Chapter 17
Pagkatapos sa nangyari sa kanila ni Taemon ay abala naman siya sa kanyang opisina nang may kumatok sa labas ng pinto ng kanyang opisina.
"Come in", saad niya at iniluwa ang kanyang waitress na si Leah
"Miss Catherine, sorry po pero nasa labas po ang mga kaibigan noong lalaki na nagwawala dito kanina lang.", pahayag ni Leah
Nabahala naman siya sa narinig
"Anong ginagawa nila ngayon?", saad niya
"Sa ngayon po ay wala naman silang ginagawa.", pahayag nito
"Basta bantayan niyo sila at kung ano man ang kanilang gagawin ipaalam mo kaagad sa akin.", utos niya sa waitres
"Opo Miss Catherine, un lang po ang aking sadya po sa inyo.", pahayag nito
"Salamat sa pag- aabala mong ibalita sa akin Leh", saad niya
"Walang anuman po Miss Catherine, concern lang po ako dahil nakakatakot yung lalaki kanina.. guwapo sana pero pangit ng ugali.",pahayag ni Leah
Napalingon naman siya dito mula sa pagkayoko dahil sa ginagawa niya sa kanyang laptop
Pagkalabas ng kanyang waitress ipinagwalang bahala niya ang ibinalita nito.Hindi naman kasi loko loko ang mga kaibigan ni Taemon hindi katulad nito na bipolar.
Pinagpatuloy niya ang kanyang inventory for the month.
Samantalang si Taemon nasa favorite nilang hang- outs
"Baby, ",
Napalingon naman siya sa nagsasalita na ang ex pala niyang si Lori
"Wala ako sa mood ", matabang niyang saad dito
Alam na alam niya ang kailangan nito sa kanya pero wala na siya pang gana na pagtuunan pa ito ng pansin.
"Ang sungit mo naman ngayon.. baby", masigla nitong sabi na sinamahan pa ng landi ang boses
Wala siyang time upang makipag- flirt dito dahil sa pagka-bad trip niya kanina sa coffee shop ni Catherine
"Kaya kong alisin ang pagkabagot mo.. dating gawi.. no string attached..I'm still yours slave..baby", pahayag nito na kiniskis pa ang maumbok nitong dibdib sa braso niya na lalong nagpa irita sa kanya.
"Wala ako sa mood kaya please Lori leave me in peace.", matabang niyang pahayag
"Naman e, hindi mo ba alam na namimiss kita.", patuloy nitong pang- aakit sa kanya
"Get lost ,Lori..", madiin niyang sabi sabay abot ng kanyang black label na nasa harapan lang niya at tinungga.
"Tsehhh.. tandaan mo Taemon, ikaw rin ang maghahabol sa akin balang araw.", saad nito sabay dampot ng pouch at padabog naumalis .
Napapailing na lang siya at itinuloy ang kanyang pag- inom. Gusto niyang magpakalasing at makalimot sa naganap sa buhay niya na hindi niya gustong mangyari. Ang unti-unting pagkakagusto sa isang babae.
Samantalang sa coffee shop ni Catherine naroroon pa rin ang tatlong kaibigan ni Taemon Si Carmelo, Uilliam at Hans.
Sininyasan ni Carmelo ang waiter upang mag- order ng makakain.
Lumapit naman kaagad ang waiter na tinawag.
"Sir ano po ang order- in niyo?", tanong ni Lyndon ang waiter ni Catherine
"Puwede patawag ng boss niyo", si Uilliam ang nagsalita
"Sorry po Sir.. si Miss Catherine po ay busy at hindi po niya kayo maharap ngayon.", magalang na sabi ng waiter
"Gaano ba siya?", singit ni Hans na nakatukod ang mga palad sa ilalim ng baba nito.
"Sorry po Sir , sumusunod lang po kami sa kanyang utos.", pakumbabang paghingi ng tawad ng waiter
"Huwag niyo na kasing pilitin pa .. syempre ayaw tayo noon kausapin dahil sa nangyari sa kanila ni Taemon.", pahayag ni Carmelo
Napahilamos na lang si Hans sa naramdaman na pagka uyamot sa pagkaalala kay Taemon. Kung hindi lang kaibigan nakatikim na ito ng suntok sa kanya.
"Sige bigyan mo na lang kami ng specialty niyo dito.", pagsuko ni Uilliam
"Okay po Sir, ahmm baka gusto po ninyo e-try ang aming latest flavor na Pistachio caramel crumble na cake,Sir?", magalang na tanong ng waiter
"Okay.. kayo gusto niyo ba?", si Carmelo
"Allergy ako sa nuts" si Hans na nilalaro pa ang tissue na nasa harapan
"Merun po kaming Toffee dark chocolate, Sir.. baka po magustuhan niyo..sariling bake po ni Miss Catherine 'yun.", alok ng waiter
"Wow napaka- swerte naman ng magiging hubby ni Catherine. hindi lang maganda, talented pa.. wife material talaga ", hindi mapigilan ni Uilliam
"Type mo? ,", tanong ni Carmelo
Napalingon naman si Hans sa katabing si Uilliam at inaantay ang kasagutan nito mula kay Uilliam
"Hindi ko siya type", mahinang saad ni Uilliam pero umabot pa rin sa pandinig ni Carmelo at Hans
'Ngayon -ngayon lang puring-puri mo siya..tumigil ka nga !", si Hans
"Tang'na niyo hindi ba puwede na humanga sa isang tao dahil sa galing nito.", pahayag nito na halatang pikon na sa mga kaibigan
"Mas mabuti na malinaw dahil kahit ayaw aminin ni Taemon ang kanyang feelings kay Cathy.. alam niyo naman na may pagtingin na siya dito at ayaw lang namin na magkakagulo tayo dahil sa babae.", paliwanag ni Carmelo
Natahimik naman si Uilliam, crush niya kasi si Catherine simula nung nakita niya ito sa isang charity event na dinaluhan niya na nagkataon din na andoon si Catherine.
"Pakikuha na lang ng order namin Boy.. dalawang pistachio at isang Toffee dark choco... samahan mo na rin ng coffee americano.", pahayag ni Hans
"Pakibilisan na lang bago pa mabutas ang lamesa niyo.", dagdag ni Hans na sinulyapan si Uilliam na tinutusok ng tinidor ang monoblock...na lamesa na tinakpan ng table cloth
"Tssskkk bipolar!", mahinang daing ni Carmelo na nauwi sa mahinang sigaw dahil sa hindi inaasahan na sipa ni Uilliam dito.
"Hudyong palaka ka gago ", napapamurang saad naman ni Carmelo
Napailing iling namang tumalikod si Lyndon sa magkakaibigan para asikasuhin ang mga order ng mga ito.
"May araw ka rin sa akin ayop ka,Ui! ", saad ni Carmelo na nasaktan ng sobra
"Kahit kailan kayong dalawa parang aso at pusa...hind.. pu*tangna mo Carmelo bakit kaba nambato jan..!", hindi na natapos ni Hans ang dapat sasabihin ng binato ito ng tissue holder ni Carmelo
Napalingon naman sa kanila ang iba pang customer dahil sa lakas ng boses ni Hans
Sa loob ng opisina ni Catherine sa kanyang coffee shop natigil siya sa kanyang ginagawa dahil sa isang katok mula sa labas.
"Come in ", utos niya
"Sorry po Miss Catherine", saad ni Leah isa sa mga waitress niya
"May problema ba,Leh?", tanong niya ng makapasok na ito sa loob ng kanyang opisina
"Sorry po Miss Catherine, alam ko po na busy kayo pero 'yong mga kaibigan po kasi noong sumugod dito napaka- distracting po nila sa iba nating mga customer at naalarma po sila baka raw po mag- aaway sila", paliwanag ng waitress sa kanya
Sa narinig napasapo na lang siya sa kanyang noo
Dagdag stress sa kanya ang mga kaibigan ng Taemon na iyon sa isip niya
"Sige Leh, mauna ka na at susunod ako...alerto lang kayo..lalo si Manong guard", utos niya
"Okay po Miss Catherine.", pahayag nito at tumalikod na para lumabas na nang kanyang opisina
Tatayo na sana siya ng tumunog ang kanyang cellphone at unknown number ang nakasulat sa caller id
"Hayyy sino na naman ito", tanong niya sa sarili
Kinan cancel niya ang tawag pero tumawag naman ito ulit kaya napilitan siyang sagutin ito.
"Hello", mataray niyang bungad sa tumawag
"Ahhhm ito po ba si Maria Catherine Dela Peña?", anang boses lalaki sa kabilang linya
"Yes, and who's this?", mataray niyang tanong
"Ahhm sorry po ma'am sa estorbo pero pinakialaman ko na po ang cellphone ni Sir Taemon na andito ngayon sa aming bar at lasing na lasing po siya sa kasalukuyan.", paliwanag ng kausap
"Mister, hindi ko po problema ang kung sino mang naglalasing sa bar ninyo.At isa pa hindi ko po siya kilala. ", estrikta niyang sabi
"Ahhh sorry po ma'am, numero po na ito ang nasa unang list ng kanyang phonebook po kasi ma'am kaya tinawagan po namin. .baka po kasi ano pang mangyari nito kay Sir Taemon kasi may trabaho pa kasi sa ngayon ma'am.. Akala ko po asawa kayo o kaya nobya niya", paliwanag nito
Sa huling narinig doon nagpanting ang teynga niya
"Sorry lang po Mister ,hindi ko po siya kilala kaya malabo ang sinasabi niyong nobyo ko yan mas worst asawa.", nanggigil niyang pahayag sa kausap
"Kaya nga po ma'am humihingi po ako sa inyo ng pasensya sa aking kamalian.. pero ma'am baka may kakilala kayo na puwede...", hindi niya na pinatapos ang kausap at pinatayan na ng tawag.
"Buwesit talaga, kahit kailan stress ka talaga sa akin hudyo ka", kausap niya sa sarili
Sa gigil niya naggalaiti ang bagang niya sa inis at padabog siyang tumayo at magmartsa palabas.
Wala siyang lingon lingon na lumabas sa restricted area alam niyang pinagtitinginan siya ng kanyang mga empleyado pero wala siyang pakialam ang gusto niya lang mangyari ay makarating kaagad sa mga kaibigan ng empakto na hudyo.
Natanawan niya na kaagad ang tatlo pag- akyat niya sa ikalawang palapag ng kanyang coffee shop
Pinalagyan niya na kasi ng taas ang kanyang coffee shop dahil sa dumarami ang mga customer nila.
"Yung magaling niyong kaibigan ako na naman ang piniperwesyo... " Kalma lang... sinong kaibigan ang tinutukoy mo Cath?", putol ni Uilliam sa kanyang sasabihin
"E sino pa ba.. iisa lang naman ang asungot sa inyo kung 'di 'yong ab normal lang naman!", halos umusok na ilong niya sa inis na sabi niya
"Naku- nako, mukhang huli ka sa balita Cath maraming abnormal sa amin ang dalawa andito pa nga at kaharap mo lang hahaha", hirit ulit ni Uilliam
Sinamaan naman ni Hans at Carmelo ng tingin si Uilliam na wala atang pakialam sa matatalim na mga tingin ng dalawa sa kanya.
"Pero teka,sino ba ang tinutukoy mo kasi.. liwanagin mo kasi..hirap manghula e.", si Hans
"Paupuin na muna natin ang magandang binibini ", pahayag ni Carmelo na kumindat pa kay Uilliam
Umupo naman si Catherine sa isa pang upuan na nasa pagitan ni Hans at Uilliam
Sininyasan naman ni Hans ang waiter na nasa malapit lang .. agad namang lumapit ito sa kanila
"Pakibigyan siya ng Strawberry Cremè Frappuccino", si Uilliam ang nagbigay ng kanyang order
Napalingon naman siya kay Uilliam bakit alam nito ang favorite niyang flavor na Frappuccino
"Did you remember sa isang charity na aksidente tayong nagkita .. natandaan ko lang ang favorite mo.", paliwanag nito kahit hindi naman niya tinatanong
"Ahhh okay good thing!", maikling sagot niya
"Matandain talaga si Uilliam lalo na sa mga babae'ng magaganda.... na katulad mo pusa.", pahayag ni Carmelo na sa pagkaintindi niya parang may double meaning ito
Napasulyap naman siya sa gawi ni Uilliam na nakatingin pala sa kanya.. bigla siya tuloy na conscious sa way ng pagtitig sa kanya.
"Excuse me po mga Sir .. ito na po ang order para kay Miss Catherine", saad ng waiter na si Mark
Tinanggap naman ito kaagad ni Uilliam at dahan- dahan na inilapag sa harapan niya.
"Thank you ", matipid niyang pasalamat dito
Baliwala naman ang dalawa sa kanila umiinom na ito sa mga kani- kanilang kape.
Ilang minuto rin ang walang nagsasalita sa kanilang apat tila baga may dumaan na anghel sa harapan nila
Binasag niya rin ang katahimikan
"Pasensya na sa inaasal ko kanina ,asar lang kasi ako dahil kay Taemon.."Bakit ano na namang ginawa ng kumag na iyon?", putol ni Carmelo sa sasabihin niya
"Ayon naglasing at ako lang naman ang tinawagan 'nung nasa bar kung saan siya ngayon.", sumiklab na naman ang inis niya kaya sumimsim siya sa kanyang Frappuccino
Natigilan siya ng may humawak sa kanyang kaliwang kamay na walang hawak na straw.
Paglingon niya si Uilliam pala ,biglang sumanib sa kanyang katawan ang pagkakailang at nagsipagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan pati sa batok.
Patay malisya niyang hinila ang kamay at dinampot ang tissue pero gusto niya nang tumayo at tumakbo pabalik sa opisina niya dahil sa nararamdaman na ilang.
"Ibig sabihin ay alam mo kung nasan ngayon si T?", usisa ni Hans sa kanya
"Hindi!", maagap niyang sagot
"Boplax kasi e.. pero may idea ako kung nasaan ang kumag na 'yun!", inis na saad ni Carmelo
Samantalang tahimik lang na umiinom ng kape si Uilliam
"Wala kang sasabihin..Uilliam?", untag ni Hans kay Uilliam
"May narinig ka bang sinasabi ko?!", pamilosopo na sagot ni Uilliam
"Wala, kaya nga tinatanong kita dahil ang tahimik mo.", si Hans ulit
"Huwag mo akong pansinin.", matabang na sabi ni Uilliam kay Hans na ikinibit ng balikat lang ni Hans
"Bakit ayaw mo bang puntahan, pusa?", si Carmelo
"Bakit ko siya puntahan.. pagkatapos ng kanyang ginawa sa akin.", gigil niyang sabi
"Kung ganun,kami na lang ang pupunta ", si Hans
"Kayo na lang masakit ang ulo ko", singit ni Uilliam