PINAG-USAPAN na nga nina Bornok, Trixie at Mira ang nangyari nitong hapon. Naisipan ng binata na sabihin ang mga nangyari sa dalawa at doon ay kumbinsido na nga silang may kung sinumang taga-Lust World ang maaring tumutulong kay Jupert. “Sasabihin ko ito mamaya kay Grance,” sabi sa sarili ni Mira na seryosong nakinig sa mga sinabi ni Bornok. Matapos ang pag-uusap nila kinagabihan ay nagpasya na nga silang matulog. Sa loob ng kwarto ay makikitang seryosong nakahiga si Bornok habang si Trixie naman ay nakatayo at nakaharap sa isang salamin sa dingding. May inilalagay siya sa kanyang mukha na itinuro sa kanya ng ate niya at napangiti na nga lang nang pasimple si Bornok nang makita iyon. Mukhang tinuruan daw ito ni ma’am Mira kung paano magpaganda ang mga babae rito sa mundo ng mga mor