Chapter 18
Pagkatapos magkape ang tatlong magkakaibigan na si Hans ,Uilliam at Carmelo umalis na rin sila upang puntahan si Taemon sa favorite nilang bar kung saan lasing na lasing ito.
Hindi na nila sinama pa si Catherine na nasa coffee shop pa rin nito.
"Mukhang may gusto po sa inyo 'yong may bigote na spike ang buhok,Miss Catherine.", nagulat pa siya sa pagsasalita ni Lyndon isa sa kanyang waiter na pang umaga
"Paano mo naman nasabi 'yan?", kunot noong tanong niya
"Kasi po lalaki ako Miss Catherine kaya alam ko kung paano tumingin kaming mga lalaki sa gusto naming babae at nakikita ko po 'yan kanina.", paliwanag ni Lyndon
Natahimik naman siya sa narinig at pinagtagpi tagpi niya ang nangyari kanina.. pero mahirap mag- assume sa bagay-bagay.
Sa kanyang pag- iisip nagulat pa siya nang tumunog ang kanyang cellphone na nasa pocket ng blusa at si Jessica ang nasa caller id
Sininyasan na lang niya si Lyndon na ligpitin ang table saka siya tumayo at naglalakad pabalik sa kanyang opisina habang sinasagot ang tawag ng kaibigan
"Alam mo na ba ang balita?", tanong ni Jessica sa kabilang linya
"Hindi pa, anong balita ba 'yon?", tanong niya pabalik
"Si Amaya, nanganak na at twins ang kanyang mga babies boy tsaka girl!", masayang pahayag nito
"Wow.. masayang balita 'yan!", sa balitang kanyang narinig biglang gumaan ang kanyang pakiramdam.
"So daanan kita riyan sa coffee shop mo?", untag nito sa kanyang pananahimik
"Kasama ba natin si Monique?", tanong niya
"Paano natin siya isama e nasa Japan ang bruhilda.", saad nito
"Ang dami ko nang hindi alam.", aniya na nakaramdam ng dismaya sa kanyang sarili
Malapit isang taon din na detached sa mga kaibigan dahil sa kanyang business at sa kanyang kaso
Flashback
"Hello Ma'am Catherine si Spo1 Alcantara po ng QCPD,"anang nasa kabilang linya
"Yes po Sir.. napatawag po kayo?", tanong niya
"Gusto ko lang po ipaalam sa inyo may mga nahuhuling mga individual na mula sa Laguna Police Provincial Headquarters at tugma sa inyong face sketch description sa mga taong dumukot sa inyo..at kailangan po kayo sa aming tanggapan sa gayon makapagfile na kayo ng proper complain at nang masampahan sila ng kaso na abduction with illegal detention..Nang sa ganun rin po mapanagot ang mastermind sa pagdukot sa inyo. ", mahabang paliwanag ng police na nasa kabilang linya
"Ngayon na po ba agad,Sir?", tanong niya sabay silip sa kanyang wrist watch.
Alas nueve pa lang ng umaga kaya mahaba pa ang kanyang oras
"Kung may oras ka na makapunta Ma'am...nang sa ganun masamahan ka namin papuntang Cramè... nakaturn- over po kasi sa aming head office...ang mga suspect", saad ng kausap
Dadating po ako ,Sir!", maagap niyang sabi
End of Flashback
"O asan ka na my friend..are you still there?!", nagulat pa siya sa boses ni Jessica na hindi niya alam kung kanina pa ito nagsasalita
"A-ahh andito pa ako.. May naalala lang kaya meju nawala ako sa pokos.", paliwanag niya
"Ano.. dadaanan na kita diyan sa coffee shop mo para iisang kotse lang ang ating gamitin.. don't worry ako naman magmamaneho kaya wala kang dapat ikabahala.", pahayag nito
"Ikaw ang bahala, magre- ready na ako kung ganun?", panigurado niya
" Okay, on the way na ako..!", masayang sagot ni Jessica
"Daanan mo kaya muna si Monique upang 'di na tayo ma-out of way pa.", suhesyon niya
"Good idea 'yan..sige sige siya na muna ang una kong susunduin..stay put ka lang diyan besty!", kuwelang banat ng kaibigan niya
"Bilisan mo na at excited na akong makita ang twins ni Amaya.", saad niya
"Okay doki madam!..", pagkatapos sabihin nawala na ito sa linya
Napailing-iling na lang siya sa kalokohan minsan ni Jessica
Ilang saglit lang nag- ayos na rin siya ng sarili.
Pero napatigil naman siya sa isang mabining katok ng pinto ng kanyang opisina.
"Come on in..please!", masaya niyang sabi dahil sa good vibes na naramdaman sa panganganak ng kanyang kaibigan
"Miss Amaya, may customer po na gusto kayong makausap.", pahayag ng waitress niyang si Layla
"Sige susunod ako", saad niya dito
Tinapos niya muna ang pagsusuklay bago napagpasyahan na lumabas ng kanyang opisina
Sa labas na rin niya hihintayin ang mga kaibigan
"Sino kaya ang gustong kumausap sa akin,kausap niya sa sarili
Nasa labas na siya nang sinalubong siya ni Layla na waitress niya
"Asan ang gustong kumausap sa akin, Layla?", tanong niya dito
"Miss Catherine, andito po siya sa kabilang accord room.", saad nito
Ang accord room ay para lang sa mga vip customer nila na gusto ng privacy at sa mga customer na may mga business meetings.
"Ahhh okay Layla.. ako na bahalang pumunta roon..maari ka nang bumalik sa puwesto mo.", utos niya dito
Pagkapasok niya nakita niya na agad ang babaeng nakatalikod na mukhang kilala niya pero ayaw niya mag jumped into conclusion.
Pero kilala niya talaga ang mommy ni Monique
Nang bigla itong lumingon na confirmed niya talaga na ang mommy ni Monique ito
"Hi, Hija.. have a sit!", inalok pa siya nito
"Hello po Tita, mukhang importante ata talaga ang sadya niyo sa akin at dinayo niyo pa po ako dito.", pahayag niya pagkatapos niyang magbless at naghila ng upuan.
"Hmmm meju personal lang hija", saad nito
Kumunot naman ang noo niya sa narinig
"Mag- order ka muna it's my treat.", alok nito
"Thank you na lang po Tita Minerva pero tatanggihan ko po dahil kalain ko lang po mas interested ako sa kung sadya niyo po sa akin.", pahayag niya
"Nakalimotan ko sa iyo nga pala itong coffee shop.. my silly.", saad nito na nakatawa pa
"Puwede ko na po bang malaman kung bakit gusto niyo ako makausap?", untag niya sa Ginang
"Hmmm nakakahiya man pero ,tungkol ito sa binata ko.", naalarma siya sa narinig
Naisip kung napuntahan na kaya nina Uilliam ito sa bar
"A-ano po ang tungkol sa kanya po, bakit po ako ang kailangan niyong kakausapin?", tanong niya
"Hija.. pasensya kana kung mangingialam dito pero hindi na kasi normal ang kinikilos ng binata ko..palaging lasing at aburidoang ulo. .. " Ano po ang kinalaman ko sa problema niya po?", putol niya sa sasabihin nito
"Ganito, lagi siyang lasing at ikaw ang bukambibig niya palagi.", natameme siya sa kanyang narinig
"Unang pagkakataon ko siyang nakitang ganito.", dagdag pa
"Mukhang wala po akong maitutulong sa problema niya Tita..una po hindi kami close.. sorry to tell you Tita.. napaka arogante niya po sa akin..kaya wala po akong magagawa.", paliwanag niya
"Nakakalungkot naman pala kung ganun.", malungkot nitong sabi
"Sorry po talaga, Tita.. pero try ko po siyang kausapin ala- alang po sa inyo.",seryosong sabi niya dito
"Maraming salamat hija.. nababagala na ako sa kanya sa palagi niyang paglalasing..baka mapaano na ang kalusugan niya.", madamdamin na pahayag ng ginang na ina ni Taemon
Mapapasubo yata siya sa pangako dito na naiinis pa naman siya sa hambog na iyon.
Pero wala siyang magawa dahil sa pakiusap ng ina nito
"Sige po Tita mauna na ako sa inyo po at may pupuntahan pa po akong appointment.", magalang niyang paalam
"Sige hija, paalis na rin naman ako..ikaw lang talaga ang sinadya ko na kausapin", nakangiti nang sabi ng ginang
"Huwag niyo na po bayaran 'yang foods niyo,Tita.. free ko na po 'yan.", saad niya
"Ohh really, thank you..then!", masayang pahayag nito
"Yes po !", maikling sagot niya
"Mauna na po ako.. kasama po pala namin si Monique at pupuntahan po namin ang isa po naming kaibigan na nanganak.", saad niya
"Ohhh really.. okay sige hija.", saad nito
Nakipag beso siya bago umalis
Habang naglalakad siya palabas ng VIP room nasa isip niya ang pakiusap ng mommy ni Monique para sa kakambal nito.
Bahala na si Batman.. saad niya sa kanyang sarili
Deretso siya sa parking kung saan ang sasakyan ni Jessica na nakita niya ito kaagad. Isang Audi sports car ito na metallic green na pinasadya pa ang favorite color nito
"Mukhang iba ata ang templa ng hangin mo ngayon?", puna ni Monique
"May iniisip lang ako?", matabang niyang sagot
"Baka gusto mo i- share.", singit ni Jessica
"Ano bang i-share ko.. pagod lang ako kaya ganito ako...huwag niyo na lang itong bigyan ng issues. ", palusot niya
"Sinasabi mo e, pero kung merun kang problema huwag mo kalimutan may kaibigan ka na handang dumamay sa iyo.", saad ni Monique
"Oo nga ,hindi lang tayo dito basta magkakaibigan lang magkapatid na turingan natin sa isa't isa.", saad naman ni Jessica
"Huwag kayong mag- alala hindi ko naman 'yan nakakalimotan.", sabi niya at pagkatapos ipinikit na niya ang kanyang mga mata
Naguguluhan kasi siya at kailangan niya munang mag- iisip upang maliwanagan.
Naging tahimik sila at kanya kanya na lang ng ginawa si Jessica ang kanilang driver, si Monique abala sa kanyang sountrip at siya naman abala pa ang utak niya sa pakiusap ng mommy nila Monique tungkol sa kakambal na hindi niya mauunawaan kung bakit siya ang nasali sa problema ng hudyong lalaking iyon.
"We are here!", masayang an announced ni Jessica
Dahil sa narinig nagising ang diwa niya at excited na naman siya ..sa wakas makita na nila ang babies ng kaibigan na si Amaya.
Pagkatapos nagtanong sa nurse station ng hospital itinuro naman sila kaagad kung saan ang private suites ng kaibigan na nasa 5th floor pa.
Siya lang sa kanilang tatlo ang walang dala kundi ang sarili katawan.
"Ito na yata!", untag ni Jessica sa katahimikan nila
"Malamang ayon ang number oh.", saad ni Monique
"Tsehhh!..", pikon na sabi ni Jessica habang siya ay nanatiling tahimik
Pagkatapos kumatok binuksan nila at pumasok
Naabutan nila sa loob si Tita Kaithleen at Tito Ichiro na kalong kalong ang dalawang napa- cute na mga babies.
Tulog ang kaibigan nila kaya hindi sila nag-iingay.
"Ang cute nila, manang mana sa mga ninang.", saad ni Jessica na ikinangiwi ni Tito Ichiro at Tita Kaithleen.
"Ang lakas talaga ng fighting spirit mo Jess.", si Monique
Lumapit siya sa kuna ng kambal na inilapag na.
"Ang saya siguro kapag may anak din siyang ganito ka cute.",naisip niya
"Mag- asawa ka na rin hija.", nagulat pa siya sa biglang pagsasalita ni Tita Kaithleen sa kanyang gilid
"Wala po akong boyfriend, Tita.", pahayag niya
"Nasa tabi-tabi lang siya.. subukan mo lang buksan ang iyong mga mata at puso.. makiramdam ka lang. ", pahayag nito
"Wala naman po e.. baka hindi po sa akin swerte ang makapag asawa.", magalang niyang sabi
Naalala na naman niya ang kaibigan nito na mommy ng kaibigan niya ring si Monique.
"Natahimik kana riyan.. huwag mo masyadong pakaiisipin ang mga sinasabi ko.", pahayag nito
"Ahhh hindi naman po.", maikling sagot niya na sinabayan pa nito ng matipid na ngiti.
Tinignan niya ang dalawang kaibigan na abala sa kani- kanilang cellphone. Tulog pa kasi si Amaya kaya hubli rin nakausap
Inabot sila ng gabi at nakausap din nila si Amaya bago sila umuwi
Habang nasa kanyang kama ay iniisip na naman niya ang tungkol sa pakiusap ni Tita Minerva na mommy ni Monique at Taemon
"Bakit ba binigyan nila ako ng problema...arghh!", bigla sumakit ang kanyang ulo sa kanyang kinaharap na gawin.
Hanggang nakatulugan niya ang ganung isipin.
Kinabukasan okay naman ang kanyang gising. Naligo muna siya bago napagpasyahan na magtungo sa kitchen at magbreakfast. Mag- isa lang siya sa bahay nila dahil nasa Macao ang kanyang mommy sumama sa expedition.
"Good morning Miss Catherine.. May deliver po pala na bulaklak para sa inyo Miss Catherine.", pahayag ng kasambahay
"Kanino galing?", matabang niyang sabi
"Hindi po namin tinitignan po", saad nito
"Oh ito Miss Catherine.", saad nito sabay abot ng bulaklak na may assorted ang kulay pero mas majority ang pula na roses.
Inabot niya ito mula sa kasambahay at inaamoy amoy. Nagustuhan niya ang mabangong amoy ng bulaklak.
Pagkatapos kinuha ang card na nasa gitna ng bouquet pero walang pangalan.
"Kanino galing ito?", tanong niya sa kasambahay
"Delivery boy po ng flower shop daw po siya, Ate. ", sagot nito
"Ahhh sige pakilagay na lang sa mga vase,Ate.", utos niya sabay abot ng bulaklak
"Okay po,Ate." sagot nito at umalis na bitbit ang bulaklak
Nagtuloy siya sa kanyang banyo upang maglinis nang katawan.
Pagkatapos nahiga na siya nang tumunog ang kanyang cellphone
Unknown ang number na lumalabas sa kanya caller id. Hinayaan niyang tumunog ng tumunog ito at inilapag niya sa side table bago nagpasyang matulog.