Baliw na 'yon anong karapatan niyang kunin ang kanyang first kiss kausap niya sa kanyang sarili na pinupunasan pa niya ng tissue ang sariling labi. Nakaupo siya sa loob ng kanyang kotse sa driver seat.
Ang dami niya nang tissue na nagamit pero ramdam pa rin niya ang labi nito na dumikit sa labi niya kanina.
Arrrgh! sigaw niya sabay pokpok sa manibela ng kotse niya.
"Paano kaya siya makaganti sa lalaking 'yon." kausap niya sa kanyang sarili bago pinaandar ang kanyang kotse at balak niya na lang umuwi sa condo niya dahil sermon ang abutin na naman niya sa mommy.
Nakarating siya sa kanyang condo na maayos kahit tipsy. Dahil sa asungot na lalaki palpak ang unang apak niya sa bar. Nakakainis talaga siya, matinik sana ng pako ang paa nang makaganti man lang sa hudas na iyon.
"Pagkarating niya sa kanyang unit ay tumuloy siya kaagad sa kanyang banyo at naghubad ng kanyang kasuotan upang malinis ang katawan lalo sng labi niya. Sinabon niya niya ng sinabon ang mga labi. Na pangahas siyang hinalikan ng hambog, walang modo at nakakainis na hilaw na hapon na kamag-anak ng mga yakuza maktol niya sa sarili. Iniingatan niyang mga labi hindi na virgin at ang first kiss niya nawala na rin. Ano pa ang ibibigay niyang first kiss sa magiging nobyo niya in the future.
Ganoon estado siya sa pag-iisip nang narinig niya ang cellphone na tumutunog. Pero dahil sa inis pinabayaan niya itong magring nang magring. Magsasawa rin ang tumatawag kung sino man.
Nagtagal siya sa kanyang banyo mga halos isang oras nang makaramdam ng ginaw lumabas na rin siya suot ang kanyang roba at may towel sa ulo .Nagtuloy siya sa kanyang closet at namili ng nighties. Pagkatapos niyang magsuot ng pantulog ay pinatuyo naman niya ang kanyang buhok gamit ang hair blower. At pagkatapos pumunta ng kusina at nagtimpla ng gatas pampaantok. Dala niya ang gatas sa kuwarto at nilapag muna ito sa mesa at kinuha ang cellphone tinitignan niya call registered inalam niya kung sino ang tumatawag kanina.
Makita niya ang number ng lalaking kinaiinisan niya, uminit ang kanyang pakiramdam . Anong kailangan ng mokong na iyon. Muntik pa niyang mabitawan ang cellphone nang nag vibrate ito. At niyang may text sa kanya. Kaya binuksan niya ito
"Open your door, nasa labas ako ng pinto mo", nataranta naman siya .Anong ginagawa niya dito at bakit alam niya ang condo ko.( tanong niya sa kanyang sarili)
Tama ba na pagbuksan niya ito ng pinto, kapag binuksan niya naman baka may masama naman na gawen sa kanya. Pinili niyang 'wag pagbuksan ito ng pinto, aalis rin 'yon kapag walang magbubukas sa kanya. Ano ako cheap at easy to get. Manigas siya kung ayaw niyang lumabas at buksan ang pinto.
Humiga siya at matulog na sana nang magring ang cellphone niya. At nakita ang pangalan nito sa caller id. Arggghh ang kulit ng buwesit na iyon ah. Kaya pagtigil ng tawag dali dali niyang ini-off ang cellphone .
Handa na siyang matulog nang makita ang oras almost midnight na pero bakit nasa labas ng pintuan niya ang lalaki na 'yun. Silipin kaya niya kung nasa labas pa. Nagtatalo ang kanyang isip kung bubuksan ba niya o hindi.
Ang pagmamatigas niya sa kanyang sariling prensipyo ay hindi umobra ng manaig ang kanyang marupok na konsensya at napagpasyahan na labasin ito baka mapaano pa sa daan at madisgrasya konsensya pa niya. Hindi naman kasi siya masamang tao.
Lumabas siya ng kanyang silid at nagtungo sa pinto. Sumilip muna siya sa peep hole nakita niyang nakasandal ito sa pader katapat ng kanyang unit. Binuksan niya ang pinto at tumingin naman ito sa kanya. Napansin niya ang bitbit nitong paper bag at isang tangkay ng puting rosas na nakabalot pa sa isang plastic cellophane .
"Pumasok ka na baka mapagkamalan ka pa ditong magnanakaw kung makikita ka ng mga kapitbahay ko.
Nilakihan niya pagbukas ng pinto upang makapasok ito sa loob.
Pagkapasok sa loob sinara niya ang pinto automatic lock naman ang kanyang pinto kaya safe. Pinaupo niya ito sa salas "Ano naman ang kailangan mo at talagang natunton mo pa itong condo ko." pahayag niya na umupo na rin sa kabilang upuan malayo sa kinauupuan nito
"Sinundan kita kanina, kasi nag-alala ako sa iyo dahil nakainom ka" natigilan naman siya sa narinig , natauhan rin siya
"Sana hindi mo na ginawa dahil kita mo naman buhay pa ako na nakarating sa unit ko". nakatingin ito sa kanya ng ilang segundo at yumuko kinuha ang paper bag at ang white roses
"Ito tanggapin mo , peace offering ko sa iyo. " abot sa kanya ng paper bag at rosas, tinitignan niya muna kung seryoso ba ito pero nakita niyang seryoso naman wala siyang nakitang kalokohan. Inabot niya ang paper bag na meju may kabigatan ng kaunti
"Anong laman nito?", tanong niya na inilapag muna sa tabi niya at inamoy amoy ang bulaklak na hawak niya sa isang kamay ang talaga ng rose. Pagtingin niya dito nakatitig na pala ito sa kanya
"Inaamoy ko lang..
"Wala naman akong sinasabi", pahayag nito
"Ahhherrmm" she's clearing her throat
Arggghh napaka defensive ko naman na wala namang sinasabi, kausap niya sa sarili.
"Nakatitig ka kasi sa akin" sambit niya ng mabawi niya ang sarili. Habang ibinaling ang tingin sa paper bag.
"Naiisip ko lang.." bunitin pa ang sasabihin. Napatingin naman siya dito
"A-anong naiisip mo?", nauutal pa niyang tanong dito
"Iniisip ko lang bakit hindi na lang natin kainin ang dala kong pagkain." sabay abot ng paper bag at nilabas ang laman nang paper bag naka styro.
Tinitignan niya itong may pagdududa alam niyang may iba itong iniisip. 'Wag lang itong magkakamali na gawan siya ng kalokohan kundi babalian niya ito ng buto sa katawan.
"Bakit ganyan ka makatingin ngayon sa akin?" narinig niyang sabi nito
Naalala niya ang paghalik nito sa kanya kanina sa labas ng bar.
"Wa-wala", nauna na siyang tumayo papunta sa kanyang mini kitchen.
"Halika na dito at dalhin mo ang binili mo na pagkain." pahabol niyang sabi At naramdaman naman niyang tumayo na ito nakita niyang pumasok na ito sa kusina niya at nilapag nito ang paper bag sa ibabaw ng mesa.
Kumuha siya ng dalawang plato kutsara, tinidor at baso nilapag niya sa lamesa .Kinuha niya ang apat na styro at dinala sa kanyang microwave at ipinasok isa isa para mainit.
"Ang cute ng kitchen mo ", napalingon naman siya dito
"Ako lang kasi mag-isa, ang importante pwede akong magluto at makakain ", pahayag niya.
Ang laman ng kitchen niya ay electric gas range , microwave oven, coffee maker dahil mahilig siya magkape, two doors simple refrigerator at oven toaster.
"Nagba-bake ka ba?" tanong nito
"Minsan minsan kapag may okasyon gumagawa ako ng cookies at cakes", nakita niyang tumango tango ito ibig sabihin sumang-ayon ito sa kanya
"Kumain na tayo, umupo ka na..anong gusto mo itong tapa o itong sisig?" tanong niya na pinakita pa ang sinasabi niyang ulam
"Ano kaya kung isalin natin sa mangkok total naman dalawang tapa 'yan at dalawang sisig ang binili ko para parehas natin matikman..sa tingin mo?"
Bakit hindi niya naisip na pagsasamahin ang parehong sisig at tapa sa isang lagayan. Napahiya siya tuloy sa kanyang sarili. Simpleng bagay hindi niya nagawa.
"Natahimik ka na, may nasabi ba akong mali?"
"Wa-wala naman ,tama ang idea mo..sandali kukuha lang ako ng mangkok ", sabay tayo niya pumunta sa kanyang cabinet kung andoon ang kanyang mga gamit sa pagkain.
Naramdaman niyang nakasunod ang tingin nito sa kanya. Bakit nakaramdam siya ng pagkailang ngayon dito at nawawala pa siya sa sarili.
"Cathy, pokos ka nga sa sarili mo..si surot lang 'yan" kausap niya sa sarili
"Gagamit ka ba ng chopsticks? baling niya dito
"Hindi na , marunong akong gumamit ng kutsara."
"Kala ko kasi, dahil kong gagamit ka merun naman ako dito."
"Okay na ako sa tinidor at kutsara. "
Bumalik na siya sa lamesa at pinagsama sama ang parehong mga ulam. Saka umupo sa katapat nitong upuan.
"Mahilig ka pala sa instant food parehas nito" kausap niya dito saka kukuha na sana siya ng tapa pero naunahan siya nito
"Ikaw na mauna", pahayag niya dito saka ngumiti
Naiilang naman siya sa mga tinginan nito sa kanya kaya kunwari na kukuha siya ng kanin kahit merun na siyang kanin sa plato
"A-ano ba ang iniisip mo, hmmm kanina pa kasi kita nahalata na lagi kang nakatitig sa akin
"Gusto ko lang magsorry about what happened sa bar"
"O-okay lang 'yon.. ang to-totoo niyan nakalimotan ko na nga."
"Hmmm..
Ang totoo hindi ko naman nakalimotan ang nangyari sa bar.. sinong makalimot first ko ang kinuha mo..gusto niyang sabihin dito
"Naninibago rin ako sa iyo", pahayag nito sa gitna ng pagsubo ng pagkain
"Ahmm bakit mo naman nasabi 'yan?"
"Bakit ko nasabi dahil, kapag nakikita mo 'ko ang tapang tapang mo..pero ang deplomasya mo ata sa akin." napangiti naman siya dito
"Ito talaga ang natural na ako, nagkaka kilala lang kasi tayo sa maling sitwasyon, hmm kaya ganun ang trato ko sa iyo"
"Kumain na nga lang tayo", dagdag niya pa
"Ubusin mo na ang tapa ", at nilagay niya sa plato nito at sinalinan niya rin ito ng tubig sa baso.
"Thank you!", napalingon naman siya dito
Napangiti naman siya , ang hambog na lalaki na ito marunong din palang magpasalamat.
"Walang anuman, ahmm pagkatapos mo bang kumain.. uuwi kana? napalingon ito sa kanya
"Gusto mo bang dito ako matulog kasama mo?" s**t anong ba sinasabi niya dito.. mura niya sa isip
"Hindi 'no.. ang ibig ko lang sabihin kasi hindi ka dito puwede matulog sa condo ko.. ang point ko kung gusto mo na ngang umuwi pagkatapos mo kumain.", paliwanag niya dito na ikinagulat pa niya sa malakas nitong halakhak.
"I understand, 'wag kana magblush ang cute mo naman kapag namumula ka ", hinawakan niya naman ang mukha niya.
Tumayo na ito sa kinauupuan at balak pa magligpit ng pinagkainan
"Ako na niyan, pigil niya dito "masama daw kasi kumilos sa isang bahay kapag hindi kapa nakakatulog sa bahay na iyon." paliwanag niya
"E di dito ako matulog ngayong gabi para puwede ko nang gawin"
"Poro ka kalokohan,ang gawin mo umuwi ka na at gabi na", sabi niya na nilingon niya pa ang kanyang wall clock dito sa kusina nine forty five na.
"Friends na ba tayo?," tanong nito sa kanya na ikinalingon niya dito
"Nakakain ka na nga dito tapos ngayon ka pa magtanong." "Ibig sabihin magkakaibigan na nga tayo",
"Tinagalog mo lang e"
"Halika na nga ihatid na kita sa pinto", nilapitan niya ito at hinila palabas ng kanyang kusina. Dumaan sa sala at dinampot ang jacket at ipinatong sa balikat nito.
Tumigil ito sa paglalakad at hinawakan ang kamay niya.
"Friends na tayo, diba?" at naguluhan naman siya ibig sabihin nito
"Then?", tanong niya
"Can I kiss, I mean goodnight and goodbye kiss as a friend ", saan niya napulot ang ganitong mga idea na ikinapula ng kanyang mukha
"Ang cute mo, bunibiro lang kita... mauna na ako, salamat nga pala sa food ".
"Ikaw naman ang bumili noon ", pahayag niya
Nagpatuloy na sila sa paglalakad papunta sa pinto at binuksan niya na ang para makalabas na ito. Nang makalabas na ito, kumaway pa ito sa kanya.
"Pumasok ka na", pahayag nito
"Ingat ka sa pagmamaneho mo, bilin niya dito
"Para sa iyo ", sagot nito naglalakad na palapit sa elevator.
Poro talaga kalokohan ang nasa isip ng mokong na iyon.
Pumasok na rin siya ng kanyang unit at isinara ang pinto, niligpit niya muna ang kusina . Hinugasan an dapat hugasan at nilagay sa ref ang tirang kanin. Pagkatapos niya sa kusina ay pumasok na siya sa kanyang kuwarto. Pumasok sa banyo at nagtootbrush pagkatapos ay umakyat na siya sa kama niya at balak ng matulog. Tumunog naman ang cellphone niya at nakita niyang si Taemon ang tumawag.
Nagtataka naman siya kung bakit ito tumatawag na kagagaling lang nito dito sa condo niya. Pero sinagot niya pa rin ang tawag
"May nakalimotan ka ba? bungad niya dito
"Wala naman... gusto ko lang sabihin sa'yo na I'm enjoying eating with you", saad nito sa kanya na ikinahawak niya sa cellphone ng mahigpit
"Hmmm okay, sagot niya
"See you tomorrow ", pahayag nito ulit
"Okay, bye ", tanging nasabi niya
"Okay ,bye!" at off niya ang cellphone niya. Ganun siya kapag matutulog na, pinapatay niya talaga ang kanyang cellphone.
Humiga na siya sa kanyang kama at matulog na.