièxiè", pahayag ni Mr.Teng ( thank you)
Pasensya na kayo sa asawa ko masaya lang siya dahil marunong pala magsalita itong so Miss sa salita namin na mandarin chinese", pahayag ni Mr.Teng sa tono ng chinese
"Nauunawaan po namin Mr.Teng, ang iyong asawa ", si Inspector Suarez
"Nagpasalamat po kami ng marami dito kay Miss Catherine kundi dahil sa kanya hindi maibalik sa amin ang aming sasakyan.", pahayag ni Mr.Teng
"Walang anuman po iyon, Mr.Teng." siya naman
"Matagal nang nawala ang sasakyan namin na 'yan. Pinagrocery lang namin ang aming kasambahay, nang biglang nawala sa parking lot ng supermarket ang sasakyan kasama pa ang mga groceries sa nawala.", paliwanag nito
Nalungkot naman siya sa narinig. Pero kahit nakidnap siya may hatid rin palang mabuti sa iba ang nangyari sa kanya. Iyon nga lang siya ang nalagay sa alanganin.
"Hindi na kami magtatagal, Inspector. May lakad pa kami ng asawa ko ", si Mr.Teng
"Salamat ulit sa iyo, Miss Catherine!", saad nito sa kanya
"Xièxiè" si Mrs. Teng (Thank you)
"Bù kè qì", sagot niya dito ( you're welcome)
"Tài gânxièle" si Mr.Teng ( Thank you so much)
"Méi wèn ti, sagot niya your welcome
Lumabas na ang mag-asawang Taiwanese sa opisina ng Inspector.
Naramdaman naman niya ang paghawak ni Taemon sa baywang niya. Sumisimple pananching sa kanya
"Sissy ang galing mo pala sa chinese ", si Monique
"Naturuan lang ng lola ko ",
Tungkol sa kaso mo Miss Dela Peña, nakipag-unayan ang team ko sa Police Sta Cruz Laguna at natunton nila ang lugar na sinasabi mo na abandonado na building. Noong pinuntahan nila ang lugar wala silang nakitang bakas na ginamit ito nang kung sino man. Malinis ang lugar, walang kahina hinala o bakas." pahayag ng Inspector Suarez
"Baka naman Inspector nakatunog na sila na magsumbong itong girlfriend ko sa mga otoridad at pinalinis nila ang area na maaring ebidensya.", napalingon naman siya kay Taemon sa pahayag nito kay Inspector.
Nagpipigil naman ng tawa si Monique na pinanlakihan niya ng mata.
"Tama ka sa kalkulasyon mo, 'wag kayong mag-alala hindi kami titigil sa paghahanap ng mga impormasyon tungkol sa iyong case Miss Dela Peña na makapagbigay sa atin ng lead sa mga kidnapper mo. At kung sino ang mastermind sa pagpadukot sa iyo.", pahayag nito sa kanya
"Matanong nga kita Miss Dela Peña, wala ka bang natandaan na may naka-away ka o may galit sa iyo?", tanong nito sa
"Baka may nakabangga ka na yun ang may motibo para ipakidnap ka.. alalahanin mo ng mabuti Miss Dela Peña", dagdag pa sa sinasabi nito
"Wala po talaga, Inspector", tinignan naman siya ni Monique nang makahulugan.
"Puwede na kayong umalis kung gusto niyo na, kapag may bago tayong lead ibalita ko kaagad sa iyo Miss Dela Peña. ", salamat Inspector, tumayo siya at nakipagkamay
"Salamat, Inspector ", pasalamat ni Taemon
"Mauna na po kami, Inspector!" si Monique at nakipag kamay pa ito sa Inspector.
Kinamayan naman ni Taemon ang police na naghatid sa amin. Tuloy tuloy kaming lumabas
Magkasabay silang lumabas ni Taemon palabas ng presinto ng pulisya nang may maalala siya.
"Parang ene- enjoy mo namang magkakilala kang boyfriend ko sa Inspector ah", tumingin ito saglit sa kanya at ibinalik ang tingin sa nilalakaran namin.
"Sinasabi ko lang 'yon para walang maraming tanong, alam ko na confidential ang pinag- usapan niyo na dapat walang outsider.", pahayag nito sa kanya. Tama naman ito sa sinasabi.. sa isip niya
"Pero nakakahanga ka kanina, marunong ka palang magsalita ng mandarin. ", napalingon siya dito
"Ang lola ko sa side ng mommy ay chinese na galing Shanghai China, nanirahan na dito sa Pinas.
"Kaya pala may feature kang chinese, tsaka iba ang balat mo, maputla na pagkaputi", sa narinig niya napatingin naman siya sa braso niya. Wala naman siyang nakitang kakaiba.
"Nasaan na ba si Monique, nilingon nila naman ang pinanggalingan pero walang Monique na nakasunod sa kanila.
"Tawagan mo kaya, utos nito sa kanya ", kinuha niya naman ang cellphone na nasa loob ng kanyang clutch bag at tinawagan nga si Monique
Nakadalawang dial na siya pero walang sumasagot.
"Walang sumasagot e,sabi niya kay Taemon
"Nasaan ang babae na 'yon", tanong nito
Hindi niya rin kasi napansin kung sumunod ito sa kanila dahil nauna silang lumabas ni Taemon sa opis ng inspector.
"Tara na, uuwi rin 'yon sa bahay mamaya saka malaki na 'yon. ", pahayag nito sa kanya
Pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse niya sa ito umikot sa driver seat
"Saan ang punta mo ngayon?", tanong nito sa kanya
"Sa coffee mo na ako ihatid ", sagot niya
Isinandal niya ang kanyang likuran sa sandalan ng upuan. Nakaramdam na siya ng gutom. Sa coffee shop na lang siya kakain.
Habang nakatutok ang mga paningin niya sa labas ng bintana ng kotse, iniisip niya ang mga nangyari sa kanya sa mga kamay ng kidnapper.
Nakaupo siya sa isang bakal na upuan at nakakadina ang paa at kamay, mabuti na lang nadala sa linlang ang isa ss kidnapper niya, kaya siya nakatakas.
"Anong iniisip mo?", tanong nito bigla sa kanya
"Wala naman, " saad niya
" Nakapanibago ang katahimikan mo," pahayag nito na ikinabuntong niya ng hininga
"Gusto mo bang maingay ako?", hindi makapaniwala niyang tanong
" Hindi naman, gusto ko lang na magsalita ka," saad nito
"Paano ka naman nakidnap, at saan ?", tanong nito
"Noong kasal ni Amaya, sa parking lot ng hotel kung saan ginanap ang reception nila.. pauwi na ako ng may tumakip sa ilong ko at nawalan ako ng malay nagising na lang ako sa loob ng malawak na area poro yero ang dingding nakaupo sa bakal na upuan at nakatali ang kamay at paa.
Nakita niya ang pag-igting ng mga panga nito na naguguluhan siya kung bakit ganun ang reaksyon sa kanyang sinasabi.
"Did they touch you?", tanong nito ulit na sa daan lang nakatutok ang paningin
"May isang lalaki na, hinipuan ako pe...Ay kabayo ka!.. bakit mo ba binubogbog ang manibela ko", sabi niya dito
"Saan ka banda hinawakan?",
"Te-teka lang ,bakit ganyan ka kung umasta?" naguguluhan niyang pahayag
"Sagutin mo ang tanong ko, puwede!", galit nitong sabi na tinitignan niya itong mabuti
"Pa-paano kita sasagutin e nagagalit ka, ano ba ang problema mo?", saad niya dito na hindi naman umiimik
May lahi pa ata itong may sira ang ulo, nagtatanong kapag sinasagot nagagalit, kapag hindi sasagutin nagagalit din.
Nagulat na lang siya nang biglang kumambyo ito pakanan at tinabi ang kotse.
"Ano ba ang problema mo?", gulong gulo na siya sa inasta nito. Kung hindi siguro siya nakasetbelt baka sumubsob na siya sa dashboard.
"Saan ka nga hinawakan, dito?", "Oy oy anong ginagawa mo.. harassment na itong gingawa mo alam mo ba 'yon."
"Inaalis ko lang ang marka sa hita mo", pahayag nito na seryoso pa ang mukha
"Baliw ka ba, magtatatlong linggo na ang nakaraan at ilang beses na akong naligo, malamang nawala na iyon sa hita ko" , pahayag niya at tinitignan ito ng masama
"Umamin ka nga sa akin, seryosohan tayo dito.. nag babato ka o kaya sininghot mo 'yong albatross sa banyo niyo", sabi niya dito na naguguluhan sa mga inakto ng lalaking ito
"Anong sabi mo, pakiulit nga", tanong nito
"Kitam mo 'to bangag na bingi pa.. tsk tsk tsk ", iling iling niyang sabi
" Sa hindi ko narinig e, ulitin mo kasi para magkaintindihan tayo"
"Ayoko nga, kakapagod magsasalita 'no!"
"Sige na , ulitin mo kasi.. kung hindi mo uulitin hahalikan kita riyan!", "Subukan mo lang, kundi babasagin ko ang nguso mo." pahayag niya
"A-ano?!", saad nito
"Bingi ka nga, ang yaman yaman mo hindi ka man lang makakabili ng panlinis ng taynga mo."
"Ano namang kinalaman sa tanong ko?",
"Ha!.. utak lamok talaga, hindi lang bangag, bingi ngayon utak dilis ka rin.. magdrive ka na nga lang at kanina pa ako nagugutom, kakainis!",
"Paano ang hina hina ng boses, paano ko kaya maririnig..teka nga pala bakit ka ba nagagalit sa akin?, saad nito sa kanya
"Ohhh my goodness!", sa inis niya binuksan niya ang pinto sa gawi niya at umibis sa pinto ng driver side saka binuksan ang pinto. "umusod ka!", galit niyang sabi
"A-anong gagawin mo?", tanong nito
"Lumipat ka sa kabila at ako ang magmaneho,buwisit!", lumipay naman ito sa inalisan niyang upuan.
Pinaandar niya agad at kinabig ito pakaliwa ng may nakita siyang pagkakataon na makabuwelo paabante.
"Hoy Catherine, dahan dahan naman!", saway nito sa kanya pero hindi siya nakinig
Panay overtake niya sa ibang sasakyan kung makakita siya na puwede siyang lumusot , lumulusot siya sa inis niya sa lalaking adik at utak lamok, 'wag na ang dilis malaki pala yun kesa lamok.
"Kapag tayo'y bumangga lagot ka sa akin ", narinig niyang sigaw nito
"Tumahimik ka nga, winawala mo ko sa konsentrasyon ko e.",
Tumahimik naman ito. Masunurin naman pala ang mokong na ito. Binagalan na niya ang takbo ng kotse ginawa niyang 60kph. Ilang saglit pa ay nakarating na sila sa kanyang coffee shop. Bumaba na siya ng makaparking na siya at tuloy tuloy lang siyang naglalakad papasok.