Chapter 19

2858 Words
Chapter 19 Kinabukasan maaga siyang nagising at nakahanda na ang kanyang mga dadalhin na cakes na pinagawa niya pa sa kanilang kasambahay. "Salamat po Ate Vilma sa pagawa ng cake.", pasalamat niya "Walang anuman po Ma'am.. pasalamat nga po ako dahil natototo po akong gumawa ng cake.", pahayag nito Nginitian niya at lumabas na sa pinto upang magtungo sa kanyang sasakyan Nasa highway na siya nang tumunog ang kanyang cellphone pero dahil nagdrive siya hinayaan niya lang itong tumunog. Pagdating niya sa coffee shop napansin niya kaagad ang isang montero Suv black na pamilyar sa kanya. Uminit kaagad ang kanyang ulo at parang ayaw niya nang tumuloy sa loob ng kanyang coffee shop "Anong kailangan ng hudyong impakto na 'yan dito?", kausap niya sa kanyang sarili "Good morning Miss Catherine.", bati ng guwardiya sa kanya na ginan ginantihan niya ng tango at tumuloy na sa loob "Good morning Miss Catherine." sabay-sabay na bati ng kanyang mga empleyado na nasa kanya- kanyang gawain "Good morning sa inyong lahat.", saad niya habang inilibot ang kanyang paningin sa kabuuan "Pakikuha naman ang mga dala ko sa kotse.", saad niya habang nag-iikot ang mga mata " Kayong dalawa na ni Lyndon, Mark.", utos ni Layla Siya naman nagtuloy- tuloy sa loob ng restricted area "Meju busy tayo ngayon ah!", saad niya kay Clint na barista niya "As you can see naman diba.. ang daming customer natin kapag ganitong mga oras.", pahayag nito Tama ito umaga at hapon ang may pinaka- marami nilang customer Lumapit siya sa isang machine upang magtimpla ng kanyang favorite na macchaitto "Nariyan pala ang nagwawala mong suitors." napalingon naman siya sa narinig mula dito "Pagkakaalam ko wala akong suitor.. kaya tigilan mo ako jan.", pahayag niya "E sa merun na nga... at nasa VIP area natin.", saad nito na nilapatan pa ng nakakalukong tawa "Ewan ko sa iyo..", saad niya at bitbit ang kanyang mug ng coffee..aalis na siya bago pa hahaba ang usapan Pagpasok niya sa kanyang opisina, nilapag niya ang kape at inalis din niya ang kanyang at inilagay sa stand na nasa gilid lang ng kanyang table naiwan sa kanya ang kanyang baby pink floral mini dress na semi off shoulder. Pero nagulat siya sa nahagip ng kanyang paningin sa likod ng kanyang pintuan. "Anong ginagawa mo dito..at paano ka nakapasok sa opisina ko?", sunod-sunod niyang tanong "Relax lang wala akong gawin na masama, andito ako para makipag bati sa iyo.", saad ni Taemon "Ayos ka rin e 'no?.. pagkatapos aawayin mo na naman ako?.", nakapamaywang niyang sabi "Sorry na.. "Sorihin mo mukha mo!", putol niya sa sinasabi nito "Bati na tayo.. ang cute mo pala naman kapag nagsusungit ka.."Matagal na,tska huwag mo akong bola-bolahin.. hindi mo ako madadala sa paganyan- ganyan mo." "Hindi kita binobola, sincere akong makipagbati sa iyo.", saad nito "Anong assurance ko naman jan?!", nakataas kilay niyang tanong "I showed with my actions.. that's it!", pagamamalaki pa nito "Sige madali akong kausap.. ayoko rin na may dalahin sa dibdib ko.. but under observation ka pa din sa akin.. Once may gagawin ka ulit na hindi maganda deds ka sa akin...and that's final!', paalala niya "So okay na tayo?", tanong nito "Sort off!", kibit balikat na sabi niya "May peace offering!", masayang pahayag nito sabay abot ng white bouquet ng aster flowers na isa sa gusto niya Hindi niya ito napansin na may dala palang bulaklak ang mokong na ito. Pero tinanggap pa rin niya ang binigay na bulaklak na binigay nito "Dahil sa okay na tayo baka puwede yayain kita out for dinner mamaya...syempre bati na tayo..right?.. looks like ahmm celebration para sa ating friendship lang. ", paliwanag ni Taemon na nagkamot pa sa batok "Pero taya mo ah!', inunahan niya na ito "Basic.. oo naman , hindi ako nagpapalibre sa isang babae.", saad nito "Talaga lang!", gusto niya sanang sabihin "Ano pa inaantay mo...puwede ka nang umalis.", pahayag niya sabay simsim ng kape "Grabe ka, palayasin mo na ako ni hindi pa ako nakapagkape.", pasaring nito "Kasalanan ko pa ba?", saad niya "Hindi naman, for complement lang sana.", pahayag nito na inirapan niya lang "Nasa labas lang ang kape.. ano ka chiks?", sabi niya dito "Doon ka na lang , marami akong gagawin e.", taboy niya "Okay.. pero huwag mo kalimutan mamaya.", paalala nito "Oo na, ", simpleng sagot niya Naglalakad na ito palabas saka siya nakahinga ng maluwag. Mapapasubo siya sa dinner mamaya nila ni Taemon. "Bahala na si batman..mamaya", sa isip niya Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa sa araw na iyon hanggang ang lunch time at tumunog ang kanyang cellphone na ang tumawag si Monique "Hello sister, wazzup?", tanong niya "Andito kami ni Jess sa coffee shop, yayain ka sana naming mag-lunch sa labas then after pupuntahan natin si Amaya sa hospital.", narinig niyang sabi nito "Mabuting idea 'yan.", saad niya "Wait ka namin dito sa parking ng shop mo..'ky?!", masayang pahayag ng kaibigan "Wait niyo ko..give me ten minutes at nariyan na ako.", tugon niya "Okay,baka puwede magdala ka ng cake mo...alam mo na pasalubong natin pagpunta ng hospital.", saad nito "Sure.. !", maikling sagot niya "Okay wait me then..", saad niya at pinatayan na niya ito ng tawag "Clint aalis muna ako ,kayo munang bahala dito sa ating coffee shop", paalam niya sa kanyang barista. "Sure... may date ba?", usisa nito Kaibigan na rin kasi niya ito kaya free itong magtanong ng personal sa kanya. "Akala ko magtatagal ka pa sa loob", bungad ni Jessica na nasa loob na siya ng sasakyan nito "Balak ko sana kaso baka ma heatstroke ka sa kakaintay sa akin sayang ang lahi mo hehe.", biro niya dito Nakitawa naman si Monique "Parang may gusto kang ikwento sa amin ni Jess?", untag ni Monique Sinilip naman siya ni Jessica sa center mirror ng kotse na naghihintay rin ng kanyang sasabihin Mukhang wala na siyang kawala sa dalawang kaibigan "Oh ano nanahimik kana riyan.. my bestie!", untag ni Monique sa kanya "Bubuwelo lang ako.", matabang niyang saad "Mukhang intense ang sasabihin mo ahhh..tungkol saan ba 'yan?", singit ni Jessica na tutok ang tingin sa daan "Ganinto kasi ,'yon.. "Excited na ako kung ano man ang sasabihin mo,Cath!", putol ni Monique sa kanya "Pagsalitain mo kaya muna siya, Monique Aikira Matsumoto.", pahayag ni Jessica na nabanggit pa ang buong pangalan ni Monique "Ituloy mo na pala.. ", saad ni Monique na inirapan pa si Jessica "Hindi mo alam na ang twin brother mo ay mortal kong kaaway at palagi niya akong pinahihiya at worst pa mina-maliit ang pagkakavabae ko ..Kung ano- ano ang sinasabi sa akin kaya galit na galit ako sa kanya..."O to the M to the G.. nangyari pala 'yan sa inyo ni pangit", putol ni Monique "May sayad 'yang kambal mo e.. hindi ko alam anong merun jan sa hudyong lalaki na 'yan.", pahayag niya Tawang-tawa naman si Jessica sa mga sinasabi niya "Ano na score niyong dalawa ngayon ni pangit?", si Monique "Ayon ang mokong, nakikipagbati sa akin. ", saad niya "Mukhang masaya ito.. May future kayo ni Taemon.. Cath", biro ni Jessica "Oyyy may sister- in- law na kita bestie!", napaubo naman siya sa naging pahayag ni Monique "Intact pa rin tayong tatlo..diba ang saya?", si Jessica Napatampal naman siya ng kanyang noo "Ewan ko sa inyong dalawa.. pala desesyon kayo sa akin?!", saad niya "Masaya lang kami..ganun lang 'yon.", sabi ni Jessica "True ka diyan..Jess.", segunda naman ni Monique "Basta ako hindi nagsasalita ng patapos..tanggapin ko ang aking fate kung maging matandang dalaga ako.", matabang niyang pahayag "Dito na tayo", declara ni Jessica Nakaginhawa siya dahil nasa restaurant na sila na paborito nilang kinakainan. Papasok na sila ng sumaludo pa sa kanila ang guard dahil kilala na rin sila ng guard. La Cosina Restaurante sila naroon na ang namamahala ay ang kaibigan ni Taemon "Table for three, please!", si Jessica "This way Miss Jessica ", alok ng waiter sa kanila nauna na itong naglalakad at nakasunod sila Ang ganda talaga ng ambience ng restaurant kaya palagi nilang pinuntahan. Nagtagal din sila sa restaurant ng halos dalawang oras at nagtake- out na rin sila para dalhin sa hospital tiyak naroon ang magulang ni Amaya. Papalabas sila sa restaurant ng makasalubong nila ang tatlong kaibigan ni Taemon..si Hans at Radli kasama ang apo ng may- ari ng La Cosina na si Carmelo na siya na ang namahala ng restaurant. Si Gio naman ay sigurado nasa hospital dahil nanganak ang kaibigan nilang si Amaya na asawa nito. Missing in action din si Uilliam at Taemon. " Dito na tayo ",saad ni Monique na nauuna nang naglakad papunta sa kabilang direksyon kasalungat sa magkakaibigan na sila Radli, Hans at Carmelo. Humabol naman silang dalawa ni Jessica dito ... alam niya na kung bakit ganun na lang ang inasta ng kaibigan nila at dahil kay Radli "Monique antayin mo naman kami ni Catherine!", tawag ni Jessica pero parang wala itong naririnig Bago siya sumunod nakita pa niya ang pag- iiling- iling ni Radli at ang pagtulak ni Hans dito Naawa na nga rin siya sa kaibigan..hanggang kailan nito matanggap na walang pagtingin sa kanya si Radli na kapatid lang talaga ang tingin nito sa kanyang kaibigan. Naabutan nila ito sa kotse na nasa parking area ng restaurant. "Grabe ka, Monique..sa kakasunod sa iyo nagutom na naman ako.", reklamo ni Jessica Inirapan lang ito ni Monique ng masama na siniko naman niya para tumigil ito sa kadaldalan. Nakinig naman ito at pumunta na ito sa driver set at siya naman ay binuksan ang passenger side Habang si Monique walang imik na binuksan ang pinto sa backseat. Nauunawaan niya ang kaibigan sa naramdaman nito. Hindi madaling kalimutan ang unang pag- ibig..wish niya lang sana na makatagpo ito ng lalaking mamahalin upang hindi na ito mahirapan pa. Sinilip niya ito ng palihim... ramdam niya ang sakit na dinadala nito. Pero wala siyang magawa may nobya na rin si Radli na nakilala na rin nila si Arabella nga iyon. "Ito tissue, huwag mong pigilan.. baka himatayin ka riyan.", si Jessica na hindi niya malaman kung seryoso ba ito sa sinasabi "Magdrive kana nga lang diyan!", paangil na sabi ni Monique Tinignan naman niya si Jessica ng stop look na nag zip sign naman ito ng bibig. Hinayaan lang nila ni Jessica si Monique sa tahimik nitong pagluha. Kaya ayaw niyang mag-nobyo dahil takot siyang masaktan. Si Andrew o Andrea lang naman ang palagi siyang hinahanapan ng blind date na poro lang naman palpak. Ang huli ay 'yong abogado na si Gil na ayaw ng mommy naman niya. Dahil sa mga pinag- iisip niya hindi niya napansin na nakarating na sila sa hospital kung naroon ang kaibigan nila. Bumaba sila pagkatapos makahanap ni Jessica ng parking. Siya bitbit ang take- out nilang food at si Monique naman na huminto na sa pagluha ay fresh fruit namanna nakalagay na sa isang basket. Halatang- halata na kagagaling lang nito sa pagluha dahil sa namumugtong mga mata at namumulang ilong. Si Jessica naman ang isang bouquet ng favorite flower ng kaibigan. Naglalakad sila sa hallway ng hospital ng makasalubong nila si Gio kasama ang mga magulang nito na si Tita Myla at Tito Francesco "Good morning po sa inyo Tita at Tito" " Good morning po sa inyo.", sabay na bati nila ni Jessica "Good morning din sa inyo.. andito pala kayong tatlo..", pahayag ng mommy ni Gio Habang tumango lang sa kanila si Tito Francesco na ama ni Gio "Good morning po Tita Myla at Tito Francesco.", bati ni Monique sa dalawa sabay nagbeso Ginantihan rin ito ng ginang ng beso at yakap na rin. Galing na kami kay Amaya.. pauwi na kami at kayo naman doon.", saad ng mommy ni Gio "Opo Tita," sagot niya "Sige mauna na kami sa inyo.", paalam nito "Ingat po kayo.", si Monique "Thank you.", sagot ng Daddy ni Gio Pinauna nila itong umalis saka rin sila tumuloy sa pagpunta sa elevator at agad pinindot ang 5th floor. Ilang minuto nasa floor na sila na kung saan ang suite ng kaibigan. "Huwag pakaisipin ang pangit kong kambal", danggil ni Monique sa kanya na ikinagulat niya "Ano ka ba naman, Monique.. atakihin ako sa puso sa'yo e.",asar niyang sabi "Mukhang upset ka kasi e.. kanina a kaya ako dito nagsasalita dahil lumampas kana sa room ni Amaya.", paliwanag nito Napalingon naman siya sa paligid at tama nga ito. Wala na rin si Jessica sa tabi nila.. siguradong nasa loob na ito ng room ng kaibigan. Kahit sa sarili niya napapahiya siya kaya mas pinili na lang niyang huwag nang magsalita pa. Sumunod na siya pabalik at binuksan na rin nito ang room ng kaibigan na nanganganak. "Saan kayo nagpunta at ang tagal niyong nakapasok dito?", bungad na tanong ni Jessica na nakaupo na sa couch na pang- isahan Habang si Amaya ay gising naman na nakatingin sa kanilang dalawa ni Monique Lumapit silang dalawa ni Monique dito at nakipagbeso "Ikaw lang mag- isa?", takang tanong ni Monique sa kaibigan "Lumabas lang saglit si Mommy at Ate.", paliwanag ng kaibigan "Bakit ang tahimik mo ata Cath?", puna ni Amaya sa kanya "Masayang kuwento ito.. Cath sabihin mo na kay Amaya.", untag ni Jessica sa kanya Habang si Amaya ay naghihintay naman ng kanyang sasabihin. "Ikaw talaga ang hilig mo pangunahan mo ang mga bagay- bagay.", sita ni Monique na ikinasang- ayon niya pero wala siyang sinasabi "Ang kupad kasi nitong magkuwento e.. " Hinayaan mo na sana siyang magsabi.. pala- desisyon ka lang talaga.", putol ni Monique sa paliwanag ni Jessica "Bakit ano bang merun?", tanong na ni Amaya "Ikaw na magsabi, nahihiya akong sabihin e.", anas niya kay Monique na nasa tabi niya lang "Okay,if you say so..", saad ni Monique " Ako na ang magkuwento para mas madali..ganito kasi sissy.. Si Kuya at itong friend natin na si Catherine may something na sila lang nakakaalam in story short.. naging aso't pusa pala behind our knowledge...'tas ngayon may reconciliation na mangyari sa kanilang dalawa at ang masaya baka sila pa ang magkatuluyang dalawa..diba ang saya- saya..."Excited na nga ako mga sissy e!", singit ni Jessica kay Monique "O andito na pala kayo?!", saad sa bagong pasok ng mommy ni Amaya na may bitbit ang paper bag na sa tingin niya ay pagkain. Kasunod naman nito si Aminah na buntis na sa anak nito at sa asawang kapatid ni Gio. Lumapit silang tatlong magkakaibigan at nagbless sa kay Kaithleen at nakipagbeso- beso kay Aminah. "Kararating lang po namin, Tita!", sagot ni Jessica "Tamang-tama ang dating niyo at kakain na tayo!", masayang pahayag ni Tita Kaithleen sa kanila "Sorry po Tita pero tatanggihan na po namin ..bago po kami gumura dito dumaan na kami sa favorite naming Spanish resto.", paliwanag niya Sumang- ayon naman ang dalawang kaibigan "May dala po kaming favorite niyo na seafood paella, Tita.", saad ni Monique "Wow..alam niyo talaga ang favorite ko.. ha?", saad nito "Oo naman po,Tita!", nakatawang sabi ni Jessica Inabot ni Monique ang take- out nilang food kay Tita Kaithleen na mommy ni Amaya Nagtagal din sila ng ilang oras bago nagpasya silang umalis na. Siya ay nagpahatid ulit sa kanyang coffee shop. Inabot na siya ng takipsilim sa labas. Pagdating niya sinalubong siya kaagad ni Leah na waitress niya. "Miss Catherine, may naghihintay po sa inyo.", pahayag nito na sinundan pa niya ang inginuso nito na ang isang nakatalikod na lalaki sa pang- isahang table. "Salamat Leh!", masayang pahayag niya at nagsimula nang maglakad papunta sa isang lalaki na meju pamilyar sa kanya. "Excuse me..!", mahinang tanong niya sa nakatalikod na lalaki Dahan-dahan naman itong pumihit paharap sa kanya . Nang ganap na itong humarap nagulat pa siya at si Taemon pala ang lalaking naghanap sa kanya. Maaliwalas ang mukha nito na binagayan sa bagong spike na gupit. Bagay pala dito, mas lalong nag- emphasize ang prominent na looks na nagpapatingkad pa lalo dito tsaka mas bumagay rin nito sa aura dahil sa singkit nitong mata. "Guwapong- guwapo kana ba sa akin?", untag nito sa kanya na ikinainis na naman niya "Joke lang..baka imbis okay na tayo magagalit kana naman sa akin diyan." pilyong pahayag nito na tumatawa pa ..Lumalabas tuloy ang mapuputi nitong mga ngipin na pinarisan rin ng magkabilaan na dimples. "Ang guwapo pala nito kung tumawa lang palagi.",bulong ng suwail niyang utak na ipinilig pa niya Nagulat pa siya sa pag- abot nito ng bouquet ng red and pink roses na hinaluan ng white aster. "Sa a-akin 'yan,", katangahan niyang taong Nauutal pa siya dahil sa na- off guard siya. Gusto niyang hambalusin ang kanyang innermost mind dahil sa kung ano- anong iniisip nito "Sa iyo , dahil inabot ko sa'yo.", pamilosopo nitong sabi Hindi niya na lang ito pinatulan at parang hindi niya na kaya pang magtaray dito. "Hintayin mo na lang ako dito at mag- ayos pa ako sandali." saad niya at tumalikod na siya. Hindi niya na ito pinasalita ang lakad takbo na siyang umalis sa harapan nito. "Nagb- blushh ang aming ma'am", biro ni Cleofe waitress niya sa panggabi "Hindi ah...!", maagap niyang sabi Nagblusg nga siguro siya dahil sa biglang pag- init ng kanyang mukha. Ang lalaking 'yon talaga sisi niya kay Taemon habang papasok na siya sa kanyang opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD