Nag-iisa na lang siya ngayon sa kanyang opisina malapit na rin niyang matapos ang kanyang ginagawang payslip sa kanyang mga empleyado ngayong buwan na ito, buwanan ang sahod sa mga empleyado niya na sila naman ang nagrequest dahil hindi raw sila nakakaipon sa kinsinas kataposan ang kanilang sweldo.
Nag-uunat siya ng katawan ng may kumatok sa labas ng kanyang pinto.
"Come in.", malambing niyang sabi
At bumukas ang pinto, bumungad sa kanyang paningin ang surot na kinaiinisan niya.
"Bakit ka narito, restricted area ito ah.. gate crusher ka ba, sur?", pahayag niya dito
"What did you say?", nangunot ang noo nitong tanong
"You're so annoying and you are so hambog!", saad niya na nakapa maywang pa
"You are not interested to know me then why are you here!.. get lost and never show your ugly face in front of me again", nakasimangot siyang lumakad papunta nang pinto at binuksan 'yon at bumalik sa lalaking surot at hinila papalabas ng kanyang opisina.
"Don't worry your so ugly, too.. inahing manok!", pahayag nito dahil sa narinig tinulak niya ito ng malakas tsaka sinara ang pinto pagkatapos nilock.
Baliw na 'yon, 'wag na 'wag siya talagang magkamaling magpakita sa akin kundi babayagan ko na siya, Arggghh he getting into my nerve! kausap niya sa sarili at sa inis niya para siyang natuyuan ng tubig sa katawan.
Samantalang naghihimutok rin ang kalooban ni Taemon dahil sa ginawa ni Catherine sa kaniya
Ang mga babae talaga mga baliw at isa na ang babaeng manok na iyon, bagong pangitlog siguro ang lakas makaputak at tinulak pa ako palabas ng pintuan na akala mo naman ikinaganda niya. Makaganti rin ako sa iyo manok ka.
Nakarating siya sa opisina niya sa Grutch
"Anong nangyari sa iyo, T.. daig mo pa ang lalaking nabitin sa kama.. busangot na busangot yang mukha mo. ", salubong sa kanya ni Hans
"Tumabi ka nga, kung ayaw mo na ikaw ang ibitin ko."
"Relax, chill at inhale exhale ", pang uuto pa sa kanya.
"Bar na lang tayo mamaya may chicks akong kakatagpuin e",pahayag nito sa kanya na napapaisip naman siya.Baka kailangan niya na sigurong mag unwind. Ilang linggo na siyang buraot na buraot.
"Sige, timbrehan mo 'ko kung go na tayo , sinong mga kasama natin?", tanong niya
"Lahat sasama except kay Alessandro na nakatali na sa asawa ", pahayag nito
"Kahit hindi nakatali si Gio hindi naman 'yun nagpupunta sa mga bar ", singit ni Carmelo
"Basta sabihan niyo ako kapag aalis na.. sa upisina lang ako ", pahayag niya na nag-umpisa na siyang maglakad papunta sa kanyang opisina.
Silang anim may kanya kanyang opisina sa The Grutch Financing Corporation. Si Giovanni ang kanilang President ,Sa edad niyang 27 masasabi niyang stable na ang kanyang financial status bukod sa kasama siya sa business nilang magkakaibigan may sariling negosyo rn siyang hinawakan na ipinamamahala sa kanya ng kanyang Otosan Japanese or daddy in English .Kahit maraming babae ang daddy niya binibigyan din naman sila nito ng halaga at pinagkatiwalaan sa negosyo. Pangalawang asawa ang kanyang mommy sa kanyang otochan na ang original na asawa nasa Japan Hokkaido. Walang anak ang Daddy niya at ang unang asawa nito. Yan sng kuwento ng mommy. Kaya dito madalas ang uwi ng Daddy niya sa Mommy niya sa Pilipinas.
Solong anak sana siya pero may kambal siya, isang babae
At may asawa pa ang kanyang ama na nasa Thailand ngayon. Hindi niya pa alam baka merun pa sa ibang lugar. Hindi daw maisan na magkaroon ng maraming babae ang Daddy niya dahil sa estado nito sa buhay. Dating emperor ng Japan ang kanyang lolo.May limang anak at isa na roon ang kanyang Daddy Akihiro Matsumoto isang business man na pumupunta sa ibang panig ng mundo kaya nakilala nito ang mommy niya sa Paris dahil ang mommy niya ay model na nakabase doon. Nagkamabutihan at hindi nagtagal nail nailove ang mommy niya sa daddy at nabuo sila ng kambal niya na si Monique .Naging martyr ang mommy dahil sa pagmamahal niya sa daddy.
Nagulat siya na may bumato sa kanya na binilot na papel, nakita niyang nakatayo si Carmelo sa may pintuan.
"Anong ginagawa mong demonyo ka?", naiinis niyang tanong sa kaibigan na nakangisi pa na parang asong ulol
"Pinapapuntahan ka ni Hans sa akin, aalis na raw tayo..wala ang sekretaryo mo kaya pumasok na ako", pahayag nito na papasok na sa kanyang opisina
"Kailangan mo ba talaga akong batuhin ng papel?" naiinis niya pa rin pahayag
"Gusto ko lang makita ang epic mong reaksyon."
"Baliw !.. asan na sila?..Tanong niya na nililigpit na niya ang mga gamit at sinalansan niya ang mga papel at nilagay sa paper rack. Saka tumayo at dinampot ang kanyang americana na sinampay niya sa sandalan ng kanyang swivel chair. Hindi niya na sinuot ito at binitbit na lang palabas.
Paglabas nila naabutan naman nila ang kanyang secretary si Vincent . Sinadya niyang lakaki ang kunin ayaw niya ng kumplikado sa buhay. Kumuha na siya dati ng babae na secretary ang ending naging inaakit siya nito at nagpaakit naman siya. Noong tumagal naging demanding na sa kanya. Kaya sinisanti niya ito, Pagkatapos may sumunod pa at palaging ganun ang nangyari kaya ito ang ending lalaking secretary na ang kinuha niya. Maayos namang magtrabaho si Vincent, lagi niyang naiiwan sa opisina niya.. polido kung magtrabaho.
"Vincent puwede ka na ring umuwi kung tapos ka na."
"Tataposin ko lang po ito Boss, presentation niyo para bukas sa board."
"Sige, salamat ", tinapik niya ito sa balikat
Naglalakad na sila ng magsalita ang kumag kong kaibigan "Ayos rin pala ang lalaking secretary."
Nakikinig lang siya dito
"Pero mas komportable ako sa babae, kung lalaking secretary ang kunin ko..wala nang kakandong sa akin at hihimas sa matigas kong abs, wala na rin akong stress reliever".
"Gago!.. pangilabutan ka nga ng balahibo sa ibaba mo, kung makapagsalita ka parang wala kang nanay at ginawa mo pang stress reliever ang mga babae."
"Ay nagsalita ang malinis , parang hindi mo rin gawain, ulol."
"Tang*na hindi ko ginagawang parausan ang mga babae, kusa silang lumapit at pinaliligaya ko naman sila.. magkaiba 'yon sa sinasabi mong stress reliever."
Nakarating sila sa parking kung nasaan ang iba pa nilang mga kaibigan na naghihintay, Si Radli, Hans, at Uilliam hindi kasama si Gio at buntis si Amaya. "Ang tagal niyong mga kupal kayo ", sambit ni Radli na tinutukoy ay sila ni Carmelo
"Tama na 'yan, sumakay na kayo sa mga sasakyan niyo..excited na akong maka duo ang aking chikababe", si Hans naman
"Manyakol ang puta ", si Uilliam na hindi nakatiis sa narinig mula kay Hans
"Same to you!", balik sabi ni Hans
"Pare pareho lang tayong lahat, kaya 'wag na kayong magmamalinis", si Carmelo
Sumakay na nga sila sa kanya kanya nilang sasakyan..convoy silang lima papuntang Taguig.
Samatalang sila ni Monique nagkikita naman silang magkakaibigan sa training ground at kinamusta ang lahat ng mga members nilang bago. Na kasalukuyan nasa pagsasanay kasama ang kanilang maasahan na mga trainers, Claudette, Angeline, Mariel , si Rachel at Minerva.
"Papawis muna tayo, saad ni Jessica na leggings at crop top na labas ang tiyan
Si Monique naman ay jogging pants at midriff top pareho silang dalawa ni Monique pero pang itaas niya ay isang body hugging shirt na hanggang pusod niya lang
Sa edad niyang twenty three ni minsan hindi pa siya nagkaka boyfriend dalawang taon na silang graduate ng mga kaibigan sa kursong Fine Arts major in industrial arts pero hindi nila nagamit si Monique sa kanyang auto sales at si Jessica isa itong wedding planner at may flower shop. Si Amaya naman ayaw na daw ng asawa nito na magtrabaho siya kaya ang ending plain house wife siya at buntis sa unang anak nila ng asawa niyang si Gio
"Sa shooting range tayo ", yaya ni Monique sa kanya kapag nakita ito naalala niya ang surot na lalaki na hambog pa. erase erase, alisin mo sa isipan ang hambog na surot na 'yun kausap niya sa sarili. Kahit kambal sila ni Monique at ng surot magkaiba pa rin sila ng kaibigan niya.
Pagkarating nila shooting area ay nagsuot kaagad sila gear protection like gloves, eyewear protection, hearing protection. Pagkatapos niyang maglagay ng protection ay pumuwesto na siya sa range at kinuha ang rifle tsaka inasinta ang target. "Gigil na gigil ka ata sissy ahh", pahayag ni Monique na hindi niya namalayan na nasa tabi niya na pala ito sa lalim ng kanyang iniisip.
"Poro bullseye ahh, iba ka na talaga sis ", si Jessica naman
"Ganado lang ", saka nagkibit balikat na kinuha ang papel na pormang tao na kanilang target, poro nga naman sa sentido ang tama nito.
"Tara sparring tayo ", yaya naman ni Jessica at naglalakad na sila sa isang malapad na pad kung saan sila mag sparring. Silang dalawa ni Jessica ang maglalaban. Sinuot na nila ang protection, head guard, mouth guard or gum protection, body cover up, gloves, arm guard shin guard para sa paa. Sa hindi nakaalam kung para saan ang shin guard (protection sa tuhod at sa iba pang parte ng binti na hindi magkaroon ng dislocation ang buto)
Pagkatapos nila sa sparring ni Jessica, Monique at Jezzith nagyaya naman sila ni Angeline na magbar .Ayaw niyang sumama pero napilit din siya ng mga kaibigan. Sa kanyang twenty three years of existence hindi pa niya naranasan na pumasok sa isang bar. Pinasuot sa kanya isang red gittered square line casual dress tight longsleeve na hanggang tuhod ang haba at pinarisan niya ng red pointed sexy stilettos with pearl wrap around at ruby red glitters clutch bag .
"Wow Master Catherine bagay na bagay po sa inyo ang outfit niyo. Apple of the night po kayo sa suot niyo mamaya ", si Rizza ang isa sa trainor nila.
"Unfair yata sa amin yang ootd mo sissy ", si Jessica
Naka cocktail chiffon halterneck mini dress na kulay black ito.At sa paa nito isang baby pink high heels boots. Si Monique naman ay gold silk tube bodycon dress na may slit sa may gilid below the knee ang haba at stilettos pumps na black ang kulay.
"Standout rin naman ang mga suot niyo ah, " pahayag niya sa mga ito
"Ang gaganda po natin lahat mga masters ", pahayag naman ni Mariel na bagay din dito ang green glitter bodycon dress
"Oo nga", sabi naman ni Rachel sa kanya mini cocktail dress wrapped around waist one side shoulder.
"Shall we girls!.. party party!", si Minerva sa dazzling purple spaghetti strap dress. Lahat sila nakalugay siya lang naiiba dahil naka high ponytail siya na may palawit sa magkabilang taynga .
Pagpasok nila sa loob ng bar sumalubong kaagad sa kanya ang sari saring amoy halo halo na may amoy usok ng sigarilyo, alak at pabango ng mga tao na naririto ngayon. Mga master doon po tayo sa itaas para makaupo tayo ng maayos.
Ganito pala ang loob ng bar, kung ano ano ang mga ginagawa ng mga tao, may nakita pa siyang naghahalikan, may babae na nakakandong sa hita ng lalaki. Bakit pa kasi ako sumama pa sa kanila tuloy kung ano ano na ang nakikita ng mga inosente kong mga mata.
"Master Cathy, sumunod kana sa amin ", hila sa kanya ni Rachel ang nurse nilang member.
Naiilang na siya sa mga lalaking nakatingin sa kanya.
Hindi nagtagal ay nakahanap din sila ng bakanteng table. Pagkaupo nila umurder kaagad ang mga kasama ng maiinom.
"Ganito pala ang Bar, first time niya makapasok dito hehe sana noon pa natin ginawa 'no?", pahayag ni Monique nasa tabi niya
"Basta ako sulitin ko talaga, saad naman ni Jessica
Nakikinig lang siya sa mga kaibigan na nag-uusap.
Maya maya lang dumating na ang kanilang inumin na dalawang bote ng Vodka nakikita niya ito sa daddy niya kapag may bisita sila but she never tasted it. Tama na siya sa wine pero marami. Kasama ng vodka using bucket of ice and slice of lemon. ang nilapag ng waiter. Pagkatapos nilapag ng waiter ang order na alak binuksan agad ito ni Angeline at nagsalin sa kanyang shot glass saka pinatakan ng lime at tinungga straight.
"This is heaven!", pahayag nito
Sumunod naman sila Jezzith, Mariel, Minerva at Rizza na nagtagay rin sa kani-kanilang mga shot. Mga sanay ang mga ito sa inuman...Isip niya , binalingan niya ang waiter na hindi pa umaalis
"one martini please ", sabi niya sa waiter na nagserve
"Make it two, saad ni Jessica
"Ayaw niyo ba sa inorder nila?", takang tanong ni Monique
"Ma'am may dagdag order pa po ba kayo bukod dito, ahh baka gusto niyo tikman ang amin pong side dish", alok ng waiter sa kanila
"Anong side dish merun kayo rito,", si Jessica
"Ma'am merun po kaming spicy chicken wings glazed in honey at spicy sisig.. gusto niyo naman po may cornick rin po ", ang waiter
"Sige bigyan mo kami nang lahat na nabanggit mo", pahayag niya sabay ngiti dito na ikinatitig sa kanya ng waiter, anong problema nito tanong niya sa sarili.
"give me thirty minutes Ma'am to prepare all your orders. ", umalis na ito bitbit ang listahan ng order nila pagkasabi
"Mga masters sasayaw lang kami ", si Rachel na ang kasama sina Mariel, Angeline Minerva at Jezzith.Hindi nakasama si Claudette sa kanila. Masayang nagsipag-alisan ang lima nilang mga trainers .
Silang tatlo na lang natira sa kanilang lamesa. Nakita niya si Monique na kinuha ang bote ng Vodka naglagay ito ng yelo sa shot glass at sinalinan ng alak at nilagay ang slice na lime saka inalog along ang shot glass "Cheers!" taas ng shot glass at tinungga believe siya pagbaba ng baso wala nang laman na alak natira yelo at lime na lang
"Can I have?", sabi niya kay Monique ginawan naman siya
"Here ", at inabot sa kanya ang baso na may laman na alak na ginawa katulad sa ininom nito. Tinanggap niya naman at inaamoy
"Don't smell it ,just drink.. inhale first and drink it straight ", turo sa kanya sinunod naman niya ito pagtatapos niyang nilagok gumuhit agad ang mainit sa kanyang lalamunan dahil sa alak. Sinalinan pa sya ulit ni Monique "sundan mo kaagad para masanay ka," at tinanggap niya ulit saka walang inhibition na tinungga. Maging si Jessica nakiinom na rin pero isang shot lang umayaw na ito.
Kinuha niya ang bote at nagtimpla para sa sarili. At tinungga ulit pagtatapos niya magawa. Habang tumatagal ang sarap na ng lasa ng alak kaya naka-apat na siya kaagad.
Dumating na rin ang mga order nila. Nilapag sa kanyang harapan ang kanyang martini cocktail. Kumuha muna siya ng chicken wing at kinain meju nakaramdam na siya ng hilo. Ininom niya ang kanyang martini. Nahihilo na siya kaya sumandal siya sa sandalan ng upuan at ipinikit ang kanyang mga mata. Wala na siyang pakialam sa paligid. Nakaramdam naman siya ng pagkaihi kaya umayos siya ng upo at nagulat na lang siya na nasa tapat niya na ang lalaking surot na kinaiinisan niya pagdilat niya ng mata ito agad ang namulatan niya ng mata. Akala pa niya namalikmata lang siya. Pero tunay talaga narito ito kasama pa ang dalawa pa na halatang mga kaibigan ng surot.
Inirapan niya ito dahil nakita niyang nakitig ito sa kanya.
Tatayo sana siya ng makaramdam siya ng hilo kaya humawak siya sa sandalan ng upuan. Kinumpos ang sarili bago tumayo ng maayos.
"Sissy okay ka lang ba?", lapit sa kanya ni Monique at hinawakan pa siya sa braso
"Iinom inom hindi naman pala kaya tssk ", napalingon naman siya sa surot na nagsasalita at dinilaan ito
"Inggit ka lang, blehhh ", sabay alis at pupunta siyang wash room nang hindi pa siya nakakalayo nang may dalawang lalaking foreigner na sumalubong sa kanya kaya lumihis siya ng daan.
"Not so fast, baby ", sambit ng isa
"Miss , we saw you from a far and your captivating my whole attention ", pahayag ng isa
"Can we go out somewhere else and have interesting fun over the night,', saad ng isa pa
"Let me pass, I am not interested.", pahayag niya sa dalawang foreigners
"Or do you want some drinks, don't worry our treat Miss beautiful, sabay hawak nito sa braso niyo at amoy na amoy niya ang sigarilyo at alak sa bibig na ikinatakip niya ng kanyang ilong.
"Don't touch me", pilipitin na sana niya ang daliri nitong nakahawak sa braso niya ng may nagsalita sa likuran niya
"Babe hinaharass ka ba ng dalawang hilaw na labanos na 'yan?, hinila siya palapit dito na muntikan niyang ikatumba dahil sa nahihilo rin siya buti na lang naagaapan siya nitong nahawakan sa baywang.
"May boyfriend pala, " pahayag ng isa sa foreigner na nagtatagalog pala .
"Nag-eenjoy ka naman surot ka..! bitawan mo nga ako, nagpupumiglas naman siya mula sa pagkawak nito sa baywang niya "kung makahila ka pa sa akin kala mo sako ako." dada niya dito
"Hinay hinay, inahing manok.. anong nag-eenjoy ang sinasabi mo?"
"Sa pagtawag mo sa akin nang babe, tsssk".
"Ugali mo talaga "
"Oh anong ugali ko naman?", naka pamaywang niyang sabi
"You must be thankful na sinagip kita sa mga nambastos sa iyo. "
"Sinabi ko bang tulungan mo 'ko, at teka lang ha, gusto mo bang pasalamatan kita.. anong gusto mong gawin ko , magpabanda ako, magpapiyesta at magpalagay ng banner na nakalagay , SALAMAT MR . SUROT!.. ganun ba ang gusto mo?" Nagulat na lang siya nang bigla na lang siya nitong hilahin kung saan.
"Hoy ano ba bitawan mo 'ko, nahihilo ako at gusto ko pa magbanyo"
Nakarating sila sa labas ng bar na hila hila pa rin siya nito.
Dahil sa masakit ang braso patakbo siyang sumunod dito hanggang nakarating sila sa tapat ng sasakyan na malamang sa surot na lalaki.
Sa gigil niya,nilapitan niya ito binigyan ng mag-asawang sampal. Hindi naman ito nagsasalita pero sapo sapang dalawang pisngi na natamaa ng sampal
"Kung makahila ka sa akin kala mo hindi ako tao, buwisit ka!", singhal niya dito na nawala ata ang pagkalasing niya. Pero ikinalaki ng mata niya nang kabigin ang batok niya at lamukusin ang labi niya ng halik. Sa gulat niya hindi siya kaagad nakagalaw.
Nang natauhan siya tinuhod niya ito. Na namilipit ito sa sakit.
"Buti nga sa iyo 'yan , surot na manyakis.", at iniwan niya itong namilipit pa rin sa sakit
"Manok kapag hindi na ako magkakaanak,lagot ka sa akin".narinig pa niyang sigaw nito
"In your face!...Sana nga mabaog ka!", sigaw niya pabalik
Saka lumapit ng tuluyan sa kanyang sasakyan.