Chapter 20

2153 Words
Chapter 20 Nagtagal siya ng halos thirty minutes sa kanyang opisina. Inayos niya ang sarili at mabuti na lang may damit siya na talagang sinadya na ilagay doon for emergency purposes. Katulad ngayon may biglaan siyang lakad at minsan may biglaan siya meeting sa clients. Binagay niya ang kanyang semi- off shoulder na plain magenta na wrapped around sa may baywang na nabili niya pa sa Dulce and Gabbana pinarisan niya ng shoulder bag na off white at sapatos na clogs. Lumabas na siya sa kanyang opisina na nakatingin sa kanya ang kanyang mga empleyado... pati customer nila sa coffee shop. "Ang ganda- ganda niyo talaga po Miss Catherine.", pahayag ni Cleofe "Binobola mo lang ako!", saad niya "Hindi po, sadyang nagagandahan lang ako sa inyo.", saad nito na tinawanan niya lang "Kayo na bahala dito okay..?!", sabi niya "Noted po Miss Catherine.. enjoy po kayo", pahayag nito Iniwan niya ito at naglalakad na siya palabas ng restricted area nila. Nakita niya na agad ang lalaking nagpakaba ng puso niya kanina si Taemon "Let's Go..!", aya sa kanya nito Wala siyang sinabi at nagpatangay na lang papunta sa sasakyan nito na isang sports car. Pinagbuksan siya ng pinto ni Taemon agad naman siyang umupo dahil sa nakaramdam siya ng koryente sa katawan dahil sa pagkadaiti ng balat nito sa kanyang braso. Pagkaupo niya nalula siya sa ganda ng loob ng sasakyan nito. Maganda rin ang kanyang kotse dahil Maybach ito pero mas expensive ito talaga. Nagulat pa siya sa pagbukas ng pinto ng driver side kaya napaayos siya ng kanyang opo. "Shall we?", untag nito sa kanya na ikinatango niya lang Tahimik silang dalawa sa buong biyahe hanggang makarating sa restaurant na sobrang sosyal dahil sa entrance pa lang ay halata na..na nasa isang sikat ito na hotel ng bansa. Sinilip niya ang kanyang damit at maayos naman ito. Nagulat pa siya nang kunin ang kanyang kamay at pinahawak sa braso nito na ikinailang niya talaga pero tiniis niya at pinili na huwag nang magsalita. Pagpasok nila sa entrance ng restaurant sinalubong sila ng waiter. "My secretary called for a reserved this afternoon.", saad ni Taemon Tinitignan nito ang isang papel na hawak "Ahhh okay po Sir Matsumoto..this way po Sir.", saad ng waiter Nauna na ito sa kanilang dalawa nakasunod naman silang dalawa na pinauna pa siya nito. Kinilabutan siya na parang gusto niya nang tumakbo. Nagtayuan ang lahat ng kanyang balahibo sa katawan. "Dito po kayo ,Sir..", pahayag ng waiter. Pinaghila siya ni Taemon ng upuan na agad niyang inupuan. Umikot ito pagkatapos siyang paupuin sa upuan na katapat ng kayang inuupuan. Samantalang ang waiter ay nakatayo sa tabi ng table bitbit ang menu at ilang segundo lang ibinigay ito sa kanilang dalawa. "Ikaw na ang omorder para sa akin.", mahina niyang sabi nakatingin pala sa kanilang waiter na sigurado siyang inaantay ang order nila Sininyasan nito ang waiter na alisto naman itong lumapit dito Hinayaan niya itong omorder para sa kanya. Ilang saglit lang umalis na ang waiter. "Akala ko mapapahiya ako sa iyo dahil baka magbago ang isip mo.", napalingon naman siya mula sa tingin niya sa kanyang cellphone dahil sa isang chat na nereplyan niya at iyon ay si Monique "Gusto ko rin naman na makag- ayos na tayo, mabigat rin sa dibdib ang may dinadala kang inis sa isang tao.", pahayag niya "Iyon na nga e..naduwag lang ako at hindi ko intension na aabot tayo sa ganun na pangyayari.", saad nito "Nagulat lang ako dahil naging okay naman tayo then suddenly naging nakakainis kana.", panunumbat niya "I admit ba kasalanan ko talaga 'yon and I'm sorry dahil naging stupid ako.", pahayag nito "Masakit sa akin ha..na pinagbintangan mo ako ng kung ano- ano lalo pa't hindi mo naman ako kilala.", nakaismid niyang sabi "Kaya heto na nga ako ngayon.. bumabawi at humihingi ng sorry sa'yo..Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan sa mga nagawa ko at nasabi..pati rin ako.", paliwanag ni Taemon Inirapan niya ito dahil naalala niya na naman ang mga sinasabi nito kahit matagal nang nangyari may isang linggo na rin ang nakaraan noong huli na may sinasabi ito sa kanya "Iisipin ko pa kung matanggap ko pa 'yang sorry mo..."Akala ko napatawad mo na ako.", putol sa kanya "Wala akong sinasabi na napatawad na kita..ang sabi ko sa iyo..titignan ko muna kung talagang sincere ka sa paghingi mo nang sorry sa akin.", pahayag niya "Hanggang kailan kaya 'yan?", tanong nito "Depende 'yan sa iyo...sa iyong aksyon", saad niya "Handa akong maghintay.. hanggang kailan.", saad nito Hindi na siya nakasagot dahil sa pagdating ng kanilang order na dala ng tatlong waiter. "Ito na po ang order niyo,Sir." pahayag ng waiter "Pakilapag na lang", saad nito sa waiter Nagulat siya sa dami ng pagkain na inorder nito na parang may sampo silang kasama Naghila pa ng isang table ang waiter dahil sa daming order nito sa kanila. Pagkaalis ng tatlong waiter "Sure ka ba na wala tayong kasama na hihintayin?", panigurado niyang tanong "Wala , hindi ko kasi alam kung anong food ang favorite mo kaya inorder ko na lahat na possible na magustuhan mo.", sigurong sagot nito sa kanya Napatampal naman siya ng kanyang noo sa sinagot nito. "Hindi naman ako mapili sa pagkain as long as hindi ako malalason sa food..sana umurder kana lang ng tama lang sa atin... masayang lang ang pagkain.", mahabang sabi niya "Huwag mo nang problemahin ako naman ang magbabayad.. mas okay ang sobra kesa kulang.", pahayag nito na may ponto naman ito. Pagkatapos nilang kumain ay tini- take- out na lang ang ibang na hindi nila nakain dahil sa dami kasi. Dumaan sila sa isang park na ikinatuwa niya first time din kasi niyang makapunta ng Park dahil sa may phobia siya sa park noong high school pa siya. Napagkamalan kasi siya ng matandang lalaki na isa siyang pick- up girl kaya mula noon hindi na siya nagpupunta sa park. Umupo silang dalawa sa isang bench "Ang ganda pala dito.",kumento niya "Ito ang lagi naming pinuntahan ng mga kaibigan ko noong mga bata pa kami.", pahayag nito na nakatuon ang paningin sa harap "Talaga?!", masayang sabi niya "Oo dahil malapit lang ang school namin dito noon.", saad nito "Sinong mga kaibigan mo ang kasama mo dito?",usisa niya "Sila ni Gio, Uilliam, Hans, Carmelo at Radli..at diyan kami sa slide naging close talaga.", pahayag nito na nilingon pa nito ang tatlong slides na pabilog na may iba't ibang kulay..yellow, red at green. "Ate,Kuya bili po kayo ng sampagita!", isang chubby na bata ang nag- alok sa kanila ng sampagita na naka korteng necklace "Sa iba mo na lang baby .."Sige na kuya.. ibigay niyo po kay ate na maganda sigurado akong sasagutin ka niya pagkatapos mo siyang bigyan nitong bulaklak na tinda ko.", paliwanag ng bata Napaubo naman siya sa sinasabi ng bata. Bolera na kahit ang liit-liit pa nito sa isip niya. Hinimas naman ni Taemon ang likod niya na pinigilan niya. "Sa iba mo na lang ibi.."sige na po Sir.. pambili na rin po namin ng bigas ni Lola.", putol ng bata sa sasabihin ni Taemon "Asan ang sinasabi mo na lola, baby?",singit niya sa dalawa "Hindi po baby pangalan ko, Alice po pangalan ko at si Lola Aning nasa bahay po may sakit?", mahabang sabi ng bata "Puwede ba naming makita ang lola mo?", anang si Taemon "O-opo pero hindi po kami mayaman at nasa maliit lang po kami na bahay nakatira... wala rin po kaming damit na magaganda katulad nang sa inyong suot na tiyak na mamahalin.", paliwanag ng batang babae "Okay lang ,gusto ka lang namin na samahan doon sa lola mo.", saad niya na nilingon pa niya si Taemon "Sige po Ate.", bago silang dalawa ni Taemon sumama sa batang babae dinaanan muna nila ang left over na pagkain balak niya na lang ibigay sa batang si Alice upang makakain rin ang sinasabing lola nito "Dito ba ang daan patungo sa inyo?",tanong niya "Opo,Ate.", saad nito Isang makipot na iskinita ang kanilang tinahak. Inalalayan naman siya ni Taemon kaya naging maayos ang paglalakad niya sa maliit na daan na ang tanging tanglaw lang ang mga ilaw ng mga barong- barong na nasa gilid nang daan. "Ilang taon kana Alice?", tanong niya "Ten po ", sagot nito "Nag- aaral kapa ba?", ulit niyang tanong "Opo ,pero kanina po absent ako dahil intake kasi ang lola ng kanyang hika...ayon po nagtinda na lang po ako ngayon para po may pangkain at pambili ng gamot ng lola ko.", paliwanag nito Nadurog ang kanyang puso sa narinig mula dito. "Wala ba kayong ibang kasamasa bahay niyo..kasi ang liit mo pa tapos nagtinda ka ng ganyan sa kalsada.", saad niya na ang tinutukoy niya angtinda nitong sampagita "Wala na po akong magulang dahil iniwan po nila ako kila lola..baby pa lang daw ako.", mahinang saad nito "Dito na po tayo..Ate,Kuya..", masaya nitong pahayag "La, dito na po ako!",masiglang sabi ng bata sabay tulak sa maliit na pinto na yari sa tela. Narinig niya kaagad ang boses ng matanda na halatang may sakit "Apo, halika dito at ikuha mo ako nang tubig.", utos ng matandang babae "Opo!", saad nito Pagkatapos isinabit ang bulaklak na sampagita sa isang pako na nakausli niya na sila ni Taemon papunta sa lola nito Sa tulong ng gasera o maliit na ilawan na gawa sa bote na may lamang gaas at tela ito ang ginagamit na ilaw ng matanda upang sa ganun lumiwanag ang paligid. Napakadilikado nito dahil sa isang tulak lang siguradong sunog ang bahay dahil gawa ito sa light material. Nagulat pa siya sa tapik ni Taemon sa kanya napapa- lalim na pala ang kanyang iniisip. "Kanina ka pa kinakausap ng matanda ", bulong ni Taemon sa kanya "Magandang gabi po sa inyo 'Nay", bati niya "Kayo po ba ang kasama ng apo ko?", tanong nito "Gusto po nila kayong makita , Lola.", si Alice "Apo, huwag kang sisingit sa usapan ng matatanda..hala kumuha ka ng upuan sa kusina at paupuin mo ang mga bisita.", utosng matanda sa gitna ng pag- ubo Nasa 70s na siguro ang matanda Nilingon niya ang tahimik na nakatayong si Taemon sa gilid lang bitbit nito ang left over na pagkain. Kinuha niya ito "Lola ako po Catherine at tawagin niyo po ako sa aking palayaw na Cath...ito po may kunting pagkain po kaming ibigay sa inyo.", pahayag niya "T-talaga ba.. akala ko matutulog kami ngayong gabi na walang kain ni Alice.", naluluhang pahayag ni Lola "Ate,..dito po kayo ni Kuya umupo.", saad ni Alice na nilapag ang pandalawahan na bangketo na yari sa kahoy na pinagtagpi tagpi "Apo ilipat mo ang mga ito sa lagayan ", utos ni Lola sa kay Alice "Ano po ito,'LA?", inosenteng tanong ni Alice "Pagkain 'yan..Alice", siya na ang sumagot sa bata Tuwang tuwa naman itong umalis patungo sa kung saan na sigurado sa munting kusina ito tutungo. "Nakapag patingin na po ba kayo sa doktor..Lola?", tanong ni Taemon sa matanda "Wala kaming pera para makapunta ng doktor o kaya sa center...Tama lang ang pera na pambili ng bigas..anak!" sagot nito kay Taemon "Ganito po 'La.. dahil sa gabi na ngayon balikan ka po namin dito bukas at mapatingnan kayo sa espesyalista nang sa ganun mabigyan ka ng maayos at tamang gamot.", pahayag ni Taemon "Salamat sa kabutihan mo anak!", si Lola na naluluha na Hindi niya rin inaakala na ang lalaking malakas at malimit siyang galitin may puso rin pala sa katulad ni Lola. Sa unang pagkakataon napahanga siya nito. "Siya po Lola, tutuloy na po kami at meju malalim na rin ang gabi", saad niya sa matanda habang hinahanap si Alice ang bata na siya ring labas sa pinto na tanging kurtina lang ang tabing "Aalis na po kayo ate?", tanong nito "Samahan mo sila palabas, apo!", utos ng matandang lola "No need na po ,kaya namin ang aming sarili..lola", si Taemon "Oo nga po tama po ang kasama ko..mahirap po sa isang bata na nasa labas pa baka mapahamak pa...babalik pa naman po kami bukas.", saad niya "Hindi ko na kayo pipigilan pa.. mag-iingat kayo sa daan..at maraming salamat sa inyo.", pahayag ni lola Kumaway naman ang bata na si Alice pagkalabas nila sa barong barong ng mga ito. Naglalakad sila sa daan na dinaanan nila kanina nang may lasing na lalaki silang makasalubong. Halatang lasing dahil sa atras abante nitong lakad Tumabi sila dahil sa kipot ng daan halos magkadikit ang kanilang katawan ni Taemon na ikinapula at ikinainit ng kanyang mukha. Naglalakad kaagad siya pagkalagpas ng lasing sa kanila. Wala silang imikan habang lulan na sila ng sasakyan. Nawalan siya ng sasabihin dahil sa awkward na sitwasyon kanina sa eskinita. "Salamat", mahina niyang sabi nang nasa coffee shop na sila .Sa coffee siya nito hinatid dahil sa kanyang kotse. Hindi na siya pumasok sa loob ng kanyang coffee shop at sumakay na sa kanyang kotse upang umuwi na sa kanilang bahay total mag- alas dyes narin ng gabi

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD