KINAHAPUNAN, wala ng ibang inisip si Bornok kundi ang makauwi pagka-out niya. Kailangan niyang diretso ng bahay agad lalo pa’t hindi siya sigurado kung ano ba ang pwedeng mangyari sa kanya kung magtatagal siyang wala roon. Sa paglabas niya sa may kalsada ay napatingin siya sandali sa may bilihan ng street food sa gilid. Naroon na naman nga si Emily. Talaga nga raw yatang mahilig itong kumain ng ganitong klaseng pagkain. “Simpleng-simple lang talaga ng mga gusto niya,” sabi niya sa sarili at napangiti na lamang siya bago tuluyang humarap sa direksyon ng kanyang daraanan sa kabilang bahagi. Bago nga lang siya naglakad, ay bigla niyang naalala si Jupert. Paano raw kung narito pala ito sa paligid? Kilala niya ito, at kung may tumutulong talaga ritong kagaya nina ma’am Mira ay lilitaw ito m