Chapter 06

1593 Words
Kinabukasan maaga pa rin siyang nagising, nasanay na siyang magisi by maaga. Pupunta siya ngayon sa kanyang opisina sa coffee shop niya. Naligo pagkatapos nag-ayos ng sarili at bumaba na para makapunta na sa cooffe. Pagdating niya sa coffee shop may iilan ilan na silang customers. Pumasok na siya sa restricted area. Sinalubong naman siya ng kanyang maasahan at mga naging kaibigan niya na ring empleyado. "Good morning ma'am Catherine ", bati sa kanya ni Lhea isa waitress niya "Good morning din Lhe, how's your morning. ", pahayag niya na sinabayan pa ng matamis niyang ngiti saka nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kanyang opisina "Perfectly fine, nga po pala may nagpadala sa inyo ng bouquet ng bulaklak... napahinto naman siya sa paglalakad. "Kanino galing?", nagtatakang tanong niya. Unusual kasi simula't simula wala naman nagpapadala sa kanya ng flowers. Kahit plastic flowers wala. "See it for yourself na lang po ma'am.. baka sa secret admirer niyo po galing " "Poro ka biro, wala ako niyan.. sana nga merun, dugtongniya sa sarili". "Oyyy si Ma'am may secret admirer na", tukso nito sa kanya "Loka loka, Jan ka na nga.." naglalakad na siya ulit bitbit ang excitement sa mukha. Hindi pa siya nakapasok sa opisina niya ng lumapit naman ang kanyang barista na si Clint, "Morning, bati sa kanya "Morning din, kumusta ang new coffee flavor natin?", "Ahhh 'yon, maganda ang outcome ng mga customer natin sa katunayan flavor of the day na siya. ", masaya naman siya sa narinig "Congratulations sa iyo, maasahan ka talaga Clint.." Thank you, my pleasure to work with you..Cath!", masayang pahayag nito "Kunin mo na ang commission mo !", masaya niya rin sabi dito. "I'll go first, sabi niya na may kasama pang senyas. "Your blooming and beautiful as always!", namula naman siya sa narinig mula dito Si Clint ay childhood friend niya ito classmate sila mula elementary hanggang high school. Sa college nag-iba na kasi ito ng school siya sa UP pa rin. Alma Matter niya ang UP, elementary hanggang high school sa UP Integrated School siya nag-aaral at 'yon nga classmate niya si Clint. "Salamat ..tanging nasabi niya "Ahmm mamaya magpameeting ako Clint, sa breektime siguro.. paki relay na lang sa kanilang lahat. ", pahayag niya "Sure!", "Thank you!" saka siya nagtuloy sa opisina niya Pagpasok niya sa loob ng kanyang opisina, sumalubong kaagad sa kanya ang tambak na papers na nasa ibabaw ng kanyang lsmesa. At bukod ss paper sumalubong rin ang halimuyak ng preskong amoy ng bulalak na nakita niya na nakapatong sa gilid ng kanyang paperwork. Hinubad niya muna ang kanyang coat at pinatong sa couch bago nilapitan ang bulaklak. Inamoy amoy niya ang bulaklak, nakalarelax talaga ang amoy ng fresh flowers. So refreshing! kausap niya sa sarili ng ilapag niya na ang bulaklak na hawak napansin niya ang card na nakaipit sa gitna ng mga bulaklak. Kinuha niya at binuksan ang card at binasa " There will always a reason why you meet. people .Either you need them to change your life or you're the one that will change theirs. Have a good day ahead of you today!", nabasa niya pero wala namang pangalan kanino galing. Napaisip naman siya kung kanino galing. Nilapag niya ang kanyang hawak na bulaklak at sinimulan ang kanyang trabaho. Ayaw niyang ubusin ang oras sa pag-iisip sa kung sino ang nagpadala ng bulaklak sa kanya. Sa gitna siya ng kanyang pagrereview ng kanilang sales sa buwan na ito nang tumunog ang kanyang cellphone. Napag-alaman niyang sa police headquarters ang caller. Sinagot niya ito kaagad upang malaman kung ano ang itinawag nito sa kanya. "Hello.. good morning" bungad niya sa tumawag "Miss Dela Peña, Inspector Suarez po ito ng Quezon City Police District.", pakilala nito sa sarili "Good morning po ,Inspector.. ano po ang balita sa case ko?" "Kaya nga po tumawag ako sa inyo , Miss Dela Peña kailangan niyo pumunta ngayon dito sa aming himpilan at narito ngayon ang may-ari ng sasakyan na dinala niyo dito. ", pahayag nito sa kanya "Okay po Inspector, aalis na po ako ngayon." saad niya "Hintayin ka namin dito Miss Dela Peña" pagsabi pinatay na nito ang tawag. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo, kinuha ang kanyang bag na nakapatong sa itaas ng kanyang coffee table kinuha ang suklay sa loob ng bag, inayos ang sarili nang makunteto ay nagwisik wisik ng cologne na favorite niya. Saka siya lumabas sa kanyang opisina. "Hi Miss beautiful", napalingon naman siya sa nagsasalita at si Mark pala ang isa sa waiter niya pala "Kahit kailan napakabolero mo," "Totoo naman kasi ma'am at hindi po ako marunong mambola", pahayag nito na ikinangiti lang niya "Guys kayo na muna dito, may importante lang akong asikasuhin. " "Okay po Ma'am, 'wag po kayong mag-alala , kami na po dito ang bahala", si Lhea Kinawayan niya naman ang dalawang barista niya si Tim at Clint , kumaway naman ito pabalik, tumalikod na siya at lumabas na sa restricted area. Deretso siyang naglalakad sa palabas ng kanyang coffee shop may nakita pa siyang mga kalalakihan na nakatitig sa kanya. Deadma niya lang. Nagandahan rin kaya sila sa akin, tanong niya sa isipan na kinontra naman ng kanyang other self. Nakalabas na siya ng kanyang coffee shop at pasakay siya sa kanyang latest model Toyota Raize. Nang may tumatawag sa pangalan niya. Lumingon naman siya sa pinanggalingan ng tawag at nakita niya si Monique na kakababa lang ng sasakyan at hindi nagtagal nakita niyang bumaba si Taemon. Nagkasalubong ang mga mata nila . At ito na naman ang mga titig nito sa kanya na ikinayoko niya. Bakit siya kasi ganoon makatitig sa kanya. "Sissy, saan ang punta mo?", tanong ni Monique na nakalapit na pala sa kanya at nasa likod nito si Taemon na titig na titig na naman ito sa kanya. "Sa police headquarters ", simpleng sagot niya "Sasama ako, related ba ito sa nangyari sa iyo three weeks ago?" pahayag nito na ikinatango niya. "Kung ganun kailangan mo nga ako, let's go..sabay hawak sa braso niya. "Kuya can you drive us.." at sumakay na ito sa backseat ng kanyang sasakyan. "Sa harapan ka na sissy, kuya will drive us to the police station ", pahayag ni Monique na nakikinig lang si Taemon sa kanila. Wala na akong magawa kundi isama ang kaibigan sa presento, advantage sa akin. Ang totoo may kaba rim siyang naramdaman baka sino at ano ang kanyang madatnan niya sa presinto. Kahit ba may tiwala siya sa mga police na nilapitan niya nung una mas mainam pa rin na may kasama siya. Sa malalim niyang pag-iisip nagulat pa siya nang kabitan siya ni Taemon ng setbelt sa katawan at naamoy pa niya ang panlalaki nitong pabango na masarap sa ilong. Ilang segundo itong nakatitig sa kanyang mukha na ikinailang niya pagkatapos saka umayos ng upo. "For your own safety ", pahayag nito na nakatutok na ang paningin sa daan. "Sorry sissy wala kaming alam sa nangyari sa iyo noong kasal ni Amaya.", pahayag ni Monique na ikinalingon ni Taemon sa kanya. "Okay lang sissy, kasalanan ko rin at hindi ako sumama sa inyo noong time na iyon . Ang importante nandito na ako at ligtas na nakauwi isa pa wala namang may gusto sa atin na makidnap ako.", mahaba niyang paliwanag at naalala niya naman kung gaano siya nagtiis sa pangmamanyak sa mga kumidnap sa kanya. Napabaling siya ng tingin sa mga kamay niyang nasa kandungan niya na hawak na ni Taemon sa isa nitong kamay habang ang isa ay nasa manibela ng kotse niya. Naramdaman niya pagpisil pisil nito ng bahagya, Sa ginawa nito nakaramdam siya ng kaginhawaan sa sarili. Pinaramdam nito sa kanya na hindi siya nag-iisa. Kaya nginitian niya ito and she mouthed thank you. Na ginantihan naman siya ng isang kindat. Kaya nakurot niya ang kamay nito na nag-eenjoy na sa paghawak ng kamay niya. "Pabalik na sila ni Amaya sa makalawa", balita ni Monique sa kanya Namimiss niya rin ang kaibigan na nasa honeymoon sa Italy "Huwag na natin ipaalam kay Amaya nangyari sa akin.", pahayag niya sa kaibigan "Mas mainam na ipaalam natin kesa malaman niya pa sa iba... magtampo naman 'yun sa atin. ", saad nito na ikinabuntong hininga may katwiran ito sa sinasabi. Ilang sandali pa narating na nila ang police headquarter dito sa Quezon City. Kinabahan siya sa anong maaring madatnan sa loob , huminga muna siya ng malalim na hininga. "Huwag kang matakot andito kami ni Monique para sa iyo. ", tumango siya sa narinig mula kay Taemon "Salamat Mon, sa pagpalakas ng loob mo sa akin", seryosong pahayag niya "As your friend I want to protect your well", pahayag naman nito "Let's go, kaya 'ko 'to", sabi niya na binuksan niya ang pinto ng kotse at bumaba na. Mabilis itong naglalakad para mapantayan siya at nang makasabay na, hinawakan nito ang kamay niya na kanyang ikinagulat. Pero hinayaan niya lang itong gawin ang hawakan ang kamay niya. Nilingon niya si Monique na nasa kabilang gilid niya pero normal lang itong naglalakad. Napagitnaan kasi siya ng magkambal. Pagkapasok nilang tatlo ay lumapit sila sa police na nasa loob at nagtanong kung saan nila makikita si Inspector Suarez. "Po2 Ebid ma'am, ibinilin na po ni Inspector ma'am.. Sumunod po kayo sa akin", saad nito sa kanila Sinamahan naman sila kung saan ang office ng kanilang Inspector. Kumatok ito sa nakasaradong pinto na may nakalagay pa na pangalan sa itaas ng pinto. SPO4 Alden Suarez. At maya maya narinig na nila itong nagsasalita na pinapapasok na sila, kaya binuksan nito ang pinto para makapasok na sila sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD